Share

Chapter 10

Author: EJ QUINO
last update Last Updated: 2021-11-05 14:28:07

Sheiha Fajardo's POV

Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawang taong kaharap na napakahalatang nag-iiwasan pero pilit na tinitingnan ng palihim ang isa't isa.

Kumagat ako sa hawak na mansanas habang pinabaling-baling ang ulo. Ang isa ay nakahalukipkip habang nakasandal sa sofa. Ang isa naman ay nakatukod ang siko sa sandalan at doon nangalumbaba habang nagbibilang 'kuno' ng tupa sa kesame.

'Anong nakain ng mga 'to?' 

Napangiwi ako nang pilit sinisilip ng binatang nakapangalumbaba ang dalagang hindi maipinta ang mukhang nakahalukipkip na nakasandal sa sofa.

Tsk, tsk, tsk...

Dahan-dahan akong tumayo para iwan sila, "Aalis...muna...ako...kasi–"

"Dito ka lang!"

Na agad ding napabalik sa inuupuan dahil sa galit na ekspresiyon ni Brimme.

"Sabi ko nga, hindi ako aalis. Saka hindi ko pa tapos kainin itong apple ko, hehehe..." at kumagat sa hawak na mansanas.

Napailing na lang ang pinsan at hindi na natiis ang kanina pa na katahimikang bumabalot sa buong sala.

"Ano palang ginagawa nito rito? Bakit ka nagpapasok ng 'hindi welcome' na 'bwesita'?" May diin ang bawat salitang inilalabas ng bibig nito.

Napalunok ako dahil sa panlilisik ng mga mata ng pinsan habang nakatingin ito sa 'kin. Bakit ba ako ang binabalingan nito ng pagkainis? E, wala naman akong ginagawa. Nagulat nga lang ako at biglang sumulpot ang ulupong na 'yan sa loob ng bahay. Hindi ko nga alam kung paano ito nakapasok.

Nagkatinginan kami ni Clinton,

"A-Ano... hindi ko alam. Bigla na lang 'yang sumulpot sa kusina at nanghingi ng makakain. Saka naawa lang ako kaya ko siya pinayagan. Pilit ko talaga siyang pinapaalis pero ayaw niya."

Nanlaki ang mga mata ni Clinton habang nakikinig sa mga lintaya ko. Hindi ito makapaniwalang pinakanulo ng isang traydor na kaibigan.

"Tapos ayon, sa pagpapaalis ko sa kaniya hindi namin namalayan na pababa ka kaya wala kaming choice kung hindi magtago siya. Ang takaw kasi. Akalain mo 'yon? Inubos niya 'yong dapat ay ulam ko na ginawa mo? Ayon tuloy, ang liit lang ng kinakain ko kaya ito, mansanas na lang inaano ko."

Nakita kong napapangiwi si Brimme sa mga pinagsasabi ko. Kahit ako ay binabatukan na ang sarili dahil sa walang kwentang mga pinagsasabi ko. Lagot na. Bakit ba hindi ako marunong magsinungaling?! Bakit ba hindi ako magaling umakteng! 

"Aalis na ako, may trabaho pa ako bukas– I mean mamaya."

Hindi ko na sila hinintay pang makapagsalita dahil dali-dali na akong tumakbo paakyat. Pagkarating ko ng kwarto ay agad kong sinarado ang pinto at sumandal dito. Napatampal naman ako sa noo ng maalalang nag-leave nga pala ako. 

Pshh. Kibago-bago ko tapos nag-request ako ng leave? Ng isang buong linggo? Para namang may favoritism na nangyayari dahil agad akong pinayagan ng may-ari ng ospital na pinagtatrabahuan. 

"That was so lame, Sheiha!" Kastigo ko sa sarili.

Napapabuntong-hininga na lamang akong lumapit sa kama ko saka patamad na tumalon dito. 

"Arrrgghhh!!!!!" 

Kumakawag-kawag kong sigaw. Nang mapagod ay tumihaya akong tumingin sa kesame. Nai-imagine kong nakangiti si Andrius sa 'kin habang nakadungaw galing sa kesame. Mapuputi ang pantay nitong mga ngiti habang may dalawang dimple na hindi naman gaanong malalim sa gilid ng pisngi nito. Teka– may dimple ba si Andrius? Hindi ko pa 'yon nakitang ngumiti kaya hindi ko alam kung meron. Sino nga ang nakita kong may dimple...?

