Share

CHAPTER 12

Ilang saglit na katahimikan ang namagitan kina Dark at Carissa matapos ang kanilang tensyonadong palitan ng salita. Nakatingin si Carissa sa sahig, tila pinipilit ang sarili na hindi magpakita ng kahinaan sa harap ng asawa. Pero sa loob niya, wasak na wasak na siya. Hindi niya gustong makipagbangayan. Ang nais niya lang ay magkaroon ng katahimikan at kalayaan, lalong-lalo na para sa anak nilang si Malia.

"Dark," basag ni Carissa sa katahimikan, pilit niyang pinapakalma ang nanginginig na boses, "hindi kita iniwan dahil gusto kong saktan ka. Iniwan kita dahil... gusto ko lang ng katahimikan. Ng kapayapaan para sa sarili ko at para kay Malia."

Tumitig si Dark sa kanya, ang mga mata nito'y malamig at parang nagmamasid sa bawat galaw niya, na parang binabasa ang kanyang kaluluwa. Walang emosyon ang makikita sa kanyang mukha, pero sa loob niya, bumubula ang galit at lungkot.

"Peace? Carissa, satingin mo ba, hindi ko rin gustong magkaroon ng katahimikan sa buhay natin?" tanong ni Dark, may
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status