"It's too early to tell. I want you to do a pregnancy test three weeks from now," sabi ng doctor nang matanggap nito ang resulta ng pregnancy test niya. Muli nitong tiningnan ang chart niya. "Do you take antihistamine today? This may affect your normal HGC level also..."Muli silang nagkatinginan ni Craig. Kanina pa ito walang imik. Nakamasid lamang ito sa kanya. Minsan pa nga ay parang wala ito sa sarili."Yes, doc. I did..." Sa sinabi niya ay muling nakitaan niya si Craig ng reaksyon. Kumurap ito at nagdilim ang mukha. Iniiwas din ang tingin sa kanya.Napatango-tango ang doctor. Kumbinsadong dahil nga iyon sa nainom niyang gamot. Pero sinabi pa rin nitong magpregnancy test siya lalo na at alam nitong delay siya ng isang linggo. Hindi niya kasi naipagkaila iyon nang tanungin siya. Pagkatapos siyang maresetahan ng gamot para sa low iron niya ay pinauwi na siya. Okay naman na daw siya at normal lang na mahilo dahil sa baba ng dugo niya.Hindi man niya gusto ay napilitan siyang sum
Ngunit isang buwan na ay hindi pa nagkakaroon si Maxine. Iyon ang labis niyang ipinag-aalala. Hindi naman niya magawang magpregnancy test na muli dahil sa takot na malamang buntis nga talaga siya."Hindi naman unang beses na delayed ka, Max," kumbinsi niya sa sarili. Isang beses lang ang nangyari sa kanila ni Craig at hindi na naulit. Imposibleng may nabuo."Morning," bati ni Craig sa umagang iyon. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng iritasyon umagang umaga dito kaya hindi niya ito pinansin."Hey," pigil nito sa kanya pero agad niyang ipiniksi ang kamay niya na hawak nito. "What's wrong with you?" Kunot noong tanong nito. "Can you please get out of my sight, Craig. Nakakairita kang tingnan," nasabi pa niya. Hindi din siya makapaniwala sa sarili pero dahil talagang inis na makita ito ay nasabi niya iyon. Maging sa pag-aalmusal ay nakabusangot ang mukha niya. Imbes kasi na sundin siya nito na lumayo ay sinamahan pa talaga siya sa pag-aalmusal. Nakaupo sa kabisera niya at nakama
Mabilis niyang ipinarada ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada. He doesn't care if he will be fined about it, basta mahalaga sa kanya ay mapuntahan ang babaeng nakita. Tinakbo niya ang kumpulan ng mga taong naglalakad sa side walk. Nagpalinga-linga siya. Halos hawiin niya ang mga taong naroon para makita ang babae. Pero parang naglaho itong parang bula.. Alam niyang hindi siya dinadaya ng mga mata. He literally saw her. Si Althea talaga ang nakita niya. Pero kung si Althea talaga iyon? Where is she now? Guni-guni lamang ba talaga niya iyon? Ilang beses pa siyang nagpaikot-ikot sa lugar kung saan niya nakita si Althea. Pumasok na rin siya sa mga gusali doon gaya ng coffee shops dahil baka naroon ito. Pero wala talaga ang babae. Kaya bagsak ang balikat niyang muling nagtungo sa kanyang sasakyan at nagpatuloy na muli papunta sa kompanya. *** Tanghali na noong dumating si Maxine sa kompanya. Naglalakad siya papuntang elevator nang makita si Yvonne. Kumaway ito sa kanya at muk
