"Am I making your heart flutter?" Okay na sana. Sabi niya sa sarili, sasakyan niya ang trip ni Craig. Pero mabilis nagbago ang isip niya nang marinig ang sinabi nito.Napakamayabang!Imbes na sagutin ito ay tinalikuran niya si Craig. Tapos na ang simba kaya minabuti niyang puntahan na sila Don Felipe at Mrs. Samaniego. Kailangan niyang umiwas kay Craig dahil baka tuluyang mabaliw ito sa mga pinaggagawa sa sarili."Hey!" habol nito sa kanya pero mas binilisan niya ang paghakbang. Inis na inis siya rito. Kakatapos lang ng simba pero nagkakasala na siya agad dahil dito. 'Lord, patawad'Piping pagkausap niya sa Diyos. Napatingin pa siya sa rebulto Nito sa harapan para humingi ng tawad. Gusto na niya talagang saktan si Craig dahil ginugulo nito ang isip niya. Kaya pagdating sa mansiyon ay pilit niyang iniwasan si Craig sa natitirang oras sa araw na iyon. Nagdahilan siyang gusto niyang magpahinga sa kanyang kuwarto at matulog pero ang totoo, tinaguan lamang talaga niya ang lalake. Hind
"What?"Hindi niya mapigilang tanong kay Craig. Panaka-naka kasi itong tumitingin sa kanya habang nagmamaneho na may makahulugang ngiti sa mga labi."Kung tayo maaksidente, kasalanan mo talaga!" sabi ni Maxine. Hindi niya sinasadyang iba ang ibig sabihin ng katagang iyon kay Craig. Bigla kasing napawi ang ngiti sa mga labi nito. Gusto niyang bawiin ang nasabi pero huli na. Napanguso siya nang bigla na lang tumahimik at nag-concentrate ito sa pagmamaneho. Lumingon na lamang siya sa labas ng bintana dahil sa naramdamang guilt. Mukhang may naipaalala siya rito na hindi dapat.Hindi pa man nagtatagal ay muli itong magsalita. "Do you think I let you get hurt if we get into an accident?"Napalingon na muli si Maxine kay Craig."I'll take all the impact for you, Max. I won't let you get a scratch. Even the smallest one," dagdag nito.Nakagat niya ang ibabang labi at umiwas nang bigla itong bumaling sa kanya. Talaga bang nagbago na ito sa pakikitungo sa kanya? Ibig sabihin ay hindi ba ito g
Kadarating lang ni Yvonne sa mansiyon ng mga Belleza. Pinatawag siya ng isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Hindi naman niya masyadong kilala ang naging tagapagmana ng Belleza Group of companies pero napasugod siya. Ang kapatid talaga nito ang naging kaklase niya noong kolehiyo. Ilang semester lang din iyon bago ito nangibang bansa. Pero dahil na rin sa mga connections ay muli niya itong nakita. At mula noon, siya na ang ipinapatawag ng mga ito kapag kinakailangan ng titingin sa mga ito na doctor.Habang nilalapatan ng paunang lunas ang babaeng nasa kama ngayon ay hindi niya maiwasang maawa sa kalagayan nito. Buti na lang at hindi ito malala. Kung hindi ay itatawag niya ito ng ambulansiya at ipapadala sa hospital."She has an injury on her left arm, but not broken. Malamang ay nabangga ito sa kung saan. For her fever, I already gave her medicine through her IV..." sabi niya. Hindi maiwasang mapatingin siya sa lalaking nasa pinto lang. Nakatayo malayo sa kanila.Nagulat siya kung p
