Ms. Pim, hinahanap ninyo raw po ako?” tanong ko sa kanya nang makapasok ako sa dressing room. She smiled at me like she has something in her plate na kailangan kong gawin.
“Perfect, you’re here Janella. My favorite stripper…” She smiled widely and she pulled me near her. Mas lalo akong nagtaka dahil kung may kailangan siya sa akin alam kong ganito ang ugali niya at alam kong malaki ang kailangan niyang ipagawa sa akin.“What is it, Ms. Pim?” I asked.“Do you know our loyal customer, Diego…” How could I forget him if he’s the reason kung bakit ako tinawag na greatest stripper sa club na ito. He’s also my friend after all.“Anong meron sa kanya?” tanong ko.“He has a friend…” Hinawakan ni Ms. Pim ang dalawa kong kamay nang marahan. “And he asked a favor to us,” dagdag niya.Favor lang naman pala, bakit hindi na lang lumapit sa akin si Diego para siya na ang magsabi sa akin. “Ang sabi niya kung pwede ko raw bang sabihin sa’yo ang favor na ito dahil alam niya kung siya ang magsasabi ay tiyak na hindi ka papayag…” Mas lalong kumunot ang noo ko. Mabigat ba ang hiling na iyon para hindi ako pumayag.“Ano po iyon?” tanong ko ulit, bakit ba ang tagal sabihin.“His friend will offer a million to get you, I mean. His friend didn’t know who you are, pero ang sabi ni Diego na hinahanapan niya nang mapapangasawa ang kaibigan niya—”“Wiat Ms. Pim.” I stoped her. “Ang ibig ninyo pong sabihin ay ako ang gusto ninyong ipakasal sa lalaking iyon?” tanong ko at dahan-dahan naman siyang tumango sabay ngumiti. Agad akong umiling.“Hindi po pwede at saka po bakit naman kasala? Malaking bagay po ang pagpapakasal, hindi lang po basta binibili iyon sa kahit saang mall….Kakausapin ko si Diego.” I as about to walk away when she held my hand.“You need this, Janella. I know your situation, kung pwede lang ibigay sa iba kung sakaling hindi ka papayagan ginawa ko na. But this is your friend’s favor. And besides, alam kong makakatulong sa iyo ito lalo sa nasa sitwasyon ng pamilya mo. Trust me, you need this.”Natahimik ako, hindi alam ang sasabihin. “Magkano po ba?” Hindi ko maiwasan ang magtanong.“Three million, Janella. Three million…” Mas lalo akong natahimik sa narinig na halaga. “His friend will pay you three million if you will marry him. Jan, you need this. Take this one.”“How about this, Ms. Pin? How about my job?” I asked. Iniisip ko pa rin ang trabaho ko kahit nakakatulong ang halaga na iyon para makaalis ako sa trabaho ko but this job and the people I am with is my family.Hinawakan ni Ms. Pim ang magkabilaang pisngi ko. “Alam kong nagtitiis ka sa ganitong trabaho, Janella. This is the sign that you should leave this place. Ayaw kong bitawan ka pero ayaw ko rin namang hawakan kayo rito. This is not the right place for you, this is not the right life for each on of you girls.” mahabang sabi niya. Niyakap ko siya nang mahigpit dahil hindi siya tulad ng ibang Manager sa club na mahigpit, she’s our mother.“What should I do?” I asked.“Bukas na bukas, pupunta ang kaibigan niya rito para manuod. Give your best shot, okay?” she said. I nodded and heaved a sigh.All right, I will accept this. Marry someone for the money and after that, this will be done. Alam kong papel na kasal lang ang kailangan ng lalaki kung sino man siya. Hindi naman mahilig sa seryosong kasalan ang mga mayayaman tulad niya. Sinong tangang magbibigay ng tatlong milyon sa babae para lang pakasalan siya, hindi ba?Pagkatapos namin mag-usap ni Ms. Pim, mabilis akong umuwi sa bahay. Pagkarating ko tahimik na at madilim. Paniguradong tulog na sila. Hindi alam ng pamilya ko ang trabaho ko, ang alam lang nila ay isa akong cashier sa isang shop. Hindi naman nila malalaman dahil iniiwan ko sa club ang mga sinusuot kong damit at kada alis at uwi ko ay presentable ang suot ko. Ayaw kong malaman nila dahil ayaw kong dumagdag pa sa paghihirap namin.Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kwarto ko nang makapasok ako sa bahay. I saw my two siblings that slept peacefully in the sala, pumunta rin muna ako sa kwarto nila Mama at Papa para silipin, ganoon din silang dalawa. Mahimbing ang tulog."Mahal na mahal ko kayo, gagaling din po kayo…" I mumbled to myself.Nang bumalik ako sa kwarto ko, naisip ko ang sinabi ni Ms. Pim. I grabbed my phone and was about to call my friend, Diego pero mukhang naunahan niya ako kaya agad kong sinagot."Thank goodness, you answered it…" I heard noises near him. "Tumawag si Pim and she told me na pumayag ka, tama ba? God! Thank you, so save my friend's ass, Janella! Thank you…oh, wait a second…" Magsasalita na sana ako pero mukhang may kinausap pa ito."You already found my wife?" Narinig kong tanong sa kabilang linya."Yes bro, she's beautiful and sexy. Trust me, you'll get married soon…" rinig kong sagot ni Diego.Gusto ko siyang sabunotan dahil hindi niya manlang sinabi sa akin ang tungkol dito."Hey, Jan. Still there?" he asked."You stupid jerk," bulong ko. "Bakit hindi mo sinabi ang tungkol dito.""Hey tiger. Chill, okay? I was about to pero nadala ako sa takot baka masapak mo na naman ako kaya si Pim na sinabihan ko. Pero pumayag ka, my friend will see you tomorrow. Galingan mo ah! Bye, I love you!"I was about to shout him when I realized na nandito pala ako sa bahay at binaba niya na ang tawag. You stupid Diego!Kinabukasan ng gabi, dumating pumasok ulit ako sa club and I saw Diego with someone pero hindi ko makita ang likod dahil dalawa ang kasama niya. I did not approach him, instead dumiretso ako sa backstage. At kaunting oras na lang ay magsisimula na ako.***Dahan-dahan akong umakyat sa stage at sa bawat paggalaw ng aking katawan, matang umaakit ng mga kalalakihang naglalaway sa akin sa entablado. Wala akong ibang iniisip kundi ang pamilya ko at kung saan ako makakuha ng malaking pera para sa kanila.Pinipilit ang sariling igalaw ang katawan at pulotin ang mga perang itinapon ng mga nanunuod sa akin. Ano bang aasahan ko? Respeto mula sa kanila? Makita ko pa lang ang mga mata nitong gusto akong hawakan at ikama ay hinding-hindi ko maramdaman na nirerespeto ako. Sigawan mula sa mga kalalakihan, ako lang mag-isa ang sumasayaw at hinubad ang suot na ang tanging tinakpan lang ay ang pagkababae ko sa baba at taas. This is me, I wonder how my world will change if I’ll find someone else that could accept me of what and who I am.Pero malabo iyon, sinong tatanggap sa katulad ko na kayang dumihin ang sarili para mabuhay. Habang patuloy akong sumasayaw, napatigil ako nang may makitang lalaking seryosong nakatingin sa stage. I know he’s looking at me dahil ako lang naman ang nag-iisang sumasayaw rito. I remebered of what our manager said the last night of my shift. May isang importanteng guest na dadayo. Hindi ko trabaho ang magpagalaw sa kahit na sino dahil ang tanging gagawin ko lang ay sumayaw at hayaang maglaway ang mga kalalakihan sa aking katawan na kahit kailan hindi nila mahahawakan pero dahil sa sinabi ng Manager ko, nagdadalawang isip ako kung kaya ko pa bang pigilan iyon. I need a huge sum of money. My family needs me.Bumaling ako sa entrance ng stage at nakita ko si Ms. Pim, siya ang manager namin dito sa club. Sinenyasan niya akong bumaba at ngumuso siya sa lalaking tinitingnan ko rin kanina. So, I was right, he’s the guy Ms. Pim talking about. Lumunok ako ng dalawang beses at tumango kay Ms. Pim.I slowly dance pababa ng stage, hinayaan kong sumigaw ang iilang kalalakihan but my eyes is only focus to someone sitting alone. Nang makarating ako sa harap niya, hinimas ko ang balikat at likod ng lalaki at hndi manlang tumingin sa akin kahit saglit. Lumapit pa ako sa kanya, at tinulak ko siya nang bahagya. Umupo ako sa ibabaw niya at doon niya na ako tiningnan na mas lalong nagpakaba sa akin. This is not my first time dancing in front of any one man but this one is different, I can’t figure it out what is it.“What are you doing?” even his voice made me shiver.“Dancing in front of you, Sir…” Nilapit ko pa lalo ang sarili ko sa kanya, tumingin lang siya sa mukha ko at hindi manlang sa katawan ko na lumalapit sa kanya. Hard to get."Get off…" Hindi ko ginawa ang sinabi niya at mas lalo pa akong sumayaw sa harap nito. Gusto kong hanapin ang kaibigan nitong si Diego kung nasaan man pero hindi ko mahanap."Come on, ayaw mo ba sa akin?" I asked. Ang sabi sa akin ni Ms. Pim ay huwag muna akong magpakilala na ako ang sinasabi ni Diego."I said, get off…" Nagulat ako nang tinulak niya ako nang bahagya para makaalis sa harap niya at tumayo ito. He walked away from me!"Damn, iniwan niya ako? Nakakahiya…" I whispered to myself while looking at the man walking to get out.