Third Person's POV
"Ano ka ba naman, Sheiha! Mag-aapply ka as nurse, eh takot ka sa injection?" Nanggagalaiting ani ni Brim sa kaibigan na napakatigas ng ulo.
Ito pa ang isang ugali ni Sheiha na lingid sa kaalaman ng lahat.Napakatigas ng ulo nito na kahit ipukpok mo pa sa semento ay hindi siya tatablan, figuratively speaking.
"Kasi nga, gusto kong mag-nurse. Saka ayoko nang magtrabaho sa gym, ang daming manyak lalo na 'yong may-ari. Nakakagigil kaya at nakakadiri," umakting pa itong nandidiri.
Hindi ito titigil hanggat hindi siya pinapayagan ng kaibigan niya.Napabuntong-hininga na lamang si Brim at umupo ulit. Kumakain sila nang mga oras na iyon ng binuksan ni Sheiha ang usapin. Nag-aalala lamang si Brim sa kaibigan dahil nais nitong magtrabaho sa ospital.
"Alam ko namang nag-aalala ka pero kailangan kong harapin ang kinatatakutan ko," malalim ang kahulugan ng mga salitang iyon na agad naintindihan ni Brim.
Napailing si Brim, "Umamin ka nga sa'kin, Sheiha. Ano ang pakay mo sa ospital?"
Nang-iintriga ang tingin nito sa kaniya. Malalim siyang napahugot ng hininga at uminom ng tubig.Wala talaga siyang maililihim sa kaibigan. Alam nito kung ano ang mga ginagawa niya, wala siyang takas dito.
"May nalaman ako na nasa ospital siya..." nag-angat siya ng tingin sa kaibigan na nakatingin sa kaniya."Ang pumatay kay mama at papa."
Napainom ng tubig si Brim ng wala sa oras. Ito na nga ba ang kinatatakutan niya, ang maghigante ang kaharap.
"Sinabi ko naman sayo na ako na ang bahala roon hindi ba? Nag-usap na tayo ukol dito, Sheiha at nangako ka na hindi makikialam. Alam mong delikado at ayokong madamay ka rin katulad ng mama mo. Muntik ka ng masaktam noong huli mong ginawa ang pangigialam," sabi ni Brim."Ito na talaga ang huli, pangako ko 'yan. Kasi naman, pwede niyo naman akong gawing informant pero ayaw mo. Mas delikado nga ang trabaho mo kaysa sa ginagawa ko," umingos si Sheiha.Inambahan naman siya ni Brim na siyang kinaatras niya. Napanguso siya sa ginawa ng sadistang kaibigan pero alam naman niyang kasalanan niya. Matigas kasi ang ulo, ayan tuloy muntik nang mabatukan kung hindi lamang siya nakailag."Brim naman, masakit ka kaya mambatok. Saka sige na, pumayag ka na. Promise talaga, last na 'to. Hindi na magiging matigas ang ulo ko tapos susundin ko lahat ng utos mo," ungot ni Sheiha na parang bata. Humawak pa ito sa balikat ng kaibigan at niyugyog ito. Nahihilong tinapik-tapik paalis ni Brim ang kamay ni Sheiha. Para talaga itong bata kung umasta. Paano pa kaya kung payagan niya itong magtrabaho bilang nurse? Baka pag-injection niya sa pasyente bigla-bigla. "Hindi rin, 'di ba makakalimutin ka? Ang dami mong dapat na e-memories," alibi pa ni Brim.Sheiha tsked, "Alam mong nagpapanggap lang ako. Sabi ni mama at papa, masyado akong perfect kaya kailangan may flaws naman ako."
