Kagat pa rin ni Maxine ang ibabang labi habang lulan sila ng sasakyan. Pareho silang tahimik ni Craig at hindi alam kung paano magsisimula ng usapan. Dahil sa katahimikang namayani ay hindi napigilan ni Maxine ang mapapikit. Lagi na rin siyang nakakaramdam ng pagod at nagiging antukin siya kahit kumpleto naman ang kanyang tulog. Hanggang sa gupuin na nga siya ng antok at nakatulog dahil pakiramdam niya'y hinehele siya pagkakasakay. Napasulyap naman si Craig kay Maixne nang mapansin niyang papahulog ang ulo nito sa banda niya. Hindi niya mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nang matantong tulog nga ang babae. Pasulyap-sulyap siya rito habang nagmamaneho. Tinanggal niya ang malapit na kamay sa manibela para hawakan ang ulo ng babae. Gumagalaw ito kapag nagpe-preno siya o kaya ay kapag lumiliko. Ayaw niya itong magising dahil mukhang pagod talaga ito. Dahil stop sign ay may pagkakataon siyang matitigan si Maxine. Muling sumilay ang ngiti sa mga labi niya habang tutok na
"How is it?" alanganing tanong ni Craig sa babae. Inihanda na niya ang sarili sa panlalait na gagawin nito sa kanyang niluto. Hindi kasi nakatulong si U-tube ng mabuti sa kanya dahil hindi niya masundan ang procedure. Parang kay dali lang gawin habang pinapanood niya iyon pero noong magsimula na siyang magluto ay pumalpak siya. Well, he's not a chef nor a good cook pero ginawa naman niya ang lahat ng makakaya niya para mailuto ang request ni Maxine."Hmmm. It's delicious. I like it. Sobrang sarap," ika ni Maxine kay Craig kahit na puno pa ang bibig sa sinubong pagkaim. Takam na takam nitong nilantakan ang adobong niluto ng lalake. It's not appetizing by looking pero masarap sa panlasa niya.Hindi naman maipinta ang hilatsa ng mukha ni Craig habang pinapanood kumain si Maxine. Napa-puzzle siya kung paanong naging masarap ang adobong niluto niya gayong palpak nga siya. Napatingin siya sa nakahain sa lamesa. Adobo pa nga bang masasabi iyon? He knows what it looks like and what the tast
Panibagong bukas. Panibagong pag-asa. Panibagong pakikibuno sa katotohanang gustong ilihim ni Maxine kay Craig. At kung paano niya maitatago.Sa umagang iyon ay hindi napigilan ni Maxine ang paglabas ng morning sickness na nangyayari sa mga nagbubuntis. Wala pang nilalaman ang tiyan niya ay napasugod na siya sa washroom dahil nasusuka siya. "Are you okay?" tanong ni Craig na agad na sumunod sa kanya. Gusto man niyang sagutin ito ay hindi niya magawa dahil patuloy ang paghalukay ng kung ano sa tiyan niya. Kakaiba din ang lasa sa kanyang bibig. Her mouth has this mettalic taste that she wants to get rid.Nakuyom ni Craig ang kamao habang nakatutok ang mga mata niya kay Maxine. Kung kahapon ay ipinagtataka pa niya kung bakit masyadong weird ang ikinikilos nito, ngayon ay hindi na. Kumpirmasyon na lamang ang kulang sa hinala niya ngayon. "Are you pregnant?" Diretsang tanong niya sa babae. Natigilan naman bigla si Maxine. Umurong bigla ang gustong lumabas sa kanyang bibig. Napalitan
Hindi sila sabay pumasok sa gusali ni Craig dahil sa kahilingan niya. Alam niyang nakagawa na sila kahapon ng eksenang puwedeng pag-usapan ng lahat. Ayaw ng dagdagan pa ni Maxine ang mga espekulasyon na maaaring isipin ng mga empleyado patungkol sa kanila. Gaya ng nauna niyang plano, gusto niyang tahimik na umalis sa kompanyang iyon.Pagkapasok pa lamang niya ay mapapansin na niya ang tila kakaibang tingin ng ilan sa kanya. Nagbago bigla ang mood ng paligid. Parang bumalik iyon sa dati, noong unang mga taon niyang naroon. Pinangingilagan siya at palihim na pinag-uusapan.Ang mga tingin ng ilan ay tila nanghuhusga rin ngayon. Na parang may ginawa siyang kahiya-hiya. May pabulong ang mga ito sa kasama tsaka titingin sa gawi niya."Good morning," sinubukan niyang bumati sa mga ito. I-set ang happy mood kumbaga. Pero ni hindi siya pinansin ng mga empleyadong binati. Napansin pa niyang hindi sa mukha niya nakatingin ang mga ito kundi pababa iyon. Kinabahan siya nang mapagtantong sa tiyan
