"May daya dyan sa jet ski niyo, palit kaya tayo!" reklamo ni Kuya Isagani, hindi pa rin matanggap ang pagkatalo nila.
Bumaba na 'ko sa jet ski, aalalayan pa sana ako ni Isaiah nang tanggihan ko ito. Hindi ko na siya binalingan ng tingin at naglakad na patungo sa mga kaibigan ko na ngayon ay naglalaro ng volleyball. Agad naman akong sinalubong ni Rio na may dalang towel. Inabot niya sa'kin 'yon kaya kinuha ko at ibinalot sa sarili.
"Guarding yourself, huh?" aniya sa malokong tono. Tumingin sa nasa likod ko bago tumingin sa'kin at ngumisi.
Nilingon kong muli si Isaiah na nasa tabing dagat pa rin at nakatanaw sa'min, nag-iwas agad ako nang magtama ang tingin namin bago sinamaan ng tingin si Almario.
"You can use me, you know?" malokong sambit nito.
Seryoso ko siyang tiningnan ngayon. Is he damn serious? Magpapagamit siya sa'kin? Para lang layuan na 'ko ni Isaiah? This man, I don't really know what's going on inside his dirty mind sometimes. Baliw na yata siya, hinahayaan ang sariling gamitin ng iba para sa pansarili nitong pangangailangan. That's a bad trait.
"No way.. I won't use you or anyone, never.." sagot ko rito bago makisali sa mga kaibigan.
Nagpahinga sandali sila Ate kaya kami munang magkakaibigan ang naglaro ng volleyball, sumali sa'min si Travis at Rio kaya four versus four ang laban. Kakampi ko si Iris, Mads at Rio. Kakampi naman nila Kendall si Adel, Grace at Travis.
"Out!" sigaw ko at binelatan pa si Adel na siyang humampas sa bola.
Hindi ko alam kung anong score na basta ang alam ko lang ay lamang kami kaya busangot na naman ang mukha ni Kendall.
"Madaya! 'Wag na natin isali 'yang si Treia! Jack of all trades 'yan, e! Kaya niya lahat," reklamo nito.
Mas lalo kaming natawa, inasar pa siya nila Iris kaya nabwisit ito lalo. Palit daw kami ni Adel dahil panay out daw ang tira nito, ayaw naman akong pakawalan nila Iris dahil palagi kaming nananalo.
Nag isang set pa kami bago nagpasyang magpahinga muna. Saktong katatapos lang mag picture taking nila Ate kaya narito sila ngayon.
"Laro tayo volleyball!" suhestyon ni Ate Laureen
Wala naman kaming ginagawa, nakaupo lang at panay ang asaran nila. Sumali ako dahil nag-eenjoy akong maglaro, kahit sandali ay nakakalimutan ko na may kailangan pa 'kong tapusin sa pagitan namin ni Isaiah. Hindi ko rin siya naiisip kaya mas ayos na 'to. Libangin ko muna ang sarili ko bago mag deal sa problemang 'yon.
"Kulang tayo ng isa, Hershey sumali ka rito! Magpapawis ka naman kahit saglit lang!" sigaw ni Ate Laureen doon sa Hershey.
Sabay sabay naming binalingan ito, nakaupo siya sa sun lounger kasama si Isaiah at mukhang masayang nag-uusap ang dalawa.
"Magje-jet ski kami ni Nikolai, e.." aniya.
Hindi naman malayo ang pwesto nila mula sa kinatatayuan namin kaya rinig ko pa rin ang mga sinasabi nito. Napataas ang kilay ko at iniwas nalang ang tingin, ang arte magsalita!
Naglakad si Ate Laureen patungo sakanila, hindi ko na alam ang sinabi nito basta tumayo na rin yung Hershey at lumapit sa'min. Six versus six. Ako, si Ken, Adel, Grace, Mads at Iris ang magkakakampi. Sa kabila naman ay si Ate Dria, Laureen, Cora, Merliah, yung Hershey at isang babaeng nagngangalang Penelope, kaibigan din yata nila ate.
"'Wag pairalin ang galit, sis. Baka mapalakas ang pagpalo mo sa bola, tumama roon sa mukha nung isa." bulong ni Iris sa'kin.
"Correct, artista pa naman. Yari ka dyan pag nabangasan," ginatungan pa ni Kendall.