"It's positive..." sabi ni Yvonne. Nakangiting hinuli nito ang mga mata niya.Umugong iyon sa pandinig ni Maxine. May dalawang linya ang test kit na hawak niya na nangangahulugang buntis nga siya. "What's your plan now? Are you going to tell the father?"Hindi siya nakasagot. Ano nga ba ang plano niya? Natanong na siya ni Craig tungkol doon. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam kung sasabihin nga niya dito. Ngayong may patunay na na buntis talaga siya. Kailangan bang ipaalam niya sa lalake? "Don't stress yourself, Max. Nasa iyo pa rin ang desisyon. Whether to keep it or not..."Muling naglaro sa isipan niya ang sinabi ni Yvonne. Whether she keeps it?Nilagay niya ang palad sa tiyan niyang wala pang umbok. Of course, she will keep it. Anoman ang mangyari, sigurado siya sa sariling ipagpapatuloy niya ang pagbubuntis. Tangggapin man o hindi ni Craig, sigurado siyang bubuhayin niya ang batang nasa sinapupunan niya. "Tumawag na pala ako sa office mo. I will send you home right
Kagat pa rin ni Maxine ang ibabang labi habang lulan sila ng sasakyan. Pareho silang tahimik ni Craig at hindi alam kung paano magsisimula ng usapan. Dahil sa katahimikang namayani ay hindi napigilan ni Maxine ang mapapikit. Lagi na rin siyang nakakaramdam ng pagod at nagiging antukin siya kahit kumpleto naman ang kanyang tulog. Hanggang sa gupuin na nga siya ng antok at nakatulog dahil pakiramdam niya'y hinehele siya pagkakasakay. Napasulyap naman si Craig kay Maixne nang mapansin niyang papahulog ang ulo nito sa banda niya. Hindi niya mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nang matantong tulog nga ang babae. Pasulyap-sulyap siya rito habang nagmamaneho. Tinanggal niya ang malapit na kamay sa manibela para hawakan ang ulo ng babae. Gumagalaw ito kapag nagpe-preno siya o kaya ay kapag lumiliko. Ayaw niya itong magising dahil mukhang pagod talaga ito. Dahil stop sign ay may pagkakataon siyang matitigan si Maxine. Muling sumilay ang ngiti sa mga labi niya habang tutok na
"How is it?" alanganing tanong ni Craig sa babae. Inihanda na niya ang sarili sa panlalait na gagawin nito sa kanyang niluto. Hindi kasi nakatulong si U-tube ng mabuti sa kanya dahil hindi niya masundan ang procedure. Parang kay dali lang gawin habang pinapanood niya iyon pero noong magsimula na siyang magluto ay pumalpak siya. Well, he's not a chef nor a good cook pero ginawa naman niya ang lahat ng makakaya niya para mailuto ang request ni Maxine."Hmmm. It's delicious. I like it. Sobrang sarap," ika ni Maxine kay Craig kahit na puno pa ang bibig sa sinubong pagkaim. Takam na takam nitong nilantakan ang adobong niluto ng lalake. It's not appetizing by looking pero masarap sa panlasa niya.Hindi naman maipinta ang hilatsa ng mukha ni Craig habang pinapanood kumain si Maxine. Napa-puzzle siya kung paanong naging masarap ang adobong niluto niya gayong palpak nga siya. Napatingin siya sa nakahain sa lamesa. Adobo pa nga bang masasabi iyon? He knows what it looks like and what the tast
Panibagong bukas. Panibagong pag-asa. Panibagong pakikibuno sa katotohanang gustong ilihim ni Maxine kay Craig. At kung paano niya maitatago.Sa umagang iyon ay hindi napigilan ni Maxine ang paglabas ng morning sickness na nangyayari sa mga nagbubuntis. Wala pang nilalaman ang tiyan niya ay napasugod na siya sa washroom dahil nasusuka siya. "Are you okay?" tanong ni Craig na agad na sumunod sa kanya. Gusto man niyang sagutin ito ay hindi niya magawa dahil patuloy ang paghalukay ng kung ano sa tiyan niya. Kakaiba din ang lasa sa kanyang bibig. Her mouth has this mettalic taste that she wants to get rid.Nakuyom ni Craig ang kamao habang nakatutok ang mga mata niya kay Maxine. Kung kahapon ay ipinagtataka pa niya kung bakit masyadong weird ang ikinikilos nito, ngayon ay hindi na. Kumpirmasyon na lamang ang kulang sa hinala niya ngayon. "Are you pregnant?" Diretsang tanong niya sa babae. Natigilan naman bigla si Maxine. Umurong bigla ang gustong lumabas sa kanyang bibig. Napalitan