Ah, iyong ex ni Brimme. Si Clinton na kulukoy. Ganoon na ba katagal simula noong huli naming kita para makalimutan ko? Kailan ba kami huling nagkita?

'Kanina lang, Sheiha.'

Ah, oo nga pala. Kakakita lang namin mga ilang munuto ang nakakalipas. Teka, bakit nagiging makakalimutin ako this past few days? Una, nakalimutan kong sira na iyong orasan sa sala. Pagkatapos ay palagi kong nakakalimutan ang pananghalian ko kaya palagi akong bumibili sa cafeteria o' hindi kaya ay magpapadala kay Brimme ng makakain. Anong nangyayari sa 'kin?

Bigla ay sumakit ang ulo ko. Napahawak ako rito saka tiningnan ang maliit na orasan sa side table. Mag-a-alas sais na pala ng umaga. Hindi ako dinadalaw ng antok. Iyon nga lang, sumasakit ang ulo ko.

Ano na kaya ang nangyayari sa dalawa ngayon? Siguro pinalayas na ng pinsan kong pinaglihi ata sa sama ng loob ni tita. Minsan lang makausap ng matino. Buti pa ako, gifted. Mabait, matalino, saka matinong kausap. Ang galing 'di ba? 

Napangiti ako ng mapait. Kung buhay pa kaya sila magiging ganito ba ang buhay namin? Siguro hindi dahil ayaw ng mga iyon na hindi kami masaya. Ayaw nilang nakikita kaming malungkot. Ayaw nilang nagkakasakit kami. Na sa kunting pagsakit lang ng ulo, ngipin, tiyan at kung saan-saan pang parte ng katawan namin ay hindi na sila mapakali. Siguro kung nabubuhay pa sila ngayon, hindi namin dinadanas ni Brimme ang mga nararanasan naming sakit ngayon. Hindi ko sana makakalimutan ang nakaraan ko kasama sila.

Kung siguro hindi nangyari ang aksidente, na nauwi sa trahedya, hindi sana ako naririto ngayon at nakahilata sa kama lang. Hindi sana maghihiwalay sina Brimme at Clinton. Pero sino ba ang niloloko ko? Syempre ang sarili ko lang din. Walang forever kaya maghihiwalay at maghihiwalay lang din sila sa huli. 

"Masilip ka 'yong dalawa."

Minsan naiinis na ako sa dalawang iniwan ko sa baba. Halata naman na mahal pa rin nila ang sarili pero bakit pa nila pinahihirapan ang sarili? Mga boplaks talaga. 

Daha-dahan akong sumilip sa labas ng pinto.

"Anak ng demonyong kabayo!"

Gulat akong napahawak sa dibdib ng makita si Brimme na nakahalukipkip sa labas ng pinto. 

"Ikaw ang papatay sa 'kin, Bryly!" bulyaw ko rito nang nakakunot ang noo.

Mas naging masama ang timpla ng mukha nito. Napangiwi ako. Hindi pa pala kami ayos nito...

"Talagang ako ang papatay sa 'yo kapag pinapasok mo pa ang kulukoy na 'yon dito sa bahay." 

Napakamot ako sa batok,

"Hindi naman talaga ako ang nagpapasok, e..."

Totoo naman. Malay ko ba kung may sa demonyo ang lalaking 'yon. Kung saan-saan lang sumusulpot na parang kabute.

"Huwag ka ng magpaliwanag. Bumaba ka na roon at kumain. Nababanas ako sa inyo!"

"Pinaalis mo na siya?"

Naiinis nitong tinuro ang kusina,

"Bumaba ka na roon at kumain! Pagkatapos ay paalisin mo na ang buwesetang 'yon." 

Nagmartsa itong nagtungo sa kwarto at pumasok. Binalibag pa nito ang pintuan na siyang kinaigtad ko.

Nagkibit-balikat lang ako. Halata namang naiilang lang siyang makasama ang nakaraan niya. Ito namang isa, may balak pa atang magpapansin. Like duh? The hell I care. Bahala sila sa buhay nila.

Pumasok ulit ako sa kwarto saka ni-lock ang pinto. Hindi ako kakain dahil busog ako. Padapa akong tumalon sa kama at niyakap ang unan ko.

"Ang gwapo talaga ng asawa ko! Nakakagigil ka Lee Min Ho!"