“What was just happened?” Tumabi sa akin si Ms.Pim, lumingon ako sa kanya at kibitbalikat lang ang tanging pagsagot ko. Malay ko sa lalaking iyon, biglang umalis.“Nasaan si Andrei?” tanong ko sa kanya. Lumingon naman siya sa kaliwang bahagi namin at doon ko nakita ang lalaking may kasalanan nito, nakangiti habang naka-peace sign. “Lagot ka sa akin,” I mumbled to myself. Lumapit ako sa kanya at sumunod naman si Ms. Pim sa akin, nang makarating ako sa harap ni Andrei, kaagad ko siyang sinapak sa likod nito na agad naman siyang lumayo sa akin.“Hey, what did I do?” as he says that, nakikita ko sa mukha niya na nasasaktan siya sa ginawa ko. He deserved it actually.“What was that? He left, Andrei.”“Okay, relax. I will talk to him, siguro nabigla lang sa ginawa mo, he’s not use to it.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, when I looked at them a while ago, halatang marami na itong kinama. “Allergic siya sa babae, lalo na sa…” I raised my hand to stap him talking. Alam ko ang ibig niyang s
"Huh?" Nakatingin ako sa kanya na puno ng pagtataka. Bakit niya ako binigyan ng pera para lang sa cellphone? Sigurado ba siyang tatanggapin ko ang pagpapakasal sa kanya? "Hindi naman po ako sigurado na tatanggapin ko ang alok mo," sabi ko sa kanya.Kumunot naman ang noo niya at halata sa mukha na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Totoo naman, pag-iisipan ko pa lang. "Just buy your new phone and think to answer a yes to my offer," he said while frowning an eyebrow.Bakit parang desisyon pa siya sa magiging sagot ko kung totoo naman talaga na hindi ako sigurado kung tatanggapin ko ang offer. Hindi ko pa nga nasabi sa magulang ko ang tungkol sa pagpapakasal. "Hindi ko tatanggapin ang offer mo at hindi pa kita kilala, sorry Sir kahit ganito ang trabaho ko, hindi mangaral ayaw kong madesisyon na isan bagay na mawawalan ako ng karapatan sa sarili ko." Mahabng sabi ko, I was about to get out of the car when he suddenly held me. "Aalis na ako," dagdag ko pa at pilit na inaalis ang p
Mabilis kong tinulak si Diego palayo sa akin at tumayo ako, sinamaan siya ng tingin. Hindi ko na mabilang kung ilang pag-irap na ang ginawa ko sa kanya mula pa kanina hanggang ngayon. "Baka marinig ka nila Mama at Papa, manahimik ka." Giit kong sabi sa kanya, he just looked at me like I am some kind of weird person. "Hindi mo ba papakainin si Diego, anak?" Lumingon ako kay Nanay nang lumabas siya mula sa kusina. Ngumiti ako at saka bumaling kay Diego. "Papunta na Nanay," I said. Hinila ko si Diego papunta sa kusina at sabay kaming umupo sa hapagkainan. Pagkapasok ko pa lang bunganga na ni Andrei ang naririnig ko at ang kakulitan niya, ang daming niyang kwento sa magulang ko. Malayong-malayo sa lalaking katabi ko na ubod ng tahimik. Parang nagtitipid ng salita."Ang yaman pala talaga ng mga kaibigan mo anak, saan mo ba sila nakilala?" Nagulat ako sa biglaang tanong ng ama ko. Tumingin ako kay Andrei na biglang sumeryoso ang mukha at palihim na tumingin kay Diego na na tumingin na ri
Mabilis ko lang tinapos ang pagligo at pag-ayos ko, simpleng suot lang. Tanging plain T-shirt at fitted pants. Hindi ko naman alam kung saan kami pupuntang dalawa at mas lalong wala akong sinabi na aalis kami ngayon. Ang desisyon niya talaga sa buhay ko. Aalis pa ako mamaya dahil papasok ako sa club at sigurado akong magugulat sina Miss Pim dahil pumasok pa ako. Hindi ko naman kasi tatanggapin ang offer, ilang taon na ako sa club at nasanay na akong gawin ang trabaho ko sa buhay na ito.Lumabas ako at natahimik na rin sa wakas ang paligid, “Si Diego?” tanong ko kay Justin na pangalawa kong kapatid, tinuro niya naman ang labas ng bahay, nakita ko si Diego na nakatilikod at may katawagan. Bumaling ulit ako sa dalawa kong kapatid, sinamaan sila ng tingin. “Tumulong kayong maglinis ng bahay at saka tulongan ninyo sina Nanay at Tatay sa trabaho pagkatapos ninyong gumawa ng school works ninyo.”“Yes Ma’am!” sabay nilang sabi at nagtawanan pa. Bumuntonghininga ako at saka lumabas na ng baha
