Althea, she's coming back...Bumilis ang tibok ng puso niya. He doesn't know if it's because he was happy or something else. Pero ang marinig na babalik na ang babae ay nagulo ang isipan niya maging kung ano ang mararamdaman. He knows he's been longing for her. Matagal ang pinagsamahan nila ni Althea. Umikot ang buhay niya sa babae. Kaya kay hirap tanggapin noon na iniwan siya nito. Nahirapan din siyang burahin ito sa puso niya. She's coming back.Paulit ulit na umugong iyon sa pandinig ni Craig. Paulit ulit na para bang sirang plaka. Nahulog na ang telepono sa kanyang kamay dahil ginamit niya ang mga kamay upang takpan ang kanyang mga teynga. "Bro, are you still there? Are you okay?" tanong ni Aivan mula sa kabilang linya pero walang sumasagot. Tanging malakas na kalabog lamang ang narinig niya. Napatingin siya sa telepono. Hindi pa naman iyon pinapatay ni Craig ang tawag niya."Ah!" sigaw ni Craig dahil biglang sumakit ang kanyang ulo. "Bro..." Bigla naman na nag-alala si Aiva
Nagsalubong ang mga kilay niya. Mas lalong nagulo ang kanyang isipan dahil sa sinabi ng kanyang lolo."What?" "Pa," nagsusumamo ang ina niya sa matandang Samaniego. "Please, don't do this..." pakiusap nitong lumapit sa matanda "Gusto niyang malaman ang lahat. Bakit hindi natin sabihin!"Biglang natawa si Craig mg pagak. Hanggang sa mauwi iyon sa halakhak. Humalakhak siya nang humalakhak. Pinagtawanan ang nalaman."Nonsense!""It's the truth!" pahayag ng matanda.Alam ng matanda ang damdamin ni Maxine sa kanyang apo. He did his very best to match them. Akala niya ay nagtatagumpay siya. Nakikita niya kasi na nakokontrol din ni Maxine ang apo sa paraang hindi magawa ng iba. Pero matigas ang puso ng kanyang apo pagdating sa pag-ibig. He's still longing for that love from his past. Pagmamahal na sana lang ay nakalimutan na lang nito ng tuluyan. Iyon ang lagi niyang idinadalangin sa Diyos. Habang humahalakhak ay napaupong muli si Craig. Then there's a sudden ringing to his ears. Nagsasa
Dala ang prutas ay sumugod sila ni Sharon sa kuwartong sinabi ni Mrs. Samaniego."Lo..." Halos sabay sila ni Sharon nang tawagin ang matanda. Sa totoo lang ay pareho silang nag-aalala ni Sharon. Pero ang pag-aalala na iyon ay napalitan ng gulat nang makitang hindi ang matandang Samaniego ang nakaratay sa kama ng hospital.Nagkatagpo ang mga mata nila Craig at Maxine. Gising na si Craig mula sa pagkakatulog at kasalukuyang tinitingnan ito ng doctor. Naantala lamang iyon dahil sa bigla nilang pagdating.Una siyang nagbaba ng tingin kasabay ng muling pag-atake ng matinding kaba sa dibdib. Humigpit ang pagkakahawak niya sa basket ng mga prutas. Tuloy ay lumalabas na para dito ang mga iyon. Siya pa naman ang nakahawak.Nagkatinginan sila ni Sharon pagkatapos. Sila Don Felipe naman at Mrs.Samaniego ay nasa gilid malapit kay Craig. Naghihintay ng sasabihin ng doctor."He's okay. His condition is normal, especially since his memory is coming back. But I still suggest a rest for him," sabi ng
