"Huh?" Nakatingin ako sa kanya na puno ng pagtataka. Bakit niya ako binigyan ng pera para lang sa cellphone? Sigurado ba siyang tatanggapin ko ang pagpapakasal sa kanya?
"Hindi naman po ako sigurado na tatanggapin ko ang alok mo," sabi ko sa kanya.Kumunot naman ang noo niya at halata sa mukha na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Totoo naman, pag-iisipan ko pa lang. "Just buy your new phone and think to answer a yes to my offer," he said while frowning an eyebrow.Bakit parang desisyon pa siya sa magiging sagot ko kung totoo naman talaga na hindi ako sigurado kung tatanggapin ko ang offer. Hindi ko pa nga nasabi sa magulang ko ang tungkol sa pagpapakasal. "Hindi ko tatanggapin ang offer mo at hindi pa kita kilala, sorry Sir kahit ganito ang trabaho ko, hindi mangaral ayaw kong madesisyon na isan bagay na mawawalan ako ng karapatan sa sarili ko." Mahabng sabi ko, I was about to get out of the car when he suddenly held me. "Aalis na ako," dagdag ko pa at pilit na inaalis ang pagkahawa niya sa kamay ko."Ang trabaho mo lang ay maging asawa ko, hindi kita tatanggalan ng karapatan sa sarili mo. Do whatever you want." Napatigil ako sa sinabi niya at may naisip na tanong tungkol sa karapatan ko sa sarili ko."Maaari pa rin akong magtrabaho rito kahit kasal na tayo?" I asked. He looks frustrated with my question, huwag niyang sabihin na pagbabawalan niya ako dahil siya na mismo nagsabi tungkol sa karapatan ko sa sarili ko, gawin ko ang gusto kong gawin."Except that," he said like he was done with me. Iyon pa nga lang ang usapan namin hindi na siya nakapagtimpi."I won't do it, maghananap ka na lang ng iba sa loob. I am so sorry, hindi pa ako handa sa ganitong obligasyon." Mabilis akong lumabas ng kotse at nag-abang ng taxi. "Kuya sa Sampaloc Street," I told the driver.Bumuntonghininga ako at saka lumingon sa likod, nakita kong nakatayo siya sa labas ng kotse niya na nakatingin sa akin. Nangangailangan ako ng pera pero naisip ko rin na malaking desisyon ang kailangan kong gawin, hindi ko pa kilala ang lalaking iyon. Paano kung pag kasal na kami at nagsama ng ilang buwan ako ang kawawa, bugbogin ako o hindi kaya hindi na ako makabalik sa amin? Paano ang pamilya ko? Maraming tumatakbo sa isipan ko sa pagkakataong ito pero kung hindi ko rin tanggapin ang offer, paano rin ang pamilya ko? Paano sila Nanay at Tatay na kailangan maipagamot. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, kasalanan ito ni Andrei. Kung hindi niya sinabi ang pangalan ko sa kaibigan niya hindi ako magkakaproblema ng ganito kalala."Nakauwi ka na pala, kumain ka na ba?" tanong sa akin ni Nanay, hinalikan ko muna siya sa pisngi at ngumiti sa kanya."Kumain na po, Ma. Si Tatay po?" tanong ko. Nagtaka naman ako dahil tumingin siya sa akin na biglang sumeryeso ang mukha. "May problema po ba?" tanong ko ulit."Nasa loob ang Tatay mo, kausap ang bisita natin." Bisita? Sino na naman? "Ang sabi niya kaibigan mo siya, nasa loob. Iyon nga ang kotse niya." Agad akong lumingon sa tinuro ni Nanay sa likod ko at laking gulat ko nang makita ang isang pamilyar na kotse.Kaagad akong pumasok sa loob, "Anak, nandito ka na pala. Hindi mo naman sinabi na mayroon kang mga kaibigan na mayayaman at gwapo," sabi ni Tatay na halos kinalaki ko ng mga mata. Lumingon ako sa dalawang lalaki na magkatabi at nakaupo sa maliit naming upoan. It was Andrei and Diego.Anong ginagawa nila rito? Nakangiti pang tumingin sa akin si Andrei na akala niya ay nakakatuwa siya, inirapan ko siya at sinamaan ng tingin nang kumaway siya sa akin. Bumaling din ako kay Diego na seryso lang