Share

Chapter Five

Mabilis ko lang tinapos ang pagligo at pag-ayos ko, simpleng suot lang. Tanging plain T-shirt at fitted pants. Hindi ko naman alam kung saan kami pupuntang dalawa at mas lalong wala akong sinabi na aalis kami ngayon. Ang desisyon niya talaga sa buhay ko. Aalis pa ako mamaya dahil papasok ako sa club at sigurado akong magugulat sina Miss Pim dahil pumasok pa ako. Hindi ko naman kasi tatanggapin ang offer, ilang taon na ako sa club at nasanay na akong gawin ang trabaho ko sa buhay na ito.

Lumabas ako at natahimik na rin sa wakas ang paligid, “Si Diego?” tanong ko kay Justin na pangalawa kong kapatid, tinuro niya naman ang labas ng bahay, nakita ko si Diego na nakatilikod at may katawagan. Bumaling ulit ako sa dalawa kong kapatid, sinamaan sila ng tingin. “Tumulong kayong maglinis ng bahay at saka tulongan ninyo sina Nanay at Tatay sa trabaho pagkatapos ninyong gumawa ng school works ninyo.”

“Yes Ma’am!” sabay nilang sabi at nagtawanan pa.

Bumuntonghininga ako at saka lumabas na ng bahay, inaantay ko siyang matapos. Mukha naman siyang busy sa buhay, may oras pa talagang mag-aya lumabas. Hawak ko ang folder na naglalaman ng agreement at ng pera na binigay niya sa akin, dahil nandito na rin naman siya ibabalik ko na lahat ng ito.

“You’re here,” he said. Inirapan ko siya at inilahad sa harap niya ang folder. “Ano ito?”

“Binabalik ko na ang agreement at ang pera na binigay mo, hindi ko kailangan iyan.” Mabilis kong sabi. Nagulat naman ako nang kunin niya sa kamay ko sabay tango.

“Okay,” he said. Pumapayag siya? Bakit siya pumayag? I mean, ang bilis naman. Sana kahapon niya pa ginawa nang hindi ako mahirapan mag-isip. “Pero may pupuntahan tayo, don’t worry. I won’t bother you with this.” Pinanliitan ko siya ng mata, sinisiguro kung totoo ba ang sinasabi niya. “Really, I won.t” He smiled that my eyes were almost widened dahil sa ngiti niya kaya mabilis akong umiyas ng tingin sa kanya.

“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko na lang na hindi pa rin nakatingin sa kanya.

“Somewhere.” Mas lalo pa akong nagulat nang bigla niya akong hinila papunta s akotse niya. Nakakahiya, pinagtitinginan kami ng mga kapaitbahay namin.

“Hindi mo naman ako kailangan hilahin, may sarili akong mga paa. I can walk by my own,” reklamo ko. Bakit kasi hinihila ako, pwede niya naman sabihin na sumakay na lang ako sa kotse.

“Baka sakaling tatakas ka,” he replied. Baliw talaga. “Tara na,” dagdag niya kaya tumingin ako sa kanya.

“Ano pa nga bang ginagawa ko, ikaw magmamaneho hindi ba?” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang lumapit sa akin, dahil sa gulat hindi rin ako naka-react agad. Ang lapit ng mukha niya sa akin, kumakabog ang didbdib ko na parang kinakabahan habang nakatingin sa mga mata niyang nakatingin din sa akin. Anong ginagawa niya?

“There, you should fasten your seatbelt.” Agad akong tumingin sa gilid ko na mayroon ng nakakabit. Hindi ko namalayan na siya na mismo ang gumawa, ano ka ba naman Janella? Ang tanda mo na, hindi mo pa rin alam paano mag-seatbelt!

Nanahimik na lang ako dahil sa kahihiyan, palihim akong napahawak sa dibdib ko dahil hindi pa rin tumigil ang kabog. Ang lakas pa.

Tahimik ang buong biyahe, walang sumubok na magsalita kaya hinayaan ko na lang kung saan kami hihinto. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ako sumama agad sa kanya, maaga pa naman may oras pa ako para umuwi at maghanda para pumasok sa trabaho.

“We’re here,” he said. Bumaling ako sa labas at nakita ko ang malaking gusali. Anong gagawin namin sa mall? Ito ang sikat na mall sa lugar namin.

Nang matapos niyang i-park ang kotse, nauna akong lumabas. Sana naman sinabi niya na sa mall kami pupunta, para hindi ganito ka-simple ang susuotin ko. Para lang akong pupunta ng public market. “Hindi mo sinabi na dito tayo pupunta, anong gagawin natin dito?” tanong ko sa kanya nang tumabi na siya sa akin.

“Siguro matutulog?” patanong na sabi niya. Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. Nagtatanong ako ng maayos. “We’re going to meet someone,” he said.

Bago pa siya maglakad, hinila ko siya ulit. “Sinong someone? Bakit mo pa ako kailangan isama rito, Diego?” naiinis ako sa kanya. Hindi niya manlang ako tinanong kung gusto ko ba at hindi niya rin sinabi kung ano ang gagawin niya, biglaan lagi ang lahat.

“Stop questioning, let’s go.” Gosh, how grumpy.

Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya sa loob ng mall, ang bilis niya maglakad. Panay irap na lang ako sa tuwing may tumitingin sa kanyang mga babae, ano ba siya. Celebrity?

“Anong gagawin natin dito?” tanong ko nang pumasok kami sa cellphone shop.

“We’re going a buy a cellphone for you, since hindi ka bibili gamit ang binigay kong pera. Ako na mismo ang bibili para sa iyo.” He’s fucking crazy! Kaya ko nga binalik sa kanya ang pera kasi ayaw kong tanggapin.

