"You have a new place?" takang tanong ni Yvonne nang sa ibang lugar niya inihatid si Maxine. Nakangiti naman itong tumango. "Want to come inside?"imbita naman ni Maxine na malugod na tinanggap ni Yvonne. "Pasensiya na, wala pang masyadong gamit," sabi niya nang mabuksan na ang pinto ng bago niyang condo para papasukin ito. Wala pa siyang sofa sa kanyang maliit na sala. Tanging dining table din lamang ang meron siya na nakuha niya mula sa paglipat. Buti na lang at nai-deliver na kahapon ang kama niya para sa kanyang kuwarto. Iyon naman ang importante. Buti na lang at tinulungan siya ni Sharon makahanap agad, maging paglipat ay ito na ang nag-arrange para hindi na siya mahirapan pa. "Wala akong mai-o-offer kundi tubig," sabi niya sabay muwestra ng kamay na maupo sila. "No worries, we just have breakfast," sabi naman ni Yvonne habang papaupo. "Nice place," sabi nitong iginala ang tingin sa loob ng kanyang bahay. "Safe ba naman dito?" Naigala rin ni Maxine ang mga mata sa loob ng ba
Althea, she's coming back...Bumilis ang tibok ng puso niya. He doesn't know if it's because he was happy or something else. Pero ang marinig na babalik na ang babae ay nagulo ang isipan niya maging kung ano ang mararamdaman. He knows he's been longing for her. Matagal ang pinagsamahan nila ni Althea. Umikot ang buhay niya sa babae. Kaya kay hirap tanggapin noon na iniwan siya nito. Nahirapan din siyang burahin ito sa puso niya. She's coming back.Paulit ulit na umugong iyon sa pandinig ni Craig. Paulit ulit na para bang sirang plaka. Nahulog na ang telepono sa kanyang kamay dahil ginamit niya ang mga kamay upang takpan ang kanyang mga teynga. "Bro, are you still there? Are you okay?" tanong ni Aivan mula sa kabilang linya pero walang sumasagot. Tanging malakas na kalabog lamang ang narinig niya. Napatingin siya sa telepono. Hindi pa naman iyon pinapatay ni Craig ang tawag niya."Ah!" sigaw ni Craig dahil biglang sumakit ang kanyang ulo. "Bro..." Bigla naman na nag-alala si Aiva
Nagsalubong ang mga kilay niya. Mas lalong nagulo ang kanyang isipan dahil sa sinabi ng kanyang lolo."What?" "Pa," nagsusumamo ang ina niya sa matandang Samaniego. "Please, don't do this..." pakiusap nitong lumapit sa matanda "Gusto niyang malaman ang lahat. Bakit hindi natin sabihin!"Biglang natawa si Craig mg pagak. Hanggang sa mauwi iyon sa halakhak. Humalakhak siya nang humalakhak. Pinagtawanan ang nalaman."Nonsense!""It's the truth!" pahayag ng matanda.Alam ng matanda ang damdamin ni Maxine sa kanyang apo. He did his very best to match them. Akala niya ay nagtatagumpay siya. Nakikita niya kasi na nakokontrol din ni Maxine ang apo sa paraang hindi magawa ng iba. Pero matigas ang puso ng kanyang apo pagdating sa pag-ibig. He's still longing for that love from his past. Pagmamahal na sana lang ay nakalimutan na lang nito ng tuluyan. Iyon ang lagi niyang idinadalangin sa Diyos. Habang humahalakhak ay napaupong muli si Craig. Then there's a sudden ringing to his ears. Nagsasa
