Share

Chapter 49: Family Day (Part I)

“Nak, wala ka na bang nakalimutan sa bahay?” Tanong ko kay Aaron habang nasa kalagitnaan na kami ng biyahe papuntang school.

“Wala na, mommy. I already packed my things po last night,” sagot niya. Napangiti naman ako, preparado na pala talaga ang anak ko kagabi pa. Halatang excited na para sa event mamaya.

“Huwag ka ng mag-alala, Athena. Mas handa pa ‘yang anak mo kaysa sa ating dalawa,” wika ni tiya Rosa na ikinatawa ko.

Ngayong araw na gaganapin ang family day. Med’yo na e-excite naman ako pero ‘yon nga lang kinakabahan para sa gagawin namin mamaya ni Aaron. Siguro dahil takot lang ako mapahiya, kami ng anak ko. Pero sa tingin ko naman kakayanin ko mag-perform mamaya sa harap ng maraming tao.

Nang makarating kaming tatlo sa school, dumiretso na kaagad kami sa gym kung saan gaganapin ang event. Maraming tao na ang narito ngayon, naghahanda sa kani-kanilang mga puwesto. Halos lahat halatang excited na para mamaya, makikita mo talaga ang tuwa at excitement sa mga mukha at mata nila.

“G
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status