Habang nakatitig si Carissa sa anak niyang si Malia na abala sa paglalaro ng Barbie dolls, hindi niya maiwasang mapabuntong-hininga. Napakabilis ng mga pangyayari, at ngayon, heto siya, nasa loob ng opisina ni Dark, kasama ang kanilang anak. Matagal na niyang iniwasan ang ganitong sitwasyon, ngunit parang tinadhana na magkita sila muli."Mommy, ang cute ng mga dolls na 'to," Masiglang sabi ni Malia, habang pinapaikot ang Barbie na mas malaki pa sa kanya.Ngumiti si Carissa, pilit na itinatago ang bigat na nararamdaman. "Yes, baby, it looks like you," sabi niya, kasabay ng paghaplos sa nagulong buhok ng anak.Napatingin si Malia sa gilid niya at napansin niya si Dark, na abala sa pakikipag-usap kay Law. "Mommy, ang gwapo ng lalaki na 'yon," bulong ni Malia habang itinuturo si Dark.Napalunok si Carissa at bahagyang napangiti. "Silly little girl," he said, attempting to hold back the emotion. Pero deep inside, he knows that the kid was right. If Dark had been handsome before, he was far
Ilang saglit na katahimikan ang namagitan kina Dark at Carissa matapos ang kanilang tensyonadong palitan ng salita. Nakatingin si Carissa sa sahig, tila pinipilit ang sarili na hindi magpakita ng kahinaan sa harap ng asawa. Pero sa loob niya, wasak na wasak na siya. Hindi niya gustong makipagbangayan. Ang nais niya lang ay magkaroon ng katahimikan at kalayaan, lalong-lalo na para sa anak nilang si Malia."Dark," basag ni Carissa sa katahimikan, pilit niyang pinapakalma ang nanginginig na boses, "hindi kita iniwan dahil gusto kong saktan ka. Iniwan kita dahil... gusto ko lang ng katahimikan. Ng kapayapaan para sa sarili ko at para kay Malia."Tumitig si Dark sa kanya, ang mga mata nito'y malamig at parang nagmamasid sa bawat galaw niya, na parang binabasa ang kanyang kaluluwa. Walang emosyon ang makikita sa kanyang mukha, pero sa loob niya, bumubula ang galit at lungkot."Peace? Carissa, satingin mo ba, hindi ko rin gustong magkaroon ng katahimikan sa buhay natin?" tanong ni Dark, may
Dark Severilla POV**"Are you deaf? Or you want to be dead? Ang sabi ko, patayin mo na lahat," utos ko sa aking assassin na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.He heard it right. Subalit, gulat na gulat siya sa utos ko.Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pagpasok ni Carissa sa kwarto kaya't ibinulsa ko agad ang aking cellphone at hinarap siya."What took you so long?" galit na bungad ko sa kanya. Napatitig ako sa kaniya na pupungas-pungas pa ang mata na lumapit sa akin."Sorry, nakatulog ako at napagod kagabi, Dark," paliwanag niya.Hinilingan ko ang mukha niya. Napakaganda nito. Her effortless beauty took me. Wala akong kahirap-hirap pagdating sa babae pero kinailangan ko pang ilagay sa bingit ng kamatayan ang ama niya just to get her. Wala na nga dapat akong pakialam sa kaniyang ama na nagtaksil sa akin at muntik ng nakawin lahat ng records and file ko para lang ibenta sa kalaban. That damn asshole! Pero hindi na rin ako manghihinayang dahil kung hindi mangyayari iyon ay hindi ko m
Dark POV"Everything in place, Law?""Yes, Dark. All is in order," Law responded, straightening his suit and adjusting his cufflinks.Today is my wedding day. Hindi ko na pinatagal pa ang araw dahil hindi ko na maantay na ikasal kami ni Carissa."Where are Hector and Luna? Are they coming?" I asked, glancing at my reflection in the full-length mirror, ensuring my suit was impeccable."They're on their way, but they might be a bit late. Seems they had a disagreement," Law replied, taking a long drag from his cigarette."Probably about their next mission. That's all they ever seem to argue about," sabi ko, naniniwala na iyon ang dahilan."Yun lang naman lagi ang pinagaawayan nila," bumuga ng maitim na usok si Law mula sa sigarilyo."Tangina! Not in here, Law. You know I don't want Carissa to smell the smoke. Put it out," singhal ko sa kanya dahil kanina pa siya bumubuga ng usok. I don't want Carissa to smell me like this. Pakiramdam ko ay amoy usok na ako mula sa sigarilyo ni Law.Tumat
