Share

CHAPTER 5

Author: KnightNovel
last update Last Updated: 2024-08-12 11:47:04

Carissa’s POV.

Kinabukasan, nagising ako sa tunog ng nahulog na babasaging gamit. Tiningnan ko ang orasan sa gilid ng kama at napagtanto kong 10 o'clock na pala. Madalas akong nagigising ng alas-6 ng umaga, kaya’t nagulat ako sa pagkaantok ko. Kumikirot pa ang sugat sa hita ko at ang mga bahagi ng katawan ko mula sa nangyari kagabi, pero pinilit kong bumangon upang tingnan.

Pipihitin ko pa lang ang doorknob ng pintuan nang may kumalabog na namang bagay sa labas. Nagdalawang-isip akong buksan ang pintuan, lalo na nang marinig ko ang yabag ng mga paa.

“Nasan kaya ang kwarto ng asawa ni Dark?” tanong ng isang lalaki.

“Nandito lang iyon. Malaki man ang bahay ng gunggong na 'yon, mahahanap di na natin siya. Gaya nitong pintuan, mukhang malaki ang kwarto sa loob. Halika, silipin natin,” sagot ng kasama niya.

Narinig ko ang yabag ng mga paa patungo sa pintuan ko kaya’t dali-dali kong hinawakan ang doorknob kahit sarado pa ito. Tila hinahabol ako ng kabayo sa bilis ng takbo ng puso ko. Ano na naman?

“Sarado pare, mamaya na natin balikan. Kailangan muna nating tulungan sila doon at mukhang nagkakabarilan na,” sabi ng isa at naglakad palayo mula sa pinto. Nagbigay sa akin ng kaunting ginhawa ang kanilang pag-alis, kaya’t agad akong nag-text kay Papa.

From: Carissa

Papa! Where are you? May mga taong pumasok sa loob ng mansion ni Dark. Hindi ako makalabas, Papa!

Sinend ko iyon agad at hindi na hinintay ang reply ni Papa. Binulsa ko ang cellphone ko at naghintay.

Pagkalipas ng ilang minuto ng katahimikan, nainip na ako sa pag-aantay. Maingat kong binuksan ang pintuan ng kwarto, umaasang hindi ako maririnig ng mga taong iyon. Ang mansion ay tila tahimik, ngunit sa likod ng katahimikan, naririnig ko ang malalakas na putok ng baril mula sa malayo.

Habang naglalakad ako sa mahabang pasilyo, sinusiguro kong walang tao sa paligid. Ang bawat hakbang ko ay maingat, tila nag-aabang sa anumang panganib. Nais kong makita si Papa o kahit sino sa mga tao rito, ngunit tila ako lang ang naririto.

Nang marinig ko ang isang malakas na putok ng bala, nagpasya akong sundan ang tunog. Alam kong kailangan kong pumunta sa direksyon kung nasaan si Dark. Habang naglalakad ako, bumabalik ang mga alaala ng nangyari kagabi at ang kasal namin. Hindi ko pa gaanong kilala si Dark at alam kong madilim ang nakaraan niya na nagdala sa kanya sa ganitong posisyon.

Pagdating ko sa isang malaking silid, bumungad sa akin ang isang nakakatakot na tanawin. Puno ng dugo at mga katawan ng mga tao na nakahandusay. Nangingibabaw sa hangin ang amoy ng dugo, at sa gitna ng lahat ng ito, si Dark.

Puno ng dugo ang kanyang puting long sleeve at hawak niya ang isang baril. Tila siya ang dahilan kung bakit wala nang buhay ang mga tao sa paligid niya.

“D-Dark!” tawag ko sa kanya. Nakita ko si Papa at ang isang lalaking sugatan sa gilid niya.

“A-anong nangyari sa kanya?” tanong ko, nag-aalala dahil sa tama ng baril sa tagiliran nito.

“He’s my assassin. Napuruhan siya sa dami ng tauhan ng gagong iyon. Masyado siyang nababaliw sa pagkatalo,” sagot ni Dark, binitawan ang baril na mukhang wala nang bala at may bakas ng dugo sa palad niya.