Umikot ang mata ni Brim, "Bumabagyo ata ngayon? Hoy, Sheiha! Baka nakakalimutan mong hindi ka matalino? Napagkakamalan ka lang matalino dahil diyan sa retentive memory mo. Anong perfect? Walang taong perfect, lahat may mga flaws. Tadyakan kita riyan, eh!""Brutal mo talaga, sapakin kaya kita?""Sige lang ng mabali buto mo sa kamay, subukan mo ako at makakatikim ka.""Sabi ko nga, kakain na ako. Naku, ang sarap pa naman magluto ni Bryly. Mami-miss ko 'to kapag naging nurse na ako."Naging mabilis ang pagkain nito na naging dahilan para siya ay mabilaukan. Dali-dali siyang uminom ng tubig."Ayan, karma 'yan sa katigasan ng ulo mo," sabi ni Brim habang hinihimas ang likod niya.'Madapa ka sana sa paglabas mo,' piping sumpa ni Sheiha habang umuubo.Sa isang lugar na tinatawag na ospital. Kung saan kaliwa't kanan ang mga tao. Nakakahilo kapag sila ay tinitingnan, nakakaduling din. Mga taong nakasuot ng puting kasuotan na umaasikaso sa mga pasyente na kahit walang tulog ay napaka-fresh paring tingnan.
"Doc, 'yong resume ng mga applicants po nasa table niyo na," sabi ng isang nurse sa isang doktor na chine-check ang mga vitals ng isang batang lalaki.He hummed, "I'll check it later. Na-schedule niyo ba lahat bukas ang interview?" May sinulat ito sa chart na dala pagkatapos ay kinuha ang stethoscope na nakasabit sa leeg nito at ang heartbeat naman ng pasyente ang chi-neck."Opo, pero... kaya niyo po ba lahat bukas? More than fifty applicants po 'yon, baka hindi kasiya sa isang araw," nag-aalalang sabi ng nurse."Bukas lamang ang free time ko, saka 'wag kang mag-alala sa'kin nurse cha."Malamig ang boses nito kung magsalita. Walang ekspresiyon sa mukha, parang hindi nga marunong ngumiti. Lahat ng mga nurse na nagpapakita sa kaniya ng motibong may gusto ito sa kaniya palagi niyang dene-deadma dahil baka ma-misunderstood nito ang mga ipapakita niya. Kung hindi man nadadala sa pande-deadma niya, pinapatalsik niya paalis sa ospital. Wala namang kaso dahil ang pamilya niya ang may-ari ng ospital. Kaya nga siya naghahanap ng nurse para ipalit sa mga napatalsik niya. Dahil imbes na trabaho ang atupagin, puro pagpapa-cute ang ginagawa sa kaniya. May isa pa nga na muntik ng mamatay ang pasyenteng binabantayan dahil sa kaka-stalk sa kaniya. May severe stroke pa naman ang pasyente ngunit salamat sa isang citizen na naroon sa ospital, naagapan ang pangyayari. Kung sana puro matatanda ang nag-aaply sa kaniya pero sa kasamaang palad puro mga bata ito. Para bang nag-aaply lamang para makita siya.Sino ba naman kasing hihindi sa sikat na doktor sa bansa. Madaming mga kabataang babae na gustong maging nurse o doktor dahil sa kaniya. Nais itong masilayan ng nakararami kahit hindi ito namamansin o kaya ay napaka-suplado at hindi umiimik na binatang doktor. Puro trabaho lamang ang inaatupag.
"Doc. Andrius, emergency po sa room 302," imporma sa kaniya ng isang nurse."On it,"Dali-dali siyang umalis sa kwartong kinaroonan ngunit bago umalis ay ibinilin niya kay nurse cha ang dapat na gawin nito sa batang pasyente. "Nakakatakot po siya pero ang astig niya," mahinang sabi ng batang lalaki sa nurse na ngayon ay siyang umaasikaso sa kaniya."Talaga? Hindi lang siya astig kung hindi gwapo pa," sagot ni nurse cha."Pansin ko po na parang ilag siya sa mga babae, bakla po ba siya?"
Natigil ni nurse Cha ang ginagawa at nanlalaki ang matang tumingin sa bata. Agad niyang nilagay ang hintuturo sa bibig nito."Naku kang bata ka. Buti hindi narinig ni doc. 'yon. Kung 'di lagot ka," nahintatakutang ani ng nurse.Inalis naman ng bata ang kamay ng nurse sa bibig niya."Hindi po ba totoo? Iyan din ang sabi ng tito ko. Alam daw niya ang likaw ng mga bituka ng kauri. Magaling lang daw po talaga siyang magtago," inosenting sabi ng bata."Huh? E, bakit naman nasabi ng tito mo 'yon?""Bakla po ang tito ko,"Nagkakatuwaan ang lahat. Excited ang mga bata dahil bakasyon na at napag-pasiyahan ng mga nakakatanda na magbakasyon.