Tila naitulos si Maxine sa kinaroroonan. Hindi makakilos. Lalo na noong wala na ang sila Sharon. "Max..." Maging noong tawagin ni Craig ang pangalan niya ay hindi niya maangat ang mukha para tingnan ito. Parang gusto na lang niyang maglaho o bumuka ang inaapakan niyang sahig upang kainin siya. "I'll...explain—" "No need!" malakas ang boses na putol ni Maxine sa sasabihin ni Craig. Ayaw na niyang marinig ang dahilan. Ayaw na niyang ipahiya ang sarili sa sasabihin nito. Obviously, siya ang lasing kaya siguro may nangyari sa kanila. Nagsalubong ang mga kilay ni Craig sa inasal ni Maxine. Hindi pa nga siya nakakapagpaliwanag. Gusto lang naman niyang humingi ng tawad. "Just forget it, Craig. Sofia will not know about it. Kilala mo ako, hindi ako ako magsasalita. Kaya don't worry, hindi malalaman ni Sofia. Prom..." "Sofia and I are done!" si Craig naman ang pumutol sa sinasabi ni Maxine. Sa pagkakataong iyon ay mabilis na napalingon si Maxine kay Craig. Nalukot ang mukha niya sa mag
"Did you find it?"Natigil si Yvonne nang bumungad ang tanong na iyon sa kanya ni Samuel. Kada uwi niya ay iyon lagi ang tanong sa kanya. Naririndi na siya sa paulit-ulit na tanong niyo kaya binalewala niya ito. Hindi niya ito sinagot pero mabilis siya nitong nahila sa kamay. Kahit na nakaratay ito sa wheelchair ay kayang kaya pa rin nitong kontrolin siya. Gawin ang gusto kahit imbalido na."No," sagot niya. At alam niyang magiging dahilan na naman iyon ng galit nito. Hinila niya ang kamay na hawak ng lalaki at inihanda ang sarili sa pagputok ng galit nito."Bullshìt! Ilang buwan na ang ibinigay ko sa iyo, Yvonne pero hindi mo pa rin mahanap? Ginagawa mo ba talaga ang pinapagawa ko sa iyo? Or are you just flirting with that guy again? Ginagàgo mo ba ako?" Hinarap ni Yvonne si Samuel. Mariing tinitigan ito. "Huwag mong idamay dito si Aivan, Samuel. He was helping me pero ginagamit ko lang siya para magawa ang gusto mo..." aniya. Humalakhak ito nang nakakaloko. "Are you protecting
"Max! Max! Oh my God!" mangiyak-ngiyak na nagkukumahog na tumakbo palapit si Sharon sa kaibigan. Yumakap ito agad at umiyak na ng tuluyan. Kahit kailan ay iyakin talaga ito.Nang marinig ang nangyari kay Maxine ay agad siyang sumugod doon. Siya dapat ang kasama ni Craig sa hospital pero talagang iniwanan niya ang lalaki para puntahan ang kaibigan."Are you okay?" Sisinghot-singhot na sinipat ni Sharon si Maxine. Napahaplos ito sa sugat niyang may benda na. "You are not!" bulalas na muli nitong napahagulhol. "She's okay. Kaunting galos lang."Napatigil si Sharon sa pag-iyak nang may magsalita. Npalingon siya dito. Agad na sumeryoso ang kanyang mukha nang mapagsino iyon. Si Yvonne."Bakit nandito siya?" pabulong lang ang tanong na iyon ni Sharon pero nakarating pa rin sa pandinig ni Yvonne. Ngumiti lamang ito. Hindi niya kailanman masisisi ang babae na pagdudahan siya. Nahihiya naman na tumingala si Maxine kay Yvonne. "Sorry," aniyang mababasa lang mula sa pagbuka ng kanyang bibig.