Nag-angat si Dark ng kanyang tingin sa akin, puno ng alalahanin. “Si Calyx,” aniya, tinuturo ang lalaking sugatan sa tabi, “ay isa sa mga pinaka-maaasahan kong tauhan. Pero sa dami ng mga kalaban, natamaan siya ng bala sa tagiliran. Mabuti na lang, hindi sa bituka—pero malapit na rin. Kailangan niyang matanggap agad ang tulong.”

Habang sinusubukan kong mapanatili ang aking composure, umusad si Dark sa tabi ni Calyx, dahan-dahang tinutulungan itong tumayo. “Carissa,” sabi niya, “kailangan mong umalis na dito. Ang mga tauhan ko ay parating na para linisin ang kalat na iniwan nila. Baka bumalik pa ang iba kaya't bago pa mangyari iyon ay ipapahatid na kita sa isa pang bahay.”

Agad akong tumango, ngunit bago pa man ako makaalis, niyakap ako ng Papa ko. “Pa, sumabay ka na sa’kin,” sabi ko, at inakbayan niya ako habang palayo kami sa silid.

Habang naglalakad kami, tinutulungan ni Dark si Calyx na makalabas mula sa kwarto. Ang ingay ng mga putok ng baril at sigawan mula sa labas ay patuloy na umaabot sa amin. Napansin kong may isang tauhan na tunay na nagmamasid sa paligid, isang matandang lalaki, habang malayo sa aming direksyon. Hindi pa kami nakakalayo nang biglang sumigaw ang isa sa mga tauhan ni Damon, na nakahiga sa sahig.

“Babalik si Boss Damon at dudurugin ka, Dark! Tandaan mo ‘yan, mata sa mata, ipin sa ipin!” sigaw niya, sabik na bumunot ng isa sa mga baril at itutok sa amin. Ang bala ay tila papunta sa akin, ngunit sa isang iglap, nahuli ni Papa ang bala gamit ang kanyang dibdib.

Isang saglit, para bang nagdilim ang paligid sa paningin ko. Hawak ni Dark ang bagong baril, mabilis na umaksyon. Walang alinlangan, inilapat niya ang baril sa ulo ng lalaking iyon at pinutukan. Ang malamig na tunog ng putok ay nagbigay ng mapait na katiyakan sa sitwasyon.

Habang nahulog ang katawan ng lalaking iyon, napanood ko si Papa, duguan at nakayakap sa akin. Walang patid ang mga luha ko habang sinusubukan kong pigilan ang sarili kong maluha. “Pa!” sigaw ko, pero wala na siyang pagsagot.

Hihinga na si Papa at pilit ko siyang ginigising. “Papa! Papa!”

Naghahangos ang sakit sa puso ko ng makita ang pagdidilim ng mata ni Papa. I don’t want to lose my dad! Not him! Ayokong maiwan. Ayoko ng maiwan ulit. I already lost my mother and brother because of those bullets. Ayoko! Ayokong dito din mamatay si Papa.

Bumulusok ang mundo ko ng pangungulila at sakit habang ang mga mata ni Papa ay nagsasara. Ang huling habilin na kanyang ibinulong sa akin ay nagbukas ng maraming tanong na walang sagot. Tumingin lang ako kay Dark, walang pakialam, nakatitig mula sa kabila ng tanaw.

“Ikaw na ang bahala sa kanya,” sabi ng Papa ko kay Dark na pabalik pa lang galing sa lalaking pinutukan ng bala kanina. Nang hindi na makapagsalita ng buo, ang mundo ko ay tila tumigil sa pag-ikot habang pinapanood ko ang kanyang huling sandali.

Nandun kaming lahat, nakaharap kay Dark na may seryosong ekspresyon sa kanyang mukha. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi mula sa sakit na ito, pero alam kong kailangan kong maging matatag. Pumasok sa isip ko ang mga huling habilin ni Papa at ang pangako na ipinangako ko sa kanya.

“Si Dark na ang bahala sa iyo. Hinihintay na ako ng Mama mo at kapatid mo,” hirap na sabi ni Papa habang ang kanyang huling sandali ay lumilipas.