Inirapan ko nalang ang mga ito at pinapwesto na sila. Sa'min ang first serve at ako ang unang magse-serve. Pinatalbog ko ng dalawang beses ang bola bago i-serve. Hindi naman 'yon nasalo ni Ate Laureen dahil iniwasan niya ito kaya ang ending, sa'min ang puntos.
"Lakas magyaya ng volleyball, hindi naman marunong!" sigaw ni Kuya Isagani.
Pinapanood pala nila kami, akala ko'y abala sila sa kaniya kaniya nilang ginagawa. Nakatayo na ang mga ito sa gilid at tahimik lang na nanonood, paminsan-minsan ay nagchi-cheer.
Ilang minuto na rin kaming naglalaro at nakakalamang na ang team ko. Galit ang itsura ni Ate Laureen dahil hindi naman daw inaayos ng mga kasama niya ang laro. Panay kasi ang iwas ng mga ito, lalo na nung Hershey, takot na takot mabangasan.
Mag-iisang oras na noong gumanda ang labanan, panay ang palitan ng bola, walang gustong magkamali. Nang i-set ni Mads ang bola para sa akin ay siya namang spike ko rito.
"Oh my God!" sigaw nila.
Shookt. Tumama pala ang bola sa ulo nung Hershey dahilan ng pagkabagsak nito. Agad silang nagsipuntahan sa gawi niya para i-check kung ayos lang ba siya. Hindi ko naman magawang lumapit dahil gulat pa rin ako hanggang ngayon.
"Sabi sayo, 'wag mo pairalin ang galit, e. Tsk, tsk." si Iris.
"Gago, hindi naman malakas ang pagkakapalo ko," depensa ko na ikinatawa nila.
Ilang sandali ay nakatayo na si Hershey at nakahawak pa rin sa ulo nito. Panay din ang sabi niyang ayos lang daw siya at wala namang galos.
"Normal lang 'yan girls, laro lang 'yan.." sambit ni Kuya Froi at nginitian ako na parang sinasabing ayos lang talaga ang lahat.
Itinigil na rin namin ang laro dahil doon, nagpasya silang magpahinga muna bago mag jet ski ulit. Yung Hershey naman ay nakaupo lang sa sun lounger habang hawak ni Isaiah ang ice pack na idinadampi niya sa ulo nito. Ang sweet nilang tingnan sa posisyong 'yon.
"Kamay kasi ang ginagamit sa volleyball, Hershey, hindi ulo!" pang-aasar ni Kuya Isagani. Nagtawanan lang sila.
Ako, hindi ko alam kung worried ba 'ko kay Hershey dahil natamaan ko ito o worried ako dahil baka akalain nilang sinadya ko 'yon dahil galit ako rito. Sana naman ay hindi nila maisip ang pangalawa.
Nagpaalam ako sa mga ito na mag re-restroom lang ako. Gusto pa 'kong samahan ni Rio, pati ba naman sa pag-ihi bubuntot siya? Piningot ko nalang ito at umalis na doon. Kanina ko pa talaga gustong umalis dahil hindi ko gusto ang mga nakikita ko, I needed time alone.
Pagkalabas ko sa cubicle ay nakita ko si Hershey na naglalagay ngayon ng liptint sa labi niya. Magsuswimming kami tapos nag-gaganyan pa siya? Hindi niya ba alam na nagfe-fade yon?
"It's water base, isa sa product na ine-endorse ko. Padalhan kita, you want?" aniya sa nakakairitang tono bago ako nginitian mula sa salamin.
Tumabi ako rito para maghugas ng kamay, nagpatuloy lang siya sa ginagawa at pasimple akong pinagmamasdam mula ulo hanggang paa. What's with the stare?
"Sorry pala roon sa nangyari kanina, hindi ko sinasadya," sambit ko.
Napaangat ang tingin niya dahil doon, nginitian ko ito. Sincere ang paghingi ko ng tawad sakaniya, ah! Hindi ko alam kung halata ba sa mukha ko basta sincere 'yon!
"Ano ka ba, it's okay! Hindi naman ako nasaktan, it's just an act to make Nikolai worry. Mukha namang nag-worry siya so mission accomplished," aniya.
