Nakarating kami sa restaurant na sinabi niya. Nasa loob ito ng malaking hotel. The name of the hotel is Casa La Vida, pagpasok pa lang namin bumungad na sa akin ang pinaka-magandang lugar na nakita ko ngayong araw. Pinagmasdan ko rin ang ibang mga tao na naglalakad, nagtaka akong tumingin sa kasuotan nila dahil mukhang mag-attend ng party.“Anong meron? Party ba ang pupuntahan natin?” bulong ko sa kanya. Nakahawak ako sa braso niya at siya naman sa kamay ko. Para nga talaga kaming couple kung umasta, ewan ko ba kung bakit ito naisip ni Diego. Tumango si Diego at bumaling sa akin. "Yes, a bachelors party." Hindi na ako nagsalita pa ulit, dumiretso na kami sa isang elevator na walang tao, kaming dalawa lang.Mukhang kilalang-kilala siya rito dahil halos lahat ng nakakita sa kanya ay binabati siya. Huwag niyang sabihin na siya ang may ari ng hotel na ito or isa na naman sa kaibigan niya.Bumukas ang pintuan, huminto kami sa 25th floor, nalula pa ako sa sobrang taas. Bumungad sa amin ang
Ang sinabi sa akin ni Diego kanina na hindi niya ako iiwan sa tabi niya, ito ako ngayon hindi siya kasama. "So, gaano na kayo katagal magkakilala ni Diego?" tanong sa akin ni Lucy, isa sa girlfriend ng kaibigan ni Diego.Lahat sila ay maraming tinatanong sa akin nang may kausap ang mga lalaki, at naiwan kaming mga babae sa malaking table. Wala akong choice kundi ang makisama sa mga sosyal na mga taong ito. "Bago lang," tipid kong sagot. Nahihiya pa rin ako dahil ramdam na ramdam kong hindi ako nababagay na makasama sa kanila."What do you mean, bago lang? As in, hindi pa matagal?" tanong ng isa, nakalimutan ko ang pangalan niya.Paano ko ba sasabihin na hindi ako mahuhusgahan? Ginamit lang ako ni Diego para may makasama siya rito o bibilhin ako ni Diego para maging asawa niya? Syempre, hindi iyon ang sasabihin ko dahil kahihiya iyon sa amin ni Diego. "Six months," I said. Mukhang naniwala naman sila. Hanggang sa iba't iba na ang usapan, tanong lang din ako nang tanong na pwedeng s
Ilang oras pa ang lumipas nagiging wild na lahat, maliban siguro sa akin. Nakaupo ako habang pinagmasdan ang mga kaibigan ni Diego na nag-iingay, kasama siya. Tahimik lang ako habang katabi si Diego, umiinom din naman ako pero hindi marami dahil baka malasing kaming pareho ni Diego. “Diego, you better pour your glass more!” Umiling si Diego sa binigay ni Mike.“Magmamaneho pa ako—”“Magpasundo na lang kayo, come one bro. Don’t be KJ, Janella tell your lover boy to enjoy. Laging problema sa trabaho iniisip ng kaibigan namin kaya hindi na nakakapagsaya. Nagpasalamat nga kami dahil nandyan ka na. Deserve niya sumaya kahit ngayong gabi! Come on!” Natahimik ako sa sinabi ni Mike. Is it true? Minsan lang siya nakapag-saya kasama ang mga kaibigan. He looked at me kaya napatingin na rin ako sa kanya. “Huwag kang pumayag, walang magmamaneho.” Bulong niya sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at ako na mismo ang kumuha ng alak para lagyan ang baso niya, kumunot naman ang noo ni Diego. “What ar