***

Tig-isang linggo na ang lumipas mula nang mailibing si Papa, at hindi pa rin nagsisink in sa akin ang lahat. Para akong baliw, tila hindi dapat tanggapin ang kanyang pagkamatay. Hindi ako makausap ng maayos ni Dark, at hindi rin ako makakain ng maayos. Ang mundo ko ngayon ay puno ng takot at pagkalito. Lahat-lahat na ‘yon ang ginamit ko upang magplano ng paraan upang makawala mula sa sitwasyong ito.

Ngayon, habang kami ay kumakain ng umagahan ni Dark sa mesa, biglang sumakit ang sikmura ko. Hindi ko na napigilan ang pagduduwal at tumakbo ako sa banyo. Nang makabalik ako sa mesa, nag-aalala si Dark sa aking kalagayan.

“Carissa, okay ka lang ba?” tanong niya, ang tono ay puno ng pag-aalala.

"Oo, okay lang ako," sagot ko, kahit na ang totoo, masama ang pakiramdam ko. Gusto kong magpanggap na okey ako, kahit na ilang beses na ako nagduduwal ngayong araw.

"Are you sure?" He verified.

"Yes. I'm okay." Tumango-tango pa ako.

Pagkaraan ng ilang minuto, habang kumakain kami, abala ang mga yaya at katulong sa paggawa ng dessert na ni-request ni Dark. Isa sa kanila, si Marites, ang lumapit sa akin na may dalang tray ng gamot. "Miss Carissa, baka gusto mo ng gamot para sa dinaramdam mo?" tanong niya, may halong pag-aalala sa tinig.

"Salamat, Marites, pero okay lang ako. Siguro ay dahil lang sa hindi magandang gising ko," sagot ko, pilit na ngumingiti upang hindi siya magduda.

"Mukhang hindi ka pa rin okay, Miss Carissa. Grabe ang pamumutla mo," sabi ni Rosa, isa pang yaya na may malasakit. "Kung gusto mo, magpahinga ka muna."

Tumango ako ng mahina. "Siguro nga kailangan ko lang ng pahinga."

Nang makaalis na si Dark para sa kanyang importanteng meeting, nagdesisyon akong magmasid sa paligid. Napansin ko na ang bilang ng mga guwardiya ay dumoble mula nang mangyari ang trahedya sa buhay ng Papa ko. Napagtanto kong magiging mahirap ang pag-alis ko kung magtatangkang umalis.

Pumunta ako sa kwarto upang isagawa ang plano ko. Nagpanggap akong nahihirapan sa paghinga, at agad na dumating ang mga yaya.

Naglakad ako palabas at lumapit kay Marites. "Marites, h-hindi ata ako makahinga."

"Miss Carissa, kailangan mong madala sa ospital," sabi niya habang tinutulungan akong tumayo. "Tatawagin ko si Manong Edgar."

"Oo, Rosa, pero please wag mo munang sabihin kay Dark. May importante siyang meeting at ayokong maudlot iyon dahil dito," sagot ko, parang nahihirapan. Ang mga yaya at katulong ay nagmadaling dinala ako sa ospital.

Pagdating sa ospital, sinadya kong sabihin sa kanila na kailangan kong umihi. Nang malaman kong nasira ang private comfort room, nagkaroon ako ng ideya at nagmungkahi na gagamitin ko na lang ang pampublikong CR.

"Comfort room is the other side, Miss Carissa," sabi ng nurse na nagbigay ng direksyon. "Don't worry, may mga security guards outside para sa iyong safety. Sinabi po kasi ng mga maids na dapat hindi kayo mawalan ng bantay."

Problema ito.

"Pwede bang wag muna sila sumunod? Sa totoo lang, hindi ako makaihi ng maayos kung may nakasunod sa akin," pagdadahilan ko. "Please, I need to pee properly, naiilang ako sa kanila."

"Oh’ sige po, Miss Carissa."

Nagkunwari akong pumunta lang sa pampublikong CR, at nang makatiyak na walang guwardiya, agad kong tinanggal ang aking mga kagamitan at tinangkang makatakas. Mabilis akong umalis sa ospital at dumaan sa iba't-ibang hallway hanggang sa marating ko ang fire exit.

