Share

Chapter Four

Mabilis kong tinulak si Diego palayo sa akin at tumayo ako, sinamaan siya ng tingin. Hindi ko na mabilang kung ilang pag-irap na ang ginawa ko sa kanya mula pa kanina hanggang ngayon. "Baka marinig ka nila Mama at Papa, manahimik ka." Giit kong sabi sa kanya, he just looked at me like I am some kind of weird person.

"Hindi mo ba papakainin si Diego, anak?" Lumingon ako kay Nanay nang lumabas siya mula sa kusina. Ngumiti ako at saka bumaling kay Diego.

"Papunta na Nanay," I said. Hinila ko si Diego papunta sa kusina at sabay kaming umupo sa hapagkainan.

Pagkapasok ko pa lang bunganga na ni Andrei ang naririnig ko at ang kakulitan niya, ang daming niyang kwento sa magulang ko. Malayong-malayo sa lalaking katabi ko na ubod ng tahimik. Parang nagtitipid ng salita.

"Ang yaman pala talaga ng mga kaibigan mo anak, saan mo ba sila nakilala?" Nagulat ako sa biglaang tanong ng ama ko. Tumingin ako kay Andrei na biglang sumeryoso ang mukha at palihim na tumingin kay Diego na na tumingin na rin pala sa akin.

Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong ni tatay pero. "Hmmm, sa trabaho ko lang, Tatay." Yumuko ako pagkasagot ko at nagsimulang kumain.

"Mga amo mo ba sila, anak? Ang bait naman ng mga batang ito dahil mabait sila sa iyo, nagpunta pa sa maliit nating bahay." Ngumiti ako kay tatay at hindi na nagsalita pa. Sana lang hindi madulas ang dalawang ito sa harap ng magulang ko kasi kung nagkamali sila ng sasabihin, I’m totally dead.

Masayang natapos ang hapunan ng dalawa sa amin, kahit late na ng gabi may gana pang maki-kain sa bahay namin. Nagpaalam na rin silang dalawa kina Tatay at Nanay at ako na rin ang nagsabi na ako na ang maghahatid sa kanila dahil madaling araw na. Hindi na pwedeng magpuyat ang magulang ko. Buti nga ay natulog na ang dalawa kong kapatid dahil sigurado akong dadaldalin nila si Diego at Andrei magdamag.

“Hindi na kayo makakaulit sa pagpunta rito,” agad kong sabi nang makalabas kami sa bahay. Sumimangot naman si Andrei na parang bata. “Kasalan mo ang lahat kaya huwag mo akong bigyan ng ganyang mukha, Andrei.” Akma ko siyang sasapakin nang mabilis siyang pumunta sa likod ni Diego kaya ang nangyari, si Diego ang nasa harap ko ngayon. Isa pa ang lalaking ito, hindi manlang humindi na pumunta rito. Sigurado ako na maraming itatanong ulit ang magulang ko tungkol sa kanilang dalawa.

“Masaya kausap sina Aunt and uncle, hindi mo kami pwedeng pagbawalan na bumalik dito. Baka nga dito na tumira ang kaibigan ko, hindi ba brother?” Saglita lang siyang tiningnan ni Digeo at hindi sinagot kaya mas lalo siyang sumimangot, ang dalal kasi. He deserved it.

“You should go first in the car, Andrei. I need to talk to her.” Kumunot ang noo ko sa narinig mula kay Diego. Tuwang-tuwa naman si Andrei umalis at pumasok sa kotse. Bumaling sa akin si Diego pagkatapos mawala ni Andrei sa paningin namin.

“Ano ang pag-uusapan natin? Tapos na tayong mag-usap kanina pa, hindi ko tatanggapin ang offer kaya umalis ka na rin, don’t bother me anymore.” I rolled my eyes on him pero ang lalaking ito hindi manlang natinag.