Hindi sila sabay pumasok sa gusali ni Craig dahil sa kahilingan niya. Alam niyang nakagawa na sila kahapon ng eksenang puwedeng pag-usapan ng lahat. Ayaw ng dagdagan pa ni Maxine ang mga espekulasyon na maaaring isipin ng mga empleyado patungkol sa kanila. Gaya ng nauna niyang plano, gusto niyang tahimik na umalis sa kompanyang iyon.Pagkapasok pa lamang niya ay mapapansin na niya ang tila kakaibang tingin ng ilan sa kanya. Nagbago bigla ang mood ng paligid. Parang bumalik iyon sa dati, noong unang mga taon niyang naroon. Pinangingilagan siya at palihim na pinag-uusapan.Ang mga tingin ng ilan ay tila nanghuhusga rin ngayon. Na parang may ginawa siyang kahiya-hiya. May pabulong ang mga ito sa kasama tsaka titingin sa gawi niya."Good morning," sinubukan niyang bumati sa mga ito. I-set ang happy mood kumbaga. Pero ni hindi siya pinansin ng mga empleyadong binati. Napansin pa niyang hindi sa mukha niya nakatingin ang mga ito kundi pababa iyon. Kinabahan siya nang mapagtantong sa tiyan
Nakatutok ang mga mata ni Sharon sa banda ng isang gusali. Nakalagay ang kanyang telepono sa kanyang teynga. Napaismid siya nang hindi man lamang sagutin ng taong tinatawagan niya ang tawag niyang iyon."Dahil ba kaharap mo na ang babaeng matagal mong hinintay, Craig!" inis sa saad niya. Buti na lang at hindi niya isinama si Maxine. Kung hindi, lubos itong masasaktan ngayon. Siya na nga lang, nagpupuyos na ng galit sa nasaksihan. Si Maxine pa kaya na nagpapakatanga sa pinsan niya.Padabog siyang pumasok sa kanyang sasakyan. Hindi niya sinasadyang magawi roon. Siguro nga, way iyon para mailigtas niya ang kaibigan sa anumang sakit na puwedeng maging hatid ni Craig. Muli siyang pumindot sa kanyang telepono."Max, where are you. Bihis ka, sunduin kita now," aniya. "Hindi ka puwedeng tumanggi. Mag-empake ka ng ilang damit mo. Magpa-party tayo sa hotel. Gaya ng ginagawa natin dati," dagdag pa niya. Pinatayan din agad ito ng telepno para hindi na makatanggi o kaya'y makatanong pa ng kung
"Do you know him?" Kasalukuyang nasa interrogation room sila Alfred at Althea. May nilapag ang lalake na larawan sa mesa. Pjnagmasdan naman mabuti iyon ni Althea."No," sabi niya. "It's my first time seeing him," ika nitong hindi man lamang kumurap nang tumitig sa mga mata ni Alfred.Napatango naman si Alfred. Ang larawan na ipinakita niya ay larawan ni Samuel. At batay sa reaksyon ng babae, mukhang nagsasabi naman ito ng totoo."May naaalala ka ba sa nangyaring aksidente six years ago?" muling tanong ni Alfred. Hinarap na niya ang kanyang laptop at nagtipa.Tahimik naman si Althea. Pilit inaalala ang nakaraan. Alaalang naging bangungot sa kanya ng maraming taon.Muli, may nilapag na mga litrato si Alfred. Kuha naman iyon sa aksidente from the SD card.Nanginginig ang mga kamay na kinuha iyon ni Althea. Inisa-isa. Ang tanging rekoleksyon niya sa pangyayari ay bago at pagkatapos ng aksidenteng iyon. Pero patuloy siyang hina-hunting ng mga alaalang iyon."A-anong kinalaman ng aksident