Habang lumalayo ako, naisip ko na bawat hakbang palayo sa ospital ay isang hakbang patungo sa bagong buhay. Hindi ko na inisip kung saan at bakit, gusto ko na lang makatakas mula sa takot at panganib. Sana’y hindi ako hanapin ni Dark.

Related chapters

  • Carrying the Mafia's Son   CHAPTER 6

    Abala ako sa pag-aayos ng blender na tila nagkaproblema dahil sa malaking tipak ng buto mula sa prutas. Hindi ko maiwasang mapangiwi habang pilit kong iniikot ang blade sa loob, pero mukhang talagang na-stuck na ito. Habang ginagawa ko iyon, natanaw ko si Malia na tumatakbo palapit sa mga alon sa dalampasigan."Malia, d’yan ka lang! Wag kang lalayo!" mabilis kong paalala habang nilingon siya saglit. Nag-aalala ako dahil kahit malapit lang siya, mabilis ang alon ngayon. Pagkalingon ko, bumalik ako sa pagtuon sa blender. Kailangan ko itong maayos dahil mukhang dadami ang turista ngayon sa resort namin. Ito na lang ang natira sa akin matapos mamatay si Papa – ang beach house at ang mismong dalampasigan. Pinili kong manirahan dito, malayo sa gulo ng siyudad kung saan naroon ang ama ni Malia."Mom! Look! Sea shells!" sigaw ni Malia na naririnig ko kahit lumalayo na siya."Marami talagang sea shells d’yan!" Nakangiti kong tugon habang tinatapos ang ginagawa ko. Pero kahit na may ngiti sa la

    Last Updated : 2024-08-20
  • Carrying the Mafia's Son   CHAPTER 7

    Dark sat in his dimly lit office, a gun in one hand and pictures all across his desk. It was a photo of Carissa, his wife—or more rightly, ex-wife—with their child, Malia. It showed them on a beach resort, happily making juice as though they did not have any care in the world. His blood boiled. "Damn it," he muttered through gritted teeth. Matagal niya silang hinanap, at ngayon lang niya sila natagpuan, living a life without him. He couldn't believe it—the woman he had loved, the woman who left him and took their child—the woman whom, after all, was out there living her life, na parang walang nangyari.He pressed the intercom on his desk. "Pedro, Ramon, come to my office," he ordered, his voice cold and commanding. He didn't intend to show up in front of Carissa now, but he would see to it that she wouldn't be able to escape him anymore. He wasn't just going to let this slide. *No, Carissa would pay for leaving him behind.*Maya-maya pa'y pumasok na ang dalawang tauhan niya, parehong

    Last Updated : 2024-08-21
  • Carrying the Mafia's Son   CHAPTER 8

    Hindi na halos makita ni Carissa ang direksyon ng mga paa niya habang nagtatakbo, pinipilit abutin ang sasakyang papalayo, bitbit ang pinakamahalaga sa kanya—ang kanyang anak na si Malia. She keeps on running to reach the vehicle that is now getting farther and farther, carrying with it the most important thing that mattered to her—her daughter, Malia. That it had taken away from her this little angel of hers gave Carissa an inexplicable pain. "Please! Please, help me! Someone took my daughter!" halos pasigaw na pakiusap ni Carissa habang umiiyak, bumabagsak ang bawat luha sa kalsada. Kahit na may ilang tao ang nagtatangkang lumapit, wala ni isa ang makagawa ng kahit ano. Walang nakakita sa aktwal na pangyayari, at parang bumagsak na lang bigla ang mundo ni Carissa. She hurried to the nearest police station, hoping to get some help, but the process in there was incredibly slow. "Already said they took my daughter! Gaano ba kahirap intindihin yon?!" galit na tanong ni Carissa, halo

