Share

CHAPTER 2

Dark POV

"Everything in place, Law?"

"Yes, Dark. All is in order," Law responded, straightening his suit and adjusting his cufflinks.

Today is my wedding day. Hindi ko na pinatagal pa ang araw dahil hindi ko na maantay na ikasal kami ni Carissa.

"Where are Hector and Luna? Are they coming?" I asked, glancing at my reflection in the full-length mirror, ensuring my suit was impeccable.

"They're on their way, but they might be a bit late. Seems they had a disagreement," Law replied, taking a long drag from his cigarette.

"Probably about their next mission. That's all they ever seem to argue about," sabi ko, naniniwala na iyon ang dahilan.

"Yun lang naman lagi ang pinagaawayan nila," bumuga ng maitim na usok si Law mula sa sigarilyo.

"Tangina! Not in here, Law. You know I don't want Carissa to smell the smoke. Put it out," singhal ko sa kanya dahil kanina pa siya bumubuga ng usok. I don't want Carissa to smell me like this. Pakiramdam ko ay amoy usok na ako mula sa sigarilyo ni Law.

Tumatawa siyang inupod ang upos ng sigarilyo sa tray.

I doubted getting married before. Wala sa bokabularyo ko ang kasal dahil hindi naman natutulog ang panganib sa akin. Ngunit nang makita ko si Carissa, nagbago ang lahat. Too bad because I am thankful to her father for almost sabotaging me. Kung hindi niya iyon ginawa, hindi ko makikita at malalaman na may anak pala siya na napakaganda.

Ilang oras ang nakalipas at nagsimula na ang kasal namin ni Carissa. I was standing beside her father. Wala na akong pamilya kaya't wala nang dadalo sa akin. Pinili ko lang ang mga bisita na dumalo sa kasal, karamihan sa kanila ay kaibigan ko mula sa Billionaire's Club. Habang naglalakad papalapit sa akin si Carissa, hindi ko maiwasang mabighani sa kanyang ganda.

Fuck! Sumisikip tuloy ang pantalon ko ngayon habang iniisip ang mangyayari mamaya.

Habang abala ang lahat, napukaw ng isang lalaki malayo sa likod ni Carissa ang aking tingin. Hindi ko siya nakita kanina. Kakaiba ang pakiramdam ko at hindi ko maunawaan. Ngunit mas pinili ko na lang magtiwala kay Law dahil he never missed a bullet. Napakalinis nitong trumabaho at hindi pa niya ako nabigo. Sayang lang at wala dito si Calyx para dumalo sa kasal ko. He is my personal assassin na ngayon ay pinapunta ko sa kampo ni Ubalde. Ang pinagkakautangan ng Papa ni Carissa na paniguradong may pinaplano na ngayon para patayin si Cromwell. Gaya ng napagusapan namin ay sagot ko ang proteksyon sa kanilang mag-ama kapalit ng pagpapakasal namin. I already offer Ubalde Billion but he refused. He wanted to kill him and Carissa dahil sa trahedyang hindi naman sinadya ni Cromwell.

Habang naglalakad si Carissa palapit sa altar, hindi ko maiwasang silipin muli ang lalaki. May kakaiba sa galaw niya, para bang may tinatago siyang intensyon. Ang bawat hakbang niya ay parang pinipilit maging normal, pero kitang-kita ko ang tensyon sa bawat kilos niya. Agad kong sinenyasan si Law, isang tingin lang at alam na niya ang ibig kong sabihin. Tumango siya, isang kumpas ng kamay at dalawang tauhan namin ang agad na lumapit sa lalaki.

Tahimik na nagpatuloy ang seremonya, pero ang utak ko ay patuloy na nag-aalala. Hindi ko pwedeng hayaang masira ang araw na ito. Hindi ko pwedeng hayaang may mangyari kay Carissa, hindi ngayon at hindi kailanman. Paglapit niya sa akin, kinuha ko ang kamay niya. Ramdam ko ang panginginig nito, pero pinilit kong ipakita sa kanya na wala siyang dapat ikatakot.

Sa gilid ng mata ko, nakita kong binabantayan na ng mga tauhan ko ang lalaki. Nasa kamay ko ang kontrol, at hindi ko hahayaan na may mangyaring masama.

---

Matapos ang pakikipagpalitan ng sinumpaang salita, halos naabot na rin namin ang dulo ng vows.

"Carissa, I promise to protect you, always. No matter what, you are my priority," I said, my voice steady and filled with conviction.

Matagal bago siya sumagot at nakatitig sa akin. "Dark, umaasa akong magiging maayos ang lahat," sagot ni Carissa, hindi ko mabasa ang nararamdaman niya at alam kong hindi ito maayos.

"Ngayon, ipahayag ninyo ang inyong pag-iisang dibdib," sabi ng pari. "Maaari mo nang halikan ang iyong asawa."