Bahagyang kumunot ang noo ko. So all this time, palabas niya lang pala 'yon? No wonder she's an actress, magaling nga siyang umarte.
Hindi na 'ko sumagot, pinatuyo ko na ang kamay ko at akmang bubuksan na ang pinto palabas when her sudden question made me stop.
"By the way, may something ba sainyo ni Nikolai?" tanong nito without even glancing at me.
She's now curling her lashes. Tiningnan ko ito at bahagyang nagulat sa tanong niya.
"Wala," sagot ko.
I saw her lips forming a smile. Isinara niya ang mascara bago humarap sa'kin. She looked at me from head to toe, bagay na nakakainsulto. Kanina pa siya, ah!
"Just as I thought. I mean, Nikolai won't fall for a girl like you, look at yourself. You're not bagay. Tama nga sila, you're too low for him.." what the..
Huli na nang naproseso ang mga sinabi niya. Minamaliit niya ba 'ko? How dare her! Hindi na 'ko nakaapela dahil nagsalita siyang muli. Hindi ko rin naman siya papatulan dahil nangako ako sa sarili kong hinding hindi ako makikipag-away para lang sa lalaki. Never!
"Do you like him?" tanong niyang muli, this time she's already facing me.
"No.." napalunok ako.
I lied. That's a lie, yes it is a lie!
"I doubt it but it doesn't matter anyway, he will never like you." aniya.
Hindi ko na ito hinintay at inunahan ko na siya sa paglabas. Baka kung ano lang ang masabi ko kapag nagtagal pa ko roon.
Am I too low for him?
Maybe yes, that's why I'm doing anything I can to pushed him away.
"Treia.. can I talk to you privately?"
Nagulat ako nang may biglang humila sa braso ko. Si Isaiah, napatingin ako sa paligid, medyo malayo sa'min ang iba at natatakpan kami ng mga halaman kaya hindi kami mapapansin nino man, unless lumabas yung two-faced bitch na 'yon sa restroom. Siguradong makikita niya kami.
Iniwas ko ang braso ko sakaniya dahilan para mabitawan niya 'ko.
I can't talk to him, I'm doing my best to ignore him. Sana naman ay maki-cooperate siya kasi ang hirap, sobrang hirap! But I need to ignore him..
Because I promised myself to pushed him away..
"No, I don't want to talk to you," malamig na tugon ko habang deretsong nakatingin sa mga mata nito.
Even if it caused me pain..
Dalawang araw nalang bago mag pasko at may pa-party ngayon si Kendall sa isa sa mga properties nila. Annually kasi siyang nagpapaganap every christmas break at wala dapat siyang balak magpaganap ngayong year dahil gusto niyang mag-bakasyon abroad. Kaso pinilit raw siya ng iba niyang kaibigan kaya napilitan si gaga.Last year ay nag rent siyang isang buong bar, ngayon naman ay sa isa sa mga bahay lang nila dahil hindi siya masyadong nakapaghanda."Put it there, Kuya! Be careful, baka mabasag!" stressed na sambit nito.Tuwing may mga ganitong party ay hands on talaga siya, gusto niya palaging maganda ang kalalabasan. Gusto man naming tumulong ay alam kong kaya niya na, kung ano kasi ang gusto niyang mangyari ay ayon talaga ang susundin niya. Hindi naman namin ma-visualize ang gu
"Gusto ko na rin mag-bukas ng regalo!" sigaw ni Iris habang nakatanaw sa regalong natanggap ko. Nginitian ko lamang sila habang ibinabalik ang regalo sa paperbag kanina."Oo nga, magbukasan na tayong gifts. I'll call Kendall muna," si Mads na tumayo agad at nagtungo sa labas.Ilang minuto pa ay nakarating na sila kaya umakyat na kaming magkakaibigan sa kwarto nito, hindi na sumama ang dalawang excess baggage dahil ayaw daw nilang makaistorbo."Oh, sinong mauuna?" tanong ni Grace na kapit na kapit sa regalo niya.Nag presintang mauna si Kendall, inilabas nito mula sa isang cabinet ang paperbag at dahan dahang inabot yon kay Iris."OMG, sana hindi sex toys 'to ha?" aniya kaya nagtawanan ka
Hapon na at abala ang lahat para sa Christmas Eve mamaya. Napuyat ako kagabi dahil late na kami nakauwi, panay kasi ang tanong sa'kin ng mga kaibigan ko. They got curious because they saw us, me and Isaiah, together. I just told them that we're fine. Sinabi ko rin sa mga ito na hindi pa kami, tama naman 'di ba? Hindi pa naman talaga kami, I don't even know if he's courting me because he's not saying anything about it!Should I ask him? No!"Hey, you're close with Rio right? Magugustuhan niya ba 'to?" itinaas ko ang isang kwintas na may camera na pendant at hinarap 'yon kay Travis.We are at the mall for our last minute shopping. Bibilhan ko ng regalo si Isaiah, sinabay ko na rin si Almario. Travis is with me the whole time habang si Ate and Kuya ang magkasama, hindi ko na alam kung nasaan.