Dala ang prutas ay sumugod sila ni Sharon sa kuwartong sinabi ni Mrs. Samaniego."Lo..." Halos sabay sila ni Sharon nang tawagin ang matanda. Sa totoo lang ay pareho silang nag-aalala ni Sharon. Pero ang pag-aalala na iyon ay napalitan ng gulat nang makitang hindi ang matandang Samaniego ang nakaratay sa kama ng hospital.Nagkatagpo ang mga mata nila Craig at Maxine. Gising na si Craig mula sa pagkakatulog at kasalukuyang tinitingnan ito ng doctor. Naantala lamang iyon dahil sa bigla nilang pagdating.Una siyang nagbaba ng tingin kasabay ng muling pag-atake ng matinding kaba sa dibdib. Humigpit ang pagkakahawak niya sa basket ng mga prutas. Tuloy ay lumalabas na para dito ang mga iyon. Siya pa naman ang nakahawak.Nagkatinginan sila ni Sharon pagkatapos. Sila Don Felipe naman at Mrs.Samaniego ay nasa gilid malapit kay Craig. Naghihintay ng sasabihin ng doctor."He's okay. His condition is normal, especially since his memory is coming back. But I still suggest a rest for him," sabi ng
Tila naitulos si Maxine sa kinaroroonan. Hindi makakilos. Lalo na noong wala na ang sila Sharon. "Max..." Maging noong tawagin ni Craig ang pangalan niya ay hindi niya maangat ang mukha para tingnan ito. Parang gusto na lang niyang maglaho o bumuka ang inaapakan niyang sahig upang kainin siya. "I'll...explain—" "No need!" malakas ang boses na putol ni Maxine sa sasabihin ni Craig. Ayaw na niyang marinig ang dahilan. Ayaw na niyang ipahiya ang sarili sa sasabihin nito. Obviously, siya ang lasing kaya siguro may nangyari sa kanila. Nagsalubong ang mga kilay ni Craig sa inasal ni Maxine. Hindi pa nga siya nakakapagpaliwanag. Gusto lang naman niyang humingi ng tawad. "Just forget it, Craig. Sofia will not know about it. Kilala mo ako, hindi ako ako magsasalita. Kaya don't worry, hindi malalaman ni Sofia. Prom..." "Sofia and I are done!" si Craig naman ang pumutol sa sinasabi ni Maxine. Sa pagkakataong iyon ay mabilis na napalingon si Maxine kay Craig. Nalukot ang mukha niya sa mag
"Did you find it?"Natigil si Yvonne nang bumungad ang tanong na iyon sa kanya ni Samuel. Kada uwi niya ay iyon lagi ang tanong sa kanya. Naririndi na siya sa paulit-ulit na tanong niyo kaya binalewala niya ito. Hindi niya ito sinagot pero mabilis siya nitong nahila sa kamay. Kahit na nakaratay ito sa wheelchair ay kayang kaya pa rin nitong kontrolin siya. Gawin ang gusto kahit imbalido na."No," sagot niya. At alam niyang magiging dahilan na naman iyon ng galit nito. Hinila niya ang kamay na hawak ng lalaki at inihanda ang sarili sa pagputok ng galit nito."Bullshìt! Ilang buwan na ang ibinigay ko sa iyo, Yvonne pero hindi mo pa rin mahanap? Ginagawa mo ba talaga ang pinapagawa ko sa iyo? Or are you just flirting with that guy again? Ginagàgo mo ba ako?" Hinarap ni Yvonne si Samuel. Mariing tinitigan ito. "Huwag mong idamay dito si Aivan, Samuel. He was helping me pero ginagamit ko lang siya para magawa ang gusto mo..." aniya. Humalakhak ito nang nakakaloko. "Are you protecting
"Max! Max! Oh my God!" mangiyak-ngiyak na nagkukumahog na tumakbo palapit si Sharon sa kaibigan. Yumakap ito agad at umiyak na ng tuluyan. Kahit kailan ay iyakin talaga ito.Nang marinig ang nangyari kay Maxine ay agad siyang sumugod doon. Siya dapat ang kasama ni Craig sa hospital pero talagang iniwanan niya ang lalaki para puntahan ang kaibigan."Are you okay?" Sisinghot-singhot na sinipat ni Sharon si Maxine. Napahaplos ito sa sugat niyang may benda na. "You are not!" bulalas na muli nitong napahagulhol. "She's okay. Kaunting galos lang."Napatigil si Sharon sa pag-iyak nang may magsalita. Npalingon siya dito. Agad na sumeryoso ang kanyang mukha nang mapagsino iyon. Si Yvonne."Bakit nandito siya?" pabulong lang ang tanong na iyon ni Sharon pero nakarating pa rin sa pandinig ni Yvonne. Ngumiti lamang ito. Hindi niya kailanman masisisi ang babae na pagdudahan siya. Nahihiya naman na tumingala si Maxine kay Yvonne. "Sorry," aniyang mababasa lang mula sa pagbuka ng kanyang bibig.