Nakahanda na ang lahat, hinihintay na lamang ang dalawang bata na naroon pa rin sa kwarto. Hindi alam ng mga nakakatanda kung ano ang ginagawa ng dalawa.
"Ano naman kaya ang ginawa ng dalawang batang iyon at natagalan?" tanong ni Marites, ina ni Brim."Naku, baka mga kalokohan na naman ni Sheiha ang mga iyon," sagot naman ng ina ni Sheiha na si Sheena. "Napaka-close ng dalawa. Hindi mapaghiwalay," at tumawa ang ama ni Brim na si Jhon."Sinabi mo pa. Baka nga kung lalaki ang anak nating iyon, sila pa ang magkatuluyan."Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ni Marites. "Kaso, galawang lalaki nga lang ang anak natin. Balak pa atang maging tomboy," nagtawanan na naman sila sa sinabi ni Jhon, ang ama ni Brim. Mula sa kwarto ng batang si Sheiha, naririnig nila ang tawanan ng mga magulang. "Nagkakasiyahan ata sila?" ani ni Sheiha habang naghahalungkat."Hindi, Sheiha. Umiiyak sila, rinig nga natin ang atungal nila 'di ba?" sarkastikong sagot ani naman ni Brim. "Ano ba kasi ang hinahanap mo?" "Nandito lang kasi 'yon, nakita ko pa 'yon kahapon, eh.""Sana prenepare mo na kahapon pa. Anong oras na oh?" sabay tingin sa relong nasa bisig. "Mag-aalas syete nang gabi, tapos magda-drive pa si papa ng isang oras. Bakit ba kasi naisipan nilang lumarga ng gabi? Ayan tuloy, gahol sa oras.""Kasi nga, Bryly... may tinapos pa ang papa mo para sa leave niya. Ano ka ba naman! Umiiral na naman 'yang pagka-short tempered mo at mababang pasensya. Kaltukan kaya kita riyan?" sabi ni Sheiha habang naghahalungkat.Para ng bahay ng ibon ang kwarto nito.
"Ikaw kaya kaltukan ko? Kanina pa ako namumuro sa'yo dahil sa napakatagal mo!"Naiinis na si Brim dahil napakatagal ng kaibigan. Kung ano ang hinahanap nito ay hindi niya alam. Hindi naman masabi ni Sheiha ang hinahanap dahil hindi ito makapag-concentrate sa hinahanap. "Ito na,"Pinakita nito ang isang one piece pink na swimsuit sa kaibigan. Napatanga naman si Brim dahil sa kalokohan ng isa. "Iyan lang pala ang hinahanap mo-""Ahhh!!!"Napasigaw sila ng wala sa oras.Agad silang dumapa at gumapang patungo sa bintana at sinilip ang mga magulang na nasa labas. Sa lakas ng putok ng baril, siguradong rinig iyon ng mga kapitbahay nila. Naalarma rin ang lahat.