"She's coming with me..."Silang lahat ay napalingon sa nagsalita. "Sergio?" bulalas ni Maxine. Hindi makapaniwalang naroon ang lalaki ngayon. Akala niya ay nasa business trip ito ngayon. At anong ginagawa nito doon?Nakangiting lumapit si Sergio sa kanila after getting permission to get in. Alam niyang nagiging maingat lamang ang mga pulis sa lagay na iyon."Mr. Dela Paz," ika ni Alfred at nakipagkamay sa lalaki. Nakamata naman sina Sharon at Yvonne sa lalaking bagong dating. Naisip ni Sharon, maraming nakapaligid kay Maxine na malalaking tao. May koneksiyon ito sa dalawang lalaking nag-uumpugang parang bato pagdating sa kalakaran ng negosyo."I heard there's a commotion in here. Kaya napababa ako," sabi nito kapagdaka.Napakunot noo si Maxine. Nagtataka naman si Sharon maging ang ibang naroon. May katanungan sa kanilang mga mukha.Natawa si Sergio saka itinuro ang taas. "I'm residing on the top floor. I own the building," paliwanag nito. Nagkatinginan sila Sharon at Maxine. N
Parehong bumuka ang mga bibig ni Maxine at Sharon nang makita si Craig sa pintuan. At hindi lang si Craig ang naroon, kasama pa nito si Don Felipe na akay nito ngayon. "Kumuha ng kakampi..." bulong ni Sharon.kay Maxine. Ewan niya kung matutuwa ba siya o maiinis sa pinsan. Really? Sumugod ba talaga roon si Craig na may resbak? At ang lakas ng radar nito. Batay lang sa narinig mula sa pag-uusap nila ni Alfred ay nabuo na nito ang nangyari. At heto nga ngayon ito, sumugod na may resbak.Hindi man nagustuhan ni Sergio ang biglang pagsulpot ni Craig ay hindi niya ipinahalata. Bumati siya sa matandang Samaniego bilang paggalang. Tinapik naman siya nito sa balikat at natutuwang makita siya."Nice to see you, Sergio. Dito pa talaga tayo magkikita ngayon. Kumusta ang lolo mo?""He's okay, Mr. Samaniego. He's enjoying his retirement touring around the world," sagot ni Sergio. Natutuwa din siyang muling makaharap ang matanda lalo na at ilang taon na rin ang nakalipas nang makaharap niya ito. B
How do you heal a broken heart when it keeps breaking? Alam ni Craig ang damdamin niya dito, pero patuloy siyang sinasaktan. Masasabing okay naman sila. Hindi gaya ng dati na talagang galit sila sa isa't isa. Pero bakit parang mas tumaas pa ang nakapagitan sa kanilang pader ngayon kesa noon. Parang mas mahirap iyon buwagin ngayon. Hindi na kaya ni Maxine kaya nagpasya siyang magpaalam na sa matandang Samaniego. Kahit na hindi pumayag si Alfred na tanggalin ang nakasubaybay sa kanya at umalis sa poder ng mga Samaniego."Still not safe, Max..." sabi nito. Halatang nagmamadali batay sa tono ng boses. "But...""Hindi puwedeng mag-isa ka. My men protect you only outside, but inside the house, I need someone to look after you. Please, Max, makinig ka muna. This case is far from being solved."Kahit na. Hindi na niya kayang manatili pa sa lugar kung saan kasama niya palagi si Craig. Guwardiyado nga siya pero hindi naman ang puso niya. Patuloy pa rin siya nitong sinasaktan. Sa hapong iyon
Nakatitig lamang si Craig sa saradong pinto ni Maxine. Humigpit ang hawak niya sa seradura at hindi magawang pumasok sa sariling kuwarto. Nagngitngit ang mga bagang niya. Ang totoo, naroon na siya sa kompanya nang makita si Maxine kasama si Sergio. Ang totoo, muntikan na siyang bumaba sa kanyang sasakyan at pigilan itong sumama sa lalaki. But when he saw how he treated her, natuod siya. She's been taking care. And her smile, iba iyon kapag siya ang kasama.Pinigilan niya ang sarili. Tanging nagawa na lamang niya ay panoorin ito hanggang sa makaalis ang sasakyan ng lalaki.Hindi rin siya ang tumawag kay Sharon gaya ng sabi niya sa babae kanina. Nagsinungaling siya. Ang pinsan niya ang mismong tumawag sa kanya. Ipinagkalandakan nito ang date daw ni Maxine kay Sergio. Na huwag na daw siyang gumitna pa sa dalawa.'Maxine deserves someone who treats her well and protects her!' sabi pa nito. Gaya ng dinahilan niya kay Maxine. Sinabi niya kay Sharon na may importante siyang gagawin kaya hi