"She's coming with me..."Silang lahat ay napalingon sa nagsalita. "Sergio?" bulalas ni Maxine. Hindi makapaniwalang naroon ang lalaki ngayon. Akala niya ay nasa business trip ito ngayon. At anong ginagawa nito doon?Nakangiting lumapit si Sergio sa kanila after getting permission to get in. Alam niyang nagiging maingat lamang ang mga pulis sa lagay na iyon."Mr. Dela Paz," ika ni Alfred at nakipagkamay sa lalaki. Nakamata naman sina Sharon at Yvonne sa lalaking bagong dating. Naisip ni Sharon, maraming nakapaligid kay Maxine na malalaking tao. May koneksiyon ito sa dalawang lalaking nag-uumpugang parang bato pagdating sa kalakaran ng negosyo."I heard there's a commotion in here. Kaya napababa ako," sabi nito kapagdaka.Napakunot noo si Maxine. Nagtataka naman si Sharon maging ang ibang naroon. May katanungan sa kanilang mga mukha.Natawa si Sergio saka itinuro ang taas. "I'm residing on the top floor. I own the building," paliwanag nito. Nagkatinginan sila Sharon at Maxine. N
Nakatutok ang mga mata ni Sharon sa banda ng isang gusali. Nakalagay ang kanyang telepono sa kanyang teynga. Napaismid siya nang hindi man lamang sagutin ng taong tinatawagan niya ang tawag niyang iyon."Dahil ba kaharap mo na ang babaeng matagal mong hinintay, Craig!" inis sa saad niya. Buti na lang at hindi niya isinama si Maxine. Kung hindi, lubos itong masasaktan ngayon. Siya na nga lang, nagpupuyos na ng galit sa nasaksihan. Si Maxine pa kaya na nagpapakatanga sa pinsan niya.Padabog siyang pumasok sa kanyang sasakyan. Hindi niya sinasadyang magawi roon. Siguro nga, way iyon para mailigtas niya ang kaibigan sa anumang sakit na puwedeng maging hatid ni Craig. Muli siyang pumindot sa kanyang telepono."Max, where are you. Bihis ka, sunduin kita now," aniya. "Hindi ka puwedeng tumanggi. Mag-empake ka ng ilang damit mo. Magpa-party tayo sa hotel. Gaya ng ginagawa natin dati," dagdag pa niya. Pinatayan din agad ito ng telepno para hindi na makatanggi o kaya'y makatanong pa ng kung
"Do you know him?" Kasalukuyang nasa interrogation room sila Alfred at Althea. May nilapag ang lalake na larawan sa mesa. Pjnagmasdan naman mabuti iyon ni Althea."No," sabi niya. "It's my first time seeing him," ika nitong hindi man lamang kumurap nang tumitig sa mga mata ni Alfred.Napatango naman si Alfred. Ang larawan na ipinakita niya ay larawan ni Samuel. At batay sa reaksyon ng babae, mukhang nagsasabi naman ito ng totoo."May naaalala ka ba sa nangyaring aksidente six years ago?" muling tanong ni Alfred. Hinarap na niya ang kanyang laptop at nagtipa.Tahimik naman si Althea. Pilit inaalala ang nakaraan. Alaalang naging bangungot sa kanya ng maraming taon.Muli, may nilapag na mga litrato si Alfred. Kuha naman iyon sa aksidente from the SD card.Nanginginig ang mga kamay na kinuha iyon ni Althea. Inisa-isa. Ang tanging rekoleksyon niya sa pangyayari ay bago at pagkatapos ng aksidenteng iyon. Pero patuloy siyang hina-hunting ng mga alaalang iyon."A-anong kinalaman ng aksident