Nagulat si Maxine nang pagdating ni Sergio ay may dala itong pumpon ng bulaklak at may kasama pang teddy bear."Ano ito?" Hindi niya mapigilang komento. Lalo na at nakatawag na sila ng pansin sa ilang mga naroroon sa gusali. "Akala ko ba dinner for the project kaya tayo magkikita?" sabi pa niya. Pero hindi naman niya mapigilang mangiti. Tinanggap pa din naman ang bulaklak nang iabot sa kanya iyon.Nakangiti naman na inalalayan ni Sergio si Maxine papunta sa kanyang sasakyan. Pinagbuksan ng pinto ang babae. Nang maayos na itong nakaupo ay saka siya umikot para sumakay. Nagkakabit ng seatbelt si Maxine nang makaupo siya sa harap ng manibela."What would you like to eat? Would you like french cuisine?" tanong niya sa babae nang siya naman ang naglalagay ng seatbelt."Kahit ano," sagot ni Maxine na biglang may naalala. Foodie person sila ni Craig at naalala niya ang ginagawa nila noon kung saan ay sinusubukan nilang kainan lahat restaurant na magustuhan nila. At hindi sila natatakot subu
Nakatitig lamang si Craig sa saradong pinto ni Maxine. Humigpit ang hawak niya sa seradura at hindi magawang pumasok sa sariling kuwarto. Nagngitngit ang mga bagang niya. Ang totoo, naroon na siya sa kompanya nang makita si Maxine kasama si Sergio. Ang totoo, muntikan na siyang bumaba sa kanyang sasakyan at pigilan itong sumama sa lalaki. But when he saw how he treated her, natuod siya. She's been taking care. And her smile, iba iyon kapag siya ang kasama.Pinigilan niya ang sarili. Tanging nagawa na lamang niya ay panoorin ito hanggang sa makaalis ang sasakyan ng lalaki.Hindi rin siya ang tumawag kay Sharon gaya ng sabi niya sa babae kanina. Nagsinungaling siya. Ang pinsan niya ang mismong tumawag sa kanya. Ipinagkalandakan nito ang date daw ni Maxine kay Sergio. Na huwag na daw siyang gumitna pa sa dalawa.'Maxine deserves someone who treats her well and protects her!' sabi pa nito. Gaya ng dinahilan niya kay Maxine. Sinabi niya kay Sharon na may importante siyang gagawin kaya hi
How do you heal a broken heart when it keeps breaking? Alam ni Craig ang damdamin niya dito, pero patuloy siyang sinasaktan. Masasabing okay naman sila. Hindi gaya ng dati na talagang galit sila sa isa't isa. Pero bakit parang mas tumaas pa ang nakapagitan sa kanilang pader ngayon kesa noon. Parang mas mahirap iyon buwagin ngayon. Hindi na kaya ni Maxine kaya nagpasya siyang magpaalam na sa matandang Samaniego. Kahit na hindi pumayag si Alfred na tanggalin ang nakasubaybay sa kanya at umalis sa poder ng mga Samaniego."Still not safe, Max..." sabi nito. Halatang nagmamadali batay sa tono ng boses. "But...""Hindi puwedeng mag-isa ka. My men protect you only outside, but inside the house, I need someone to look after you. Please, Max, makinig ka muna. This case is far from being solved."Kahit na. Hindi na niya kayang manatili pa sa lugar kung saan kasama niya palagi si Craig. Guwardiyado nga siya pero hindi naman ang puso niya. Patuloy pa rin siya nitong sinasaktan. Sa hapong iyon
"Craig!" sigaw ni Sharon. Paano ay nawalan na ng malay si Maxine at tumumba.Mabilis pa sa alas kuwatrong lumapit si Craig sa gawi ng mga babae. Kinakabahang binuhat niya si Maxine sa kanyang mga bisig.Nakasalubong niya si Aivan nang nagmamadali siyang lumabas sa silid na iyon. "Make sure that he will never use his hand ever again!" utos niya rito. Halos liparin na niya ang kinaroronan hanggang sa sasakyan."Dalhin natin sa malapit na hospital, Craig," nag-aalalang sabi ni Sharon. Kinalma ni Craig ang sarili habang nagmamaneho. Pasulyap-sulyap siya kay Maxine na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. She's so pale. Lagot talaga sa kanya ang lalakeng iyon kapag may nangyaring masama kay Maxine."Did you let her drink? Sino ba kasi nagsabing dalhin mo siya sa bar?" Hindi niya mapigilang sisi sa pinsan.Sa totoo lang, kanina pa siya naiinis kay Sharon.Nang malaman niyang nasa bar si Maxine ay agad siyang nilukuban ng inis. Bakit kailangan pang pumunta ng babae sa ganoon lugar? Talaga