    Last Updated : 2024-08-21
  • Carrying the Mafia's Son   CHAPTER 9

    "Make sure you take care of Malia today," ordered Dark to Luna as he put on his coat. "Don't come in. I have an important meeting today, and I just need to have peace of mind that Malia is okay without me." Tumango si Luna, may bahagyang takot sa kanyang mga mata. "Sige, ako na ang bahala kay Malia. But, Dark, siguradong ayos ka lang ba? You look. tense," dagdag niya, alam ang bigat ng dinadala ni Dark. "I'm fine," sagot ni Dark nang walang emosyon. Hindi niya gustong ipakita ang tunay niyang nararamdaman. "It's just business, nothing personal." Ngunit alam ni Luna na higit pa roon ang nasa isip ni Dark. Matagal na niyang kilala ang kanyanh boss, at alam niya kung gaano kaseryoso ito pagdating sa ganitong klaseng mga bagay. Pagkatapos ng maikling pag-uusap, umalis na si Dark, dala ang lahat ng plano sa utak niya. Sumakay siya sa kanyang itim na kotse at nagmaneho patungo sa isang high-end na lugar kung saan nakatakdang maganap ang kanyang meeting kay Amando. --- Pagdating

    Last Updated : 2024-08-21
  • Carrying the Mafia's Son   CHAPTER 10

    Ilang oras din ang biyahe ni Carissa mula sa beach house patungo sa opisina ni Dark. Habang papalapit na siya sa gusali, tinitingnan na siya ni Dark mula sa CCTV monitor. Malamig ang tingin, at ang mga paa niya ay nakapatong sa mesa. Walang bakas ng emosyon sa kanyang mukha, pero alam niyang darating ang sandaling ito. Pagdating ni Carissa sa entrance, humarap siya sa guard na naka-duty. "Kailangan kong makausap si Dark," madiin niyang sabi, dala ang pag-asa na makita na niya si Malia. Gusto niyang makuha ang anak niya at umalis agad sa lugar na ito. "Ma'am, hindi po kami uma-accept ng bisita kapag wala pong appointment kay Sir Dark," sagot ng guard, matigas ang tono, na para bang isa na lang ito sa mga routine niyang trabaho. "But! Look, kailangan ko siyang kausapin! Please!" pagsusumamo ni Carissa, pero tila bingi ang guard. Naiinis na siya, at tila nawawala na ang pasensya niya. "Ma'am, hindi nga po pwede. Wala pong notice ang tauhan ni Sir Dark para papasukin kayo," the guard s

    Last Updated : 2024-08-21
  • Carrying the Mafia's Son   CHAPTER 11

    Habang nakatitig si Carissa sa anak niyang si Malia na abala sa paglalaro ng Barbie dolls, hindi niya maiwasang mapabuntong-hininga. Napakabilis ng mga pangyayari, at ngayon, heto siya, nasa loob ng opisina ni Dark, kasama ang kanilang anak. Matagal na niyang iniwasan ang ganitong sitwasyon, ngunit parang tinadhana na magkita sila muli."Mommy, ang cute ng mga dolls na 'to," Masiglang sabi ni Malia, habang pinapaikot ang Barbie na mas malaki pa sa kanya.Ngumiti si Carissa, pilit na itinatago ang bigat na nararamdaman. "Yes, baby, it looks like you," sabi niya, kasabay ng paghaplos sa nagulong buhok ng anak.Napatingin si Malia sa gilid niya at napansin niya si Dark, na abala sa pakikipag-usap kay Law. "Mommy, ang gwapo ng lalaki na 'yon," bulong ni Malia habang itinuturo si Dark.Napalunok si Carissa at bahagyang napangiti. "Silly little girl," he said, attempting to hold back the emotion. Pero deep inside, he knows that the kid was right. If Dark had been handsome before, he was far

    Last Updated : 2024-08-22
  • Carrying the Mafia's Son   CHAPTER 12

    Ilang saglit na katahimikan ang namagitan kina Dark at Carissa matapos ang kanilang tensyonadong palitan ng salita. Nakatingin si Carissa sa sahig, tila pinipilit ang sarili na hindi magpakita ng kahinaan sa harap ng asawa. Pero sa loob niya, wasak na wasak na siya. Hindi niya gustong makipagbangayan. Ang nais niya lang ay magkaroon ng katahimikan at kalayaan, lalong-lalo na para sa anak nilang si Malia."Dark," basag ni Carissa sa katahimikan, pilit niyang pinapakalma ang nanginginig na boses, "hindi kita iniwan dahil gusto kong saktan ka. Iniwan kita dahil... gusto ko lang ng katahimikan. Ng kapayapaan para sa sarili ko at para kay Malia."Tumitig si Dark sa kanya, ang mga mata nito'y malamig at parang nagmamasid sa bawat galaw niya, na parang binabasa ang kanyang kaluluwa. Walang emosyon ang makikita sa kanyang mukha, pero sa loob niya, bumubula ang galit at lungkot."Peace? Carissa, satingin mo ba, hindi ko rin gustong magkaroon ng katahimikan sa buhay natin?" tanong ni Dark, may

