Madilim ang paligid. May black-out ba? Hindi ba nakabayad ng kuryente si Brimme? Pero imposible 'yun dahil hands on siya kapag bayaran na ang usapan. Ayaw nun ang matambakan ng mga bayarin. Pinakaayaw nga niya ay iyong nangungutang. Pero bakit ang dilim sa kinatatayuan ko?
Paggising ko ay ito na agad ang bungad sa 'kin. Anong oras na ba? Ilang oras ba akong natulog at naabutan ako ng kadiliman ng gabi? Akala ko ba gigisingin ako ni Brimme kapag tapos na siyang magluto ng pananghalian? E, bakit ang ang dilim na sa labas? Wala akong makita kahit sinag pa ng buwan.
Bumangon ako saka kumakapa sa paligid. Una kong hinawakan ang dingding at naglakad gamit ito bilang gabay para makarating sa pintuan. Nang mahawakan ko na ang door knob, agad ko itong pinihit at lumabas. Gaya nang ginawa ko kanina, hinawakan ko ang dingding para makarating sa kwarto ni Brimme.
Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Brimme. Sa mga ganitong pagkakataon kasi ay nagigising na 'yun. Daig pa nun ang kwago na nakakakita sa dilim. Kung tama ang hinala ko na kanina pa itong black-out, may kandila na sanang nakasindi sa side table ko or sa railings ng hagdan. Hindi naman ako takot sa dilim pero kasi nakakapagtaka lang. Hindi active ngayon si Brimme. Wala na naman ba siya? Kung wala siya, may tao naman sigurong gagawa sa ginawa niya 'di ba? Hindi naman siguro niya ako iniiwang mag-isa rito kapag umaalis siya?
Nang mahawakan ko ang door knob ng kwarto ni Brimme at nagtaka ako dahil nakabukas ang ilaw sa loob. Hindi ko pa man nabubuksan ay nakikita ko dahil sa siwang ng pinto. Hindi kasi ito tuluyang nakasara. Walang ilaw ang buong kabahayan pwera sa kwarto niya. Anong nangyayari?
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto niya. Agad nanlaki ang mga mata ko sa nakikita.
"N-Nandiyan na sila, Brim."
"Shhh, punta tayo doon. Sa ilalim ng kama, doon tayo magtago."
Bakit ko ito nakikita? Ang kwarto ni Brimme ngayon ay naging kapareha ng kwartong pinagtaguan namin noon. Panaginip na naman ba ito? Bakit ko na naman ito napapanaginipan? Pero... bakit sila nakatingin sa gawi ko?
Gumapang ulit sila at saktong pagkapasok nila sa ilalim ng kama, siya namang pagbukas ng pintuan.
Agad kong tiningnan ang pintong bumukas pero agad akong nagulat ng may taong nakatayo na sa harapan ko. Humakbang siya ng isa paabante kaya napaatras ako. May tinitingnan siya sa paligid ng kwartong 'yun. Bigla siyang napatingin sa gawi ko, nakatitig deretso sa mga mata ko.
"Hanapin niyo sa kabila, baka nandoon. Ako na rito," sabi ng lalaking nasa harapan ko.
"Sige," sang-ayon sa kaniya ng iba.
Bigla siyang humakbang ng dalawa kaya nagulat ako at hindi nakagalaw. Lumagpas siya sa 'kin. Dahan-dahan akong lumingon sa likuran at doon ko siya nakitang nakayuko habang kinakausap ang dalawang batang babae na nasa ilalim ng kama.
"Shhh, baka marinig nila kayo."
Nag-sign ito ng tahimik kaya tumahimik ang mga batang humihikbi. Mabilis binalik sa dati ng lalaki ang kumot ng marinig ang mga kasamahan na papalapit.
"Wala sila rito, baka nasa ibaba," sabi ng lalaki at lumabas.
Natatakot akong dahan-dahang humakbang paatras. Agad kong tumakbo palabas sa kwarto ni Brimme at bumaba sa hagdan.
"Bryly! Bryly!"
Sigaw ako ng sigaw. Palagi kong tinatawag ang pinsan ko pero hindi siya sumasagot. Nag-e-echo lang ang boses ko sa buong kabahayan.
