Share

CHAPTER 6

Abala ako sa pag-aayos ng blender na tila nagkaproblema dahil sa malaking tipak ng buto mula sa prutas. Hindi ko maiwasang mapangiwi habang pilit kong iniikot ang blade sa loob, pero mukhang talagang na-stuck na ito. Habang ginagawa ko iyon, natanaw ko si Malia na tumatakbo palapit sa mga alon sa dalampasigan.

"Malia, d’yan ka lang! Wag kang lalayo!" mabilis kong paalala habang nilingon siya saglit. Nag-aalala ako dahil kahit malapit lang siya, mabilis ang alon ngayon. Pagkalingon ko, bumalik ako sa pagtuon sa blender. Kailangan ko itong maayos dahil mukhang dadami ang turista ngayon sa resort namin. Ito na lang ang natira sa akin matapos mamatay si Papa – ang beach house at ang mismong dalampasigan. Pinili kong manirahan dito, malayo sa gulo ng siyudad kung saan naroon ang ama ni Malia.

"Mom! Look! Sea shells!" sigaw ni Malia na naririnig ko kahit lumalayo na siya.

"Marami talagang sea shells d’yan!" Nakangiti kong tugon habang tinatapos ang ginagawa ko. Pero kahit na may ngiti sa labi ko, hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko tuwing lumalayo siya.

Matapos ang ilang minuto, naayos ko na rin ang blender at inilabas ko na ang mga sariwang prutas sa mesa. Magtitinda ako ng shake ngayon para naman makadagdag sa kita, lalo na't malapit nang magsimula ang klase ni Malia sa kinder.

Patapos na ako nang mapansin kong nasa malayo na si Malia. "Malia!" malakas kong sigaw nang makita kong nadapa siya. Agad akong tumakbo papunta sa kanya, umaasa na hindi siya nasaktan. Pero laking gulat ko nang imbes na umiyak, humalakhak siya.

"Mom, look! I have a good sea shell but it's not empty," natatawang sabi niya habang ipinakita sa akin ang nakuha niyang shell.

"Ikaw talaga, akala ko napano ka na. Halika na, magtitinda tayo," sabi ko habang binubuhat ko siya pabalik sa tindahan.

Pagdating ng hapon, dumagsa na nga ang mga tao. Itinali ko ang buhok ko, simple lang, pero napapansin kong napapatingin ang ilang mga customer sa akin. Hindi ko naman intensyon, pero ramdam ko ang kanilang mga mata. Naging rason pa tuloy para dumami ang benta ko.

Habang abala ako, napansin ko ang dalawang lalaking nakasuot ng rash guard na tila kanina pa tumitingin sa akin. Nakipag-usap sila saglit sa isa’t isa bago muling bumaling sa akin. Napansin kong tinitingnan din nila si Malia, na abala sa paglalaro ng mga dolls sa gilid ng tindahan.

"Miss, dalawang dragon fruit shake nga," sabi ng dalawang lalaki na mukhang mas bata sa akin.

Habang ginagawa ko ang shake, hindi ko maiwasang mapatingin muli sa dalawang lalaking kanina pa tumitingin sa akin. Habang ang dalawnag binata naman ay halata ang kanilang interes, lalo na nang magtulakan sila, tila nag-aagawan para makuha ang papremyo.

"Less sugar or more sugar?" tanong ko sa kanila habang nagkukunwaring walang napapansin.

"Miss, asukal ka ba?" tanong ng isa sa kanila na ikinagulat ko.

"Hah? Bakit mo naman nasabi ‘yan?" natatawang tugon ko, kahit na ramdam ko na ang cheesy pick-up line.

"Kasi mukhang ang tamis mo, bagay na bagay ka sa shake na ‘yan," sabi niya na sinundan ng tawanan ng kasama niya.

Napapamewang ako, pero hindi ko maiwasang mapangiti. "Alam niyo kung anong sweet? Itong anak ko," sabay nguso ko kay Malia. "Ang cute, diba?"

Napahinto ang dalawa at nagbulungan, "Ay, may anak na pala."

"Akala ko kasi single," tugon ng isa.

Bahagya akong natawa dahil narinig ko pa rin ang bulungan nila. Pero hindi ko na rin pinansin. Mas mahalaga si Malia at ang pagtitinda ko kaysa pansinin ang mga panandaliang kilig na dulot ng mga simpleng papuri.

Halos maubos na ang tinda ko sa mesa. Kanina lang, halos mapuno ang lugar ng mga turista, pero ngayon, unti-unti nang humuhupa ang dami ng tao. Naisip kong oras na para magligpit, pero napansin ko na andoon pa rin ang dalawang lalaking naka-rash guard na kanina pa tumatambay at tumitingin-tingin sa akin. Nagtaka ako, pero pinili ko na lang mag-focus sa pag-aayos ng mga gamit.

Habang nililigpit ko ang mga prutas at ang blender, hindi ko agad napansin na wala na si Malia sa tabi ko. Bigla akong kinabahan at dali-daling pumasok sa loob ng bahay para hanapin siya. "Malia?" tawag ko nang paulit-ulit habang iniikot ang mga mata sa paligid. Wala. Wala siya sa loob.