"Sheiha, abutin mo ang cellphone mo," utos ni Brim.Gumapang naman ulit si Sheiha patungo sa side table at inabot ng nakayuko ang cellphone. Si Brim naman ay sumilip sa labas upang malaman kung ano ang nangyayari. Doon nakita niya ang kaganapan.Kaya pala humupa ang tawanan ng kanilang mga magulang kanina, hindi na rin nila narinig ang mga ito na nag-uusap. Dahil nakaluhod ang mga ito nang nakataas ang mga kamay habang may mga baril na nakatutok sa kanilang mga ulo. Ang daming nakaitim puwera sa isa. Ito ang nagpaputok ng baril kanina. Nakatutok ang baril nito sa ulo ng ama ni Brim. Pagkakuha ng cellphone ay gumapang si Sheiha pabalik sa kinaroroonan ni Brim. Nakita niya itong umiiyak kaya sumilip din siya. Kung ano man ang nakita ni Brim ay ganoon din ang nakikita niya."Papa..." humihikbing usal ni Brim. "Ahhh!!" Napasigaw naman sila at napahikbing muli dahil sa putok na iyon. Hanggang sa nagkasunod-sunod ang putok ng baril at parehong natumba ang kani-kanilang mga magulang sa damuhan.Hinablot ni Brim ang cellphone ni Sheiha at di-nail ang numero ng ambulansiya. Nang may sumagot na sa kabilang linya ay agad siyang nagsalita."T-Tulong po, 'yong pamilya namin binaril," humihikbing ani ni Brim.Inaalo naman siya ng kabilang linya para makapagsalita siya ng maayos.
Dahil sa nakikita, kinuha ni Sheiha ang cellphone at siya na ang kumausap. Hindi rin nagtagal ng mamatay ang tawag, narinig nila ang mga papalapit na yabag. Agad silang nagyakapan sa takot. Sumilip sila sa bintana at nakita nila na isa na lamang ang tao roon. Ang taong pumatay sa mga magulang nila."N-Nandiyan na sila, Brim.""Shhh, punta tayo doon. Sa ilalim ng kama, doon tayo magtago."Gumapang ulit sila at saktong pagkapasok nila sa ilalim ng kama, siya namang pagbukas ng pintuan."Hanapin niyo sa kabila, baka nandoon. Ako na rito," rinig nilang sabi ng isa.
"Sige," sang-ayon ng iba.Nakikita nila ang papalapit na paa ng lalaki, lumapit ito sa kabinet at dahan-dahan iyong binuksan. Wala itong nakita roon kaya naman, humarap ito sa dereksiyon nila. Pinipilit nilang huwag makagawa ng ingay. Lumuhod ang lalaki at dahan-dahang tinaas ang kumot. Nakita sila ng taong 'yon kaya napalakas ang paghikbi nila."Shhh, baka marinig nila kayo."Nag-sign ito ng tahimik kaya tumahimik sila. Mabilis binalik sa dati ng lalaki ang kumot ng marinig ang mga kasamahan na papalapit.
"Wala sila rito, baka nasa ibaba," sabi ng lalaki at lumabas. Sinarado nito ang pinto kaya nakahinga sila ng maluwag.Hindi nagtagal ay narinig nila ang wang-wang ng ambulansya at pulis. May mga pulis na dumalo sa kanila ng makalabas sila. Agad naman nilang nakita ang mga magulang na pinasok sa ambulansya. Nakatulala lang sila habang kinakausap ng pulis kaya ang mga residenting dumalo na lamang ang kinausap."Sino ang tumawag sa pulisya?" tanong ng isang polis habang may hawak na walkie-talkie.
"Ako po,"
May isang residenting nagtaas ng kamay at nag-usap sila. Nakatulala lamang si Sheiha at Brim na nakaupo sa kotse ng pulis.Dumating ang mga media at dinumog sila kaya napilitan ang mga pulis na dalhin muna ang mga bata sa presinto upang makunan ng statement.