Nagsimula nang pumatak isa-isa ang mga luha ko dahil sa takot. Ang panginginig ng mga kamay ko ay mas tumindi kasabay ng pagkabog ng mabilis ng dibdib ko.
Ano ba ang nangyayari?!
"Bryly!"
Napahikbi na ako dahil wala talagang Brimme na sumagot. Hindi kagaya kanina na sobrang dilim at wala ka na talagang nakikita. Ngayon ay pumapasok na sa mga nakabukas na bintana ang sinag ng buwan.
Pakiramdam ko nga ay nang-aasar ang buwan dahil ngayon lang siya nagpakita at nagbigay ng liwanag. Pinalibot ko ang paningin sa buong sala. Hindi ito ang sala ng bahay namin ngayon. Kung hindi ang sala ng bahay namin noon.
"Habulin mo ako, papa!"
Nakikita ko ang batang babae na tumatakbo habang hinahabol ng papa niya. Masaya silang nagtatawanan habang naglalaro.
"Ito na ako! Humanda ka dahil parating na ang super kiliti ni papa!"
Sumigaw nang sumigaw ang batang babae habang hinahabol ng papa niya. Masaya siya. Nakabungisngis habang pilit nilulusutan ang bawat pagharang ng papa niya sa kaniya.
"Nagmeryenda muna kayo, tama na muna 'yan."
Napatingin ako sa magandang babae na may dalang tray. May laman itong juice na nasa pitsel at mga baso. Agad itong tinulungan ng lalaki.
"Juice na naman po, mama?" Ngumuso ang batang babae, "Ayaw ko ng juice. Gusto ko softdrink... Please???? Royal po gusto ko...."
"Naubos na ang stack natin ng softdrink mo, nak. Paano ba naman kasi, sa isang araw halos maubos mo ang isang dosena." Inilapag ng babae ang hawak na bowl na may lamang cookies.
Mas napanguso ang bata. Natatawa naman itong binuhat ng papa niya saka pinaupo sa kandungan nito. Hinalikan ang pisngi at pinaglaruan ang ilong.
"Mamaya lang, maggo-grocery tayo tapos bibilhin natin lahat ng royal para hindi ka na nauubusan. Ayos ba 'yun?"
Agad tumango ang bata saka maganang kumain ng cookies. Humihikbi akong umiling dahil sa mga nakikita kong scenarios ngayon.
Ito ang araw kung saan, huli naming nakasama si papa. Ito ang araw kung kailan siya namatay.... pinatay.
Napapikit ako at tinakpan ang mga tainga upang hindi ko na marinig pa ang bawat bungisngis ko at nasisiyahang tawanan nila papa at mama. Gusto ko nang matapos ito. Kailan ba ito matatapos?
Bakit paulit-ulit na lang ang ganitong eksena? Wala na bang iba? Gusto ko nang malaman, gusto ko nang maalala lahat ng mga alaala ko bago nangyari ang trahedyang iyon. Pero bakit ang eksenang ito lang ang paulit-ulit na pinapakita ng isip ko?!
Wala naman itong kahalagahan! Anong meron sa eksenang ito at ito pa ang nanatili?! Paano iyong iba? Gusto kong malaman ang iba!
Bakit ang pinaka-malungkot na araw lang ang palagi kong napapanaginipan? Ang palagi kong naaalala? Ang palagi kong nakikita! Nakakasawa na!
"Ahhhhhhh!!!!!!"
Sumigaw ako at nagtatakbo patungo sa pinto at binuksan iyon para makalabas. Pero agad ko ring pinagsisihan.
"T-tulong... tulu-tulungan m-mo ako... p-pakiusap."
Ito ang eksena kung saan, muntik ko nang iwan mag-isa ang pinsan ko.
Kailan ba ito? Matatapos...?