“Hindi ka ba aalis?” tanong ko sa kanya. Kanina niya pa ako sinamahan dito sa hospital, hanggang ngayon ay hindi pa tapos si Tatay. “Tinapos ko lahat ang ginawa ko para rito. Here, kumain ka muna. Pinadalhan ko na rin ng dinner ang family mo kaya huwag ka ng mag-alala.” He sat down beside me after he gave me the food. Pinagmasdan ko siya. Ano bang ginagawa niya? Nag-aantay pa rin ba siyang umuoo ako sa offer niya? “Diego,” tawag ko. Tumingin naman siya sa akin at saka ako umiwas ng tingin sa kanya. I held his right hand na ikinagulat niya. “May sasabihin ako sa iyo.”“What is it?” seryosong tanong niya pero nababakas sa mukha ang kaba. He was about to get off his hand from me pero hinawakan ko ito ng mahigpit. “Bakit? May problema ba sa sasabihin mo?” he asked. I bit my lower lip dahil hindi na yata mapinta ang mukha niya.“Nothing. I just want to say that I am now accepting the offer.” Kumunot ang noo niya kaya nagtaka ako. Bakit? Ayaw niya ba? “Why? I am accepting the offer, wala
Umalis na kami ni Diego sa hospital, naiwan sina Mom at dalawa kong kapatid dahil wala rin namang klase ang dalawa kaya pinaiwan ko muna sila para tulongan si Nanay. Hindi alam kung kailan magigising ang ama ko pero sana umabot siya sa kasal ko. Nag-uusap sina Diego kanina at si mom tungkol sa kasal kung kailan pero wala pa kaming plano ni Diego. Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng kotse, wala rin naman akong sasabihin. “I have something to do at night.” Bumaling ako sa kanya nang magsalita siya. Bakit siya nagpapaalam. “Okay,” I simply replied. I heard him sigh. “When I came back, we will talk about the marriage.” Anong sasabihin ko? Bakit ba wala akong masabi ngayon? Tama ba talaga ang gagawin ko? Kaso kung aatras ako baka magtaka ang pamilya ko. “We’re here,” he added as we arrived in the house. “Mag-ingat ka sa biyahe. Pupuntahan ko sina mom mamaya, okay lang ba na magluto dito sa bahay para sa kanila?” Nahihiya kong tanong. Baka kasi bawal ako gumalaw ng mga gamit niya.
Nagsi-alisan lahat ng katulong na nasa kusina kanina. Nasamay pintuan ako, nagiintay na pumasok si Diego. Ako na iyong nahihiya, gusto kong palitan ulit ang table na ginawa nila Mina kahit ilang minuto lang. Ano na lang ang iisipin ni Diego kapag nakita niya ang table na ganoon ang arrangement? Hindi naman kami mag-date.” Todo na iyong kaba ko nang makitang bumaba na si Diego mula sa kotse niya. Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa likod ko na magkahawak dahil sa sobrang kinakabahan ako. I gulped twice when he walked towards me and his eyes was serious while looking at me. I smiled slowly nang tingnan niya ako mula ulo hanggang paa at bumalik ulit sa mukha ko. “You…you look beauiful tonight, Janella.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nilalamig ako dahil sa sinabi niya at sa boses husky nito habang sinasabi niya iyon. Totoo ba? Simple lang ang ayos ko ngayon pero hindi ko rin talaga alam sa sarili ko kung bakit ako nag-aayos. Sabay kaming napatigil nang biglang namatay a
Kinuha ko ang kutsara na hawak niya at ako na mismo ang sumubo sa cake. He was about to feed me pero dahil sa gulat ko sa ginawa niya, naitulak ko siya nang bahagya. “I’m sorry. I can do it, actually.” I averted my gaze from him. I can see he gulped before sitting down to his seat again.Nahihiya ako sa ginawa ko. Gusto kong sapukin ang sarili ko dahil sa pagtulak kay Diego, hindi ko dapat ginawa iyon pero dahil lang din nagulat ako sa ginawa niya. “Shall we start?” he asked. Tumingin ako sa kanya na nahihiya pa rin. “Kailan mo gustong ganapin ang kasal natin?”Napaisip ako. Imbis na isipin ang nangyaring kahihiyan ko ngayong gabi, mabuti na rin na pinalitan niya na ang topic namin. “Hindi ko rin alam. Pwede namang ikaw na ang magbigay ng petsa,” mahina kong sabi sa kanya.&n