ang tingin sa akin."Good evening, Janella." Nakangiting bati sa akin ni Andrei."Anong ginagawa ninyo rito?" tanong ko sa kanilang dalawa sabay halik sa pisngi ng tatay ko. Tumayo siya at nagpaalam na sa kusina muna kasama si Nanay.Umupo ako sa harap nilang dalawa at hindi pa rin nawawala ang masamang tingin ko sa kanila. Bakit nagpunta sila rito na nauna pa talaga sa akin? "Ito kasing kaibigan ko, gusto niyang pumunta rito dahil daw sabi mo ay hindi mo pa siya kilala kaya ito magpapakilala ulit siya sa iyo." Huminga ako nang malalim sa sinabi ni Andrei. Anong kalokohan ito?Bumaling ako kay Diego na wala pa rin expresyon sa mukha. "Totoo ba?" tanong ko. Tumango lang siya at bumaling kay Andrei na tila ba nanghihingi ng sasabihin. Ano ba itong magkaibigan na ito, sinira yata ang gabi ko."Hindi pa raw kumain ang dalawa gwapo na ito kaya bumili na lang kami ng barbeque sa labas para iyon na lang ang kainin nila, pasensya na mga anak hindi namin alam na may bisita. Nakakahiya man pero sana tanggapin ninyo ang munti naming inihandang pagkain para sa inyo." Lumabas si Nanay mula sa kusina at sinabi iyon, napatayo ako at pinigilan siya."Uuwi na rin po sila, Nay. Huwag na po kayo mag-abala," sabi ko at sinenyasan ang dalawa na lumabas na ng bahay. Nakakahiya na nandito sila, ano bang gusto ng mga ito.Nagkatinginan silang dalawa na tila nag-uusap gamit ang mga mata nila at sabay rin bumaling sa Nanay ko. "Gutom na talaga kami, maraming salamat." Napakagat labi ako at gustong-gustong tadyakan si Andrei. Sabay pa silang tumayo kaya tumingala kami ni Nanay sa kanila dahil sa tangkad na rin nilang dalawa, ngumiti sa akin si Andrei at inaya si Nanay sa kusina.Naiwan kaming dalawa ni Diego, "Ano bang ginagawa ninyo rito?" Naiinis kong tanong."Si Andrei ang nagsabi na pupunta kami, sinama niya lang ako." Hindi ako naniniwala sa sinabi niya, if I were know siya mismo ang nag-utos kay Andrei na pumunta rito pero ang kapal naman ng mukha ko kung iyon ang iisipin ko. "I don`t want to go here but Andrei insisted," he said.Inirapan ko siya at hinarap ng buong tapang ko ngunit natigil din dahil ang tangkad niya kaya umupo ako. "Umupo ka, mag-usap tayo." Hinila ko siya pababa para paupoin na agad ko rin inalis ang kamay kong humawak sa kanya.Tumikhim ako ng dalawang beses at tumingin lang siya sa akin, nag-aantay ng sasabihin ko. "Look, kung nandito ka o kayong dalawa ni Andrei para habulin ako at umasa na pumayag sa offer mo, hindi ko gagawin. Mas mabuting umalis na lang kayo," I said.Nanliit ang mga mata niya at kinunotan ako ng noo, napaatras ako nang ilapit niya ang mukha niya sa aki. "What are you doing?" Pilit akong umiiwas."You will marry me no matter what at kahit kailanga, basta magpapakasal ka sa akkin." He smirked.Mabilis kong tinulak si Diego palayo sa akin at tumayo ako, sinamaan siya ng tingin. Hindi ko na mabilang kung ilang pag-irap na ang ginawa ko sa kanya mula pa kanina hanggang ngayon. "Baka marinig ka nila Mama at Papa, manahimik ka." Giit kong sabi sa kanya, he just looked at me like I am some kind of weird person. "Hindi mo ba papakainin si Diego, anak?" Lumingon ako kay Nanay nang lumabas siya mula sa kusina. Ngumiti ako at saka bumaling kay Diego. "Papunta na Nanay," I said. Hinila ko si Diego papunta sa kusina at sabay kaming umupo sa hapagkainan. Pagkapasok ko pa lang bunganga na ni Andrei ang naririnig ko at ang kakulitan niya, ang daming niyang kwento sa magulang ko. Malayong-malayo sa lalaking katabi ko na ubod ng tahimik. Parang nagtitipid ng salita."Ang yaman pala talaga ng mga kaibigan mo anak, saan mo ba sila nakilala?" Nagulat ako sa biglaang tanong ng ama ko. Tumingin ako kay Andrei na biglang sumeryoso ang mukha at palihim na tumingin kay Diego na na tumingin na ri