Tumingin ako kay Carissa, at bago ko siya mahalikan, narinig ko ang mga biro ng mga kaibigan ko.

"Hoy, Dark, 'wag kang masyadong gentle! Sungaban mo na!" tukso ni Hector.

"Show her what you've got, bro!" Law added, with a laugh.

Nakangiti ako, pero sa loob, alerto pa rin. Nang magdikit ang labi namin ni Carissa, biglang dumagundong ang tunog ng bala.

Mabilis ang pangyayari, at nakita kong dumudugo ang hita ni Carissa. Nadaplisan siya ng bala—maliit man, pero kitang-kita sa puting gown niya ang dugo at siya ay takot at gulat sa mga pangyayari. Mabilis na nandilim ang paningin ko at humugot ako ng baril mula sa likuran ko. Nagulat ang pari sa baril na dala ko. I will never leave without a gun, lalo na ngayong araw.

"Damn it!" usal ko habang binubuhat si Carissa. Lumapit agad ang tatay niya na nag-aalala.

"Carissa!" wika nito at tumingin sa akin. "Ako na ang bahala sa anak ko, Dark. Tukuyin niyo muna kung sino ang may pakana nito."

"Fuck! Bakit nangyari 'to? Whoever did this to my Carissa! Papatayin ko siya," galit na usal ko habang mabilis na ibinibigay si Carissa sa kanyang ama.

"Stay here with your dad. I'm going to fix this mess!" Bago ako tumalikod, napamura pa ako ulit dahil wala ni isang medics ang lumalapit sa asawa ko. "Fuck! Where's the medics? Hurry!"

"Secure the area! Find the shooter," sigaw ko, at mabilis na inutusan ang mga tauhan na tukuyin ang pinagmulan ng bala. Pati mga kaibigan ko ay nagbunot ng baril mula sa kani-kanilang lalagyan.

Habang ang mga tauhan ko ay naghahanap ng pinagmulan ng bala, ang mga kaibigan ko mula sa Billionaire's Club ay agad na nagtulong-tulong sa pag-corner sa gunman, ang lalaking kasama ang apat pang tauhan na nakatakas na. Nakita nilang nagmakaawa siya habang tinanggal nila ang bonnet sa kanyang ulo.

Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya, ang panginginig sa kanyang boses. "Wag mo akong patayin! Napagutusan lang ako!"

"Eric ang pangalan niya. Napag-alaman kong tauhan siya ng Acele Corp," wika ni Law habang hinihigpitan ang tali sa kamay nito.

Hindi ko siya pinansin at nagalit na bumuntong-hininga. "Sino ang nag-utos sa'yo? Anong pakay mo?" sigaw ko, boses na puno ng poot. Lumapit ako sa kanya at tinutok ang baril sa kanyang gilid.

"Si Sir Dam! Parang awa mo na, wag moko patayin. May p-pamilya pa ako!" ang sagot ni Eric, nanginginig sa takot habang ang dugo ay umagos mula sa kanyang sugat.

Tumawa ako ng mapait. "Kung hindi mo sasabihin kung sino ang gagong boss mo, sabay ko kayong papatayin."

Tumingin ako sa paligid, binibigyan ng oras si Eric para magdesisyon. Nang hindi siya sumagot, pinutukan ko siya ng bala sa gilid ng hita, tulad ng ginawa niya kay Carissa.

"Ah tangina!" sigaw ni Eric habang ang bala ay tumama sa buto niya, sumabog ang dugo mula sa sugat.

"Kung ayaw mong mamatay ng hindi naghihirap, sabihin mo sa akin kung sino ang boss mo!" sigaw ko, tinataas ang baril at binabantayan ang bawat reaksyon niya.

"Si Damon! Parang awa mo na, wag mo akong patayin! May pamilya pa ako!" nagmamakaawa siya, tinitingnan ang paligid na puno ng takot.

"I don't give the fuck who's that fucking asshole who told you to shoot my wife!" mariin kong sabi. "Tell me every little detail that you have at papalayain kita ngunit hindi ganon kadali yon. I will cut your tongue first."

"W-wag! N-na pagutusan lang ako..." pagmamakaawa niya.

Don't trust those word. Sa gantong lagay hindi na ito santo para santohin dahil kaya na niyang pumatay ng tayo. Satingin niya ba ay makakalaya pa siy ng buhay? "Please... parang awa mo na...." pagpapatuloy pa din nito. Nagpatuloy ako sa pagtatanong, nang hindi nagpapakita ng awa. "Bakit ka pa nagmamalaki? Sa huli, alam mong mabubunyag din ang lahat ng ito. Now, tell me everything you know before I make this even more painful."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Katana
Support! More update pa, Author ...️...️...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status