Dumating ang araw na nagising na ang ama ko kaya nasa hospital kaming lahat, kasama si Diego. Nahihirapan pa rin siyang magsalita pero iyon lang naman ang problema. Sabi ng doctor, dahan-dahan na siyang gumagaling kaya we can expect na tuloy-tuloy ang recovering niya. Hindi ko pa nga nasabi kay tatay na ikakasal na ako dahil hindi pa naman siya nakapagsalita. Kaya ang ginawa muna namin nila nanay ay maghanda para sa kasal.“Sa tingin mo, magagalit kaya si tatay kung sabihin ko sa kanya?” tanong ko kay Diego. Lumabas na kami ng hospital at sinabi ni Diego kay Tatay na sa kanila muna kami manirahan, hindi ito sumagot kahit tango kaya wala na rin naman siyang magagawa dahil tama lang din na malapit sila sa akin.“He won’t get mad, I am sure of that.” Bumaling ako sa kanya. Hindi ko pa rin maisip
“Daddy!” dahil sa narinig na sigaw, agad na nagmadaling pumasok sa loob ng bahay si Diego. “Why are you shouting?” tanong niya sa anak niya. Tumingin siya kay Janella na halatang nahihirapan, nanlaki ang mga mata ni Diego. “Damn it! Tumawag ka ng ambulance, manganganak na yata ang Mommy mo!” sigaw niya rin sa anak niya na nasa tabi lang ni Janella. Agad din namang ginawa ng anak niya, tumawag siya ng ambulance at ilang minuto ay dumating na. Ang bilis ng panahon, grade six na ang panganay nilang anak at ngayon ay manganganak na si Janella ulit. Kambal pa ang bago nilang anak.“Ikaw kasi! Kung hindi mo ako ginapang, hindi sana ako mahihirapan ng ganito! Ang sakit, Diego!” galit na sigaw ni Janella kay Diego nang pumasok na sila sa loob ng ambulance. Hinawakan lang ni Diego ang kamay ni Janella dahil hindi niya na rin alam ang gagawin, kanina ay nagdidilig lang siya ng halama sa kanilang garden nang biglang sumigaw ang anak nila. Hindi niya rin naman alam na ngayon ba mismong araw m
Two months later, mas maraming nangyari. Naging sila ni Sandy at Fred; hindi na rin naman nagulat ang mga kaibigan nila dahil matagal na nilang napapansin noon na nagkakabutihan sina Sandy at Fred ngunit ang nakakagulat sa kanilang lahat ay ikakasal na si Liah at Andrei. Hindi nila alam na may nangayari na pala sa pagitan nilang dalawa, nagulat na lang sina Janella, Sandy at Felicia na buntis si Liah. Pero hindi lang iyon ang nangyari, naging magkaibigan na rin ang mga kaibigan ni Diego at mga kaibigan ni Janella; naging maayos ang pagkakaibigan nilang lahat. Sa Dark Blood Organization naman ay bumaba na si Diego bilang leader ng organization, he trained his brother, Daniel to become a leader. Agad din naman natutunan ni Daniel ang pagiging leader at dinala niya ang mga tauhan niya noon sa organization para i-train ng mga tauhan ni Diego. Naging maayos naman ang sitwasyon ng organization dahil naging focus sila sa goal para sa organization. Mag-iisang taon na rin ang anak nina Diego