Nagulat si Maxine nang pagdating ni Sergio ay may dala itong pumpon ng bulaklak at may kasama pang teddy bear."Ano ito?" Hindi niya mapigilang komento. Lalo na at nakatawag na sila ng pansin sa ilang mga naroroon sa gusali. "Akala ko ba dinner for the project kaya tayo magkikita?" sabi pa niya. Pero hindi naman niya mapigilang mangiti. Tinanggap pa din naman ang bulaklak nang iabot sa kanya iyon.Nakangiti naman na inalalayan ni Sergio si Maxine papunta sa kanyang sasakyan. Pinagbuksan ng pinto ang babae. Nang maayos na itong nakaupo ay saka siya umikot para sumakay. Nagkakabit ng seatbelt si Maxine nang makaupo siya sa harap ng manibela."What would you like to eat? Would you like french cuisine?" tanong niya sa babae nang siya naman ang naglalagay ng seatbelt."Kahit ano," sagot ni Maxine na biglang may naalala. Foodie person sila ni Craig at naalala niya ang ginagawa nila noon kung saan ay sinusubukan nilang kainan lahat restaurant na magustuhan nila. At hindi sila natatakot subu
Kadarating lang ni Yvonne sa mansiyon ng mga Belleza. Pinatawag siya ng isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Hindi naman niya masyadong kilala ang naging tagapagmana ng Belleza Group of companies pero napasugod siya. Ang kapatid talaga nito ang naging kaklase niya noong kolehiyo. Ilang semester lang din iyon bago ito nangibang bansa. Pero dahil na rin sa mga connections ay muli niya itong nakita. At mula noon, siya na ang ipinapatawag ng mga ito kapag kinakailangan ng titingin sa mga ito na doctor.Habang nilalapatan ng paunang lunas ang babaeng nasa kama ngayon ay hindi niya maiwasang maawa sa kalagayan nito. Buti na lang at hindi ito malala. Kung hindi ay itatawag niya ito ng ambulansiya at ipapadala sa hospital."She has an injury on her left arm, but not broken. Malamang ay nabangga ito sa kung saan. For her fever, I already gave her medicine through her IV..." sabi niya. Hindi maiwasang mapatingin siya sa lalaking nasa pinto lang. Nakatayo malayo sa kanila.Nagulat siya kung p
"What?"Hindi niya mapigilang tanong kay Craig. Panaka-naka kasi itong tumitingin sa kanya habang nagmamaneho na may makahulugang ngiti sa mga labi."Kung tayo maaksidente, kasalanan mo talaga!" sabi ni Maxine. Hindi niya sinasadyang iba ang ibig sabihin ng katagang iyon kay Craig. Bigla kasing napawi ang ngiti sa mga labi nito. Gusto niyang bawiin ang nasabi pero huli na. Napanguso siya nang bigla na lang tumahimik at nag-concentrate ito sa pagmamaneho. Lumingon na lamang siya sa labas ng bintana dahil sa naramdamang guilt. Mukhang may naipaalala siya rito na hindi dapat.Hindi pa man nagtatagal ay muli itong magsalita. "Do you think I let you get hurt if we get into an accident?"Napalingon na muli si Maxine kay Craig."I'll take all the impact for you, Max. I won't let you get a scratch. Even the smallest one," dagdag nito.Nakagat niya ang ibabang labi at umiwas nang bigla itong bumaling sa kanya. Talaga bang nagbago na ito sa pakikitungo sa kanya? Ibig sabihin ay hindi ba ito g
