Share

Chapter Two

“What was just happened?” Tumabi sa akin si Ms.Pim, lumingon ako sa kanya at kibitbalikat lang ang tanging pagsagot ko. Malay ko sa lalaking iyon, biglang umalis.

“Nasaan si Andrei?” tanong ko sa kanya. Lumingon naman siya sa kaliwang bahagi namin at doon ko nakita ang lalaking may kasalanan nito, nakangiti habang naka-peace sign.

“Lagot ka sa akin,” I mumbled to myself. Lumapit ako sa kanya at sumunod naman si Ms. Pim sa akin, nang makarating ako sa harap ni Andrei, kaagad ko siyang sinapak sa likod nito na agad naman siyang lumayo sa akin.

“Hey, what did I do?” as he says that, nakikita ko sa mukha niya na nasasaktan siya sa ginawa ko. He deserved it actually.

“What was that? He left, Andrei.”

“Okay, relax. I will talk to him, siguro nabigla lang sa ginawa mo, he’s not use to it.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, when I looked at them a while ago, halatang marami na itong kinama. “Allergic siya sa babae, lalo na sa…” I raised my hand to stap him talking. Alam ko ang ibig niyang sabihin.

Ayaw niya sa mga katulad ko. “Then, bakit pa siya dito naghahanap ng papakasalan?” Nakataas ang kilay ko sa lalaking kaharapo ko ngayon, wala ba silang maraming kakilala para ayain sa ganito?

“Kasi alm ko kailangan mo at makaalis ka na rito, Ms. Pim knows all about this, nag-usap kami. We just helped you out of here, Janella.”

Natahimik ako, pareho silang makaalis ako rito. I looked at Ms. Pim. “Are you sure you want me out?” I asked, umiling siya.

“Hindi pero kung iyon lang ang makakatulong sa inyo, gagawin ko. Alam kong safe ka sa lalaking iyon dahil best friend siya ni Andrei.”

“Anong gagawin ko? Umalis na.” I looked at Andrei again. He smiled at me na kinainis ko, may gana pa siyang ngumiti.

“I texted him already, he will wait outside after your shift.” Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya. Mag-aantay naman pala hindi na lang ako kinausap kanina.

“Just go to him, Janella. Your shift is now done for tonight,” Ms. Pim said.

“Are you sure?” I asked, she nodded at smiled at me. I heaved a sigh and nodded as well to them.

This is it, bahala na kung mapahiya sa lalaking iyon, mahirap ang gagawin kong desiyson pero tama sila Andrei at Ms. Pim, I need this opportunity. Hindi naman ako mayaman at nakapagtapos ng pag-aaral para makahanap ng decent job at stable, ang mga kagaya ko ay sa patalim na lang kumakapit para mabuhay.

Pumunta ako sa dressing room namin para magbihis, hindi pa nga ako nakapasok nang tuloyan ay hinarangan na ako ni Felicia. My ex-bestfriend.

“Tama ba ang narinig ko, aalis ka na rito?” she asked. Hindi ko na lang siya pinansin dahil alam kong naghahanap na naman ito ng gulo. I was about to walk from her when she held my shoulder to stop.

“Ayaw ko ng gulo,” I said. Ngumiti naman siya na ikinainis ko.

“Gusto ko lang sabihin na tama iyan, umalis ka na rito dahil sa totoo lang. Hindi ka naman talaga magaling na stripper, napilitan lang si Ms. Pim na ikaw ang nilagay sa taas dahil kailangan mo.”

Hindi niya siguro alam na aalis ako dahil may bibili sa aking mayaman, at kapag nalaman niya iyon paniguradong magagalit at maiinggit na naman siya sa akin. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahwak sa balikat ko at dahan-dahan itong inalis doon.

“Huwag kang mag-alala, hinding-hindi mo na ako makikita, Felicia. Ikaw na ang nasa pwesto ko dahil alam ko naman na mas gusto mo iyon. Gusto mong ikaw ang tinitingala ng mga kalalakihan kahit alam mong hindi ka nirerespeto.” Mahabang sabi ko na halatang nainis siya.

“Ipapaalala ko lang sa iyo, Janella. Huwag kang mangarap na may lalaking rerespeto sa iyo dahil tandaan mo, nagmula ka rin sa maruming trabaho, at sa pag-alis mo rito, sigurado akong hindi ka lalo maging masaya.”

Grabe talaga ang galit niya sa akin. Maayos kami dati, dail sabay kaming pumasok at sa mga panahon na iyon, pareho kaming walang alam na ito pala ang papasukin naming buhay. Matalik kong kaibigan si Felicia ngunit dati iyon, nagsimula ang galit niya sa akin noong ako ang pinalit ni Ms.Pim sa dating pinakamataas na stripper sa club. Hindi ko naman hiningi iyon kay Ms. Pim pero nagalit na si Felicia at simula noon, hindi niya na ako kinakausap at ganito na ang pakikitungo niya sa akin.