Related chapters

  • Chasing that Light   Chapter 11

    Sheiha Fajardo's POVDinampot ko kung ano lang ang mahawakan ng mga kamay tapos tulak na ulit sa cart. Naiinis ako. Nababanas ako. Gusto kong manuntok pero dahil mabait ako, mas magpapakabait pa ako kaya restrain lang self.Nginitian ko ang bawat taong nakakasalubong ko rito sa grocery store. Na kahit langgam ay magsisilapitan dahil sa tamis niyon. Gusto kong mambalibag ng mga paninda. Kahit isang lata lang para kahit papaano ay mawala itong inis ko.Alam naman ni Brimme na hindi ko gusto ang mag-grocery! Nakapadaming iba't ibang brand tapos kailangan ko pang mamili ng trusted. Alam kong pinaparusahan ako ng pinsan kong 'yon dahil sa ex boyfriend niyang kulukoy! Kapag ako talaga nakita ko ang jowa ko noon baka siya ang pagbuntungan ko ng galit."Miss, pinapatay niyo na po iyang fudge bar... nadudurog na po," sabi ng isang lalaking stuff.Napangiwi ako saka dahan-dahan ibinalik ang fudge

    Last Updated : 2021-11-06
  • Chasing that Light   Chapter 12

    Sheiha Fajardo's POV"Doc, ano pong ginagawa niyo rito?" Nakangiting tanong ko kay Andrius na kanina pa nakakunot ang noo.Katangahan mo na naman, Sheiha! Anong meron sa tanong mong 'yan at palagi mong tinatanong? Kahit napaka-obvious naman nang sagot?Hindi naman niya narinig ang tawag ni Dane sa 'kin kanina, 'di ba? Sana hindi, dahil kapag nagkataon na narinig niya, bulilyaso lahat ng plano ko."Grocery."Napatango-tango ako saka isa-isa silang tiningnan, "Paano ba 'yan, nice meeting you all. Mauuna na ako dahil baka nag-aalburuto na ang tigre na alaga ko sa bahay.""You have a tiger on your house?!" Gulat na tanong ni Shane.Natawa ako,"Hindi naman literal na tigre, mahal.""Is it Brimme?" tanong naman ni Dane.Nakanguso akong tumango-tango. Napatango naman siya. Nagtanguan kaming d

    Last Updated : 2021-11-07
  • Chasing that Light   Chapter 13

    Sheiha Fajardo's POVPagkabukas ni Brimme ng gate ay pagtataka agad ang siyang naging ekspresiyon niya.Kailangan ko pa siyang tawagin dahil ni-lock niya mula sa loob ang gate. Para ata siguruhing hindi ako makakapasok kapag hindi ko dala iyong mga juice niya. Ano bang meron sa juice at napakaadik ng isang 'to?"Good day," bati ni Andrius kay Brimme."Same..."Binigyan ako ni Brimme ng nagtatanong na tingin. Napabuntong-hininga ako saka nagkibit-balikat."Ewan," sagot ko na lang.Paano ba naman kasi. Ang kargador ng mga pinamili ko ay si Andrius. Siya na nga ang bumili lahat ng mga dala namin, siya pa ang nagbayad. Silbi, dobleng grasya, dobleng libre ang dumating sa 'kin ngayong araw na ito. Pinagpala ka nga naman. Akala ko kamalasan ang magiging bungad kapag nakita ko ang dalawang ex ko ngayon —ex-boyfriend, saka ex-crush— hin

    Last Updated : 2021-11-08
  • Chasing that Light   Chapter 1 4

    Sheiha Fajardo's POV"Bakit hindi ka naka-uniform?""Eh?"Tiningnan ko ang suot ko. Isang high waisted jeans na pinaresan ng isang white T-shirt na may print na 'Pretty'. Naka-tack in ito sa jeans. Pinaresan ng converse shoes."Uniform? May nag-u-uniform kapag magre-resign? 'di ba naka-casual lang sila?"Nakita ko ang pagkunot ng noo sa mukha ni Brimme. Siguro nakalimutan niya iyong sinasabi ko noong nakaraan. Huminga ako ng malalim saka nginitian siya."Magre-resign na ako sa—""Alam ko."Ako naman ang napakunot-noo."Pero hindi ko aakalain na gagawin mo talaga 'yun. I thought you're just bluffing," dagdag niya."Well..." Umupo ako sa katapat na inuupuan niyang sofa, "Nangako na ako sayo na magpapakabait na ako.""At ito ang pagpapakabait