Isang malaking eskandalo sa kompanya ang balitang pagbubuntis ni Maxine. Parang apoy iyon na mabilis kumalat. Naungkat tuloy ang mga bali-balita noon na katawan niya ang ginagamit para makuha ang deal sa mga negosyante at maging successful iyon."We can't figure out who's behind it," sabi ni Sharon na nag-aalalang nakatingin kay Maxine. Kita kasi sa mukha nito ang matinding pressure sa mga nangyayari. Mula pa noong dumating siya ay tahimik lamang si Maxine at hindi nagsasalita.Napatingin si Sharon kay Craig na tahimik lamang din na nakaupo sa kanyang mesa habang si Maxine ay nasa sofa. May gusto siyang tanungin pero nangimi siyang sabihin. Parang hindi oras iyon para ibuka niya ang bibig. Maging ang pinsan kasi ay mukhang problemado din. Hindi maipinta ang mukha nito habang nasa telepono. Tumatawag sa security at nagpapaimbestiga.Hindi pa din siya nakakahuma sa nasaksihan kahapon tapos heto na naman. Alam ni Sharon ang damdmain ni Maxine sa kanyang pinsan. Pero si Craig kaya, ano ka
Humalakhak ang lalake nang makita ang takot sa mukha ni Maxine. Nang mahalatang gumalaw ang daliri ng babae ay iniangat niya ang kanyang baril at itinutok dito. Nagimbal si Maxine nang makita iyin kaya naman kahit gusto niyang tumawag oara humingi ng saklolo ay hindi na niya nagawa. "Try to call anyone, and your brain will be scattered here!" babala ng lalake sa kanya. "Turn it off," utos nito. Baka kasi may tracker ang telepono nito kaya maigi na rin na ipa-rurn off niya iyon. Gusto man nitong ipatapon ang telepono ng babae sa labas ay hindi naman maaari. Baka makatawag lamang iyon sa pansin sa dalawang undercover police na nasa likuran nila na laging nakasubaybay. Kailangan niya munang maiwala ang mga ito bago gawin ang plano. "Bilis! And throw it on the front seat!"Sinunod ni Maxine ang lalake. Natatakot siyang may masamang mangyari sa kanya lalo na sa kanyang ipinagbubuntis. Kung hindi sana siya buntis, lalaban siya rito kahit sa kamatayan. Pero may mahalagang nilalang sa sinap
"Craig!"Humahangos na patakbong pumunta si Sharon sa opisina ni Craig. Hindi maipinta ang kanyang mukha. Naghahalo-halo roon ang takot at pag-aalala. "What?" Walang kaalam-alam si Craig sa nangyayari. May problema siyang kinakaharap kaya wala siyang balak na pakinggan ang pinsan niya. Alam niyang magbubunganga lamang ito tungkol kay Maxine. Lalo na ang tungkol sa nangyari kahapon. "Si Maxine..."Sinasabi na nga ba niya. Hindi siya nag-angat ng tingin dito. Kilala niya si Sharon at kapag binigyan niya ito ng pansin ay lalo itong hindi siya titigilan."Maxine was kidnapped!"Tumigil sa ere ang mga kamay niyang nakahawak ng ballpen. Mabilis na lumipad ang kanyang tingin sa babae."Don't joke around, Sha—""I am not!" putol nito sa pagsasalita niya. Halos sigawan siya nito. "Alfred just called me. Sugatan ang mga tauhan niya. They lost Maxine!" My God, Craig! She was kidnapped and pregnant!" Halos histerikal na saad nito. Tuluyang umiyak.Nanlaki ang mga mata ni Craig. Napuno ng takot