Today is the day of house blessings ng bahay nina Diego at Janella. Lahat ng kaibigan ni Janella at kamag-anak niya ay dumalo, ganoon din kay Diego. Para itong isang engrandeng event sa buhay nila. Ayaw man ni Janella na marami ang taong dadalo pero ang nag-plano ay ang magulang niya at ang ina ni Diego. Pinag-usapan nila kung sino ang iimbitahan. Dahil sa plano ay nagkasundo na ang ina ni Diego at ina ni Janella, sila ang nangunguna sa preperasyon. Wala rin namang nagawa si Janella dahil hindi rin naman siya pinatulong. Ang ginawa niya lang ay inimbita ang mga kaibigan niya sa club. Dumalo rin ang mga kaibigan ni Diego at ang girlfriends and asawa ng mga kaibigan niya, kung sino-sino ang mga nakilala ni Janella noong unang pagdalo niya ng party na kasama si Diego at nakilala ang mga kaibigan ni Diego, iyon din ang mga taong dumalo ngayon. Makikita ang pinagkaiba ng antas ng dalawang parties, ang mga kaibigan ni Janella ay nagkakatuwaan habang ang mga kaibigan ni Diego na mga babae
Bumuntonghininga si Diego habang nakatingin kay Janella. She is suggesting na sasama siya kay Diego para makita at makausap si Amara. "Sigurado ka ba talaga na sasama ka? I heard from Daniel that her situation and behavior are getting worse, wife." He looked at Janella, and said. Ngumiti naman sa kanya si Janella, hinawakan ang kamay ni Diego. "She is also a human, love. Kahit anong nangyari sa kanya, mayroon pa rin siyang pinagdaanan kagaya natin. She's your friend and I know na may malaki siyang kasalanan sa atin pero hindi iyon magiging dahilan para hayaan lang siya. Maybe we can help her," Janella explained. Dahil sa sinabi ni Janella, tumango na lang siya at hinayaan na sumama sa kanya si Janella. Dahil naisip niya na tama naman si Janella, ang isa makakatulong kay Amara ay taong makakausap niya. People think Amara become crazy, dinala siya sa mental hospital para magpagaling ngunit naging worse lang lalo. "Hindi na siya binibisita ng pamilya niya," sabi ng nurse na nagha-hand
Everything become smooth, naging maayos naman ang trato ng pamilya ni Janella kay Diego simula nang tumira si Diego sa bahay nila Janella, para na rin siya ang gumawa ng bahay na gusto ni Janella. Minsan ay binibisita si Diego ng kanyang mga kaibigan para lang asarin, naging masaya naman si Diego sa nangyari dahil kahit pagod siya gumawa ng bahay nawawala naman ang pagod niya sa tuwing nakikita niya ang kanyang anak at si Janella."Ang hot talaga ng asawa mo," bulong ni Sandy kay Janella.Nakalabas na rin sina Sandy, Liah at Felicia. Ngayon, sila naman ang bumisita kay Janella. Naging maayos ang relasyon nilang apat ulit, ang dating magka-away ay dahan-dahang ibinalik ang datibg pagkakaibigan.Pinagmasdan nilang nagtatrabaho si Diego, maya-maya ay may dumating na kotse. Lumaba sina Andrei, Angelo, Daniel at Fred. "May dumagdag pa na hot daddies," bulong din ni Felicia sabay tawa habang nakatingin sa mga bagong dating. "Magtigil nga kayo, kung gusto niyong magka-boyfriend, huwag kayo
Pagkatapos ng nangyari, maraming nagbago. Hindi pa rin nagigising si Felicia at si Liah. Malaki ang sugat na natamo nila dahil sa pagbaril ni Amara. Tatlong araw mula noong araw na nagkagulo ang lahat at sa tatlong araw na iyon, pinipilit pa rin ni Diego ang sarili niya na makausap si Janella. Kahit na lapitan niya lang ang anak nila ay hindi pumayag si Janella. Malaki pa rin ang galit ni Janella kay Diego ngunit hindi rin naman tumitigil si Diego para patawarin siya ni Janella. "Nasaan si Amara?" tanong ni Diego kay Andrei."Nasa kulungan na siya at sinisugurado namin na hindi na siya makakalabas kahit tulongan pa siya ng pamilya niya," sagot naman ni Andrei. Tumango lang si Diego at umupo sa kanyang swivel chair. "Kumusta kayo ni Janella?" tanong ni Andrei.Bumuntonghininga si Diego at tumingin saglit kay Andrei. "Hindi ko alam kung kailan niya ako kakausapin. Hanggang tingin lang ako sa kanilang dalawa ng anak ko. What should I do to make her feel na hindi ko ginusto ang nangyari