    Last Updated : 2021-11-09
  • Chasing that Light   Chapter 15

    Madilim ang paligid. May black-out ba? Hindi ba nakabayad ng kuryente si Brimme? Pero imposible 'yun dahil hands on siya kapag bayaran na ang usapan. Ayaw nun ang matambakan ng mga bayarin. Pinakaayaw nga niya ay iyong nangungutang. Pero bakit ang dilim sa kinatatayuan ko?Paggising ko ay ito na agad ang bungad sa 'kin. Anong oras na ba? Ilang oras ba akong natulog at naabutan ako ng kadiliman ng gabi? Akala ko ba gigisingin ako ni Brimme kapag tapos na siyang magluto ng pananghalian? E, bakit ang ang dilim na sa labas? Wala akong makita kahit sinag pa ng buwan.Bumangon ako saka kumakapa sa paligid. Una kong hinawakan ang dingding at naglakad gamit ito bilang gabay para makarating sa pintuan. Nang mahawakan ko na ang door knob, agad ko itong pinihit at lumabas. Gaya nang ginawa ko kanina, hinawakan ko ang dingding para makarating sa kwarto ni Brimme.Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin n

    Last Updated : 2021-11-10
  • Chasing that Light   Chapter 16

    Sheiha Fajardo's POV"Paano ba 'yan, nandiyan na ang sundo ko," sabi ni Lian habang nakahawak sa strap ng bag niya.Tiningnan ko ang paparating na magarang sasakyan, saka napangiti. Naalala ko kasi bigla iyong mga panahon na hinahatid ako ni papa sa school gamit ang kotse namin. Habang nag-aaway kami ni Brimme sa likuran, sila mama at papa naman ay nagtatawanan dahil sa kakulitan namin. Salitan ang mga magulang ko at mga magulang ni Brimme sa paghahatid sa amin. Kapag walang trabaho si papa ay siya ang maghahatid, kapag si tito naman ang wala, siya ang naghahatid sa 'min. Pero mostly, si tito dahil palaging busy si papa."Sasabay na ako sa 'yo, pwede? May bibilhin kasi ako sa mall, magpapakuha na lang ako roon," May hinahalungkat si Dolly sa bag niya habang sinasabi 'yun.Agad namang tumango si Lian,"Ikaw, Sheiha. Hindi ka sasama?"Umiling ako saka siya nginitia

    Last Updated : 2021-11-11
  • Chasing that Light   Chapter 17

    Sheiha Fajardo's POVNaipilig ko ang ulo habang hawak ang batok. Hindi ko maintindihan—hindi, wala akong maintindihan. Wala akong maunawaan sa mga nangyayari."Bakit walang laman ang vault? Anong ibig sabihin nun?"Wala akong magawa kung hindi ang tanungin ang sarili ko nang paulit-ulit hanggang sa malaman ko ang sagot. Hindi man sinasabi ni Brimme ang iba pang detalye, alam kong may mas malaki pang kaganapan ang nangyayari ngayon."Pero bakit kami binigyan ni papa ng kwintas na may nakatagong susi? Bakit bigla na lang siyang nawala pagkatapos ibigay iyon kay Bryly?"Bakit nga ba? Kahit sa tanong na iyon ay wala akong sagot. Noong tinanong ko naman si Brimme tungkol dito ay wala rin siyang alam."Bakit hanggang ngayon hindi siya nagbibigay ng pahiwatig kung buhay pa nga siya gaya ng sinasabi ni Bryly? Na hindi talaga siya kinidnap, na sa palag

    Last Updated : 2021-11-13
  • Chasing that Light   Chapter 18

    Sheiha Fajardo's POV"Salamat ng marami," sabi ko at lumabas na ng kotse niya. Pero nagtaka ako nang lumabas din siya at sumabay sa paglalakad ko."I also have an appointment here." Tumingin ito sa 'kin, "I didn't know that you work here."Nagkibit-balikat ako, "Hindi ka naman nagtatanong.""Do I have to? Wala bang magagalit?"Ngumiti ako. Sometimes, life is good to us. Kung sino pa ang taong nagawan mo nang masama noon, siya pa ang umiintindi sa'yo ngayon. Things may be difficult for us in first, but through the process of letting go, moving on and forgiving both parties, you can achieve the peace you've been longed for.Same old, Dane. Nothing change, huh? He doesn't want to interfere others businesses kung hindi naman siya kasali rito. He keep his mouth shut and pretend not to know. Saka lang siya kikilos kung may kinalaman sa kaniya ang bagay na 'yun.&nbs

