Share

Kabanata 21.1 - Christmas Eve

Hapon na at abala ang lahat para sa Christmas Eve mamaya. Napuyat ako kagabi dahil late na kami nakauwi, panay kasi ang tanong sa'kin ng mga kaibigan ko. They got curious because they saw us, me and Isaiah, together. I just told them that we're fine. Sinabi ko rin sa mga ito na hindi pa kami, tama naman 'di ba? Hindi pa naman talaga kami, I don't even know if he's courting me because he's not saying anything about it!

Should I ask him? No!

"Hey, you're close with Rio right? Magugustuhan niya ba 'to?" itinaas ko ang isang kwintas na may camera na pendant at hinarap 'yon kay Travis.

We are at the mall for our last minute shopping. Bibilhan ko ng regalo si Isaiah, sinabay ko na rin si Almario. Travis is with me the whole time habang si Ate and Kuya ang magkasama, hindi ko na alam kung nasaan.

Inuna kong hanapan ng regalo si Rio, medyo nahirapan kasi ako sa pag-iisip ng ireregalo kay Isaiah. Hindi ko alam ang mga hilig nito bukod sa pagguhit, maybe I should get him a sketch pad?

"Kahit ano naman basta galing sayo magugustuhan no'n," bored na sambit nito bago binalingang muli ang phone niya.

Bahala na, bibilhin ko nalang 'to para sakaniya.

Pupunta na sana ako sa counter para bayaran na 'yon nang may makapukaw ng atensyon ko. It's a couple bracelet, minimal lang ang design nito, hindi rin ganion ka-agaw pansin. Binili ko rin 'yon bago nagtungo sa school supplies para bumili ng sketch pad at iba't ibang klase ng pencils pang-drawing.

Plano naming magkita after New Year's Eve, hindi kasi pwede this Christmas dahil sa bagong bahay nila Ate kami magpapasko. Hindi ko alam kung saang lugar 'yon, basta isang exclusive subdivision daw.

"Chantreia, magbihis ka na. Aalis na tayo maya maya," sambit ni mama nang pumunta ako sa kitchen para kumuha ng maiinom.

Napairap nalang ako, I'm still watching my favorite cartoon tapos pagmamadaliin nila ako? Ang aga pa kaya! 9 PM ang usapan nila dahil may mga palaro pang magaganap. 'Yon kasi ang gusto nila Ate.

Gaya ng sabi ni mama, bumalik na 'ko sa kwarto para makapag-ayos. Blue ang motif namin this Christmas so I wear my space blue jumpsuit with belted shapes and low neckline. I paired it with a silver stilettos and silver clutch bag. I straighten my long hair, magdadala nalang ako ng pangtali sakaling mairita ako.

Nang sumapit ang 9 pm ay tumulak na kami patungo sa address na binigay ni ate. Pangalan palang ng village, mukhang yayamanin na. Dala ko na rin ang mga regalo ko sakanila, pati na rin yung gift ko kay Isaiah at Rio. Baka kasi makita ni mama sa kwarto ko at kung ano na naman ang isipin, chismosa pa naman 'yon.

Saktong 9 PM kami nakarating doon. Mula sa labas ay tanaw agad ang engrandeng bahay nila. More on vintage ang vibes nito, bagay na gustong gusto ni Ate. Sinalubong nila kami ng yakap, narito na pala ang family ni Kuya Froi.

Sa pool area nakalagay ang mga pagkain, doon siguro kami mamaya para makanood ng fireworks. Nandito ako sa may pool side at nakatanaw lang sa kawalan habang sila mama ay nasa living room, nakaupo sa couch at tinitingnan ang mga litratong kuha noong kasal nila Ate.

Nagulat ako nang tabihan ako ni ate at ginaya rin ang ginagawa ko.

"Hay.. mami-miss ko ang bahay," aniya at bumuntong hininga.

Alam kong mahirap sakaniya ang bumukod pero hindi naman kami pabata, tumatanda na kami at isa 'yon sa parte ng pagtanda.

"Ayos lang 'yan, pwede ka naman bumisita paminsan-minsan," tugon ko rito.

Bumuntong hininga ulit siya at sandali kaming natahimik. Rinig na rinig ko mula rito ang halakhakan ng pamilya, tanda ko pa noong nagsisimula palang ang relasyon ni ate at kuya, panay ang iyak ni ate dahil hindi siya tanggap ng mommy ni Kuya Froi. Pero ngayon, parang walang nangyari, ayos na ang lahat. Mahal na mahal na siya nito at tinanggap na rin bilang kapamilya.