"It's too early to tell. I want you to do a pregnancy test three weeks from now," sabi ng doctor nang matanggap nito ang resulta ng pregnancy test niya. Muli nitong tiningnan ang chart niya. "Do you take antihistamine today? This may affect your normal HGC level also..."Muli silang nagkatinginan ni Craig. Kanina pa ito walang imik. Nakamasid lamang ito sa kanya. Minsan pa nga ay parang wala ito sa sarili."Yes, doc. I did..." Sa sinabi niya ay muling nakitaan niya si Craig ng reaksyon. Kumurap ito at nagdilim ang mukha. Iniiwas din ang tingin sa kanya.Napatango-tango ang doctor. Kumbinsadong dahil nga iyon sa nainom niyang gamot. Pero sinabi pa rin nitong magpregnancy test siya lalo na at alam nitong delay siya ng isang linggo. Hindi niya kasi naipagkaila iyon nang tanungin siya. Pagkatapos siyang maresetahan ng gamot para sa low iron niya ay pinauwi na siya. Okay naman na daw siya at normal lang na mahilo dahil sa baba ng dugo niya.Hindi man niya gusto ay napilitan siyang sum
Is it because of hormones that's why she's emotional? Kung ano-ano ang mga negatibong pumapasok sa isipan niya. Simula noong makita niya si Althea, hindi na siya natahimik. Hindi na niya naramdaman ang saya. Pinipilit na lamang niyang maging masaya sa harap ng ibang mga tao. But she never felt happy. May mga pagkakataong matutulala na lamang siya. It's not hormones anymore. It's fear of being hurt once again. Fear of being lonely and alone. Paano pa nga ba niya haharapin si Craig at ang lahat kung ganoon ang tumatakbo sa isipan niya. Kung lagi siyang duda sa mga kilos nito?"Noong dumating itong baby natin, natakot ako, Craig. Hindi ako ready dahil natakot akong bubuhayin ko siyang mag-isa. Natakot lang ako pero naging ilaw siya sa buhay ko. Kaya nagdesisyon akong itago siya sa iyo at lumayo na lang na hindi mo alam..." humihikbing saad niya. Mas maganda na nga sanang lumayo na lang siya agad.Nagtagis naman ang mga bagang ni Craig. Hindi niya matatanggap na itatago sa kanya ni Maxi
Inalalayan siya ni Craig papunta sa loob ng jewelry shop. Agad silang sinalubong ng isa sa mga sales person na babae. Mukhang inaasahan na sila dahil agad silang iginiya sa isang mesa kung saan ay may nakahanda ng mga alahas. Kahon-kahon ang nga iyon at nagkikinangan.Ipinaghila siya ni Craig ng mauupuan bago ito maupo sa kanyang tabi. Ang kaninang galak na naramdaman ay unti-unting napawi. Kay gaganda at kay kikinang at mukhang mamahalin ang mga alahas na nasa mesa, pero wala doon ang kaisa-isang hinahanap niya. Singsing. "Mrs. Samaniego...""Miss Salvador, Miss," pagko-correct niya agad sa tawag ng sales lady sa kanya. "Oh...sorry Miss...Salvador," aniya ng sales lady na napabaling pa kay Craig. Nahihiya. "Ahmmm, ipinahanda pala ni Mr. Samaniego ang mga alahas na ito para sa inyo...""I don't need any of those," tanggi niya agad. She pushes away those in front of her. Tuluyan siyang nawalan ng mood. Kahit gaano pa kaganda ang mga iyon. Hindi niya nakikita ang worth niya sa mga iy
