Dala ang prutas ay sumugod sila ni Sharon sa kuwartong sinabi ni Mrs. Samaniego."Lo..." Halos sabay sila ni Sharon nang tawagin ang matanda. Sa totoo lang ay pareho silang nag-aalala ni Sharon. Pero ang pag-aalala na iyon ay napalitan ng gulat nang makitang hindi ang matandang Samaniego ang nakaratay sa kama ng hospital.Nagkatagpo ang mga mata nila Craig at Maxine. Gising na si Craig mula sa pagkakatulog at kasalukuyang tinitingnan ito ng doctor. Naantala lamang iyon dahil sa bigla nilang pagdating.Una siyang nagbaba ng tingin kasabay ng muling pag-atake ng matinding kaba sa dibdib. Humigpit ang pagkakahawak niya sa basket ng mga prutas. Tuloy ay lumalabas na para dito ang mga iyon. Siya pa naman ang nakahawak.Nagkatinginan sila ni Sharon pagkatapos. Sila Don Felipe naman at Mrs.Samaniego ay nasa gilid malapit kay Craig. Naghihintay ng sasabihin ng doctor."He's okay. His condition is normal, especially since his memory is coming back. But I still suggest a rest for him," sabi ng
Tila naitulos si Maxine sa kinaroroonan. Hindi makakilos. Lalo na noong wala na ang sila Sharon. "Max..." Maging noong tawagin ni Craig ang pangalan niya ay hindi niya maangat ang mukha para tingnan ito. Parang gusto na lang niyang maglaho o bumuka ang inaapakan niyang sahig upang kainin siya. "I'll...explain—" "No need!" malakas ang boses na putol ni Maxine sa sasabihin ni Craig. Ayaw na niyang marinig ang dahilan. Ayaw na niyang ipahiya ang sarili sa sasabihin nito. Obviously, siya ang lasing kaya siguro may nangyari sa kanila. Nagsalubong ang mga kilay ni Craig sa inasal ni Maxine. Hindi pa nga siya nakakapagpaliwanag. Gusto lang naman niyang humingi ng tawad. "Just forget it, Craig. Sofia will not know about it. Kilala mo ako, hindi ako ako magsasalita. Kaya don't worry, hindi malalaman ni Sofia. Prom..." "Sofia and I are done!" si Craig naman ang pumutol sa sinasabi ni Maxine. Sa pagkakataong iyon ay mabilis na napalingon si Maxine kay Craig. Nalukot ang mukha niya sa mag
"Did you find it?"Natigil si Yvonne nang bumungad ang tanong na iyon sa kanya ni Samuel. Kada uwi niya ay iyon lagi ang tanong sa kanya. Naririndi na siya sa paulit-ulit na tanong niyo kaya binalewala niya ito. Hindi niya ito sinagot pero mabilis siya nitong nahila sa kamay. Kahit na nakaratay ito sa wheelchair ay kayang kaya pa rin nitong kontrolin siya. Gawin ang gusto kahit imbalido na."No," sagot niya. At alam niyang magiging dahilan na naman iyon ng galit nito. Hinila niya ang kamay na hawak ng lalaki at inihanda ang sarili sa pagputok ng galit nito."Bullshìt! Ilang buwan na ang ibinigay ko sa iyo, Yvonne pero hindi mo pa rin mahanap? Ginagawa mo ba talaga ang pinapagawa ko sa iyo? Or are you just flirting with that guy again? Ginagàgo mo ba ako?" Hinarap ni Yvonne si Samuel. Mariing tinitigan ito. "Huwag mong idamay dito si Aivan, Samuel. He was helping me pero ginagamit ko lang siya para magawa ang gusto mo..." aniya. Humalakhak ito nang nakakaloko. "Are you protecting
"Max! Max! Oh my God!" mangiyak-ngiyak na nagkukumahog na tumakbo palapit si Sharon sa kaibigan. Yumakap ito agad at umiyak na ng tuluyan. Kahit kailan ay iyakin talaga ito.Nang marinig ang nangyari kay Maxine ay agad siyang sumugod doon. Siya dapat ang kasama ni Craig sa hospital pero talagang iniwanan niya ang lalaki para puntahan ang kaibigan."Are you okay?" Sisinghot-singhot na sinipat ni Sharon si Maxine. Napahaplos ito sa sugat niyang may benda na. "You are not!" bulalas na muli nitong napahagulhol. "She's okay. Kaunting galos lang."Napatigil si Sharon sa pag-iyak nang may magsalita. Npalingon siya dito. Agad na sumeryoso ang kanyang mukha nang mapagsino iyon. Si Yvonne."Bakit nandito siya?" pabulong lang ang tanong na iyon ni Sharon pero nakarating pa rin sa pandinig ni Yvonne. Ngumiti lamang ito. Hindi niya kailanman masisisi ang babae na pagdudahan siya. Nahihiya naman na tumingala si Maxine kay Yvonne. "Sorry," aniyang mababasa lang mula sa pagbuka ng kanyang bibig.