    Last Updated : 2024-08-22
  • Carrying the Mafia's Son   CHAPTER 1

    Dark Severilla POV**"Are you deaf? Or you want to be dead? Ang sabi ko, patayin mo na lahat," utos ko sa aking assassin na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.He heard it right. Subalit, gulat na gulat siya sa utos ko.Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pagpasok ni Carissa sa kwarto kaya't ibinulsa ko agad ang aking cellphone at hinarap siya."What took you so long?" galit na bungad ko sa kanya. Napatitig ako sa kaniya na pupungas-pungas pa ang mata na lumapit sa akin."Sorry, nakatulog ako at napagod kagabi, Dark," paliwanag niya.Hinilingan ko ang mukha niya. Napakaganda nito. Her effortless beauty took me. Wala akong kahirap-hirap pagdating sa babae pero kinailangan ko pang ilagay sa bingit ng kamatayan ang ama niya just to get her. Wala na nga dapat akong pakialam sa kaniyang ama na nagtaksil sa akin at muntik ng nakawin lahat ng records and file ko para lang ibenta sa kalaban. That damn asshole! Pero hindi na rin ako manghihinayang dahil kung hindi mangyayari iyon ay hindi ko m

    Last Updated : 2024-08-12

Latest chapter

  • Carrying the Mafia's Son   CHAPTER 12

    Ilang saglit na katahimikan ang namagitan kina Dark at Carissa matapos ang kanilang tensyonadong palitan ng salita. Nakatingin si Carissa sa sahig, tila pinipilit ang sarili na hindi magpakita ng kahinaan sa harap ng asawa. Pero sa loob niya, wasak na wasak na siya. Hindi niya gustong makipagbangayan. Ang nais niya lang ay magkaroon ng katahimikan at kalayaan, lalong-lalo na para sa anak nilang si Malia."Dark," basag ni Carissa sa katahimikan, pilit niyang pinapakalma ang nanginginig na boses, "hindi kita iniwan dahil gusto kong saktan ka. Iniwan kita dahil... gusto ko lang ng katahimikan. Ng kapayapaan para sa sarili ko at para kay Malia."Tumitig si Dark sa kanya, ang mga mata nito'y malamig at parang nagmamasid sa bawat galaw niya, na parang binabasa ang kanyang kaluluwa. Walang emosyon ang makikita sa kanyang mukha, pero sa loob niya, bumubula ang galit at lungkot."Peace? Carissa, satingin mo ba, hindi ko rin gustong magkaroon ng katahimikan sa buhay natin?" tanong ni Dark, may

  • Carrying the Mafia's Son   CHAPTER 11

    Habang nakatitig si Carissa sa anak niyang si Malia na abala sa paglalaro ng Barbie dolls, hindi niya maiwasang mapabuntong-hininga. Napakabilis ng mga pangyayari, at ngayon, heto siya, nasa loob ng opisina ni Dark, kasama ang kanilang anak. Matagal na niyang iniwasan ang ganitong sitwasyon, ngunit parang tinadhana na magkita sila muli."Mommy, ang cute ng mga dolls na 'to," Masiglang sabi ni Malia, habang pinapaikot ang Barbie na mas malaki pa sa kanya.Ngumiti si Carissa, pilit na itinatago ang bigat na nararamdaman. "Yes, baby, it looks like you," sabi niya, kasabay ng paghaplos sa nagulong buhok ng anak.Napatingin si Malia sa gilid niya at napansin niya si Dark, na abala sa pakikipag-usap kay Law. "Mommy, ang gwapo ng lalaki na 'yon," bulong ni Malia habang itinuturo si Dark.Napalunok si Carissa at bahagyang napangiti. "Silly little girl," he said, attempting to hold back the emotion. Pero deep inside, he knows that the kid was right. If Dark had been handsome before, he was far