Sa presento, nalaman nila na dead on arrival ang kanilang mga magulang. Parang gumuho ang mundo nila. Na sa gabing iyon, natapos ang masasayang araw kasama ang kani-kanilang pamilya.Third Person's POV'Anghahaba ng biyas!''Jusko! Pati mga daliri, ang hahaba at ang lilinis pa!'Hindi magkamayaw ang isipan ni Sheiha habang nakatingin sa kaharap. Tingin nga lang ba? O' titig na may pagpapantasya?He hummed while checking her resume. Sila lamang dalawa ang nasa silid na iyon. Isa iyong maliit na espasyo na hindi na ginagamit kung kaya't doon na lamang naisipan ng doktor na mag-interview. Nasa premises pa rin sila ng ospital pero malayo-layo ito sa palaging pinupuntahan ng mga doktor at nurse. Tahimik din dito kaya niya naisipang gawing interview room, walang mang-iistorbo."Your course is not related in medicine. Bakit mo naisipang mag-apply? Katulad ka rin ba ng iba na nag-apply lamang para sa'kin?" deretsa at walang kagatol-gatol na ani ng doktor sa kaharap.Napakaseryuso nang tingin nitong nakatingin kay Sheiha. Nag-oobserba kung gagawa ba siya ng m
Third Person's POVNagkanda-uga-uga si Sheiha sa pagkilos para maghanda sa first day niya as nurse. Tinanghali na kasi siya ng gising dahil nasiyahan siya sa panonood ng korean drama kagabi na umabot na siya ng madaling araw bago natapos ang pinapanood. Sa sofa na nga siya nakatulog at kung hindi pa siya nahulog sa hinihigaan ay hindi pa siya magigising."Bryly naman! Bakit hindi mo ako ginising? Alam mo bang ngayon ang first day ko tapos late pa ako? Anong e-aalibi ko nito?!"Naiikot na lamang ni Brim ang mga mata niya. Siya ba naman ang sisihin sa kamiserablehan ng kaibigan? Bakit hindi daw niya ito ginising? Psshh... manigas ito."Hindi ko alam na na-hire ka pala, at bakit ako ang sinisisi mo? Sino ba ang natulog na ng alas-tres ng madaling araw at hindi man lang pinatay ang telebisyon? Sino ang nagbabayad ng kuryente? Sheiha, sino? 'Di ba ako? Sisihin mo 'yang pinapanood mo, nandamay pa.""A
Third Person's POVNawindang ata ang isipan ni Sheiha sa narinig. Tinawag ba naman siyang manang ng crush niya? Total turn off na 'yon para sa kaniya kaya ex-crush na niya ito ngayon. Napakatanda niya bang tingnan? Hah?! Marami ngang nagsasabi na mas bata siya tingnan kaysa sa eksaktong edad niya. May sira ata ang mata ng binatang kaharap at kailangan ng palitan, lumalabo na e."Ikaw ba iyong tumulong sa'kin? Kahit nahihirapan ako ng mga panahong iyon ay hindi pa naman lumalabo ang aking paningin," nakangiting ani ng matanda.Naalala nga niya ito. Lumapit si Sheiha sa matanda ng palapitin siya nito. Hindi niya pinansin ang doktor na nagtawag kanina sa kaniya ng manang. Nababanas pa rin siya hanggang ngayon.'Mamaya ka sa'kin, matitikman mo ang ganti ng isang api!' galit na ani ng isip niya."Ikaw po ba 'yon, lolo? Makakalimutin po kasi ako, hindi ko na maalala..." ngiting sabi ni S
Third Person's POVWala sa mood si Sheiha habang pinaglalaruan ang pagkain na nasa harapan niya. Break time na nila ngunit sa halip ay kumain para may lakas siya mamaya sa trabaho ay ito ang kaniyang ginagawa."Hoy! Ano ba namang mukha 'yan?"Napataas ang tingin niya galing sa pagkaing pinaglalaruan."Huh?""Anong huh?" Ngumunguyang asik sa kaniya ni Sheena.Napangiwi siya dahil ang bilis kumain ng kaharap. Para bang nasa isang food eating contest kung ngumuya. Buti hindi nabubulunan ang isang 'to?"T-Tang *cough* ina!"Dali-dali niyang inabot ang tubig dito habang hinihimas ang likod nito. Sinasabi na nga ba niya, e."Magdahan-dahan ka naman sa pagkain kasi... ayan tuloy." Ina