Sobrang busog ko, halos lahat ng nasa lamesa kina tinikman ko pero si Diego halos hindi manlang ginalaw ang pagkain niya. Ang hinhin niya kumain, parang hindi lalaki. Hindi naman namin naubos lahat ng pagkain kaya pina-take out niya at pina-deliver niya sa bahay namin. I let him do it since binigyan ko siya ng pagkakataon magdesisyon sa sarili ko. Tumingin ako sa relo ko at nakitang malapit na dumating ang hapon, oras na para umuwi at mag-asikaso. Kailangan kong pumasok sa club. Bumaling ako kay Judiel na hanggang ngayon kausap pa rin ang kaibigan niyang si Simon. Pinakilala niya ito sa akin kanina, siya ang may ari ng mamahaling restaurant. Mukhang matagal pa sila matapos at kung sabihin ko sa kanya na aalis ako at kailangan kong umuwi, he wouldn't let me. Kaya habang hindi pa siya nakatingin sa akin, mabilis akong lumabas ng restaurant. Tinitiyak na hindi niya ako makikita. Nang makalabas na ako sa restaurant, mabilis akong naglakad palabas ng mall. Malapit lang naman ang mall na i
Nang oras ko na para pumunta sa stage. Suot ko ang manipis kong cardigan, kitang-kita ang buong katawan na suot lang ay maliit na lingerie. Rinig ko na ang sigawan ng mga tao sa labas kahit hindi pa ako umakyat, alam na nila ang hudyat na ako na ang lalabas. The DJ will play a song for me at iyon na ang sign para umakyat ako kaya nagsisigawan na ang mga tao."The star!" shouted by them. Sa paghakbang ko sa hagdan, dahan-dahan kong hinubad ang takip kong cardigan kaya mas lalong umingay ang paligid. I touched my body mula sa balakang ko at naglakad papunta sa harap. Nagsimula silang magtapon ng pera. Wala akong ibang ginawa kundi sabayan ang tugtog ng musika at hinayaan ang mga pera na itinapon nila sa stage. Lumakad ako sa pole at sinimulan ko ang aking sayaw, I do pole dancing. Lahat ng ito ay nakayanan kong gawin para sa pera. "Walang kupas, she's still hot." I heard one of the men say. Hinanap ko ang boses na iyon at nang makita ko, ngumiti ako sa kanya. I walked toward to them,
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kotse niya na hindi napipilitan. Tahimik siyang nagmamaneho at ako naman pasimpleng tumitingin sa kanya. Kanina sa sinabi niya, hindi ako nakapagsalita at umupo na lang sa kama, siya naman ay sa couch hanggang sa matapos ang shift ng trabaho ko. Wala kaming ginawa kundi nagtinginan lang, hindi kumikibo. Lagi siyang tumitingin sa orasan nito, biglaan niya lang din akong hinila palabas ng club. Hindi ko pa nga nakausap sila Miss Pim, diniretso niya ako sa kotse niya. I just texted Miss Pim na umalis ako at kasama si Diego, I am pretty sure na alam niyang si Diego ang kasama ko dahil hindi niya naman sinabi sa akin na si Diego ang customer na VIP. Suot ko pa rin ang bathrobe ko, nakuha ko naman kaagad din ang mga gamit ko nagtaka pa nga ang ibang kasamahan ko kung sinong humihila sa akin pero wala na akong panahon para ipaliwanag sa kanila ang lahat.Nagtaka akong tumingin sa labas ng kotse nang pumasok kami sa malaking gate, binuksan ito ng da
Anong pinagsasabi niya? “Anong sabi mo?” nakakunot noo kong tanong. Anong siya ang magpapatulog sa akin? Mukha ba akong bata na dapat patulugin. “Babalik na ako sa kwarto, ituloy mo na ang ginagawa mo.” Tatalikod na sana ako nang napahinto ako dahil tinawag niya ako. “If you can’t sleep, would you mind joining me?” Pinanliitan ko siya ng mata, tumingin sa kabuoan niya. Papasalihin niya akong mag-work out? “I mean, kung anong gusto mong gawin natin hanggang sa antukin ka.”“Hindi mo naman gagawin iyong gusto kong gawin—”“Except that thing, Janella. I don’t do that…not now.” He already knew what I am talking about. Wala naman akong maisip kung anong gagawin. Tiningnan ko siyang nagsuot ng damit pangitaas kaya nakahinga ako nang maluwag, sumenyas siya na sundan ko siya sa kusina. Tinanggap ko ang wine na binigay niya. “This one will help you asleep, try it.” Tiningnan ko saglit at tinikman, masarap ang binigay niyang wine. Lasang apple. Umupo ako sa harap niya at siya naman sa harap k