Sheiha Fajardo's POV"Paano ba 'yan, nandiyan na ang sundo ko," sabi ni Lian habang nakahawak sa strap ng bag niya.Tiningnan ko ang paparating na magarang sasakyan, saka napangiti. Naalala ko kasi bigla iyong mga panahon na hinahatid ako ni papa sa school gamit ang kotse namin. Habang nag-aaway kami ni Brimme sa likuran, sila mama at papa naman ay nagtatawanan dahil sa kakulitan namin. Salitan ang mga magulang ko at mga magulang ni Brimme sa paghahatid sa amin. Kapag walang trabaho si papa ay siya ang maghahatid, kapag si tito naman ang wala, siya ang naghahatid sa 'min. Pero mostly, si tito dahil palaging busy si papa."Sasabay na ako sa 'yo, pwede? May bibilhin kasi ako sa mall, magpapakuha na lang ako roon," May hinahalungkat si Dolly sa bag niya habang sinasabi 'yun.Agad namang tumango si Lian,"Ikaw, Sheiha. Hindi ka sasama?"Umiling ako saka siya nginitia
Sheiha Fajardo's POVNaipilig ko ang ulo habang hawak ang batok. Hindi ko maintindihan—hindi, wala akong maintindihan. Wala akong maunawaan sa mga nangyayari."Bakit walang laman ang vault? Anong ibig sabihin nun?"Wala akong magawa kung hindi ang tanungin ang sarili ko nang paulit-ulit hanggang sa malaman ko ang sagot. Hindi man sinasabi ni Brimme ang iba pang detalye, alam kong may mas malaki pang kaganapan ang nangyayari ngayon."Pero bakit kami binigyan ni papa ng kwintas na may nakatagong susi? Bakit bigla na lang siyang nawala pagkatapos ibigay iyon kay Bryly?"Bakit nga ba? Kahit sa tanong na iyon ay wala akong sagot. Noong tinanong ko naman si Brimme tungkol dito ay wala rin siyang alam."Bakit hanggang ngayon hindi siya nagbibigay ng pahiwatig kung buhay pa nga siya gaya ng sinasabi ni Bryly? Na hindi talaga siya kinidnap, na sa palag
Sheiha Fajardo's POV"Salamat ng marami," sabi ko at lumabas na ng kotse niya. Pero nagtaka ako nang lumabas din siya at sumabay sa paglalakad ko."I also have an appointment here." Tumingin ito sa 'kin, "I didn't know that you work here."Nagkibit-balikat ako, "Hindi ka naman nagtatanong.""Do I have to? Wala bang magagalit?"Ngumiti ako. Sometimes, life is good to us. Kung sino pa ang taong nagawan mo nang masama noon, siya pa ang umiintindi sa'yo ngayon. Things may be difficult for us in first, but through the process of letting go, moving on and forgiving both parties, you can achieve the peace you've been longed for.Same old, Dane. Nothing change, huh? He doesn't want to interfere others businesses kung hindi naman siya kasali rito. He keep his mouth shut and pretend not to know. Saka lang siya kikilos kung may kinalaman sa kaniya ang bagay na 'yun.&nbs
Sheiha Fajardo's POVKadiliman. Ito na naman ang bumungad sa 'kin. Kailan ba ito mawawala? Kailan ba ito matatapos? Kailan ko na naman kaya makikita ang liwanag?Minsan, napapagod na rin akong kamuhian ang dilim. Napapagod na akong punahin ito at hanapin ang liwanag. Minsan nga naiisip ko, ang kadilimang bumabalot sa 'kin ngayon ay siyang naging sandalan ko mula pa noon. Bakit ba palagi kong hinahanap ang liwanag? Kung nandito naman ang dilim na nagsisilbing tahanan ko mula pa noon. Siguro tama nga na hindi ko na hanapin pa ang liwanag kung ang kadiliman naman ang palaging yumayakap sa 'kin.I want to feel at east, kahit ngayon lang.Kumapa-kapa ako sa dilim. Ang disadvantages lang ng kadiliman ay wala kang makikitang kahit na ano. Para bang puno ito ng mga lihim. Na kahit anong hanap mo nito ay hindi mo malalaman kung nasaan dahil sa wala kang makita. Kapag sobra namang maliwanag, nakikita mo lahat. Mga kas
Sheiha Fajardo's POVNagising na lang ako na nasa kwarto ko. Dahan-dahan akong bumangon at agad na hinawakan ang batok ko. Hindi ko alam pero para itong nangangalay. Iginalaw-galaw ko ang uloHinanap ko ang cellphone ko dahil kanina pa 'to tumutunog. Nakita ko ito sa side table. Pilit ko itong inaabot na hindi umaalis sa pwesto ko.Sinagot ko ang tawag at inilagay sa tainga ko, pero agad ko itong nailayo dahil sa napakalakas ng boses sa kabilang linya."Clinton naman!" bulyaw ko sa kabilang linya."Shit, Sheiha! Saan ka ba nanggaling?" Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya. Nagpa-panic din siya, "Kanina ka pa hinahanap ni Brimme! Sa palagay ko nagwawala na 'yun sa kung saan."Napakunot-noo ako, "Ano ba ang nangyari?"Napahawak ako sa sentido ko nang bigla itong manakit. Hinilot-hilot ko ito para kahit papaano ay mawala ang sakit.