"Ay ang ganda," saad ng baklang tumulong kay Maxine i-fit ang gown na gagamitin niya sa party. Alam niyang maaga pa iyon pero pinatawag siya dahil may binago sa napili niyang design. Napatingin siya sa body mirror. Oo nga, naitago pa ng gown na iyon ang maliit na umbok niya sa tiyan. Lalaki pa ang tiyan niya kaya okay na okay ang paglalagay ng mga ito ng ribbon para maitago ang umbok niya. Though hindi naman na kailangan dapat itago iyon dahil balak nga ng matandang Samaniego na sa party siya ipakikilala.'Bilang ano?' Piping tanong niya sa sarili."Ready to show, Mr. Handsome?"tanong ng baklang nag-assist sa kanya. Dahilan upang magising siya sa malalim na pag-iisip. Sa tuwina kasi, nahuhulog na lamang siya sa kawalan. She really needs assurance from Craig. Pero paano? Paano niya tatanungin iyo kung mahal na ba siya nito ngayon?"Let's go Mrs. Samaniego..." nakangising untag nito sa kanya. Tipid na lamang na napangiti siya.Muli niyang sinipat ang kanyang sarili. Satisfied naman s
"Craig, are you good now?" tanong ni Sharon nang silipin ang lalaki sa opisina nito. Halos hindi sila makapag-usap dahil parehong busy. Siya sa pag-organize ng party sa susunod na dalawang buwan at si Craig na busy sa mga transactions at kabi-kabilaang meetings. "Yeah, I'm almost done. You go ahead..." sabi nito. Ni hindi siya magawang sulyapan man lamang."Kay, umuwi ka agad. Sabi mo i-remind kita dahil nangako ka kay Max na uuwi agad..."Pagkabanggit niya sa pangalan ni Max ay mabilis itong napalingon sa kanya. Ngumisi siya."Nakalimutan mo, noh?" tukso niya rito."No..."aniya. "I have it on my alarm," sabi ni Craig. Minsan, kapag kasi nakatutok na siya sa trabaho ay nakakalimutan na niya ang ibang mga bagay. So he had to use his alarm. "Thanks anyway.""Kumuha ka na kasi ng secretary mo, Craig. Magiging busy na ako at mahihirapan kayo ni Max kapag nagkataon..."Alam iyon ni Craig. Kaya nga kahit hindi na dumaan sa mabusising pagsusuri ay kukuhanin niya. Okay na rin kung mga person
Isinugod agad sa hospital si Maxine. Nilukuban naman nang matinding takot si Sharon nang tawagan niya si Craig. Hindi niya ito nakikita pero ramdam niya ang matinding galit nito nang sabihin niya ang nangyari kay Maxine.Pero iwinaglit ni Sharon ang takot para kay Craig. Mas lubos siyang nag-alala kay Maxine lalo na noong mamilipit ito sa sakit at mawalan ng malay. Buti na lang talaga at may tumulong sa kanila para agad itong madala sa hospital.Pumikit siya at piping nagdasal na sana ay okay si Maxine lalo na ang baby nito."What really happened!" Nagulat siya sa pumaimbabaw na boses ni Craig. Nagkukumahog itong lumapit sa kanya. Halata sa mukha ang sobrang pag-aalala. Nanginginig ang mga labi nitong nakapinid. Ramdam na ramdam ni Sharon ang emosyon ng pinsan. Galit na galit na may pag-aalala. Ngayon niya lamang ito nakita ng ganoon. "I told you to go home right away! Paanong nangyari iyon?" Hindi maiwasang bulyaw nito. Nasabi na niya dito ang dahilan at kung nasaan sila noong nan
Dahil hindi natuloy ang pagpunta nila sa designer ng damit noong nakaraan ay ngayon sila may panahon mapuntahan iyon. Kasama ni Maxine si Sharon dahil biglang may mahalagang meeting si Craig. 'I'm sorry, Max, promise, I'll be there later. Hahabol ako sa inyo' Bago siya umalis ay sabi ni Craig. Halatang gusto siya nitong samahan pero siyempre, mahalaga pa rin ang role nito sa kompanya.Pagkatapos nitong sabihin ang tungkol sa pagligtas ng ina niya sa lalaki ay matagal bago niya iyon naproseso sa kanyang isip. Pero mas naging proud siya sa kanyang ina. Dahil nagawa nitong iligtas ang lalaking minahal niya. Hanggang doon lamang ang sinabi ni Craig. Hindi pa siya handang aminin sa babae na ang dahilan kung bakit namatay ito ay dahil rin sa kanya. Natatakot siya sa magiging reaksyon ni Maxine. Ngayon pa lamang, nahirapan na siya dito. Sa mas malalim pa kayang katotohanan? Natatakot siyang kasuklaman siya ng babae. Kahit sabihin na hindi naman niya ginusto ang mga nangyari at nadamay lam