“Uuwi na tayo, Diego.” gigil kong sabi. Umiling lang siya at hinila ako papasok ng shop. Ang mahal dito, ito ang pinakamahal na cellphone, it was iPhone.

Hindi ko siya pinansin nang tanungin niya ako kung ano ang gusto kong cellphone, bahal siya riyan. Siya may gusto nito at saka ang kapal naman ng mukha ko kung ako pa talaga ang pipili.

“Here.” Dumating siya sa harap ko at inabot sa akin ang isang paper bag, hindi ko iyon tinaggap. Wala akong pake kung mag-iinarte ako sa harap niya, kasalanan niya naman. Nang mapansin niyang hindi ko tinaggap ang paper bag, tumango siya at bumuntonghininga hanggang siya na ang nagdala pagkalabas namin ng shop.

“Uuwi na ba tayo?” tanong ko. Sabay kaming naglakad, magkatabi.

“Hindi pa, saan mo gustong kumain?” tanong niya.

“Wala akong alam na kainan dito, sa labas lang.”

“I will call someone,” he said. Hinayaan ko lang siyang may tinawagan ulit at inantay ko lang siya makabalik. “We’re gping to eat at their restaurant. Let’s go.” Umirap na naman ako sa kanya. “Stop doing that, baka mabulag ka na lang bigla kakairap mo sa akin.”

“Pake mo ba? Sa susunod magtanong ka muna sa akin kung gusto ko bang sumama sa iyo.”

“Hindi ka rin naman humindi kanina na hinila kita, so gusto mong sumama sa akin.” Look at this guy, he is unbelievable. Paano ako makakahindi kung hinila niya na ako kaagad. “At saka, I asked you what cellphone you want and where do you want to eat for lunch. I think that is enough?” sure ba siya sa sinasabi niya.

“Ang sabi ko, tanungin mo ako kung gusto ko bang sumama sa iyo hindi kung saan ko gusto. Magkaiba yata iyon, Mister Diego.”

“Yeah, whatever.” Umalis siya sa harap ko kaya nanggigil ako at hindi ako makasigaw sa loob ng mall. Kanina pa ako naiinis talaga sa lalaking ito.

Sino ba nagsabi sa kanya na pupunta kami rito o umalis kami ngayong araw? Siguro si Andrei na naman, wala na talagang ibang nagawa iyon sa akin si Andrei kahapon pa kundi pinapahamak ako lagi. Sumunod na lamang ako kay Diego at pumasok kami sa magarbong restaurant, nakakahiya talaga pumasok sa mamahaling lugar kung panget ang suot mo.

“Wala bang iba? Nakakhiya pumasok, ganito lang ang suot ko. Tingnan mo nga ang mga tao rito.” Ngumuso ako at tumingin sa paligid, ang gaganda ng mga suot nila. Mahahalata mong mayayaman silang lahat, walang tapon. Ako lang.

“Just don’t mind them, kakain lang tayo at kaibigan ko ang may ari ng restaurant na ito,” he stated.

Gaya ng sinabi niya, hinayaan ko na lang talaga at sumunod pa rin sa kanya. Hindi naman ako makakalis kasi gutom na rin ako, hindi ako kumain ng breakfast kanina. Hindi ko ginalaw ang menu na binigay ng waiter sa akin, hahayan kong siya ang pumili dahil desisyon naman siya sa akin. “Ikaw na pumili, lubosin mo na ang pagiging desisyon mo sa buhay ko ngayong araw.”

Pinanliitan niya ako ng mata at ngumisi. “Okay, as what you said.”

Isang oras kaming nag-antay sa pagkain at laking gulat ko nang maraming inilapag ang mga waiter sa table namin, dalawa lang naman kaming kakain. “May makakasama pa ba tayo?” tanong ko, umiling naman siya kaya mas lalo akong nagtaka.

“Tayong dalawa lang ang kakain niyan, kanina ko pa naririnig ang tunog ng tiyan mo.” nanlaki ang mga mata ko nang ibulong niya ang huling sinabi niya. Nahahalata niya bang gutom ako kanina? Pero bakit naman ang dami ng orders niya? Halimaw ba ako kung kumain, o baka siya?

Nang matapos maglagay ng mga pagkain, natahimik ako. Ano ang unang kakainin ko? O mauuna ba dapat ako, hindi. Dapat siya ang mauna, hindi ko nga alam ang tawag ng ibang pagkain dito.

“Anong ginagawa mo?” tanong ko nang tumayo siya at lumapit sa akin.

“Tikman mo ito, masarap iyan.” Naglagay siya ng pagkain sa plato ko, iba’t ibang pagkain. “Try it,” he said.

Tiningnan ko siya at binabasa kung ano ba talaga gusto ng lalaking ito? Ginagawa niya ba ito para pumayag ako sa offer niya? Well, I won’t change my mind.

“Kakain ako pero ito lang ang masasabi ko sa iyo, Diego. Kahit bumait ka pa sa akin ng mahabang panahon, hindi ako magpapakasal sa iyo.” Ngumisi siya na tila ba natatawa pa sa sinabi ko.

“Ito lang din ang masasabi ko sa iyo, magpapakasal ka sa akin.” Umawang ang labi ko.

“Akala ko ba hindi mo na ako pipilitin at hindi mo na ibabalik ang offer?” inis kong tanong. Kakasabi niya lang kanina.

“Kaya nga, kasi ikaw mismo ang kusang lalapit sa akin para tanggapin ang offer ko.” I clinched my fist as he winked at me. Jerk!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status