"She's coming with me..."Silang lahat ay napalingon sa nagsalita. "Sergio?" bulalas ni Maxine. Hindi makapaniwalang naroon ang lalaki ngayon. Akala niya ay nasa business trip ito ngayon. At anong ginagawa nito doon?Nakangiting lumapit si Sergio sa kanila after getting permission to get in. Alam niyang nagiging maingat lamang ang mga pulis sa lagay na iyon."Mr. Dela Paz," ika ni Alfred at nakipagkamay sa lalaki. Nakamata naman sina Sharon at Yvonne sa lalaking bagong dating. Naisip ni Sharon, maraming nakapaligid kay Maxine na malalaking tao. May koneksiyon ito sa dalawang lalaking nag-uumpugang parang bato pagdating sa kalakaran ng negosyo."I heard there's a commotion in here. Kaya napababa ako," sabi nito kapagdaka.Napakunot noo si Maxine. Nagtataka naman si Sharon maging ang ibang naroon. May katanungan sa kanilang mga mukha.Natawa si Sergio saka itinuro ang taas. "I'm residing on the top floor. I own the building," paliwanag nito. Nagkatinginan sila Sharon at Maxine. N
Parehong bumuka ang mga bibig ni Maxine at Sharon nang makita si Craig sa pintuan. At hindi lang si Craig ang naroon, kasama pa nito si Don Felipe na akay nito ngayon. "Kumuha ng kakampi..." bulong ni Sharon.kay Maxine. Ewan niya kung matutuwa ba siya o maiinis sa pinsan. Really? Sumugod ba talaga roon si Craig na may resbak? At ang lakas ng radar nito. Batay lang sa narinig mula sa pag-uusap nila ni Alfred ay nabuo na nito ang nangyari. At heto nga ngayon ito, sumugod na may resbak.Hindi man nagustuhan ni Sergio ang biglang pagsulpot ni Craig ay hindi niya ipinahalata. Bumati siya sa matandang Samaniego bilang paggalang. Tinapik naman siya nito sa balikat at natutuwang makita siya."Nice to see you, Sergio. Dito pa talaga tayo magkikita ngayon. Kumusta ang lolo mo?""He's okay, Mr. Samaniego. He's enjoying his retirement touring around the world," sagot ni Sergio. Natutuwa din siyang muling makaharap ang matanda lalo na at ilang taon na rin ang nakalipas nang makaharap niya ito. B
Bago sila umalis ay nakatanggap muna sila ng instruction mula kay Alfred. Ang sabi nito ay huwag muna siyang bumalik sa kanyang condo habang wala pang go signal galing sa kanya. Iniisip lamang daw nito ang safety niya. May dala na rin itong ilang mga gamit niya na nasa bag. "If somebody is tailing you around, don't worry, it's my men," sabi pa nito. "They will not approach you if there's no danger around. This is for your safety, Maxine," bilin nito. "I'm glad that you are taking her with you, Mr. Samaniego," dagdag nito. Para kay Sergio mas makabubuti na iyon na sa mansiyon tutuloy si Maxine kaysa kay Sharon. Kung totoong target si Maxine ay manganganib din si Sharon. Ang hirap pa naman protektahan ng babaeng iyon dahil ang tigas ng ulo at laging nakikipag-away sa kanya kapag nakahalatang may aaligid-aligid na tauhan niya. May security ang mansiyon at hindi agad makakapasok ang kung sino. And he's still providing some security para protektahan na rin ang mga Samaniego. Nakasimang