  • Carrying the Mafia's Son   CHAPTER 10

    Ilang oras din ang biyahe ni Carissa mula sa beach house patungo sa opisina ni Dark. Habang papalapit na siya sa gusali, tinitingnan na siya ni Dark mula sa CCTV monitor. Malamig ang tingin, at ang mga paa niya ay nakapatong sa mesa. Walang bakas ng emosyon sa kanyang mukha, pero alam niyang darating ang sandaling ito. Pagdating ni Carissa sa entrance, humarap siya sa guard na naka-duty. "Kailangan kong makausap si Dark," madiin niyang sabi, dala ang pag-asa na makita na niya si Malia. Gusto niyang makuha ang anak niya at umalis agad sa lugar na ito. "Ma'am, hindi po kami uma-accept ng bisita kapag wala pong appointment kay Sir Dark," sagot ng guard, matigas ang tono, na para bang isa na lang ito sa mga routine niyang trabaho. "But! Look, kailangan ko siyang kausapin! Please!" pagsusumamo ni Carissa, pero tila bingi ang guard. Naiinis na siya, at tila nawawala na ang pasensya niya. "Ma'am, hindi nga po pwede. Wala pong notice ang tauhan ni Sir Dark para papasukin kayo," the guard s

  • Carrying the Mafia's Son   CHAPTER 9

    "Make sure you take care of Malia today," ordered Dark to Luna as he put on his coat. "Don't come in. I have an important meeting today, and I just need to have peace of mind that Malia is okay without me." Tumango si Luna, may bahagyang takot sa kanyang mga mata. "Sige, ako na ang bahala kay Malia. But, Dark, siguradong ayos ka lang ba? You look. tense," dagdag niya, alam ang bigat ng dinadala ni Dark. "I'm fine," sagot ni Dark nang walang emosyon. Hindi niya gustong ipakita ang tunay niyang nararamdaman. "It's just business, nothing personal." Ngunit alam ni Luna na higit pa roon ang nasa isip ni Dark. Matagal na niyang kilala ang kanyanh boss, at alam niya kung gaano kaseryoso ito pagdating sa ganitong klaseng mga bagay. Pagkatapos ng maikling pag-uusap, umalis na si Dark, dala ang lahat ng plano sa utak niya. Sumakay siya sa kanyang itim na kotse at nagmaneho patungo sa isang high-end na lugar kung saan nakatakdang maganap ang kanyang meeting kay Amando. --- Pagdating

  • Carrying the Mafia's Son   CHAPTER 8

    Hindi na halos makita ni Carissa ang direksyon ng mga paa niya habang nagtatakbo, pinipilit abutin ang sasakyang papalayo, bitbit ang pinakamahalaga sa kanya—ang kanyang anak na si Malia. She keeps on running to reach the vehicle that is now getting farther and farther, carrying with it the most important thing that mattered to her—her daughter, Malia. That it had taken away from her this little angel of hers gave Carissa an inexplicable pain. "Please! Please, help me! Someone took my daughter!" halos pasigaw na pakiusap ni Carissa habang umiiyak, bumabagsak ang bawat luha sa kalsada. Kahit na may ilang tao ang nagtatangkang lumapit, wala ni isa ang makagawa ng kahit ano. Walang nakakita sa aktwal na pangyayari, at parang bumagsak na lang bigla ang mundo ni Carissa. She hurried to the nearest police station, hoping to get some help, but the process in there was incredibly slow. "Already said they took my daughter! Gaano ba kahirap intindihin yon?!" galit na tanong ni Carissa, halo

  • Carrying the Mafia's Son   CHAPTER 7

    Dark sat in his dimly lit office, a gun in one hand and pictures all across his desk. It was a photo of Carissa, his wife—or more rightly, ex-wife—with their child, Malia. It showed them on a beach resort, happily making juice as though they did not have any care in the world. His blood boiled. "Damn it," he muttered through gritted teeth. Matagal niya silang hinanap, at ngayon lang niya sila natagpuan, living a life without him. He couldn't believe it—the woman he had loved, the woman who left him and took their child—the woman whom, after all, was out there living her life, na parang walang nangyari.He pressed the intercom on his desk. "Pedro, Ramon, come to my office," he ordered, his voice cold and commanding. He didn't intend to show up in front of Carissa now, but he would see to it that she wouldn't be able to escape him anymore. He wasn't just going to let this slide. *No, Carissa would pay for leaving him behind.*Maya-maya pa'y pumasok na ang dalawang tauhan niya, parehong