"Kumusta kayo ni Niko? Ayos na ba kayo?" biglaang tanong nito, ni hindi ako nakapag-ready!

Huminga ako ng malamin, tila hindi alam kung anong isasagot sa tanong niya. Dapat ko bang sabihin ang tungkol sa'min ni Isaiah? Paniguradong tutuksuhin ako nito, baka sabihin niya pa kila mama.

"Ayos naman kami.." sagot ko nalang at tumingin sa malayo.

"Paanong ayos? Kayo na ba?" tanong pa niya. Ramdam ko ang mapanuring mata nito mula sa gilid ko. Alam kong may ideya na sa isip niya.

"Hindi pa, hindi nga nanliligaw, e," dismayadong sagot ko.

I should tell her, she's my bestest friend after all. Nangako rin kami na wala kaming ililihim sa bawat isa.

"Anong hindi pa? Hindi pa ba panliligaw ang ginagawa niya sayo?" inis na sambit nito sa akin sinamahan pa ng pagkurot sa tagiliran.

Lumayo ako ng bahagya sakaniya para hindi niya ko makurot. Masyado siyang mapanakit! Abusado, porket 'di ko siya pinapatulan!

"Malay ko doon, hindi niya naman sinabing nanliligaw siya kaya hindi ko naisip na nanliligaw siya. Did you get my point— aray!"

Mahina niya 'kong sinabunutan kaya napatigil ako. It took me half an hour to fix my hair tapos sasabunutan niya lang? How dare her?!

"Gaga ka talaga, ang manhid manhid mo!" aniya at iniwan na 'ko roon.

Masakit kaya ang ginawa niya!

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang palaro, pati ang mga magulang namin ay nakisali na rin. Si Kuya Froi ang host at kaming lahat ay kasali. Akala ko kanina magiging boring ang gabi, mali pala ako dahil ang saya namin ngayon. Sobrang saya na mapabilang sa pamilyang ito.

"Let's eat na, 11 PM na, isang oras nalang at pasko na!" sigaw ni Ate Laureen.

Nauna na silang magtungo sa hapag, hindi muna ako kumain dahil busog pa 'ko. Umupo nalang ako mag-isa sa couch at tiningnan ang mga litratong tinitingnan nila kanina. Mayroon doon na litrato si Isaiah, malayo ang tingin nito at seryoso ang mukha. Napangiti ako at nagpasyang kuhaan ng litrato 'yon. Ang gwapo niya talaga kahit saang anggulo!

Halos maitapon ko ang phone ko nang mag-ring ito, agad kong sinagot ang tawag, si Isaiah kasi 'yon.

"Hey, I'm here outside.." aniya.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Alam niya naman na hindi kami sa bahay magpapasko, hindi ba? Anong pinagsasabi nito?

"Trippings ka? Wala kami sa bahay, nandito kami kila ate kaya 'wag mo 'kong pag-tripan, Isaiah Nikolai!" I chuckled.

Kung siya lang din naman ang mangti-trip sa'kin habang buhay, I'll gladly accept it. Charot!

"I know and I'm here outside. Come on, I want to see you." May kung ano sa boses nito na nagpangiti sa'kin.

Cute.

Pinilit niya 'kong lumabas, para siyang bata na kapag hindi napag-bigyan ang gusto ay iiyak. Lumabas nalang ako gaya ng sinabi nito, nagtanong pa si Ate kung saan ako pupunta, nginitian ko nalang ito. Nang makalabas ay bumungad sa akin ang mukha niya. Seryoso pala siya sa sinabi niya!

Ibinaba ko na ang tawag at lumapit sakaniya. Nilibot ko rin ang paningin para hanapin ang sasakyan nito ngunit walang kahit anong naroon. Madilim na rin at tanging ilaw mula sa mga christmas light at ilaw mula sa buwan ang nagpapaliwanag ngayong gabi.

"How did you get in here?" tanong ko.

"I walked.. our house is just two streets away from here," sagot nito.

Oh my gosh, so same village sila nila ate? Mukhang mapapadalas na ang punta ko rito, ah! Kaso hindi nga pala siya dito namamalagi, may condo pala siya. Napatingin ako sakaniya, he looks tired.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status