"Why? Aren't you happy you saw me?" tanong nito.Napangiti ako sa ideyang naisip ko."Nakakasawa na ang mukha mo, lagi nalang kita nakikita!" tugon ko, pinipigilan pa ang pagtawa.Kumunot ang noo nito dahil sa sinabi ko."Ako, hindi ako nagsasawa sa mukha mo. I can't even wait to wake up everyday and see your face beside me early in the morning," aniya, ni walang bakas ng kahit ano sa mukha nito. Mukhang seryoso siya sa mga sinabi niya.Agad na nag-init ang pisngi ko at pasimple itong pinalo sa dibdib."Korni mo!" 'yun lamang ang nasabi ko.
We are here at Ate Dria's house again, preparing for the New Year's eve. Mas marami ang handa ngayon kumpara noong pasko. Namili rin sila ng mga paputok para mamaya. Ate Laureen's rumoured boyfriend, Marco, is here too. Hindi ko alam kung sila ba o hindi pero ang sabi sa mga blind items na nababasa ko, may relationship daw ang dalawa. Modelo rin yung Marco at sikat ito sa buong asya. Siya yung kahalikan ni Ate Laureen noong kasal ni ate, siguro nga may something sakanila."Ate, magkikita kami mamaya ni Isaiah pagtapos ng countdown, ha? Ikaw na bahala kila mama, sandali lang 'yon," bulong ko rito.Tinutulungan ko siyang ayusin ang mga nasa mesa. Makahulugang tingin ang iginawad niya sa'kin bago pumayag. Siya na raw ang bahala.Noong pasko kasi, muntik na 'ko pagalitan ni mama dahil ilang minuto nalang bago ang pasko, wala pa
Pumasok na kami sa loob gaya ng gusto niya. Gusto ko sanang alisin ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko dahil nakakahiya kapag nakita ng mga magulang niya kaso ayaw niya talagang bitawan ito."Bawal na ba talaga mag-back out? Hindi ako prepared!" reklamo ko rito habang papasok.Iginala ko ang mata ko sa loob, gaya ng inaasahan ay magarbo nga ito, maraming palamuti sa bawat sulok, marami ding paintings."I'm not also prepared when you told them that I'm your boyfriend," aniya.Aba, at rumebutt pa nga."Of course you shouldn't be prepared, it's a surprise, duh?" sagot ko rito at inirapan pa siya.&nbs
Today is the day. Naghanda ako para sa girls' night out mamaya. Nagpaalam na rin ako kila mama noong nakaraan pa. Umuwi na kasi sila kaninang umaga pa habang ako ay nag-stay dito kila ate, dito na rin ako natulog. Actually, may kwarto na 'ko rito dahil gusto ni ate na dumalas ang punta ko rito, para daw may kasama siya minsan at nang hindi siya ma-home sick. Dala ko na rin sa isang bag ang mga gamit ko para mamaya."Niko's here, bumaba ka na Treia!" sigaw ni ate mula sa labas.Nag-presinta si Isaiah na ihatid ako patungo sa penthouse ni Adel. Siya na rin daw ang magsusundo sa'kin kinabukasan. Hindi na 'ko tumanggi dahil bukod sa ayokong makipagtalo sakaniya, gusto ko rin na makasama siya. Cheesy, right?Bumaba na 'ko dala ang Dior tote bag kung saan nakalagay ang mga gamit ko.