Third Person's POVPagkatapos ng isang putok ay namayani ang katahimikan sa buong lugar. Sa nanginginig na katawan ni Sheiha, pinilit niyang inaninag ang mga kasamang katulad niya ay pinakikiramdaman ang nagaganap sa paligid. Hindi man nakikita ng mga mata niya buhat sa dilim ng kinaroroonan, nahihinuha niyang may hindi magandang nangyayari."B-Brimme..."Hindi niya mawari kung ano ang siyang lumabas sa bibig niya. Salita ba 'yun o' hangin lang?She halted from where she is when a hand suddenly grip her mouth to keep her quiet. She was frozen in place.An air coming from the person behind her's breath was extant. Releasing a gentle cold air. She is certain that the person behind her, shutting her was a man. His strength is strong."You should keep your mouth shut if you want you and your friends to leave this cave still breathing," the man behind him whisper in
Third Person's POV"Kailangan ba talagang bente-kuwatro oras natin silang bantayan? Wala pa tayong tulog, dalawang araw na," reklamo ng isang kasamahan niya.He just hummed and lean on the tree. In front of him was a girl who picks vegetables from a little garden. She happily sang a song while putting every vegetables she got in a basket."Bakit kaya sila tinatago ni bossing dito, nuh? Sabagay... napakaganda nila. Medyo may pagkabata lang niyang isa, siguro menor de edad pa 'yan. Iyong isa naman na kakadala lang natin dito, sa hula ko nasa bente na ang edad, matangkad kasi pero napakabata ng mukha," Ang binatang nakikinig ay kanina pa naririndi sa pinagsasabi ng kasama. "Ano kayang skin care ang gamit nila—""Tatahimik ka o puputulin ko 'yang dila mo para tuluyan ka nang hindi makapagsalita?" Bakas sa mukha nito ang inis."Ito na... Oh? Paalis na siya!" Agad nilang sinundan
Andrius Lexton's POV"Ipagpatuloy niyo lang po ang regular na pag-inom ng gamot, hindi magtatagal ay makakalabas na kayo ng ospital," payo ko kay lolo Crisostomo."Gano'n ho ba, dok?" Tumango ako, "Nasaan na nga pala iyong babaeng nurse? Iyon bang mabait na maganda?"Nagpilit ako ng ngiti habang hinaharap ang matanda, "Nag-resign na ho siya.""Gano'n ba? Sayang naman at hindi ko na siya makikita. Irereto ko pa naman sana iyon sa apo kong hanggang ngayon ay single pa rin." Masiglang umayos nang upo si Lolo, nag-indian set pa ito, "Nakita mo iyong una nilang pagkikita? Alam kong mabilis silang nagkaroon nang pagkakaintindihan noon! Sinasabi ko nga sa apo ko na huwag nang magpatumpik-tumpik pa kapag magkita sila ulit. Sabi ko sunggaban na niya ang pagkakataon at alukin ang magandang babae ng kasal! Aba'y mas tumatanda na ako. Gusto kong makita ang mga apo ko sa tuhod bago ako lumisan sa mundong ito."