"Althea..." Nilapitan ni Aivan si Althea habang umiiyak. Lumuhod siya para pantayan ito. Hinawakan niya ang kamay ng babae. Naawang tinitigan.Mula sa pagkakadukdok sa kamay ay umangat ang tingin ni Althea sa lalake. Patuloy pa rin ang pagdaloy ng mga luha niya. "Mahal pa niya ako, hindi ba? Alam ko mahal pa niya ako..." pilit niyang kinukumbinsi ang sarili maging si Aivan. Hindi basta-basta nawawala ang pagmamahal. Kaya naniniwala siyang mahal pa siya ni Craig.Tumango si Aivan. Gusto niya rin maniwala na mahal pa rin ni Craig si Althea. Kilala niya ang mga ito simula noong nagkarelasyon ang mga ito. Halos buhay na ni Craig ang babae. Mahal na mahal nito si Althea.Hinayaan niya ang kaibigan sa mga ginagawang pambababae noon dahil sigurado siyang ginagawa lamang nito iyon para itago ang sakit sa pagkawala ni Althea. Kaya noong dumating si Maxine ay naalarma siya kaya lantaran niyang sinasabi at ipinapakitang hindi niya gusto ang babae. Be auae for him, Althea is the one. Pero sin
"I'm in love with her already. .." amin niya sa kaibigan. Muling tumungga sa kanyang iniinom. "And it really hurts here!" Tinapik niya ang dibdib, sa bandang puso. "Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan nang dahil sa akin..." pumiyok ang boses niya. Ang beer na mapakla sa kanyang panlasa ay lalong naging bitter sa kanyang bibig hanggang sa kanyang lalamunan. Muling bumalik sa balintataw niya ang eksena kanina. Ang pag-iyak ni Maxine at ang pakiusap nito na putulin na nila kung anong meron sila. Hindi niya kaya. Magwawala siya sakaling mawala ito. Ayaw na niyang muling maiwanan. Lalo na at dinadala nito ang magiging anak nila. Ayaw niyang mawalan ng karapatan sa magiging anak nila. Hindi naman nakapagsalita si Aivan. Napakuyom ang kamao niya na napalingon sa pintong nakauwang ng kaunti. Alam niyang naroon si Althea. Nakikinig sa usapan nila ni Craig ngayon. Hindi naman mapigilan ni Althea ang lumuha dahil sa narinig. Dumating na nga ang kinakatakutan niya. Hindi na siya
Is it because of hormones that's why she's emotional? Kung ano-ano ang mga negatibong pumapasok sa isipan niya. Simula noong makita niya si Althea, hindi na siya natahimik. Hindi na niya naramdaman ang saya. Pinipilit na lamang niyang maging masaya sa harap ng ibang mga tao. But she never felt happy. May mga pagkakataong matutulala na lamang siya. It's not hormones anymore. It's fear of being hurt once again. Fear of being lonely and alone. Paano pa nga ba niya haharapin si Craig at ang lahat kung ganoon ang tumatakbo sa isipan niya. Kung lagi siyang duda sa mga kilos nito?"Noong dumating itong baby natin, natakot ako, Craig. Hindi ako ready dahil natakot akong bubuhayin ko siyang mag-isa. Natakot lang ako pero naging ilaw siya sa buhay ko. Kaya nagdesisyon akong itago siya sa iyo at lumayo na lang na hindi mo alam..." humihikbing saad niya. Mas maganda na nga sanang lumayo na lang siya agad.Nagtagis naman ang mga bagang ni Craig. Hindi niya matatanggap na itatago sa kanya ni Maxi
Inalalayan siya ni Craig papunta sa loob ng jewelry shop. Agad silang sinalubong ng isa sa mga sales person na babae. Mukhang inaasahan na sila dahil agad silang iginiya sa isang mesa kung saan ay may nakahanda ng mga alahas. Kahon-kahon ang nga iyon at nagkikinangan.Ipinaghila siya ni Craig ng mauupuan bago ito maupo sa kanyang tabi. Ang kaninang galak na naramdaman ay unti-unting napawi. Kay gaganda at kay kikinang at mukhang mamahalin ang mga alahas na nasa mesa, pero wala doon ang kaisa-isang hinahanap niya. Singsing. "Mrs. Samaniego...""Miss Salvador, Miss," pagko-correct niya agad sa tawag ng sales lady sa kanya. "Oh...sorry Miss...Salvador," aniya ng sales lady na napabaling pa kay Craig. Nahihiya. "Ahmmm, ipinahanda pala ni Mr. Samaniego ang mga alahas na ito para sa inyo...""I don't need any of those," tanggi niya agad. She pushes away those in front of her. Tuluyan siyang nawalan ng mood. Kahit gaano pa kaganda ang mga iyon. Hindi niya nakikita ang worth niya sa mga iy