Sheiha Fajardo's POV"Sheiha? Who's Sheiha?"Nagtatakang tanong ni Andrius kay Clinton nang mabanggit nito ang pangalang 'yon.The hell?Tiningnan ko si Clinton at pinanlakihan ng mata. Naitikom nito ang bibig at napaiwas ng tingin. Make an alibi, you idiot!"Ah-eh, siya..." tinuro niya ako.Gusto atang makatikim ng batok itong lalaking 'to! Pinapahamak ako e!"I mean, Sheena. This is Andrius, Sheena and Andrius this is Sheena."Parang tanga!Napataas ang kilay ni Andrius sa sinabi ni Clinton. Ang eksprisyon ng mukha nito ay parang sinasabing 'Sabog ata 'tong ulupong na 'to'. Gagong Clinton, pinakilala ba naman kami sa isa't isa e boss ko nga 'tong antipatikong doktor na 'to?"I already know her, Camero. I'm a
Sheiha Fajardo's POVGusto niya akong makausap?And with that, my heart is starting to beat so fast that I forgot to breath for a second. Anong kailangan niya? Nakilala ba niya ako? Bakit ko ba kasi tinanggal ang mask ko kanina! Muntik na ako kanina dahil kay Clinton, ngayon naman..."Sheena? Are you okay?" I snapped from my reverie."Huh? Ah-eh medyo hindi pa ako nakaka-recover kanina, doc. Maaari po ba akong magpahinga muna?"Totoo naman, napagod ako. Parang bigla akong nawalan ng lakas kanina, hindi lang ang katawan ko pati na rin ng isip ko."It's fine, alam kong na-trauma ka sa nangyari. Take some rest, or you can have an early leave for today."Guni-guni ko lang ata 'yon. May nakikita akong pag-aalala sa mga mata niya. Oo nga pala, normal lang naman kung mag-aalala
Third Person's POV"Bakit ka nga pala dumalaw? Akala ko busy ka ngayon? Wala ka nang inaasikaso? Wala ka ng tatrabahuin?""Kailangan talagang sunod-sunod ang tanong? Bakit? Disappointed ka dahil hindi si dok. ang maghahatid sa 'yo pauwi? New crush mo? Bakit hindi mo sabihin sa 'kin? Bakit hindi mo naikwento na lumalandi ka lang pala sa ospital? Sana sinabi mo agad na dahil sa crush mo kaya ka naging nurse na napakataliwas sa kinuha mong kurso, e... 'di sana hindi na lang kita pinigilan ano?"Napahawak si Sheiha sa sentido dahil sa sunod-sunod na tanong na iyon ng pinsan. Hindi niya ma-reached ang mga pinagsasabi nito. Ano nga ulit 'yon? Sabagay, kasalanan naman niya dahil siya ang nagsimula nito."Tama na, sumasakit ang ulo ko, Bryly."Brimme tsked, "Ayan, may pahatid-hatid pa kasing nalalaman. Sheiha, tandaan mo kung bakit ka nandoon. Saka bakit mo kasama ang Clinton na 'yon?!"&
Sheiha Fajardo's POVPalipat-lipat ang tingin ko sa dalawang taong kaharap na napakahalatang nag-iiwasan pero pilit na tinitingnan ng palihim ang isa't isa.Kumagat ako sa hawak na mansanas habang pinabaling-baling ang ulo. Ang isa ay nakahalukipkip habang nakasandal sa sofa. Ang isa naman ay nakatukod ang siko sa sandalan at doon nangalumbaba habang nagbibilang 'kuno' ng tupa sa kesame.'Anong nakain ng mga 'to?'Napangiwi ako nang pilit sinisilip ng binatang nakapangalumbaba ang dalagang hindi maipinta ang mukhang nakahalukipkip na nakasandal sa sofa.Tsk, tsk, tsk...Dahan-dahan akong tumayo para iwan sila, "Aalis...muna...ako...kasi–""Dito ka lang!"Na agad ding napabalik sa inuupuan dahil sa galit na ekspresiyon ni Brimme."Sabi ko nga, hindi ako aalis. Saka hindi ko pa tapos kainin itong appl
Sheiha Fajardo's POV"Akala ko nakalimutan mo na kung paano maglaro," sabi ni Calex habang hinaharangan ang goal net.Nagkibit-balikat ako at naghandang sipain ang bola. I should focus enough to set a goal. Even though I don't remember this guy, my heart feels like Calex had been my friend for a long time."Huwag mo masyadong galingan!" sigaw na niya nang bumwelo ako pasipa.Nang masipa ko na ay siya namang pagtakbo niya paharang sa bola para hindi ito makapasok. Napangisi ako pagkatapos niyang madapa at hindi naharangan ang bola."I thought you'll teach me how to play? It turns out..." I cover my mouth to suppress my chuckle.Umingos siya at bumangon. Pinagpagan muna niya ang sarili bago nag-umpisang naglakad papalapit sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko at agad na tumakbo palayo sa kaniya.Run for your life. An enemy is after you!