Hindi naging maganda ang gabing iyon kay Maxine. Pabiling-biling lamang siya sa kanyang higaan habang nakahiga. Nagbilang na siya ng tupa sa kanyang isipan pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Buhay na buhay ang isipan niya dahil sa mga nangyari.'Where is it?'Muling pumailanglang ang tanong na iyon sa kanyang pandinig. Ano nga ba ang hinahanap sa kanya ng taong iyon? Wala siyang alam dahil kung mamahaling bagay man ay wala siya. Kung pinapahalagahan man na bagay ay iilan lamamg din iyon. Isa na ang kuwintas na bigay ng kanyang ina.Ginagap niya iyon at hinawakan. Buti na lang talaga at naibalik sa kanya iyon. Sa totoo lang, doon siya kumuha ng lakas ng loob nang hawak siya ng lalaking iyon. Sinubukang niyang pumikit at sa pagkakataong iyon, hinila siya ng kanyang antok. She was in a safe place. In her mother's embrace. Unti-unting pumatak ang luha niya sa mga mata. She misses her mother. Gaya ni Yvonne, doctor din ito. Pero hindi ito mayaman. Walang perang iniwan. Because
Mabilis nilang itinakbo sa hospital si Don Felipe. Halos lahat sila ay sumama kahit buntis si Maxine ay hindi nila napigilan na sumama. Alam niya kasi sa sarili na isa siya sa dahilan kung bakit naospital ang matandang Samaniego. Ngayon nga ay nasa laba silang lahat habang tinitingnan ng doctor si Don Felipe. Pinalabas silang lahat doon at tanging ang doctor at matandang Samaniego lamang ang nag-usap. Nagkamalay na rin ito at ito mismo ang nagdesisyong palabasin sila."Ano bang sinabi mo, Craig? Bakit galit na galit si Lolo?" May himig paninisi ang tono ni Sharon nang magtanong ito.Nakasandal si Craig sa dingding. Sinisisi rin naman niya ang sarili at hindi niya mapapatawad iyon kapag nagkataong may mangyari ngang masama sa kanyang lolo."Let's not talk about it for now, Sha. Importante ang kalagayan ni Papa ngayon," saway naman ni Mrs. Samaniego sa pamangkin.Nang bumakas ang pinto at makitang lumabas ang doctor ay mabilis silang nagsilapit dito. "Doc, how's papa?"Simpleng ngum
"W-what?"Hindi alam ni Don Felipe kung matatawa ba o magagalit sa sinabi ng apo. "Paanong ikaw ang ama? Are you joking right now?" Pero kahit na ganoon ang tanong niya ay nagdidiwang ang puso niya kung totoo ngang si Craig ang ama ng dinadala ni Maxine. Wala siyang pakialam kung paano basta masaya siyang nagkaroon ng dahilan upang matupad ang gusto niyang mangyari—ang maging parte ng tuluyan si Maxine sa kanilang pamilya."Do you need me to elaborate on how we make the baby?" sarkastiko naman na saad ni Craig. "Pero paanong..." sabad ni Mrs. Samaniego. Napatigil sa kalagitnaan ng pagsasalita. Napalunok si Maxine nang makita ang kalituhan sa mukha ni Mrs. Samaniego."It was a mistake?" Mahinang saad niya kung kaya ay napalingon ang mga ito sa kanya. Maging si Craig ay nagsalubong ang mga kilay sa sinabi niya."Mistake? Pinagsamantalahan ka ba ng gagòng apo ko, Max?" tanong ng matanda. Hindi naman siguro pinilit ni Craig si Maxine, sa isip niya.Marahas na umiling si Maxine para pab
Like is the beginning of deeper feelings. Iyon ang pinanghahawakan at pinaniniwalaan ni Craig. Hindi naman niya basta-basta puwedeng sabihin na mahal na niya ang babae kung hindi pa siya sigurado. He doesn't want to jump to the conclusion that he loved her. He cared about her and their baby but love? Hindi pa siya sigurado.Hindi ba puwedeng nag-uumpisa pa lamang sila? Hindi ba puwedeng simulan muna nila ang lahat sa mabagal na paraan. They've been in a situation where feelings just flowed. And it's not love nor liking. It's lùst! Nagsimula sila sa mali, and he wants to make things right. Slowly but surely.Iyon ang hindi niya naipaliwanag ng husto kay Maxine. Maxine is very hesitant. Papasok na naman ba siya sa isang sitwasyon na siya lang ang nagmamahal? No way. She can't let herself drawn to that situation again. Marami na siyang naiiyak dahil doon. Never again.Sa umagang iyon ay nanatili lamang sila sa unit at nagpahinga. Pero sa katanghalian ay inistorbo sila ng isang tawag.