"My colleagues was in critical conditions," Pagbabalita agad ni Alfred nang makarating sa opisina ni Craig. May mga kasama itong mga tauhan pa. They even set up tracking devices to his office. Baka sakali daw tumawag ang mga kidnappers. They can track them easily if that happens. They really need to act fast. Lalo na at sobrang labo pa rin ng lahat. Ngayon lang sobrang hindi mapakali si Craig. Galit na galit siya, pero mas galit siya sa sarili dahil sa nangyari kay Maxine. Hindi man lamang niya naprotektahan ang babae. Sinasabi na nga ba niya! Sana hindi talaga siya pumayag sa kagustuhan nitong mapag-isa. Sana ipinilit niyang siya ang maghatid dito. Sana...Ang dami niyang sana. His heart was aching. Parang may kung anong nakadagan doon. Hindi siya halos makahinga dahil sa takot at kabang nararamdaman para kay Maxine. Halo- halo ang mga emosyon niya sa katawan."Who's behind it!"Napapukpok si Craig sa kanyang mesa. Doon niya ibinuhos ang galit. Kung sino man talaga ang may pakana
Mabilis nilang itinakbo sa hospital si Don Felipe. Halos lahat sila ay sumama kahit buntis si Maxine ay hindi nila napigilan na sumama. Alam niya kasi sa sarili na isa siya sa dahilan kung bakit naospital ang matandang Samaniego. Ngayon nga ay nasa laba silang lahat habang tinitingnan ng doctor si Don Felipe. Pinalabas silang lahat doon at tanging ang doctor at matandang Samaniego lamang ang nag-usap. Nagkamalay na rin ito at ito mismo ang nagdesisyong palabasin sila."Ano bang sinabi mo, Craig? Bakit galit na galit si Lolo?" May himig paninisi ang tono ni Sharon nang magtanong ito.Nakasandal si Craig sa dingding. Sinisisi rin naman niya ang sarili at hindi niya mapapatawad iyon kapag nagkataong may mangyari ngang masama sa kanyang lolo."Let's not talk about it for now, Sha. Importante ang kalagayan ni Papa ngayon," saway naman ni Mrs. Samaniego sa pamangkin.Nang bumakas ang pinto at makitang lumabas ang doctor ay mabilis silang nagsilapit dito. "Doc, how's papa?"Simpleng ngum
"W-what?"Hindi alam ni Don Felipe kung matatawa ba o magagalit sa sinabi ng apo. "Paanong ikaw ang ama? Are you joking right now?" Pero kahit na ganoon ang tanong niya ay nagdidiwang ang puso niya kung totoo ngang si Craig ang ama ng dinadala ni Maxine. Wala siyang pakialam kung paano basta masaya siyang nagkaroon ng dahilan upang matupad ang gusto niyang mangyari—ang maging parte ng tuluyan si Maxine sa kanilang pamilya."Do you need me to elaborate on how we make the baby?" sarkastiko naman na saad ni Craig. "Pero paanong..." sabad ni Mrs. Samaniego. Napatigil sa kalagitnaan ng pagsasalita. Napalunok si Maxine nang makita ang kalituhan sa mukha ni Mrs. Samaniego."It was a mistake?" Mahinang saad niya kung kaya ay napalingon ang mga ito sa kanya. Maging si Craig ay nagsalubong ang mga kilay sa sinabi niya."Mistake? Pinagsamantalahan ka ba ng gagòng apo ko, Max?" tanong ng matanda. Hindi naman siguro pinilit ni Craig si Maxine, sa isip niya.Marahas na umiling si Maxine para pab
Like is the beginning of deeper feelings. Iyon ang pinanghahawakan at pinaniniwalaan ni Craig. Hindi naman niya basta-basta puwedeng sabihin na mahal na niya ang babae kung hindi pa siya sigurado. He doesn't want to jump to the conclusion that he loved her. He cared about her and their baby but love? Hindi pa siya sigurado.Hindi ba puwedeng nag-uumpisa pa lamang sila? Hindi ba puwedeng simulan muna nila ang lahat sa mabagal na paraan. They've been in a situation where feelings just flowed. And it's not love nor liking. It's lùst! Nagsimula sila sa mali, and he wants to make things right. Slowly but surely.Iyon ang hindi niya naipaliwanag ng husto kay Maxine. Maxine is very hesitant. Papasok na naman ba siya sa isang sitwasyon na siya lang ang nagmamahal? No way. She can't let herself drawn to that situation again. Marami na siyang naiiyak dahil doon. Never again.Sa umagang iyon ay nanatili lamang sila sa unit at nagpahinga. Pero sa katanghalian ay inistorbo sila ng isang tawag.