Mabilis ko lang tinapos ang pagligo at pag-ayos ko, simpleng suot lang. Tanging plain T-shirt at fitted pants. Hindi ko naman alam kung saan kami pupuntang dalawa at mas lalong wala akong sinabi na aalis kami ngayon. Ang desisyon niya talaga sa buhay ko. Aalis pa ako mamaya dahil papasok ako sa club at sigurado akong magugulat sina Miss Pim dahil pumasok pa ako. Hindi ko naman kasi tatanggapin ang offer, ilang taon na ako sa club at nasanay na akong gawin ang trabaho ko sa buhay na ito.Lumabas ako at natahimik na rin sa wakas ang paligid, “Si Diego?” tanong ko kay Justin na pangalawa kong kapatid, tinuro niya naman ang labas ng bahay, nakita ko si Diego na nakatilikod at may katawagan. Bumaling ulit ako sa dalawa kong kapatid, sinamaan sila ng tingin. “Tumulong kayong maglinis ng bahay at saka tulongan ninyo sina Nanay at Tatay sa trabaho pagkatapos ninyong gumawa ng school works ninyo.”“Yes Ma’am!” sabay nilang sabi at nagtawanan pa. Bumuntonghininga ako at saka lumabas na ng baha
Sobrang busog ko, halos lahat ng nasa lamesa kina tinikman ko pero si Diego halos hindi manlang ginalaw ang pagkain niya. Ang hinhin niya kumain, parang hindi lalaki. Hindi naman namin naubos lahat ng pagkain kaya pina-take out niya at pina-deliver niya sa bahay namin. I let him do it since binigyan ko siya ng pagkakataon magdesisyon sa sarili ko. Tumingin ako sa relo ko at nakitang malapit na dumating ang hapon, oras na para umuwi at mag-asikaso. Kailangan kong pumasok sa club. Bumaling ako kay Judiel na hanggang ngayon kausap pa rin ang kaibigan niyang si Simon. Pinakilala niya ito sa akin kanina, siya ang may ari ng mamahaling restaurant. Mukhang matagal pa sila matapos at kung sabihin ko sa kanya na aalis ako at kailangan kong umuwi, he wouldn't let me. Kaya habang hindi pa siya nakatingin sa akin, mabilis akong lumabas ng restaurant. Tinitiyak na hindi niya ako makikita. Nang makalabas na ako sa restaurant, mabilis akong naglakad palabas ng mall. Malapit lang naman ang mall na i
Nang oras ko na para pumunta sa stage. Suot ko ang manipis kong cardigan, kitang-kita ang buong katawan na suot lang ay maliit na lingerie. Rinig ko na ang sigawan ng mga tao sa labas kahit hindi pa ako umakyat, alam na nila ang hudyat na ako na ang lalabas. The DJ will play a song for me at iyon na ang sign para umakyat ako kaya nagsisigawan na ang mga tao."The star!" shouted by them. Sa paghakbang ko sa hagdan, dahan-dahan kong hinubad ang takip kong cardigan kaya mas lalong umingay ang paligid. I touched my body mula sa balakang ko at naglakad papunta sa harap. Nagsimula silang magtapon ng pera. Wala akong ibang ginawa kundi sabayan ang tugtog ng musika at hinayaan ang mga pera na itinapon nila sa stage. Lumakad ako sa pole at sinimulan ko ang aking sayaw, I do pole dancing. Lahat ng ito ay nakayanan kong gawin para sa pera. "Walang kupas, she's still hot." I heard one of the men say. Hinanap ko ang boses na iyon at nang makita ko, ngumiti ako sa kanya. I walked toward to them,