Carissa's POVMatapos ang sunod-sunod na putukan kanina, humupa na rin ang kaguluhan nang mawala si Dark at ang mga kaibigan niya. Ramdam ko pa rin ang kirot sa aking hita na ngayon ay tinitingnan ng mga medics."Ma'am, tara na po at dadalhin namin kayo sa ospital," wika ng isa sa mga medics habang nakaupo ako sa guest chair.Nagsialisan na ang mga bisita, pati na rin si Father na alalang-alala sa nangyari at ayaw pang umuwi upang tulungan kami. Gayunpaman, nagpasya ang mga tauhan ni Dark na ihatid na siya dahil baka madamay pa siya sa gulo. Ako na lamang ang natira sa venue ng kasal kasama ang mga medics at mga tauhan ng resort na nagliligpit ng mga gamit."Okay lang po ako," tugon ko sa medic. Ayoko nang pumunta sa ospital dahil sa daplis na ito. Masakit man sa pakiramdam, pero mas iniisip ko na makakapagpahinga ako nang mas mabuti sa bahay."Ma'am, kailangan pong magamot ang sugat ninyo.""Please, gusto ko lang magpahinga," paliwanag ko habang tumatayo. Insistido kong pinakita na o
Carissa's POV.Hindi ko alam kung ano ang nangingibabaw—ang kirot ng sugat o ang init ng katawan ko dahil sa ginawa niya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nagre-react ng ganito. Sa gitna ng lahat ng pinagdaanan namin, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klaseng kilig at kaba sa kanya.Tumingala siya at tinitigan ako, halatang may bakas ng galit sa kanyang mga mata. "You should have let the medics take care of this. What if it got infected? You can't just ignore things like this, Carissa."Hindi ako makapagsalita. Sa isang banda, alam kong tama siya. Pero sa kabilang banda, parang may ibang pwersa ang humihila sa akin papalapit sa kanya. Iba ang dating ng pagiging protective niya; nakakabahala ngunit nakakapagpakalma rin."I can take care of myself, Dark," bulong ko, pilit na iniiwas ang mga mata ko mula sa titig niya.Ngumiti siya. "You don't have to. That's why I'm here." May bigat sa bawat salita niya, at naramdaman ko ang sincerity niya sa kabila ng kanyang malamig at mi
Carissa’s POV.Kinabukasan, nagising ako sa tunog ng nahulog na babasaging gamit. Tiningnan ko ang orasan sa gilid ng kama at napagtanto kong 10 o'clock na pala. Madalas akong nagigising ng alas-6 ng umaga, kaya’t nagulat ako sa pagkaantok ko. Kumikirot pa ang sugat sa hita ko at ang mga bahagi ng katawan ko mula sa nangyari kagabi, pero pinilit kong bumangon upang tingnan.Pipihitin ko pa lang ang doorknob ng pintuan nang may kumalabog na namang bagay sa labas. Nagdalawang-isip akong buksan ang pintuan, lalo na nang marinig ko ang yabag ng mga paa.“Nasan kaya ang kwarto ng asawa ni Dark?” tanong ng isang lalaki.“Nandito lang iyon. Malaki man ang bahay ng gunggong na 'yon, mahahanap di na natin siya. Gaya nitong pintuan, mukhang malaki ang kwarto sa loob. Halika, silipin natin,” sagot ng kasama niya.Narinig ko ang yabag ng mga paa patungo sa pintuan ko kaya’t dali-dali kong hinawakan ang doorknob kahit sarado pa ito. Tila hinahabol ako ng kabayo sa bilis ng takbo ng puso ko. Ano na
Abala ako sa pag-aayos ng blender na tila nagkaproblema dahil sa malaking tipak ng buto mula sa prutas. Hindi ko maiwasang mapangiwi habang pilit kong iniikot ang blade sa loob, pero mukhang talagang na-stuck na ito. Habang ginagawa ko iyon, natanaw ko si Malia na tumatakbo palapit sa mga alon sa dalampasigan."Malia, d’yan ka lang! Wag kang lalayo!" mabilis kong paalala habang nilingon siya saglit. Nag-aalala ako dahil kahit malapit lang siya, mabilis ang alon ngayon. Pagkalingon ko, bumalik ako sa pagtuon sa blender. Kailangan ko itong maayos dahil mukhang dadami ang turista ngayon sa resort namin. Ito na lang ang natira sa akin matapos mamatay si Papa – ang beach house at ang mismong dalampasigan. Pinili kong manirahan dito, malayo sa gulo ng siyudad kung saan naroon ang ama ni Malia."Mom! Look! Sea shells!" sigaw ni Malia na naririnig ko kahit lumalayo na siya."Marami talagang sea shells d’yan!" Nakangiti kong tugon habang tinatapos ang ginagawa ko. Pero kahit na may ngiti sa la