BEFORE THE RESCUE OPERATION"SD card?" napatanong si Aivan. "You have the SD card, Craig?" Napuno ng pag-aalala ang mukha at boses niya. "Then it means they were both in danger now. Kapag nalaman ni Samuel na wala kay Maixne ang SD card, baka patayin niya ang mga ito...""Samuel?"Napalunok si Aivan. They really don't know who the kidnapper is. Kailangan na niyang aminin ang nalalaman niya sa mga ito bago pa mahuli ang lahat. To save Yvonne as well."Yvonne's husband was the culprit. I don't know why he needs that SD Card at anong kinalaman nito kay Maxine at Yvonne, pero iyan ang susi para maligtas silang dalawa."Tahimik na nakinig sila Craig at Alfred. Maging si Sharon ay hindi nakapagsalita habang nakikinig kay Aivan"The thing is...it has a connection in your accident, Craig..."Nagulat si Craig nang marinig ang sinabi ni Aivan. No one knows about his accident dahil naitago iyon ng mabuti ng kanyang lolo. Napagtakpan nitong mabuti iyon. Even the media was totally blocked."Paano
"Yvonne!"Malakas na tawag ni Aivan nang marating na nila ang lugar kung saan ay naroroon ang mga babae. May mga tanglaw na ilaw sa labas ng isang kubo. Agad naman na itinutok ng lalakeng kanina pa niya kasama ang baril nito sa kanyang likuran. "Tumigil!" babala ng lalake at ipinagdidinan ang baril sa kanyang likuran. Itinulak pa siya para muling umabante."Welcome, my friend!" Lumabas sa kubo si Samuel. Kasunod ang ibang mga tauhan nito.Kumuyom ang kamao ni Aivan nang mapagsino ang tao sa likod ng pagkawala ni Yvonne at pagkidnap kay Maxine. Humalakhak naman si Samuel nang mapansin nito ang galit na galit niyang mukha. Gusto ng sumugod ni Aivan pero paano? Wala siyang laban dahil napapalibutan siya ng mga kalaban. Sa bilang niya ay mga sampong tauhan ang naroon. Idagdag pa si Samuel kaya labing isa ang mga ito. "Nasaan si Yvonne?" matigas na tanong niya. Lalong humalakhak ang lalake na para bang joke ang sinabi niya. Lumapit ito sa kanya at inakbayan siya."Where's my precio
Matalim na titig ang ipinukol ni Samuel kay Yvonne. Napuno ng galit ang kanyang sistema dahil sa sinabing iyon ng kausap kanina. Naputol na ang pag-uusap nila dahil ayon dito, hinahabol ito ngayon ng mga pulis at kasalukuyang tumatakas. Ang sabi nito ay tatawag ito ulit using a new phone para hindi ma-track. Napangisi siya. Hindi na niya kailangan pang magduda sa lalake. Gagawin nito ang lahat para kay Yvonne.Nang matapos ang tawag ay lumapit siya kay Yvonne. Napaigik ito nang hilain niya ang buhok nito para mapatingala sa kanya. Gustong gusto niya ang nakikitang tapang sa mga mata ng babae. She always obey him pero ngayon parang kayang kaya siya nitong patayin ngayon kung may pagkakataon."You only want to save this bìtch, huh?" anas niya habang nakatingin sa babaeng kailanman ay hindi niya minahal! Ginamit lamang niya ito para sa sariling kapakanan. At siyempre, dahil ang ama nito ang dahilan kaya siya naging baldado ng ilang taon bago maka-recover. Ginawa niya ang lahat para mag