BEFORE THE RESCUE OPERATION"SD card?" napatanong si Aivan. "You have the SD card, Craig?" Napuno ng pag-aalala ang mukha at boses niya. "Then it means they were both in danger now. Kapag nalaman ni Samuel na wala kay Maixne ang SD card, baka patayin niya ang mga ito...""Samuel?"Napalunok si Aivan. They really don't know who the kidnapper is. Kailangan na niyang aminin ang nalalaman niya sa mga ito bago pa mahuli ang lahat. To save Yvonne as well."Yvonne's husband was the culprit. I don't know why he needs that SD Card at anong kinalaman nito kay Maxine at Yvonne, pero iyan ang susi para maligtas silang dalawa."Tahimik na nakinig sila Craig at Alfred. Maging si Sharon ay hindi nakapagsalita habang nakikinig kay Aivan"The thing is...it has a connection in your accident, Craig..."Nagulat si Craig nang marinig ang sinabi ni Aivan. No one knows about his accident dahil naitago iyon ng mabuti ng kanyang lolo. Napagtakpan nitong mabuti iyon. Even the media was totally blocked."Paano
"Yvonne!"Malakas na tawag ni Aivan nang marating na nila ang lugar kung saan ay naroroon ang mga babae. May mga tanglaw na ilaw sa labas ng isang kubo. Agad naman na itinutok ng lalakeng kanina pa niya kasama ang baril nito sa kanyang likuran. "Tumigil!" babala ng lalake at ipinagdidinan ang baril sa kanyang likuran. Itinulak pa siya para muling umabante."Welcome, my friend!" Lumabas sa kubo si Samuel. Kasunod ang ibang mga tauhan nito.Kumuyom ang kamao ni Aivan nang mapagsino ang tao sa likod ng pagkawala ni Yvonne at pagkidnap kay Maxine. Humalakhak naman si Samuel nang mapansin nito ang galit na galit niyang mukha. Gusto ng sumugod ni Aivan pero paano? Wala siyang laban dahil napapalibutan siya ng mga kalaban. Sa bilang niya ay mga sampong tauhan ang naroon. Idagdag pa si Samuel kaya labing isa ang mga ito. "Nasaan si Yvonne?" matigas na tanong niya. Lalong humalakhak ang lalake na para bang joke ang sinabi niya. Lumapit ito sa kanya at inakbayan siya."Where's my precio
Matalim na titig ang ipinukol ni Samuel kay Yvonne. Napuno ng galit ang kanyang sistema dahil sa sinabing iyon ng kausap kanina. Naputol na ang pag-uusap nila dahil ayon dito, hinahabol ito ngayon ng mga pulis at kasalukuyang tumatakas. Ang sabi nito ay tatawag ito ulit using a new phone para hindi ma-track. Napangisi siya. Hindi na niya kailangan pang magduda sa lalake. Gagawin nito ang lahat para kay Yvonne.Nang matapos ang tawag ay lumapit siya kay Yvonne. Napaigik ito nang hilain niya ang buhok nito para mapatingala sa kanya. Gustong gusto niya ang nakikitang tapang sa mga mata ng babae. She always obey him pero ngayon parang kayang kaya siya nitong patayin ngayon kung may pagkakataon."You only want to save this bìtch, huh?" anas niya habang nakatingin sa babaeng kailanman ay hindi niya minahal! Ginamit lamang niya ito para sa sariling kapakanan. At siyempre, dahil ang ama nito ang dahilan kaya siya naging baldado ng ilang taon bago maka-recover. Ginawa niya ang lahat para mag