"Althea..." Nilapitan ni Aivan si Althea habang umiiyak. Lumuhod siya para pantayan ito. Hinawakan niya ang kamay ng babae. Naawang tinitigan.Mula sa pagkakadukdok sa kamay ay umangat ang tingin ni Althea sa lalake. Patuloy pa rin ang pagdaloy ng mga luha niya. "Mahal pa niya ako, hindi ba? Alam ko mahal pa niya ako..." pilit niyang kinukumbinsi ang sarili maging si Aivan. Hindi basta-basta nawawala ang pagmamahal. Kaya naniniwala siyang mahal pa siya ni Craig.Tumango si Aivan. Gusto niya rin maniwala na mahal pa rin ni Craig si Althea. Kilala niya ang mga ito simula noong nagkarelasyon ang mga ito. Halos buhay na ni Craig ang babae. Mahal na mahal nito si Althea.Hinayaan niya ang kaibigan sa mga ginagawang pambababae noon dahil sigurado siyang ginagawa lamang nito iyon para itago ang sakit sa pagkawala ni Althea. Kaya noong dumating si Maxine ay naalarma siya kaya lantaran niyang sinasabi at ipinapakitang hindi niya gusto ang babae. Be auae for him, Althea is the one. Pero sin
"I'm in love with her already. .." amin niya sa kaibigan. Muling tumungga sa kanyang iniinom. "And it really hurts here!" Tinapik niya ang dibdib, sa bandang puso. "Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan nang dahil sa akin..." pumiyok ang boses niya. Ang beer na mapakla sa kanyang panlasa ay lalong naging bitter sa kanyang bibig hanggang sa kanyang lalamunan. Muling bumalik sa balintataw niya ang eksena kanina. Ang pag-iyak ni Maxine at ang pakiusap nito na putulin na nila kung anong meron sila. Hindi niya kaya. Magwawala siya sakaling mawala ito. Ayaw na niyang muling maiwanan. Lalo na at dinadala nito ang magiging anak nila. Ayaw niyang mawalan ng karapatan sa magiging anak nila. Hindi naman nakapagsalita si Aivan. Napakuyom ang kamao niya na napalingon sa pintong nakauwang ng kaunti. Alam niyang naroon si Althea. Nakikinig sa usapan nila ni Craig ngayon. Hindi naman mapigilan ni Althea ang lumuha dahil sa narinig. Dumating na nga ang kinakatakutan niya. Hindi na siya
Is it because of hormones that's why she's emotional? Kung ano-ano ang mga negatibong pumapasok sa isipan niya. Simula noong makita niya si Althea, hindi na siya natahimik. Hindi na niya naramdaman ang saya. Pinipilit na lamang niyang maging masaya sa harap ng ibang mga tao. But she never felt happy. May mga pagkakataong matutulala na lamang siya. It's not hormones anymore. It's fear of being hurt once again. Fear of being lonely and alone. Paano pa nga ba niya haharapin si Craig at ang lahat kung ganoon ang tumatakbo sa isipan niya. Kung lagi siyang duda sa mga kilos nito?"Noong dumating itong baby natin, natakot ako, Craig. Hindi ako ready dahil natakot akong bubuhayin ko siyang mag-isa. Natakot lang ako pero naging ilaw siya sa buhay ko. Kaya nagdesisyon akong itago siya sa iyo at lumayo na lang na hindi mo alam..." humihikbing saad niya. Mas maganda na nga sanang lumayo na lang siya agad.Nagtagis naman ang mga bagang ni Craig. Hindi niya matatanggap na itatago sa kanya ni Maxi
Inalalayan siya ni Craig papunta sa loob ng jewelry shop. Agad silang sinalubong ng isa sa mga sales person na babae. Mukhang inaasahan na sila dahil agad silang iginiya sa isang mesa kung saan ay may nakahanda ng mga alahas. Kahon-kahon ang nga iyon at nagkikinangan.Ipinaghila siya ni Craig ng mauupuan bago ito maupo sa kanyang tabi. Ang kaninang galak na naramdaman ay unti-unting napawi. Kay gaganda at kay kikinang at mukhang mamahalin ang mga alahas na nasa mesa, pero wala doon ang kaisa-isang hinahanap niya. Singsing. "Mrs. Samaniego...""Miss Salvador, Miss," pagko-correct niya agad sa tawag ng sales lady sa kanya. "Oh...sorry Miss...Salvador," aniya ng sales lady na napabaling pa kay Craig. Nahihiya. "Ahmmm, ipinahanda pala ni Mr. Samaniego ang mga alahas na ito para sa inyo...""I don't need any of those," tanggi niya agad. She pushes away those in front of her. Tuluyan siyang nawalan ng mood. Kahit gaano pa kaganda ang mga iyon. Hindi niya nakikita ang worth niya sa mga iy