"Am I making your heart flutter?" Okay na sana. Sabi niya sa sarili, sasakyan niya ang trip ni Craig. Pero mabilis nagbago ang isip niya nang marinig ang sinabi nito.Napakamayabang!Imbes na sagutin ito ay tinalikuran niya si Craig. Tapos na ang simba kaya minabuti niyang puntahan na sila Don Felipe at Mrs. Samaniego. Kailangan niyang umiwas kay Craig dahil baka tuluyang mabaliw ito sa mga pinaggagawa sa sarili."Hey!" habol nito sa kanya pero mas binilisan niya ang paghakbang. Inis na inis siya rito. Kakatapos lang ng simba pero nagkakasala na siya agad dahil dito. 'Lord, patawad'Piping pagkausap niya sa Diyos. Napatingin pa siya sa rebulto Nito sa harapan para humingi ng tawad. Gusto na niya talagang saktan si Craig dahil ginugulo nito ang isip niya. Kaya pagdating sa mansiyon ay pilit niyang iniwasan si Craig sa natitirang oras sa araw na iyon. Nagdahilan siyang gusto niyang magpahinga sa kanyang kuwarto at matulog pero ang totoo, tinaguan lamang talaga niya ang lalake. Hind
Hindi naging maganda ang gabing iyon kay Maxine. Pabiling-biling lamang siya sa kanyang higaan habang nakahiga. Nagbilang na siya ng tupa sa kanyang isipan pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Buhay na buhay ang isipan niya dahil sa mga nangyari.'Where is it?'Muling pumailanglang ang tanong na iyon sa kanyang pandinig. Ano nga ba ang hinahanap sa kanya ng taong iyon? Wala siyang alam dahil kung mamahaling bagay man ay wala siya. Kung pinapahalagahan man na bagay ay iilan lamamg din iyon. Isa na ang kuwintas na bigay ng kanyang ina.Ginagap niya iyon at hinawakan. Buti na lang talaga at naibalik sa kanya iyon. Sa totoo lang, doon siya kumuha ng lakas ng loob nang hawak siya ng lalaking iyon. Sinubukang niyang pumikit at sa pagkakataong iyon, hinila siya ng kanyang antok. She was in a safe place. In her mother's embrace. Unti-unting pumatak ang luha niya sa mga mata. She misses her mother. Gaya ni Yvonne, doctor din ito. Pero hindi ito mayaman. Walang perang iniwan. Because
Bago sila umalis ay nakatanggap muna sila ng instruction mula kay Alfred. Ang sabi nito ay huwag muna siyang bumalik sa kanyang condo habang wala pang go signal galing sa kanya. Iniisip lamang daw nito ang safety niya. May dala na rin itong ilang mga gamit niya na nasa bag. "If somebody is tailing you around, don't worry, it's my men," sabi pa nito. "They will not approach you if there's no danger around. This is for your safety, Maxine," bilin nito. "I'm glad that you are taking her with you, Mr. Samaniego," dagdag nito. Para kay Sergio mas makabubuti na iyon na sa mansiyon tutuloy si Maxine kaysa kay Sharon. Kung totoong target si Maxine ay manganganib din si Sharon. Ang hirap pa naman protektahan ng babaeng iyon dahil ang tigas ng ulo at laging nakikipag-away sa kanya kapag nakahalatang may aaligid-aligid na tauhan niya. May security ang mansiyon at hindi agad makakapasok ang kung sino. And he's still providing some security para protektahan na rin ang mga Samaniego. Nakasimang
Parehong bumuka ang mga bibig ni Maxine at Sharon nang makita si Craig sa pintuan. At hindi lang si Craig ang naroon, kasama pa nito si Don Felipe na akay nito ngayon. "Kumuha ng kakampi..." bulong ni Sharon.kay Maxine. Ewan niya kung matutuwa ba siya o maiinis sa pinsan. Really? Sumugod ba talaga roon si Craig na may resbak? At ang lakas ng radar nito. Batay lang sa narinig mula sa pag-uusap nila ni Alfred ay nabuo na nito ang nangyari. At heto nga ngayon ito, sumugod na may resbak.Hindi man nagustuhan ni Sergio ang biglang pagsulpot ni Craig ay hindi niya ipinahalata. Bumati siya sa matandang Samaniego bilang paggalang. Tinapik naman siya nito sa balikat at natutuwang makita siya."Nice to see you, Sergio. Dito pa talaga tayo magkikita ngayon. Kumusta ang lolo mo?""He's okay, Mr. Samaniego. He's enjoying his retirement touring around the world," sagot ni Sergio. Natutuwa din siyang muling makaharap ang matanda lalo na at ilang taon na rin ang nakalipas nang makaharap niya ito. B