Share

Chapter Six

Sobrang busog ko, halos lahat ng nasa lamesa kina tinikman ko pero si Diego halos hindi manlang ginalaw ang pagkain niya. Ang hinhin niya kumain, parang hindi lalaki. Hindi naman namin naubos lahat ng pagkain kaya pina-take out niya at pina-deliver niya sa bahay namin. I let him do it since binigyan ko siya ng pagkakataon magdesisyon sa sarili ko.

Tumingin ako sa relo ko at nakitang malapit na dumating ang hapon, oras na para umuwi at mag-asikaso. Kailangan kong pumasok sa club. Bumaling ako kay Judiel na hanggang ngayon kausap pa rin ang kaibigan niyang si Simon. Pinakilala niya ito sa akin kanina, siya ang may ari ng mamahaling restaurant. Mukhang matagal pa sila matapos at kung sabihin ko sa kanya na aalis ako at kailangan kong umuwi, he wouldn't let me. Kaya habang hindi pa siya nakatingin sa akin, mabilis akong lumabas ng restaurant. Tinitiyak na hindi niya ako makikita. Nang makalabas na ako sa restaurant, mabilis akong naglakad palabas ng mall. Malapit lang naman ang mall na ito sa amin at mabuti na lang talaga may dala akong pera kahit pamasahe lang. Sumakay agad ako sa tricycle. Sana naman pagkarating ko as bahay, wala si Diego dahil baka hinahanap niya na ako panigurado at magugulat na lang ako nauna na siyang makarating sa bahay namin.

Nang makababa ako, pumasok kaaagad ako sa bahay at dumiretso sa kwarto. Kinuha ko na ang bag ko at isang pares ng damit. "Nanay, papasok na po ako sa trabaho!" sigaw ko nang makalabas ulit ako ng kwarto. Lumabas siya mula sa kusina.

"Nakauwi ka na pala, aalis ka na agad. Kumusta ang lakad ninyo ni Diego?" Sunod-sunod niyang tanong. Ngumiti ako at humalik sa pisngi niya.

"Oo Nanay, kailangan ko rin pumasok. Mabuti naman po ang lakad namin ni Diego, umuwi na rin siya sa kanila." Hindi ko muna sasabihin na may mga pagkain darating dito mamaya dahil sigurado akong papunta na rin iyon.

Tumango siya at ngumiti. "Mag-ingat ka," paaalala niya.

Sumakay na agad ako ng taxi at ilang oras lang din naman nakarating ako sa club. Alas singko pa kaya mamaya pa darating si Miss Pim, nauna ang iba kong kasama. Mukhang hindi rin nila alam ang usapan namin nila Miss Pim at mabuti na rin ang ganoon.

Marami namang mababait na kasama ko,si Felicia ang kilala kong pinakamabait na kaibigan ko sa club ngunit nagbago siya. Minsan talaga sa buhay, hindi natin namamalayan na ang dati mong kasundo sa kahit anong bagay o kahit saan kayo magpunta, pareho niyong gusto hanggang sa isang araw biglang mayroong isa sa inyo ang magbabago nang hindi mo malaman ang dahilan o kung bakit mas piniling magbago. It's okay to change sometimes basta ang pagbabago na iyon ay mabuti pero kung nagbago lang ang isang tao at ang kinalabasan ay malayo sa dati niyang ugali, naging masama ito. Malabong usapa na iyon. Pero sabagay, hindi naman natin maiiwasan na magbabago tayong lahat.

Nakapag-ayos na kaming lahat, tumingin ako sa salamin nang dumaan si Felicia sa likod ko sabay irap. Tiningnan ko lang siya ng walang reaction at nagpatuloy akong nag-ayos ng lipstick. Nang tatayo na sana ako biglang dumating si Mis Pim sa tabi ko at nagtatakang tumingin sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya. Ngumiti ako ng tipid. "Hindi ba binigyan na kita ng chance na makalabas sa buhay na ganito, what are you doing? Why are you here?" gigil niyang bulong sa akin. Hinawakan ko siya sa kamay para pakalmahin.

Alam kong magagalit siya sa akin, totoong hindi ko kaya ang ganitong trabaho pero dito ako nasanay at ayaw kong magpakasal. Kaya ko pa naman tiisin. "Hindi pa ako nakapag-isip ng maayos, Miss Pim. Kaya bumalik ako ngayong gabi, baka sakaling malaman ko kung ano ang magiging desisyon ko." Mahabang sabi ko. Huminga siya nang malalim.

"Sayang pero ikaw ang bahala. Bilisan mo na, ikaw ang huling sasayaw at nandito ka na rin naman. Ikaw na ang ibibigay ko sa sang customer, ayos lang ba?" Tumango ako.

"Nagsisimula na po ba ulit sa tunay na trabaho, hindi lang sasayaw?" tanong ko at tumango naman siya bago magpaalam.

Kung noong nakaraang buwan ay hindi kami nagpapagalaw ng mga customer na balak mag-rent ng babae dahil hanggang sayaw lang sa entablado ang nagagawa namin, ngayon mukhang mangyayari ulit na magpapabaad ng malaki para sa isang gabi. Since, I am the star of the club napagdesisyonan ni Miss Pim na mas malaki ang bayad sa akin, pero hindi naman malayo sa presyo ng iba kong kasamahan.

"Akala ko naman lumayas ka na." Bumaling ako kay Felicia nang lumapit siya sa akin. Hindi ko siya pinansin dahil nawawalan ako ng oras sa kanya kung papatulan ko pa siya. "You shouldn't came here tonight, nawala na naman ang spot light sa akin dahil ang epal mo."

"Pwede mo namang sabihin kay Miss Pim na ikaw na lang ang gagawa, inggit na inggit ka sa akin. Wala naman akong ginagawa sa iyo at kung maka-inggit ka, mukhang pinahalata mo sa sarili mo na hindi mo ako kayang tapatan." Sumama ang mukha niya at galit na tumingin sa akin, sinamaan ko rin siya ng tingin.

Kung nagbago siya dahil naiinggit siya sa akin at sa tingin niya kinukuha ko ang para sa kanya, well kaya ko rin magbago ng pakikitungo sa kanya. I am not like some of the girls here in the club na hindi lumalaban sa kanya sa tuwing minamalditahan niya. "Malaki ka na, Fel. Grow up kapag may time ka, nagsasayang ka lang oras sa akin."

Umalis ako sa harap niya at binagga ko pa ang shoulder niya. Pumasok ako sa locker room at nilagay ang bag ko. Pero napansin kong sumunod siya sa akin. "Ang yabang mo pa rin talaga, hindi ka naman maganda para yabangan ako." Ngumisi ako sa kanya. Halatang bothered sa pasensya ko ang babaeng ito.

"Unang beses ko pa lang sasabihin sa'yo ito, Felicia. Hindi ka na gagaling kumpara sa akin kung patuloy mong ipaglaban iyang kainggitan mo. Sumayaw ka na, galingan mo ha. Malay mo makuha mo ang gusto mo." I touched her cheeks at lumas na ng locker room. Hindi ba talaga siya stress kakairita ng gabi ko lagi?

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status