    Last Updated : 2021-11-14

Latest chapter

  • Chasing that Light   Chapter 33

    Sheiha Fajardo's POV"Akala ko nakalimutan mo na kung paano maglaro," sabi ni Calex habang hinaharangan ang goal net.Nagkibit-balikat ako at naghandang sipain ang bola. I should focus enough to set a goal. Even though I don't remember this guy, my heart feels like Calex had been my friend for a long time."Huwag mo masyadong galingan!" sigaw na niya nang bumwelo ako pasipa.Nang masipa ko na ay siya namang pagtakbo niya paharang sa bola para hindi ito makapasok. Napangisi ako pagkatapos niyang madapa at hindi naharangan ang bola."I thought you'll teach me how to play? It turns out..." I cover my mouth to suppress my chuckle.Umingos siya at bumangon. Pinagpagan muna niya ang sarili bago nag-umpisang naglakad papalapit sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko at agad na tumakbo palayo sa kaniya.Run for your life. An enemy is after you!

  • Chasing that Light   Chapter 32

    Sheiha Fajardo's POV"Vice! Sabi ko naman sa 'yo, walang makakatanggi sa ganda mo!" sigaw ni baklang Ruiz-za habang tumatakbo.Muntik pa itong madapa buti na lang ay nakahawak siya sa railing sa gilid ng bletcher. Naku, kung hindi..."Jusmi, vice! Pumayag si Mr. representative natin! Wala na tayong problema, all we have to do was to practice the walk and your talent," Excited itong pumunta sa harap ko, tinulak pa si Clinton na napayakap kay —Bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan ng taong ito? — at lumuhod sa harapan ko na para bang walang ibang tao bukod sa amin."O-Okay, na... hehehe."Napangiwi ako sa itsura niya ngayon. Kung kanina ang haggard lang niya, ngayon naman mukha na siyang aswang sa pagka-haggard. Jusmi, anong pinaggagawa ng babaeng ito? May uling pa siya sa mukha!Agad akong kumuha ng panyo sa bulsa ko at i

  • Chasing that Light   Chapter 31

    Sheiha Fajardo's POVNagtataka lang ako kung bakit hindi tumunog ang selpon ko kahapon noong nasa library ako. Nang chineck ko ang selpon ko, naka-set naman ang alarm. Hindi rin naka-silent. Wala rin namang miss alarms.Hindi kaya...Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa hawak kong phone. Hindi kaya totoo iyong bali-balita na may multo talagang nagpagala-gala sa library? Jusmi, buti na lang talaga tulog ako sa panahong iyon, kung hindi, baka nahimatay na ako. Takot pa naman ako sa multo."Biyutipol, bise! Magchi-cheer ka ba ngayon kila Kian?!" Napalingon ako kay bakla na dalawa ang kasarian."Boy—""Bae! Bise, Bae ang pangalan ko!"Umiling-iling ako at sumabay sa kaniya sa paglalakad. Sinilid ko na rin sa bulsa ko ang cellphone ko, dahil kung hindi, baka mabaliw ako kakaisip sa timawang multong nakatira sa library na i

  • Chasing that Light   Chapter 30

    Sheiha Fajardo's POVBlink, blink, blink..."Salamat po sa tulog, at walang mga alien ang umistorbo—"Agad akong napabangon dahil sa ilaw na tumambad sa akin pagkadilat ng mga mata ko. Agad kong dinampot ang cellphone kong nakapatong sa lamesa at tiningnan ang oras. Napatakip ako ng bibig pagkakita ko sa oras.Seven p.m. na..."Bakit ka hindi tumunog selpon ko!" bulyaw ko sa cellphone kong walang kamuwang-muwang.Agad akong tumayo at patakbong nagtungo sa pinto. Sa nanginginig na kamay, kinuha ko ang ID ko at ini-scan ito sa pinto pero hindi gumagana."Si Bryly, jusmi... Si Bryly!" Kinuha ko ang cellphone ko upang tawagan si Brimme. Iyon na lang ang huling option ko para makalabas!"You don't have enough load balance to make this call..." Naiiyak kong inilayo ang cellphone sa tainga ko ng marinig sa

  • Chasing that Light   Chapter 29

    Sheiha Fajardo's POVAng saya talaga kapag walang klase, ano? Nagagawa mo ang lahat, matulog, kumain, maglakwatsa, maglampungan, lahat-lahat na. One for all, all for one."Nauuhaw ako, gusto ko ng juice. Magpapabili ka ba, Bryly?" Lumapit ako sa desk niya at pumangalumbaba roon.Nagbabasa siya ng libro habang may head phone. Pero alam kong hindi siya nakikinig ng music. It's her way of saying, 'stay away from me', 'don't approach me'.She just hummed. Hindi man lang ako tinapunan nang tingin kahit saglit. Ouch, na hurt ako ng slight doon."Sheiha, pakitago muna 'to." May inaabot si Clinton na isang brown envelope na nakasilid sa plastic envelope. Lumapit siya sa akin habang nakatingin sa hawak na selpon. Naglalaro na naman ito panigurado."Ano 'to?" Sinisipat ko ang bagay na 'yun pagkaabot ko mula sa kaniya."May k