“You talked too much, don’t you? Just read the contract again and again until you’ll decide a yes answer and beside, ayaw kong maghanap ng ibang babae dahil sayang sa panahon ko. Bakit pa ako lalayo kung kilala ka ng kaibigan ko. Iniwan ko ang pera sa sofa ninyo, you should buy a new phone.” Hindi ko siya pinansin pero nakikinig lang ako sa sinabi niya. Iniwan pa talaga ang pera at nagpupumilit na bumili ako ng bagong cellphone, ano ba siya? Sugar daddy?

“Manigas ka, ang kulit mo rin talaga. Hindi ko nga kukunin iyon at ang offer. Just leave me alone.” I was about to enter back inside when he spoke that made me stop. Nanghina ako nang marinig ang sinabi niya.

“You need a huge money for them, right? Ikaw ang makulit, you better accept my offer dahil makikinabang ka rin naman sa offer ko. Pareho tayong makikinabang, Janella. Think of that again.”

I did not respond to him, mas pinili kong pumasok sa loob ng bahay at mabilis na sinarado ang pintuan. Bumuntonghininga ako sabay lapit sa couch kung saan siya nakaupo kanina. Hindi nga siya nagbibiro, iniwan niya nga ang pera na ibinigay niya sa akin kanina para pambili ng cellphone. Dahan-dahan ko itong kinuha at pinagmasdan.

“Anong klaseng nilalang ba ang mga taong pumasok sa buhay ko ngayong araw?” tanong ko sa sarili. Bigla akong nabaliw. Pumasok na lamang ako sa kwarto at nakita ang folder na nasa maliit kong lamesa, kinuha ko ito at inilagay ang pera sa loob. Sa ayaw at sa gusto niya, ibabalik ko sa kanya ang pera at ang agreenment paper.

Kinabukasan nagising ako dahil sa ingay ng mga tao sa bahay, hindi ba nila alam na wala akong tulog? Hindi nga agad ako nakatulog kahit nakahiga at nakapikit na ang mga mata ko dahil ang isip ko naglalakabay pa rin kahit saan, ginugulo ako ni Diego kahit sa pagtulog ko then wala akong ibang maririnig ngayong umaga kundi ingay ng mga kapatid ko? Ano ba kasing meron?

Inis akong bumangon at padabog na lumabas ng kwarto na sana hindi ko na lang pala ginawa. Mabilis akong tumalikod at sinarado ang pintuan ng aking kwarto. Anong ginagawa ng lalaking iyan dito? Hindi ba siya natutulog? Late na siya umuwi kagabi at ngayon ang aga niya pumunta? Nahihibang na ba siya? Sabado ngayon kaya walang pasok ang mga kapatid ko, hindi naman sila ganito kaingay tuwin walang pasok. Ngayon lang na may bisita at higit sa lahat, si Diego pa!

SInabunotan ko ang buhok ko dahil sa inis. Ang aga, mababaliw ako sa kanya. “Anak! Lumabas ka na, gising ka na raw pala. Mag-ayos ka, mag-aantay si Diego. Kanina pa siya rito, may alis daw kayo. Ano ka ba namang bata ka, bakit late ka na nagising!” Napakunot ang noo ko sa sigaw ni Nanay. Anong pinagsasabi niya? Hindi kami nag-usap na aalis kami ngayon. Desiyon na ba talaga siya sa buhay kung anong dapat kong gawin?

Galit kong binuksan ang pinto at natahimik silang lahat sabay na lumingon sa akin. “Good morning, big sister.” Hindi ko pinansin ang bunso kong kapatid, galit akong pumunta sa harap ni Diego at sinamaan siya ng tingin.

“Good morning?” he said in a question type. Walang maganda sa araw sa ginawa niya rito sa amin.

I grabbed him away from my siblings and I was about to bring him outside when my mother called me. “Lalabas kang hindi nagsusuot ng bra at naghihilamos, Janella?” Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong tama siya, wala akong suot na bra at hindi pa nakapag-ayos. Bumaling ako kay Diego na ngayon ay nakatingin na sa dibdib ko sabay lunok.

“Pervert!”

“Oh My God!”

I slapped him hard and went to my room, pero bago pa ako makapasok sa kwarto ko. Sinigawan ko siya. “Don’t do anything stupid. Wait for me, mabilis lang ako!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status