Takot na takot ang lalake dahil napapalibutan siya ng mga lalakeng hindi niya kilala. Natatakot ito para sa sarili dahil baka patayin din siya pagkatapos. Pero may choice pa ba siya? Muntikan din siyang mapatay kanina. Kung hindi lamang sa tulong ng lalakeng tinawag nilang Baron."Who do you work for?!" tanong ni Alfred sa lalake. Bugbog sarado talaga ito at may hiwa pa sa kanang kamay. Napalingon si Alfred kay Baron na relax na naupo sa sofa. "Don't look at me like that. I told you he almost got killed by someone. Gamutin muna ninyo ang ugok na iyan bago niyo tanungin. Baka mamatay na wala pa kayong sagot na makuha," ika naman ng lalake. Mukhang pagod na pagod itong pumikit at binalewala ang mga naroon. Tapos na ang role niya. Naihatid na niya ang puwedeng maging susi sa imbestigasyon. Natulungan na niya si Craig. Nang magmulat si Baron ay nagbakasakali siyang nakatingin sa kanya si Craig. Nang magtama nga ang mga mata nila ay tumango siya rito pagkatapos ay tumayo."I'm going. Don
"My colleagues was in critical conditions," Pagbabalita agad ni Alfred nang makarating sa opisina ni Craig. May mga kasama itong mga tauhan pa. They even set up tracking devices to his office. Baka sakali daw tumawag ang mga kidnappers. They can track them easily if that happens. They really need to act fast. Lalo na at sobrang labo pa rin ng lahat. Ngayon lang sobrang hindi mapakali si Craig. Galit na galit siya, pero mas galit siya sa sarili dahil sa nangyari kay Maxine. Hindi man lamang niya naprotektahan ang babae. Sinasabi na nga ba niya! Sana hindi talaga siya pumayag sa kagustuhan nitong mapag-isa. Sana ipinilit niyang siya ang maghatid dito. Sana...Ang dami niyang sana. His heart was aching. Parang may kung anong nakadagan doon. Hindi siya halos makahinga dahil sa takot at kabang nararamdaman para kay Maxine. Halo- halo ang mga emosyon niya sa katawan."Who's behind it!"Napapukpok si Craig sa kanyang mesa. Doon niya ibinuhos ang galit. Kung sino man talaga ang may pakana
"Craig!"Humahangos na patakbong pumunta si Sharon sa opisina ni Craig. Hindi maipinta ang kanyang mukha. Naghahalo-halo roon ang takot at pag-aalala. "What?" Walang kaalam-alam si Craig sa nangyayari. May problema siyang kinakaharap kaya wala siyang balak na pakinggan ang pinsan niya. Alam niyang magbubunganga lamang ito tungkol kay Maxine. Lalo na ang tungkol sa nangyari kahapon. "Si Maxine..."Sinasabi na nga ba niya. Hindi siya nag-angat ng tingin dito. Kilala niya si Sharon at kapag binigyan niya ito ng pansin ay lalo itong hindi siya titigilan."Maxine was kidnapped!"Tumigil sa ere ang mga kamay niyang nakahawak ng ballpen. Mabilis na lumipad ang kanyang tingin sa babae."Don't joke around, Sha—""I am not!" putol nito sa pagsasalita niya. Halos sigawan siya nito. "Alfred just called me. Sugatan ang mga tauhan niya. They lost Maxine!" My God, Craig! She was kidnapped and pregnant!" Halos histerikal na saad nito. Tuluyang umiyak.Nanlaki ang mga mata ni Craig. Napuno ng takot