“Siguro nga, Felicia magkatulad tayo na marumi pero may pinagkaiba tayo.” Tumigil ako at tumingin ng diretso sa kanya. “Alam mo kung ano pinagkaiba natin? Ayaw ko sa ginagawa ko, I just did this because I need this pero ikaw, hindi mo ito kailangan gusto mo lang na sa iyo nakatingin ang lahat. We’re not the same, Felicia. Mas marumi ka.”

Pagkatapos kong sabihin iyon, sinamaan ko siya ng tingin at ganoon din siya. Iniwan ko na siya at dumiretso na lamang sa drawer ko para magbihis. Wala akong panahon para kausapin pa siya.

Nang makabihis ako, kaagad aokng nagpalaam sa iba kong kasamahan at kay Ms. Pim. Mukhang wala na rin si Andrei kaya hinayaan ko na lang ito. Nang makalabas ako sa club, I saw a car near at me. Sa back door ako dumaan at wala namang nakakaalm sa daanan na ito maliban sa amin at kay Andrei. Pinagmasdan ko lang nang mabuti ang kotse hanggang sa may bumabang tao and I was stunned to speak when I saw him, the friend of Andrei. The one who left me inside.

Huminga ako nang malalim bago maglakad papunta sa kanya. “Hey,” I greeted him. He just looked at me like he don’t care if I exist.

“You must be Janella? The one bitch who was dancing in front of me inside and the one mentioned by Andrei.” That’s not a question of him but a statement of fact.

Hindi ko na lang pinasnin ang sinabi niya dahil totoo naman. “Hi, I am Janella. At your service.” I smiled at him but he didn’t care at all.

“Get in,” he said and I am confused. “I said get in the car and we will talk the deal, bilisan mo maraming lamok.” And just by that, mabilis akong nagtungo sa kabila para sumakay. Takot siya sa lamok? Sabagay mga mayayaman nga naman.

Pinagmasdan ko lang siyang sumakay na rin sa loob. Kanina sa loob ng bar hindi ko natingnan ang buo niyang katawan dahil nakaupo ito but right now, ang tangkad niya at ang ilong niya sobrang tangos. Ano kayang lahi niya.

Kapag ba nagkaroon kami ng anak, magiging ganito din kaganda? “Stop looking at me, it creeps me out.” Ngumiwi ako sa kanya.

Natigil na lang ako dahil naalala ko na naman ang nangyari kanina sa loob, wala manlang siyang pakealam na sinayawan ko siya sa harap. Nakakahiya.

Lumingon ako sa kanya. “Ang sabi ni Andrei ay allergic ka sa mga babae, dapat bakla na lang inaya mong magpakasal.” Napatikop kaagad ako ng bibig nang lumingon din siya sa akin at sinamaan ako ng tingin. “Nagbibiro lang naman, ang seryoso mo naman, Sir.”

“I don’t like jokes if we’re not close. Just take this.” May kinuha siyang folder at inabot sa akin.

“Ano ito?” tanong ko na sana hindi ko na lang ginawa dahil parang galit na naman siya. Dapat si Felicia na lang inaya niya dahil lagi silang galit. “Sabi ko nga tatahimik na, pero ano ba ito?” tanong ko ulit.

“That’s an agreement between us, if you sign that the marriage will follow.” oh God! Ikakasal nga pala ako sa masungit na lalaking ito. “Open it when you’re in your house,” he said. I just shrugged my shoulder.

“Kung ayaw mo sa mga babae bakit gusto mong magpakasal at dito ka pa talaga naghanap ng mapapangasawa mo. I mean, wala ka bang kilalang babae na pwede mo lang ayain. I am sure walang nagkakarandapa sa iyo.” mahaba kong sabi pero hindi niya ako pinansin, instead he opned the door.

“You talked too much. Now, go out and leave.” Taka ko siyang tiningnan, iyon lang?

“I’m sorry, nagtaka lang naman kung bakit dito ka naghanap ng bride.” As I continued talking, he glared at me so I shut my mouth.

“Give me your phone.” mas lalo akong nagtaka sa kanya nang hingin niya ang cellphone ko pero wala akong nagawa kundi ibigay ang mumurahing cellphone ko, maliit lang ito at keypad pa. “This is your phone?” he asked as if I am some kind of weird person that I have a small and cheap phone.

“What’s my phone?” tanong ko sa kanya.

“You worked as a stripper and you have a lot of money too, and you did not buy a nice phone?” he asked.

“Pasensya na po ah, lahat kasi ng pera na nakuha ko sa pagiging stripper ay napupunta sa pamilya ko. I don’t have time buying expensive phone dahil hindi ko naman gusto. At saka, ano bang gagawin mo rito.” nakakainis siya ah. Pati cellphone ko tinatanong.

Pinagmasdan ko lang siyang ginamit ang phone ko. “I saved my number here, call me if you already signed the agreement. And here.” I frowned when he gave me money. “Take it and buy a new phone for yourself.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status