Sheiha Fajardo's POV"Akala ko nakalimutan mo na kung paano maglaro," sabi ni Calex habang hinaharangan ang goal net.Nagkibit-balikat ako at naghandang sipain ang bola. I should focus enough to set a goal. Even though I don't remember this guy, my heart feels like Calex had been my friend for a long time."Huwag mo masyadong galingan!" sigaw na niya nang bumwelo ako pasipa.Nang masipa ko na ay siya namang pagtakbo niya paharang sa bola para hindi ito makapasok. Napangisi ako pagkatapos niyang madapa at hindi naharangan ang bola."I thought you'll teach me how to play? It turns out..." I cover my mouth to suppress my chuckle.Umingos siya at bumangon. Pinagpagan muna niya ang sarili bago nag-umpisang naglakad papalapit sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko at agad na tumakbo palayo sa kaniya.Run for your life. An enemy is after you!
Sheiha Fajardo's POV"Vice! Sabi ko naman sa 'yo, walang makakatanggi sa ganda mo!" sigaw ni baklang Ruiz-za habang tumatakbo.Muntik pa itong madapa buti na lang ay nakahawak siya sa railing sa gilid ng bletcher. Naku, kung hindi..."Jusmi, vice! Pumayag si Mr. representative natin! Wala na tayong problema, all we have to do was to practice the walk and your talent," Excited itong pumunta sa harap ko, tinulak pa si Clinton na napayakap kay —Bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan ng taong ito? — at lumuhod sa harapan ko na para bang walang ibang tao bukod sa amin."O-Okay, na... hehehe."Napangiwi ako sa itsura niya ngayon. Kung kanina ang haggard lang niya, ngayon naman mukha na siyang aswang sa pagka-haggard. Jusmi, anong pinaggagawa ng babaeng ito? May uling pa siya sa mukha!Agad akong kumuha ng panyo sa bulsa ko at i
Sheiha Fajardo's POVNagtataka lang ako kung bakit hindi tumunog ang selpon ko kahapon noong nasa library ako. Nang chineck ko ang selpon ko, naka-set naman ang alarm. Hindi rin naka-silent. Wala rin namang miss alarms.Hindi kaya...Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa hawak kong phone. Hindi kaya totoo iyong bali-balita na may multo talagang nagpagala-gala sa library? Jusmi, buti na lang talaga tulog ako sa panahong iyon, kung hindi, baka nahimatay na ako. Takot pa naman ako sa multo."Biyutipol, bise! Magchi-cheer ka ba ngayon kila Kian?!" Napalingon ako kay bakla na dalawa ang kasarian."Boy—""Bae! Bise, Bae ang pangalan ko!"Umiling-iling ako at sumabay sa kaniya sa paglalakad. Sinilid ko na rin sa bulsa ko ang cellphone ko, dahil kung hindi, baka mabaliw ako kakaisip sa timawang multong nakatira sa library na i
Sheiha Fajardo's POVBlink, blink, blink..."Salamat po sa tulog, at walang mga alien ang umistorbo—"Agad akong napabangon dahil sa ilaw na tumambad sa akin pagkadilat ng mga mata ko. Agad kong dinampot ang cellphone kong nakapatong sa lamesa at tiningnan ang oras. Napatakip ako ng bibig pagkakita ko sa oras.Seven p.m. na..."Bakit ka hindi tumunog selpon ko!" bulyaw ko sa cellphone kong walang kamuwang-muwang.Agad akong tumayo at patakbong nagtungo sa pinto. Sa nanginginig na kamay, kinuha ko ang ID ko at ini-scan ito sa pinto pero hindi gumagana."Si Bryly, jusmi... Si Bryly!" Kinuha ko ang cellphone ko upang tawagan si Brimme. Iyon na lang ang huling option ko para makalabas!"You don't have enough load balance to make this call..." Naiiyak kong inilayo ang cellphone sa tainga ko ng marinig sa
Sheiha Fajardo's POVAng saya talaga kapag walang klase, ano? Nagagawa mo ang lahat, matulog, kumain, maglakwatsa, maglampungan, lahat-lahat na. One for all, all for one."Nauuhaw ako, gusto ko ng juice. Magpapabili ka ba, Bryly?" Lumapit ako sa desk niya at pumangalumbaba roon.Nagbabasa siya ng libro habang may head phone. Pero alam kong hindi siya nakikinig ng music. It's her way of saying, 'stay away from me', 'don't approach me'.She just hummed. Hindi man lang ako tinapunan nang tingin kahit saglit. Ouch, na hurt ako ng slight doon."Sheiha, pakitago muna 'to." May inaabot si Clinton na isang brown envelope na nakasilid sa plastic envelope. Lumapit siya sa akin habang nakatingin sa hawak na selpon. Naglalaro na naman ito panigurado."Ano 'to?" Sinisipat ko ang bagay na 'yun pagkaabot ko mula sa kaniya."May k