"Kendall, did he view your IG story?" tanong ko kay Ken na nakanta ngayon.Nagpost kasi siya ng IG story kanina pa bago kami magsimulang mag-inuman. Inabot niya sa'kin ang phone niya at ako na ang nag-check kung nakita niya ba. Bumungad sa'kin ang litrato naming anim na naka-lingerie na at ang malala, binebenta kami ni Kendall sa IG story niya! Pinost niya rin yung solo pic namin na may nakakagagong captions. Mabuti at taken ang nakalagay sa'kin, taken by Nikolai Jauregui daw, naka mention pa si Isaiah. Ay jusko, ayoko ngang madaming makaalam ng relationship namin, binulgar naman ni Kendall!I checked the viewers, madaming nag rereact at nag rereply sa mga pictures namin, yung iba ay naka-mine sa mga kaibigan ko. Ang gago talaga ni Kendall! Inisa-isa ko na ang mga nakakita, nag view si Isaiah! Ibig sabihin, nag-online siya! But he didn't message
Isaiah’s Point of View "I break hearts..” I thought she's just kidding when she said that, never thought it was real. We became close as weeks passed by. It started when I lend her my clothes, I intentionally forget to took it from her so that I could get the chance to be with her again. As days passes by, she became comfortable with me. I worked really hard to gain her trust, it's not that easy but I manage to do it. All my life, I'm so used to be called Nikolai or Niko but here's Treia, she chose to call me Isaiah instead. I really hated that name before but hearing her calling me that way, God knows how much I thank my parents for giving me such name. It is like a music to my ears and everytime she's calling me that way, I felt alive. She's the only one who have the privilege to call me that. "It's not easy son but we have connections so leave it to me, I'll sue everyone who harmed your girl!” Dad said, full of authority. He called someone from his team to do me a favor, my f
Isaiah’s Point of View"Dude, yung crush mo ‘yon ‘di ba?" bulong ni Mateo.I glance at the group of girls coming our way, they sit on the couch near us. One of them caught my attention, it's her again, the only woman that caught my attention. I didn't respond to Mateo, nanatili akong nakaupo roon habang pasimpleng nakatanaw sakaniya. But damn, hindi nakakatulong ang ingay ni Paul at Davis."Sino bang type mo dyan, bro?" Paul asked, he's not yet wasted, they are in their usual self, mahilig mangolekta ng babae.I shoot dagger-like stares at them but it seems like they didn't even care. I don't know why we ended up being friends, si Mateo ang pinakamalapit sa’kin at nakilala ko lang si Paul at Davis nitong college na. Nakakasundo ko sila sa ibang bagay pero pagdating sa trip n
Isaiah’s Point of ViewDays went slowly, ganoon yata talaga kapag may inaabangan kang araw, mas bumabagal ang oras. We are here at the plaza waiting for the event to start. I chose the seat near the stage para makita ko siya nang malapitan, I want to see her performing. The other reason is I want her to see me watching and supporting her."Uy, pre! Ayan na yung crush mo, yung crush mo pre! Whoa, go crush ni Nikolai!" sigaw ni Mateo. Sana pala hindi ko na sinama ang ungas na 'to.God knows how many times I cursed Mateo in my mind. Mabuti nalang at maingay ang crowd, natatabunan ang sigaw niya. I'm watching my girl intently as she performed, she act, dance and sang and I can't help but to be proud of her. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong isinigaw ang pangalan niya o kung ilang beses akong napapalaklak. I feel l
Isaiah’s Point of View"Hoy Treia, come here!" Chandria said, referring to the girl who went inside their house.Chandria is one of my brother's friend and we are here in their house. Isagani bring me with him because I will be left alone in our house, it's fine being alone though, I can call Mateo and play basketball with him but my mother insisted and told me to join my brother.My brother has a lot of circle of friends and I can say that this circle is the most special for him. I've known them for years because they usually hang out in our house.The girl who was about to go upstairs suddenly stopped walking and faced us. She looks tired, her hair is in a messy bun and her face is covered with sweat. She's holding a bunch of paper on her hand whil
"Joke 'yon, beh?" Grace sarcastically said, she even rolled her eyes at me.Natawa lalo ako sa reaction nila. Tumayo pa si Grace at nag walk out, sa kitchen yata pumunta. Wait, is she serious?"Sa tingin mo matutuwa kami knowing na aalis ka?" si Iris. Mukhang seryoso ito at galit na nakatingin sa'kin.Natahimik ako dahil doon. Kakaibang despidida party yata ang napuntahan ko. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Mads."Aalis siya? Saan ka pupunta?" inosenteng tanong nito.Napa-face palm ako, binatukan naman siya ni Kendall at si Grasya na nag-walk out ay tumawa ng malakas, rinig na rinig siya sa buong penthouse.