Isang buwan pa ang nakalipas. Medyo may umbok na sa tiyan ni Maxine pero hindi pa naman gaanong kahalata. She's living the life she always wanted. Unti-unting nababago ni Craig ang pananaw niya dito. Pinapatunayan nito ang sarili sa kanya.Walang paltos si Craig sa pag-aalaga sa kanya. Maging sa mga check ups niya ay naroon ito. Sa paningin na nga niya ay nagiging husband material na ito. Pero siyempre, ayaw niyang pakasiguro. Ayaw niyang bigyan ang sarili ng isang daang porsyentong pag-asa. Ayaw niya pa rin masaktan.Waking up beside him was everything. Nagigising siya sa umagang laging nakayakap ito sa kanya. Maging ang amoy nito ay kabisado na niya. Kaya kahit nakatalikod siya at paparating ito ay alam na alam niya. Wala ng mahihiling pa si Maxine. Parang nananaginip pa rin siya dahil pangarap lamang niya noon si Craig. Lihim na minamahal. Pero heto ngayon. Kasama niya. It all started with a contract being his bed warmer. Ngayon, aabot nga kaya sila sa isa na namang kontrata? K
Madilim pa rin ang mukha ni Craig nang pumasok siya sa coffee shop kung saan niya nakita sila Maxine at ang Dela Paz na iyon.Hindi nawala sa isip niya ang nasaksihan kanina, kung paano ngumiti ang Dela Paz na iyon dahil sa presensiya ni Maxine. Maging ang nahihiyang itsura ng babae habang inabot nito ang isang kahon.Napasulyap siya sa kahon na nasa mesa. Mukhang iniwanan iyon ng Dela Paz na iyon. "Craig...magpapaliwanag ako..." Saad ni Maxine sabay kuha sa kahon na iyon. Tumayo si Maxine mula sa kinauupuan. Marahan naman niyang inabot ang kamay nito at hinila. Hindi pa rin siya nagsasalita. Kinokontrol niya ang sariling emosyon dahil baka sumabog siya. Ayaw niyang mangyari iyon dahil nasa matao silang lugar. 'Patience Craig. Patience!' Paalala niya iyon sa sarili. Iyon ang gusto niyang gawin kahit na halos bulkan ng gustong pumutok ang galit niya.Hinila niya si Maxine papunta sa kanyang sasakyan. Pilit niyang ikinubli ang damaged ng sasakyan sa mga mata ni Maxine. Buti na lamang
"Hindi pa ba dumadating si Craig, Max?" Dumungaw si Sharon sa kanyang opisina. Kanina pa nito tinatanong kung susunduin ba siya ni Craig. Ngumiti siya. "Sabi niya ay hintayin ko siya, Sharon. Kung may pupuntahan ka, go na. Baka mainip ang date mo," sabi niyang nagbibiro lang naman. Pero nang makitang namula ang kaibigan ay napatunayan niyang meron nga itong mahalagang pupuntahan kaya tanong nang tanong. Lumapit ito sa kanyang mesa. "Nag-aalala ako, baka hindi siya makabalik agad. Okay ka lang bang maghintay dito?"Tinaasan niya ito ng kilay. "Sha, buntis lang ako. Hindi may sakit. Huwag kang mag-alala sa akin. May ginagawa pa ako kaya hihintayin ko na si Craig."Napalabi ito. "Sure ka ha? Basta kapag hindi siya dumating tawagan mo ako. Lilipad ako para mapuntahan ka..."Mas lumawak ang pagkakangiti ni Maxine. Magagawa niya bang sirain ang date ng kaibigan? Pero siyempre kunwaring napatango na lamang siya para hindi ito ma-guilty na iwanan siya. Simula noong mabuntis siya at napagta