Sheiha Fajardo's POV"Vice! Sabi ko naman sa 'yo, walang makakatanggi sa ganda mo!" sigaw ni baklang Ruiz-za habang tumatakbo.Muntik pa itong madapa buti na lang ay nakahawak siya sa railing sa gilid ng bletcher. Naku, kung hindi..."Jusmi, vice! Pumayag si Mr. representative natin! Wala na tayong problema, all we have to do was to practice the walk and your talent," Excited itong pumunta sa harap ko, tinulak pa si Clinton na napayakap kay —Bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan ng taong ito? — at lumuhod sa harapan ko na para bang walang ibang tao bukod sa amin."O-Okay, na... hehehe."Napangiwi ako sa itsura niya ngayon. Kung kanina ang haggard lang niya, ngayon naman mukha na siyang aswang sa pagka-haggard. Jusmi, anong pinaggagawa ng babaeng ito? May uling pa siya sa mukha!Agad akong kumuha ng panyo sa bulsa ko at i
Sheiha Fajardo's POVNagtataka lang ako kung bakit hindi tumunog ang selpon ko kahapon noong nasa library ako. Nang chineck ko ang selpon ko, naka-set naman ang alarm. Hindi rin naka-silent. Wala rin namang miss alarms.Hindi kaya...Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa hawak kong phone. Hindi kaya totoo iyong bali-balita na may multo talagang nagpagala-gala sa library? Jusmi, buti na lang talaga tulog ako sa panahong iyon, kung hindi, baka nahimatay na ako. Takot pa naman ako sa multo."Biyutipol, bise! Magchi-cheer ka ba ngayon kila Kian?!" Napalingon ako kay bakla na dalawa ang kasarian."Boy—""Bae! Bise, Bae ang pangalan ko!"Umiling-iling ako at sumabay sa kaniya sa paglalakad. Sinilid ko na rin sa bulsa ko ang cellphone ko, dahil kung hindi, baka mabaliw ako kakaisip sa timawang multong nakatira sa library na i
Sheiha Fajardo's POVBlink, blink, blink..."Salamat po sa tulog, at walang mga alien ang umistorbo—"Agad akong napabangon dahil sa ilaw na tumambad sa akin pagkadilat ng mga mata ko. Agad kong dinampot ang cellphone kong nakapatong sa lamesa at tiningnan ang oras. Napatakip ako ng bibig pagkakita ko sa oras.Seven p.m. na..."Bakit ka hindi tumunog selpon ko!" bulyaw ko sa cellphone kong walang kamuwang-muwang.Agad akong tumayo at patakbong nagtungo sa pinto. Sa nanginginig na kamay, kinuha ko ang ID ko at ini-scan ito sa pinto pero hindi gumagana."Si Bryly, jusmi... Si Bryly!" Kinuha ko ang cellphone ko upang tawagan si Brimme. Iyon na lang ang huling option ko para makalabas!"You don't have enough load balance to make this call..." Naiiyak kong inilayo ang cellphone sa tainga ko ng marinig sa
Sheiha Fajardo's POVAng saya talaga kapag walang klase, ano? Nagagawa mo ang lahat, matulog, kumain, maglakwatsa, maglampungan, lahat-lahat na. One for all, all for one."Nauuhaw ako, gusto ko ng juice. Magpapabili ka ba, Bryly?" Lumapit ako sa desk niya at pumangalumbaba roon.Nagbabasa siya ng libro habang may head phone. Pero alam kong hindi siya nakikinig ng music. It's her way of saying, 'stay away from me', 'don't approach me'.She just hummed. Hindi man lang ako tinapunan nang tingin kahit saglit. Ouch, na hurt ako ng slight doon."Sheiha, pakitago muna 'to." May inaabot si Clinton na isang brown envelope na nakasilid sa plastic envelope. Lumapit siya sa akin habang nakatingin sa hawak na selpon. Naglalaro na naman ito panigurado."Ano 'to?" Sinisipat ko ang bagay na 'yun pagkaabot ko mula sa kaniya."May k