"Ay ang ganda," saad ng baklang tumulong kay Maxine i-fit ang gown na gagamitin niya sa party. Alam niyang maaga pa iyon pero pinatawag siya dahil may binago sa napili niyang design. Napatingin siya sa body mirror. Oo nga, naitago pa ng gown na iyon ang maliit na umbok niya sa tiyan. Lalaki pa ang tiyan niya kaya okay na okay ang paglalagay ng mga ito ng ribbon para maitago ang umbok niya. Though hindi naman na kailangan dapat itago iyon dahil balak nga ng matandang Samaniego na sa party siya ipakikilala.'Bilang ano?' Piping tanong niya sa sarili."Ready to show, Mr. Handsome?"tanong ng baklang nag-assist sa kanya. Dahilan upang magising siya sa malalim na pag-iisip. Sa tuwina kasi, nahuhulog na lamang siya sa kawalan. She really needs assurance from Craig. Pero paano? Paano niya tatanungin iyo kung mahal na ba siya nito ngayon?"Let's go Mrs. Samaniego..." nakangising untag nito sa kanya. Tipid na lamang na napangiti siya.Muli niyang sinipat ang kanyang sarili. Satisfied naman s
"Craig, are you good now?" tanong ni Sharon nang silipin ang lalaki sa opisina nito. Halos hindi sila makapag-usap dahil parehong busy. Siya sa pag-organize ng party sa susunod na dalawang buwan at si Craig na busy sa mga transactions at kabi-kabilaang meetings. "Yeah, I'm almost done. You go ahead..." sabi nito. Ni hindi siya magawang sulyapan man lamang."Kay, umuwi ka agad. Sabi mo i-remind kita dahil nangako ka kay Max na uuwi agad..."Pagkabanggit niya sa pangalan ni Max ay mabilis itong napalingon sa kanya. Ngumisi siya."Nakalimutan mo, noh?" tukso niya rito."No..."aniya. "I have it on my alarm," sabi ni Craig. Minsan, kapag kasi nakatutok na siya sa trabaho ay nakakalimutan na niya ang ibang mga bagay. So he had to use his alarm. "Thanks anyway.""Kumuha ka na kasi ng secretary mo, Craig. Magiging busy na ako at mahihirapan kayo ni Max kapag nagkataon..."Alam iyon ni Craig. Kaya nga kahit hindi na dumaan sa mabusising pagsusuri ay kukuhanin niya. Okay na rin kung mga person
Isinugod agad sa hospital si Maxine. Nilukuban naman nang matinding takot si Sharon nang tawagan niya si Craig. Hindi niya ito nakikita pero ramdam niya ang matinding galit nito nang sabihin niya ang nangyari kay Maxine.Pero iwinaglit ni Sharon ang takot para kay Craig. Mas lubos siyang nag-alala kay Maxine lalo na noong mamilipit ito sa sakit at mawalan ng malay. Buti na lang talaga at may tumulong sa kanila para agad itong madala sa hospital.Pumikit siya at piping nagdasal na sana ay okay si Maxine lalo na ang baby nito."What really happened!" Nagulat siya sa pumaimbabaw na boses ni Craig. Nagkukumahog itong lumapit sa kanya. Halata sa mukha ang sobrang pag-aalala. Nanginginig ang mga labi nitong nakapinid. Ramdam na ramdam ni Sharon ang emosyon ng pinsan. Galit na galit na may pag-aalala. Ngayon niya lamang ito nakita ng ganoon. "I told you to go home right away! Paanong nangyari iyon?" Hindi maiwasang bulyaw nito. Nasabi na niya dito ang dahilan at kung nasaan sila noong nan