Bumaba si Diego mula sa kanyang kotse nang makitang nasa labas na rin si Andrei at si Angelo. Tinawagan niya ang kanyang mga tauhan nang hanapin niya si Amara. Hindi niya naman alam kung nasaan talaga si Amara kaya humingi siya ng tulong sa kanila. “Did you find her?” Diego asked Andrei. Tumango naman si Andrei sa kanya, “yes, we already find her. Na-track na nila Fred at Jayson kung nasaan siya, malapit lang din dito kaya mabilis lang din puntaha. We need get her now, ang pagkakaalam namin ay may nag-aantay na helicopter sa kanya para tumakas.” Mahabang sagot ni Andrei.Hindi na rin naman sila nag-aksaya ng oras at agad na nilang pinuntahan kung nasaan si Amara. Kailangan nilang maunahan si Amara bago pa man makatakas dala ang bata. Habang naghahabol sila Diego, kakarating lang din nina Janella na parehong lugar kung nasaan sina Diego. Bumaling sila kay Felicia, nag-aantay kung ano ang sasabihin. Janella doubted Felicia, pareho nina Sandy at Liah. May parte sa kanila na hindi naniwa
Habang naglalakad si Janella, napunta siya sa labas ng hospital at hindi na siya mahanap ng kanyang magulang na sumusunod sa kanya. Umiiyak si Janella at kahit na tinitignan siya ng mga tao ay hindi niya na lang pinapansin, hindi niya rin napansin na sinusundan siya ng mga nurses sa hospital. “Where are you, my son?” iyak niya. Ang akala ng mga taong tumitingin sa kanya ay isa siyang baliw dahil nakasuot pa rin siya ng hospital gown, sumisigaw dahil tinatawag niya ang kanyang anak. Dumating sa punto na sinsii niya ang kanyang sarili, kung siya lang sana ang pumunta sa nursery ward para kunin ang anak niya ay hindi ito mangyayari. Hindi nila alam na madaling araw nangyari ang insidente. Pumasok sa loob ng hospital si Amara para gawin ang plano niya, hindi iyon napansin ng iilang dumadaan sa hallway sa nursey ward dahil nakasuot siya ng uniform ng nurse. Sa loob ng kotse, hindi mapakali si Sandy kakasalita habang nagmamaneho si Felicia at si Liah naman ay tahimik lang. Nang nanggalin
Nakatayo si Diego habang nakatingin sa bintana ng nursery ward kung nasaan ang anak nila ni Janella. He coudn’t get away of his smile while watching his son, at mas lalo siyang napangiti nang makita ang pangalan na nakasulat para sa anak nila. “Diego Janiel,” he read it. Sobrang saya niya nang pinangalan ni Janella ang anak nila sa pangalan niya. Sino ba naman ang hindi sasaya na ganoon ang ginawa ni Janella? Ang tagal niyang nawala, ang tagal niyang hindi nagpakita kay Janella pero hindi pa rin siya kinalimutan ni Janella. “I can’t wait to be with you and our son, wife.” “Can we talk?” Mabilis na lumingon si Diego sa nagsalita, it was Janella’s father. Byron bowed his head to give respect. Inaya naman siya ng ama ni Janella na umupo sa upoan. Nakaramdam ng kaba si Diego dahil hindi niya alam kung bakit gusto siyang kausapin ng ama ni Janella. Galit pa rin pa ba siya kay Diego? May gusto ba siyang ipagawa kay Diego para patawarin niya? Maraming sumagi sa isipan ni Diego ngunit ni