"Ay ang ganda," saad ng baklang tumulong kay Maxine i-fit ang gown na gagamitin niya sa party. Alam niyang maaga pa iyon pero pinatawag siya dahil may binago sa napili niyang design. Napatingin siya sa body mirror. Oo nga, naitago pa ng gown na iyon ang maliit na umbok niya sa tiyan. Lalaki pa ang tiyan niya kaya okay na okay ang paglalagay ng mga ito ng ribbon para maitago ang umbok niya. Though hindi naman na kailangan dapat itago iyon dahil balak nga ng matandang Samaniego na sa party siya ipakikilala.'Bilang ano?' Piping tanong niya sa sarili."Ready to show, Mr. Handsome?"tanong ng baklang nag-assist sa kanya. Dahilan upang magising siya sa malalim na pag-iisip. Sa tuwina kasi, nahuhulog na lamang siya sa kawalan. She really needs assurance from Craig. Pero paano? Paano niya tatanungin iyo kung mahal na ba siya nito ngayon?"Let's go Mrs. Samaniego..." nakangising untag nito sa kanya. Tipid na lamang na napangiti siya.Muli niyang sinipat ang kanyang sarili. Satisfied naman s
"Craig, are you good now?" tanong ni Sharon nang silipin ang lalaki sa opisina nito. Halos hindi sila makapag-usap dahil parehong busy. Siya sa pag-organize ng party sa susunod na dalawang buwan at si Craig na busy sa mga transactions at kabi-kabilaang meetings. "Yeah, I'm almost done. You go ahead..." sabi nito. Ni hindi siya magawang sulyapan man lamang."Kay, umuwi ka agad. Sabi mo i-remind kita dahil nangako ka kay Max na uuwi agad..."Pagkabanggit niya sa pangalan ni Max ay mabilis itong napalingon sa kanya. Ngumisi siya."Nakalimutan mo, noh?" tukso niya rito."No..."aniya. "I have it on my alarm," sabi ni Craig. Minsan, kapag kasi nakatutok na siya sa trabaho ay nakakalimutan na niya ang ibang mga bagay. So he had to use his alarm. "Thanks anyway.""Kumuha ka na kasi ng secretary mo, Craig. Magiging busy na ako at mahihirapan kayo ni Max kapag nagkataon..."Alam iyon ni Craig. Kaya nga kahit hindi na dumaan sa mabusising pagsusuri ay kukuhanin niya. Okay na rin kung mga person
Isinugod agad sa hospital si Maxine. Nilukuban naman nang matinding takot si Sharon nang tawagan niya si Craig. Hindi niya ito nakikita pero ramdam niya ang matinding galit nito nang sabihin niya ang nangyari kay Maxine.Pero iwinaglit ni Sharon ang takot para kay Craig. Mas lubos siyang nag-alala kay Maxine lalo na noong mamilipit ito sa sakit at mawalan ng malay. Buti na lang talaga at may tumulong sa kanila para agad itong madala sa hospital.Pumikit siya at piping nagdasal na sana ay okay si Maxine lalo na ang baby nito."What really happened!" Nagulat siya sa pumaimbabaw na boses ni Craig. Nagkukumahog itong lumapit sa kanya. Halata sa mukha ang sobrang pag-aalala. Nanginginig ang mga labi nitong nakapinid. Ramdam na ramdam ni Sharon ang emosyon ng pinsan. Galit na galit na may pag-aalala. Ngayon niya lamang ito nakita ng ganoon. "I told you to go home right away! Paanong nangyari iyon?" Hindi maiwasang bulyaw nito. Nasabi na niya dito ang dahilan at kung nasaan sila noong nan