  • Chasing that Light   Chapter 28

    Andrius Lexton's POVI stare at him."I beg your pardon?"He sighed and smiled. Tumingin siya sa hindi kalayuan namin kung saan nag-aasaran sina Brimme at Clinton. Well, more on nang-aasar si Clinton kay Brimme."You see, everything are not in there right places as of now. Kapag nakialam pa ako, kami.... mas gugulo lang." Naiintindihan ko siya. I always do, cause he's my patient."You save her before–""And that would be the last time. Hindi naman talaga si Sheiha ang dahilan kung bakit ko 'yun nagawa. I beg someone inferior to reach my goal, and I already reached it. It is a coincidence that someone also beg for Sheiha to live, and that's not me. I've already move on, and I plan to move forward. I want to set aside everything and focus on healing," Tumingin siya sa akin, maaliwalas na ang mukha niya ngayon."If you already reached

  • Chasing that Light   Chapter 27

    Andrius Lexton's POV"Mukhang huli na tayo," sabi ni Clinton habang pinapalibot ang paningin sa kabuuan ng lugar na kinaroroonan namin ngayon."Wala akong makita na nanlaban sila or what. Nasa ayos ang lahat ng bagay sa loob..." sabi naman ni Brimme na kagagaling lang sa loob ng maliit na bahay."Are you sure that they are here?" Lumapit ako sa may pintuan at yumuko."Oo, may mga bangko at lamesa sa likod. Doon siya nakaupo sa litrato habang nakatingin sa kalangitan 'di ba?"Kinuha ko ang isang piraso ng papel na nasa sahig. The paper was crashed, and it looks like someone step on it."Damn, bakit nila nalaman na pupunta tayo rito? Sinong traydor sa ating tatlo, hah?!" Hindi ko pinansin ang patutsada ni Clinton at binuksan ang nakalukot na papel.'Someone that close to your heart.'That's what

  • Chasing that Light   Chapter 26

    Sheiha Fajardo's POVNakakunot-noo akong nakatingin kay Dane at iyong nakamaskarang lalaki na nag-uusap sa malayo, na tinatawag nilang Mr. Kang."Alam mo ate, pangalawang kita ko na sa lalaking 'yan."Nilingon ko si Zana sa tabi ko na katulad ko, nakatingin din siya sa dalawang lalaki. Hindi ko alam kung nasaan ang alipores na si Aaron. Bigla-bigla lang kasi iyong sumusulpot na parang kabute sa kung saan-saan.I hummed, "Talaga? Saan iyong una?"Tumango siya, "Nakita ko siyang kausap ni papa. Hindi ko na maalala kung ilang taon na ang nakakalipas pero sigurado akong siya 'yun."Nilingon ko ulit ang dalawang lalaki habang nakahalukipkip. Naipilig ko ang ulo at pilit inisip kung saan ko nakita ang lalaking 'yun. He seems familiar to me, though I can't recall where did I saw this man. But still, I'm not sure if it was just deja vù, or I did se

  • Chasing that Light   Chapter 25

    Sheiha Fajardo's POVNapahawak ako sa ulo ko nang sumakit ito ng kunti. I sometimes wish that everytime my head hurts, I can reminisce some memories in my past. But nothings happening. Though, those blured dreams I've been seeing every night was some sort of something that I can't explain. I had hopes that it was part of my memories but I can't tell."Ate! May ginawa kami ni kuya, Aaron na is... is... Ano nga po ulit ang tawag dito?" Bumaling ito sa nakasunod na lalaki."Script..." natatawang sagot ng lalaki at sumaludo sa akin. Tinanguan ko lang siya at binalingan ulit si Zana na kinukulit akong lumabas kami."Iskrip... Skrip... Scriptt? Bakit ang dali lang para sa inyo na sabihin ang salitang 'yun?" Nakanguso ito habang nakatingin sa lalaking nakasunod sa amin. Sa makatuwid, hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya.Hindi naman siya mapapatid ng bato 'di ba? M

DMCA.com Protection Status