Lumabas ako ng bahay at nagtanong sa mga tao sa beach, pero abala sila sa kani-kanilang ginagawa. Naglakad ako sa buhanginan, nagsisigaw ng pangalan niya. "Malia! Malia!" Nagsisimula na akong mainis at matakot. Nasaan na ba ang anak ko?

Naiiyak na ako sa kaba nang sa wakas, sa kabila ng lahat ng ingay at gulo, nakita ko si Malia. Pero imbes na mag-relax, mas lalo akong nagalit nang makita kong kasama niya ang dalawang lalaking naka-rash guard sa tapat ng tindahan ng ice cream. Nakangiti pa si Malia, hawak ang isang chocolate ice cream na halatang binili ng mga lalaking ito.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Dali-dali kong kinuha si Malia at binuhat siya palayo sa kanila. "Anong ginawa niyo!? Bakit niyo siya dinala dito?" galit kong sigaw habang yakap-yakap ko ang anak ko.

"Mommy, mommy! Binilhan nila akong ice cream! Ang bait nila, mommy," mabilis na sabi ni Malia, pero hindi ako napakalma ng mga salita niya. Lalo lang akong nag-alala.

"No, baby, they are not. Anong balak niyo? Balak niyo bang kunin ang anak ko? Mandurukot kayo, noh?!" galit kong pagtatanong sa mga lalaki habang mahigpit kong hawak si Malia.

"Nako, miss, hindi," sagot ng isa sa kanila, pero hindi ko mapigilan ang pagdududa.

"Eh ano? Bakit hindi niyo hinanap ang nanay niya at bakit dinala niyo siya d’yan? Alam niyo ba kung gaano kalayo ang tindahan ng ice cream mula dito sa bahay namin?" sunod-sunod kong tanong habang nag-aalab pa rin ang galit ko. Paano kung may nangyaring masama kay Malia? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"We just wanted to give her ice cream. Easy," mahinahon niyang sabi habang nagpapakumbaba. "Mauna na kami," dagdag pa niya bago umalis. Hindi pa sila nakakalayo nang makita kong binunot niya ang cellphone mula sa bulsa at tila may kinakausap sa kabilang linya. Pero hindi ko na ito pinansin, mas mahalaga na ligtas na si Malia sa tabi ko.

Bumalik ako sa tindahan, yakap-yakap pa rin si Malia. Tiningnan ko siya habang masaya siyang dinidilaan ang ice cream. "Are you okay, baby? Ano pang ginawa nila or binigay nila sayo?"

"They are good, mommy. Ang bait-bait nila," sabi ni Malia, walang kamalay-malay sa aking kaba at galit. Nakangiti siyang muli, masayang-masaya dahil sa simpleng ice cream.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Pero isa lang ang sigurado – hindi ko na hahayaan na muling mawala si Malia sa paningin ko. Kailangan kong maging mas maingat. Nandito kami sa probinsya para umiwas sa gulo, pero parang kahit saan, may panganib pa rin.

Tinapos ko ang pagtitinda ng gabing iyon nang mas maaga kaysa sa dati. Hindi ko na hinintay ang huling batch ng mga customer. Gusto ko lang mapalibutan ng tahimik at kalmado ang anak ko. Matapos naming maghapunan, tinabihan ko si Malia sa kanyang kama, hawak pa rin niya ang natirang cone ng kanyang ice cream.

Habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Paano kung may masamang balak talaga ang mga lalaking iyon? Paano kung pinagbantaan nila ang anak ko para hindi siya umiyak at pumayag siya na sumama sa kanila? Naisip ko ang lahat ng maaaring mangyari, at halos hindi ko na kayang pigilan ang mga luha ko.

Pinili kong manirahan dito dahil gusto kong bigyan ng payapang buhay si Malia. Pero tila kahit saan kami pumunta, hindi ko maiiwasan ang takot na dulot ng mga pangyayaring tulad nito. Habang nilalaro ng mga daliri ko ang buhok ni Malia, pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Dapat akong maging matapang para sa kanya. Hindi ako pwedeng magpadaig sa takot.

"Mommy, bakit ka umiiyak?" bulong ni Malia habang nakapikit na ang kanyang mga mata, pero naramdaman pa rin niya ang luhang pumatak mula sa aking pisngi.

"Wala, baby. Masaya lang ako kasi nandito ka na," sabi ko habang pinupunasan ang luha ko. Ngumiti ako kahit na ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib ko.

"Okay, mommy. I love you," bulong niya bago siya tuluyang nakatulog.

"I love you too, baby," bulong ko pabalik, habang yakap-yakap ko siya. Sa kabila ng lahat, si Malia ang nag-iisang rason kung bakit ako nagpapatuloy. Kailangan kong gawin ang lahat para maprotektahan siya, kahit na ano pang mangyari.

Ayokong mamulat siya sa mundo ng kanyang ama.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jojobazaar
Tauhan ni dark yan hahahaha sure
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status