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kotse niya na hindi napipilitan. Tahimik siyang nagmamaneho at ako naman pasimpleng tumitingin sa kanya. Kanina sa sinabi niya, hindi ako nakapagsalita at umupo na lang sa kama, siya naman ay sa couch hanggang sa matapos ang shift ng trabaho ko. Wala kaming ginawa kundi nagtinginan lang, hindi kumikibo. Lagi siyang tumitingin sa orasan nito, biglaan niya lang din akong hinila palabas ng club. Hindi ko pa nga nakausap sila Miss Pim, diniretso niya ako sa kotse niya. I just texted Miss Pim na umalis ako at kasama si Diego, I am pretty sure na alam niyang si Diego ang kasama ko dahil hindi niya naman sinabi sa akin na si Diego ang customer na VIP. Suot ko pa rin ang bathrobe ko, nakuha ko naman kaagad din ang mga gamit ko nagtaka pa nga ang ibang kasamahan ko kung sinong humihila sa akin pero wala na akong panahon para ipaliwanag sa kanila ang lahat.Nagtaka akong tumingin sa labas ng kotse nang pumasok kami sa malaking gate, binuksan ito ng da
Anong pinagsasabi niya? “Anong sabi mo?” nakakunot noo kong tanong. Anong siya ang magpapatulog sa akin? Mukha ba akong bata na dapat patulugin. “Babalik na ako sa kwarto, ituloy mo na ang ginagawa mo.” Tatalikod na sana ako nang napahinto ako dahil tinawag niya ako. “If you can’t sleep, would you mind joining me?” Pinanliitan ko siya ng mata, tumingin sa kabuoan niya. Papasalihin niya akong mag-work out? “I mean, kung anong gusto mong gawin natin hanggang sa antukin ka.”“Hindi mo naman gagawin iyong gusto kong gawin—”“Except that thing, Janella. I don’t do that…not now.” He already knew what I am talking about. Wala naman akong maisip kung anong gagawin. Tiningnan ko siyang nagsuot ng damit pangitaas kaya nakahinga ako nang maluwag, sumenyas siya na sundan ko siya sa kusina. Tinanggap ko ang wine na binigay niya. “This one will help you asleep, try it.” Tiningnan ko saglit at tinikman, masarap ang binigay niyang wine. Lasang apple. Umupo ako sa harap niya at siya naman sa harap k
Hindi ko alam kung anong gustong mangyari ni Diego, tinawagan niya kanina ang magulang ko para sabihin na kung pwede ba akong isama sa kung saan man. Ito namang magulang ko, masayang tinanggap ang gusto ni Diego, pinayagan nila si Diego na isama ako. Kaya ngayon, nandito ako sa bahay niya para mamili ng damit online dahil iyon ang utos niya. Kasama ko si Mina, ang kaedad ko lang na katulong ni Diego. “Ayaw mo ba nito, Ma’am?” Pinakita niya sa akin ang dress na kulay black at kitang-kita ang dibdib ko, bukas din ang likuran. Maganda naman siya pero hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Diego para magsuot ng ganitong damit. “Maganda siya kaso hindi ko pa alam kung saan kami pupunta ni Diego, tatawagan ko muna siya at kung alam ko na para saan ang lakad namin. Babalikan kita.”“Sige, Ma’am.” Tumalikod ako sa kanya at kinuha ang cell phone, I called Diego na agad niya rin namang sinagot. “Hey, may problema ba? Pauwi na rin ulit ako.” Mahinahong sabi niya sa akin, napairap na lang ako
Nakarating kami sa restaurant na sinabi niya. Nasa loob ito ng malaking hotel. The name of the hotel is Casa La Vida, pagpasok pa lang namin bumungad na sa akin ang pinaka-magandang lugar na nakita ko ngayong araw. Pinagmasdan ko rin ang ibang mga tao na naglalakad, nagtaka akong tumingin sa kasuotan nila dahil mukhang mag-attend ng party.“Anong meron? Party ba ang pupuntahan natin?” bulong ko sa kanya. Nakahawak ako sa braso niya at siya naman sa kamay ko. Para nga talaga kaming couple kung umasta, ewan ko ba kung bakit ito naisip ni Diego. Tumango si Diego at bumaling sa akin. "Yes, a bachelors party." Hindi na ako nagsalita pa ulit, dumiretso na kami sa isang elevator na walang tao, kaming dalawa lang.Mukhang kilalang-kilala siya rito dahil halos lahat ng nakakita sa kanya ay binabati siya. Huwag niyang sabihin na siya ang may ari ng hotel na ito or isa na naman sa kaibigan niya.Bumukas ang pintuan, huminto kami sa 25th floor, nalula pa ako sa sobrang taas. Bumungad sa amin ang