Muntik na 'kong masamid dahil sa sinabi niya. They doesn't know about what happened to us, wala rin akong balak sabihin sa kahit na kanino. As much as possible, I want to keep our problems. Baka kasi mas lalo lang lumaki kapag pinagsabi namin sa iba, mas maraming nakakaalam, mas magulo.Lumipas ang mga araw, pinayagan nang umuwi si Papa dahil maayos na ang lagay nito ngunit hindi muna siya pwedeng pumasok sa trabaho dahil kailangan niya pang magpahinga ng ilang araw. Isaiah is always sending me a message, tuloy tuloy pa rin siya sa pagpapaalala sa'kin sa mga dapat kong gawin araw-araw. Minsan nga nakakalimutan ko nang kumain pero dahil sa message niya, bigla kong naaalala. Tinupad niya naman yung pakiusap ko na huwag muna siyang magpakita sa'kin at sa ilang araw na 'yon, nakapag-isip isip na 'ko.I already booked a ticket, bukas ng gabi na ang flight namin papunta sa New York, sabay kami ni Ri
I couldn't contain it, I just want to cry and cry all day pero pinigilan ko dahil ayokong makita niyang umiiyak ako. Ayokong makita niyang mahina ako ngayon."You knew yet you didn't even told me? How dare you, Isaiah!" my voice thundered.Agad na napalitan ng pagkabahala ang itsura niya. Lumapit ito sa akin para pakalmahin ako pero bawat pagdampi ng kamay niya sa balat ko, siya namang pag-iwas ko. Panay ang paghampas ko rito, hindi ko na naisip kung nasasaktan ba siya kasi ako, sobrang nasasaktan ako!I told him everything, wala akong nilihim sakaniya. Alam niya kung gaano ko kagustong malaman ang dahilan kung bakit ayaw sa'kin ng pamilya ko, alam niya kung gaano ako katakot makagawa ng pagkakamali dahil baka tuluyan na nila akong hindi tanggapin. Alam niya rin kung gaano ako
Nagpasya akong umalis sa hospital noong araw na 'yon, I drive all the way to Isaiah. Sigurado akong nasa condo lang siya. He's sick, mag-isa lang siya roon kaya walang nag-aalaga sakaniya. I felt bad becase of it, I should be the one to take care of him, ni hindi niya sinabing may sakit pala siya. The hell, Treia, you're out of your fucking mind for the past days!Dumaan ako sa fastfood restaurant at pharmacy para bumili ng makakain at ng gamot. I have spare key kaya madali kong nabuksan ang room niya. I saw him on the couch nakahiga ito at hindi pa nagpalit ng damit, mukhang kagagaling lang sa trabaho. He looks tired and cold, nakayakap siya sa sarili niya at nanginginig pa.My baby's sick.Ibinaba ko ang mga binili ko at agad na nagtungo sakaniya. I held his cheeks, mainit ito. Bahagyang dumilat ang mata niya, kasunod no'n ang paghaplos niya sa kamay kong nakahawak sa pi
Kararating lang namin sa ospital, my father is in the ICU, fighting for his life. Sumabay nalang ako kay Isaiah patungo rito, hindi ko kasi alam kung kaya ko bang mag drive knowing that one of the important person in my life is in danger. Iniwan namin ang kotse ko roon, he promised to take care of that. Isaiah never leave my side, my mother is also here with us, nakaupo lang kami sa labas ng ICU habang hinihintay na matapos ang operasyon. Si Ate naman hinatid daw pauwi si bunso pauwi. No one told me what happened to Papa, parang iwas silang lahat sa'kin nang dumating ako, even my mother.Napatayo kami nang makarinig ng ingay, patungo sa'min si Tita at mukhang galit na galit. Huminto siya sa harap ko, akmang sasampalin na 'ko ngunit naiwan sa ere ang kamay niya at dinuro-duro nalang ako nang makita kung sinong nasa tabi ko."You.. this is all your fault!" her voice thundered.