Takot na takot ang lalake dahil napapalibutan siya ng mga lalakeng hindi niya kilala. Natatakot ito para sa sarili dahil baka patayin din siya pagkatapos. Pero may choice pa ba siya? Muntikan din siyang mapatay kanina. Kung hindi lamang sa tulong ng lalakeng tinawag nilang Baron."Who do you work for?!" tanong ni Alfred sa lalake. Bugbog sarado talaga ito at may hiwa pa sa kanang kamay. Napalingon si Alfred kay Baron na relax na naupo sa sofa. "Don't look at me like that. I told you he almost got killed by someone. Gamutin muna ninyo ang ugok na iyan bago niyo tanungin. Baka mamatay na wala pa kayong sagot na makuha," ika naman ng lalake. Mukhang pagod na pagod itong pumikit at binalewala ang mga naroon. Tapos na ang role niya. Naihatid na niya ang puwedeng maging susi sa imbestigasyon. Natulungan na niya si Craig. Nang magmulat si Baron ay nagbakasakali siyang nakatingin sa kanya si Craig. Nang magtama nga ang mga mata nila ay tumango siya rito pagkatapos ay tumayo."I'm going. Don
"My colleagues was in critical conditions," Pagbabalita agad ni Alfred nang makarating sa opisina ni Craig. May mga kasama itong mga tauhan pa. They even set up tracking devices to his office. Baka sakali daw tumawag ang mga kidnappers. They can track them easily if that happens. They really need to act fast. Lalo na at sobrang labo pa rin ng lahat. Ngayon lang sobrang hindi mapakali si Craig. Galit na galit siya, pero mas galit siya sa sarili dahil sa nangyari kay Maxine. Hindi man lamang niya naprotektahan ang babae. Sinasabi na nga ba niya! Sana hindi talaga siya pumayag sa kagustuhan nitong mapag-isa. Sana ipinilit niyang siya ang maghatid dito. Sana...Ang dami niyang sana. His heart was aching. Parang may kung anong nakadagan doon. Hindi siya halos makahinga dahil sa takot at kabang nararamdaman para kay Maxine. Halo- halo ang mga emosyon niya sa katawan."Who's behind it!"Napapukpok si Craig sa kanyang mesa. Doon niya ibinuhos ang galit. Kung sino man talaga ang may pakana
"Craig!"Humahangos na patakbong pumunta si Sharon sa opisina ni Craig. Hindi maipinta ang kanyang mukha. Naghahalo-halo roon ang takot at pag-aalala. "What?" Walang kaalam-alam si Craig sa nangyayari. May problema siyang kinakaharap kaya wala siyang balak na pakinggan ang pinsan niya. Alam niyang magbubunganga lamang ito tungkol kay Maxine. Lalo na ang tungkol sa nangyari kahapon. "Si Maxine..."Sinasabi na nga ba niya. Hindi siya nag-angat ng tingin dito. Kilala niya si Sharon at kapag binigyan niya ito ng pansin ay lalo itong hindi siya titigilan."Maxine was kidnapped!"Tumigil sa ere ang mga kamay niyang nakahawak ng ballpen. Mabilis na lumipad ang kanyang tingin sa babae."Don't joke around, Sha—""I am not!" putol nito sa pagsasalita niya. Halos sigawan siya nito. "Alfred just called me. Sugatan ang mga tauhan niya. They lost Maxine!" My God, Craig! She was kidnapped and pregnant!" Halos histerikal na saad nito. Tuluyang umiyak.Nanlaki ang mga mata ni Craig. Napuno ng takot