Andrius Lexton's POVI stare at him."I beg your pardon?"He sighed and smiled. Tumingin siya sa hindi kalayuan namin kung saan nag-aasaran sina Brimme at Clinton. Well, more on nang-aasar si Clinton kay Brimme."You see, everything are not in there right places as of now. Kapag nakialam pa ako, kami.... mas gugulo lang." Naiintindihan ko siya. I always do, cause he's my patient."You save her before–""And that would be the last time. Hindi naman talaga si Sheiha ang dahilan kung bakit ko 'yun nagawa. I beg someone inferior to reach my goal, and I already reached it. It is a coincidence that someone also beg for Sheiha to live, and that's not me. I've already move on, and I plan to move forward. I want to set aside everything and focus on healing," Tumingin siya sa akin, maaliwalas na ang mukha niya ngayon."If you already reached
Andrius Lexton's POV"Mukhang huli na tayo," sabi ni Clinton habang pinapalibot ang paningin sa kabuuan ng lugar na kinaroroonan namin ngayon."Wala akong makita na nanlaban sila or what. Nasa ayos ang lahat ng bagay sa loob..." sabi naman ni Brimme na kagagaling lang sa loob ng maliit na bahay."Are you sure that they are here?" Lumapit ako sa may pintuan at yumuko."Oo, may mga bangko at lamesa sa likod. Doon siya nakaupo sa litrato habang nakatingin sa kalangitan 'di ba?"Kinuha ko ang isang piraso ng papel na nasa sahig. The paper was crashed, and it looks like someone step on it."Damn, bakit nila nalaman na pupunta tayo rito? Sinong traydor sa ating tatlo, hah?!" Hindi ko pinansin ang patutsada ni Clinton at binuksan ang nakalukot na papel.'Someone that close to your heart.'That's what
Sheiha Fajardo's POVNakakunot-noo akong nakatingin kay Dane at iyong nakamaskarang lalaki na nag-uusap sa malayo, na tinatawag nilang Mr. Kang."Alam mo ate, pangalawang kita ko na sa lalaking 'yan."Nilingon ko si Zana sa tabi ko na katulad ko, nakatingin din siya sa dalawang lalaki. Hindi ko alam kung nasaan ang alipores na si Aaron. Bigla-bigla lang kasi iyong sumusulpot na parang kabute sa kung saan-saan.I hummed, "Talaga? Saan iyong una?"Tumango siya, "Nakita ko siyang kausap ni papa. Hindi ko na maalala kung ilang taon na ang nakakalipas pero sigurado akong siya 'yun."Nilingon ko ulit ang dalawang lalaki habang nakahalukipkip. Naipilig ko ang ulo at pilit inisip kung saan ko nakita ang lalaking 'yun. He seems familiar to me, though I can't recall where did I saw this man. But still, I'm not sure if it was just deja vù, or I did se
Sheiha Fajardo's POVNapahawak ako sa ulo ko nang sumakit ito ng kunti. I sometimes wish that everytime my head hurts, I can reminisce some memories in my past. But nothings happening. Though, those blured dreams I've been seeing every night was some sort of something that I can't explain. I had hopes that it was part of my memories but I can't tell."Ate! May ginawa kami ni kuya, Aaron na is... is... Ano nga po ulit ang tawag dito?" Bumaling ito sa nakasunod na lalaki."Script..." natatawang sagot ng lalaki at sumaludo sa akin. Tinanguan ko lang siya at binalingan ulit si Zana na kinukulit akong lumabas kami."Iskrip... Skrip... Scriptt? Bakit ang dali lang para sa inyo na sabihin ang salitang 'yun?" Nakanguso ito habang nakatingin sa lalaking nakasunod sa amin. Sa makatuwid, hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya.Hindi naman siya mapapatid ng bato 'di ba? M