Andrius Lexton's POVI stare at him."I beg your pardon?"He sighed and smiled. Tumingin siya sa hindi kalayuan namin kung saan nag-aasaran sina Brimme at Clinton. Well, more on nang-aasar si Clinton kay Brimme."You see, everything are not in there right places as of now. Kapag nakialam pa ako, kami.... mas gugulo lang." Naiintindihan ko siya. I always do, cause he's my patient."You save her before–""And that would be the last time. Hindi naman talaga si Sheiha ang dahilan kung bakit ko 'yun nagawa. I beg someone inferior to reach my goal, and I already reached it. It is a coincidence that someone also beg for Sheiha to live, and that's not me. I've already move on, and I plan to move forward. I want to set aside everything and focus on healing," Tumingin siya sa akin, maaliwalas na ang mukha niya ngayon."If you already reached
Andrius Lexton's POV"Mukhang huli na tayo," sabi ni Clinton habang pinapalibot ang paningin sa kabuuan ng lugar na kinaroroonan namin ngayon."Wala akong makita na nanlaban sila or what. Nasa ayos ang lahat ng bagay sa loob..." sabi naman ni Brimme na kagagaling lang sa loob ng maliit na bahay."Are you sure that they are here?" Lumapit ako sa may pintuan at yumuko."Oo, may mga bangko at lamesa sa likod. Doon siya nakaupo sa litrato habang nakatingin sa kalangitan 'di ba?"Kinuha ko ang isang piraso ng papel na nasa sahig. The paper was crashed, and it looks like someone step on it."Damn, bakit nila nalaman na pupunta tayo rito? Sinong traydor sa ating tatlo, hah?!" Hindi ko pinansin ang patutsada ni Clinton at binuksan ang nakalukot na papel.'Someone that close to your heart.'That's what
Sheiha Fajardo's POVNakakunot-noo akong nakatingin kay Dane at iyong nakamaskarang lalaki na nag-uusap sa malayo, na tinatawag nilang Mr. Kang."Alam mo ate, pangalawang kita ko na sa lalaking 'yan."Nilingon ko si Zana sa tabi ko na katulad ko, nakatingin din siya sa dalawang lalaki. Hindi ko alam kung nasaan ang alipores na si Aaron. Bigla-bigla lang kasi iyong sumusulpot na parang kabute sa kung saan-saan.I hummed, "Talaga? Saan iyong una?"Tumango siya, "Nakita ko siyang kausap ni papa. Hindi ko na maalala kung ilang taon na ang nakakalipas pero sigurado akong siya 'yun."Nilingon ko ulit ang dalawang lalaki habang nakahalukipkip. Naipilig ko ang ulo at pilit inisip kung saan ko nakita ang lalaking 'yun. He seems familiar to me, though I can't recall where did I saw this man. But still, I'm not sure if it was just deja vù, or I did se
Sheiha Fajardo's POVNapahawak ako sa ulo ko nang sumakit ito ng kunti. I sometimes wish that everytime my head hurts, I can reminisce some memories in my past. But nothings happening. Though, those blured dreams I've been seeing every night was some sort of something that I can't explain. I had hopes that it was part of my memories but I can't tell."Ate! May ginawa kami ni kuya, Aaron na is... is... Ano nga po ulit ang tawag dito?" Bumaling ito sa nakasunod na lalaki."Script..." natatawang sagot ng lalaki at sumaludo sa akin. Tinanguan ko lang siya at binalingan ulit si Zana na kinukulit akong lumabas kami."Iskrip... Skrip... Scriptt? Bakit ang dali lang para sa inyo na sabihin ang salitang 'yun?" Nakanguso ito habang nakatingin sa lalaking nakasunod sa amin. Sa makatuwid, hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya.Hindi naman siya mapapatid ng bato 'di ba? M