  • Carrying the Mafia's Son   CHAPTER 6

    Abala ako sa pag-aayos ng blender na tila nagkaproblema dahil sa malaking tipak ng buto mula sa prutas. Hindi ko maiwasang mapangiwi habang pilit kong iniikot ang blade sa loob, pero mukhang talagang na-stuck na ito. Habang ginagawa ko iyon, natanaw ko si Malia na tumatakbo palapit sa mga alon sa dalampasigan."Malia, d’yan ka lang! Wag kang lalayo!" mabilis kong paalala habang nilingon siya saglit. Nag-aalala ako dahil kahit malapit lang siya, mabilis ang alon ngayon. Pagkalingon ko, bumalik ako sa pagtuon sa blender. Kailangan ko itong maayos dahil mukhang dadami ang turista ngayon sa resort namin. Ito na lang ang natira sa akin matapos mamatay si Papa – ang beach house at ang mismong dalampasigan. Pinili kong manirahan dito, malayo sa gulo ng siyudad kung saan naroon ang ama ni Malia."Mom! Look! Sea shells!" sigaw ni Malia na naririnig ko kahit lumalayo na siya."Marami talagang sea shells d’yan!" Nakangiti kong tugon habang tinatapos ang ginagawa ko. Pero kahit na may ngiti sa la

  • Carrying the Mafia's Son   CHAPTER 5

    Carissa’s POV.Kinabukasan, nagising ako sa tunog ng nahulog na babasaging gamit. Tiningnan ko ang orasan sa gilid ng kama at napagtanto kong 10 o'clock na pala. Madalas akong nagigising ng alas-6 ng umaga, kaya’t nagulat ako sa pagkaantok ko. Kumikirot pa ang sugat sa hita ko at ang mga bahagi ng katawan ko mula sa nangyari kagabi, pero pinilit kong bumangon upang tingnan.Pipihitin ko pa lang ang doorknob ng pintuan nang may kumalabog na namang bagay sa labas. Nagdalawang-isip akong buksan ang pintuan, lalo na nang marinig ko ang yabag ng mga paa.“Nasan kaya ang kwarto ng asawa ni Dark?” tanong ng isang lalaki.“Nandito lang iyon. Malaki man ang bahay ng gunggong na 'yon, mahahanap di na natin siya. Gaya nitong pintuan, mukhang malaki ang kwarto sa loob. Halika, silipin natin,” sagot ng kasama niya.Narinig ko ang yabag ng mga paa patungo sa pintuan ko kaya’t dali-dali kong hinawakan ang doorknob kahit sarado pa ito. Tila hinahabol ako ng kabayo sa bilis ng takbo ng puso ko. Ano na

  • Carrying the Mafia's Son   CHAPTER 4

    Carissa's POV.Hindi ko alam kung ano ang nangingibabaw—ang kirot ng sugat o ang init ng katawan ko dahil sa ginawa niya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nagre-react ng ganito. Sa gitna ng lahat ng pinagdaanan namin, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klaseng kilig at kaba sa kanya.Tumingala siya at tinitigan ako, halatang may bakas ng galit sa kanyang mga mata. "You should have let the medics take care of this. What if it got infected? You can't just ignore things like this, Carissa."Hindi ako makapagsalita. Sa isang banda, alam kong tama siya. Pero sa kabilang banda, parang may ibang pwersa ang humihila sa akin papalapit sa kanya. Iba ang dating ng pagiging protective niya; nakakabahala ngunit nakakapagpakalma rin."I can take care of myself, Dark," bulong ko, pilit na iniiwas ang mga mata ko mula sa titig niya.Ngumiti siya. "You don't have to. That's why I'm here." May bigat sa bawat salita niya, at naramdaman ko ang sincerity niya sa kabila ng kanyang malamig at mi

DMCA.com Protection Status