Home / Romance / Behind the Scene / Kabanata 22.2 - Jauregui

Share

Kabanata 22.2 - Jauregui

Author: shewhomakeshappyy
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Pumasok na kami sa loob gaya ng gusto niya. Gusto ko sanang alisin ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko dahil nakakahiya kapag nakita ng mga magulang niya kaso ayaw niya talagang bitawan ito.

"Bawal na ba talaga mag-back out? Hindi ako prepared!" reklamo ko rito habang papasok.

Iginala ko ang mata ko sa loob, gaya ng inaasahan ay magarbo nga ito, maraming palamuti sa bawat sulok, marami ding paintings.

"I'm not also prepared when you told them that I'm your boyfriend," aniya.

Aba, at rumebutt pa nga.

"Of course you shouldn't be prepared, it's a surprise, duh?" sagot ko rito at inirapan pa siya.

Bumuntong hininga siya at lumapit sa akin para yakapin ako.

"It's a surprise, too. Come on, baby. They are excited to see my girlfriend," he whispered.

Hindi pa man ako nakakasagot ay may kung sino nang sumigaw mula sa likuran namin.

"Is that her? Oh my God!" a woman's voice.

Agad akong lumayo kay Isaiah at hinarap ang kung sinong nagsalita. I saw a woman, she looks elegant and sophisticated. This might be his mother. Sa likod nito ay ang paparating na lalaki, his smile reminded me of how devilish Kuya Isagani's smile is. No doubt, that's their father.

"Sup, Treia!" bati ni Kuya Isagani, lumapit ito sa akin at pasimple akong hinalikan sa pisngi.

The fuck?

Sa gulat ay hindi na 'ko nakaiwas, Isaiah gave him a death glare bago ako inilayo rito. His mother went to us and hugged me tightly, hinalikan ako nito sa magkabilang pisngi bago humarap sa'kin. Her intimidating aura vanished the moment she smiled at me, she reminded me of Isaiah. Kung titingnan physically, si Kuya Isagani ay nagmana sa tatay nila samantalang si Isaiah naman ay sa nanay nila.

"I'm Nikita Jauregui, Niko's mother. This is his brother, I assume you already know him?" aniya at itinuro si Kuya Isagani. Tumango naman ako.

"And this is his father, Israeli Jauregui." Dugtong niya sabay turo doon sa tatay ni Isaiah.

"I-I'm Chantreia Fabregar po.." pagpapakilala ko.

Ngumiti ito at ginawaran ulit ako ng mahigpit na yakap.

"Welcome to the family, hija," sambit pa nito.

Lahat ng kaba ko kanina, biglang nawala dahil doon. I thought they won't like me, but hey! His mother welcomed me in their family!

"Mother, you're scaring her," sambit ni Isaiah at binawi ako sa Mommy niya.

Bakas ang pag-aalala sa mukha nito nang marinig 'yon. Napailing naman ako.

"No, it's okay po Ma'am, I'm.. fine." I assure her.

Biglang umamo ang mukha nito at hinawakang muli ang kamay ko.

"You can call me Mommy, sa simbahan rin naman ang punta niyo, am I right?" makahulugang sambit niya na hinawakan pa ang singsing na bigay ni Isaiah.

Hala, gago! Paano nila nalaman na kay Isaiah galing 'yon? Oh my!

"Mom!"

"Chill, son. Okay, call me Tita, hija," sambit nito, natatawa pa dahil sa inasta ng anak niya.

"Maybe we can eat while you guys interviewing her?" bored na suhestyon ni Kuya Isagani.

Nagtungo kaming lahat sa dining area nila, mabuti nalang at hindi ako kumain sa bahay. I don't know how to decline their offer, mabuti nalang talaga.

At first, I thought we will be silent the whole time but I guess this family is too loud. Hindi ko na alam kung sino ang pakikinggan sakanila dahil kapag nagsabi ng opinion ang isa, sasabat naman yung iba. At sabay-sabay na silang magsasalita. Nakakaloka!

"No, Mom! They should get married when they're twenty-seven or above. They should focus on their priorities and career first before entering marriage," ani Kuya Isagani.

Napairap si Tita at binalingan ang anak niya. They are talking about our marriage, kung kailan daw kami dapat magpakasal. The heck? Kasal agad?

"Son, that's too old. Hindi niyo mae-enjoy yung married life niyo, hindi na kayo pabata, paano kung hindi kayo magka-anak? 'Di ba?" si Tita.

"Your mother is right, Gani—" si Tito na magsasalita palang.

"Of course, you always agree on her. She's your wife!" sabat ni Kuya Isagani dahilan para matigilan si Tito.

Natawa ito pati na rin ang Mommy niya. Kung titingnan ay para lang silang magtotropa na nagtatalo.

Isaiah shot a glance at me, he looks worried and apologetic so I smiled at him and held his hand to say that I'm fine with his family.

"As I was saying, son. Your mother is right, look at us! Maaga kaming kinasal, sinulit namin yung married life namin until we decided to have both of you. If you get married, let's say at the age of twenty-seven just like what Gani said and you decided to have child at the age of thirty or above. When you turn forty, your child will turn ten, what if you die early? Who would take care of your child? See? I suggest you get married at the age twenty-three or below and have children after two or three years of being a married couple." Tito Israeli explained.

They all got a point. Nahirapan tuloy akong mag-decide kung anong edad ba 'ko dapat magpakasal, gosh! Nakaka-pressure naman 'to!

But..

"I think the perfect time to get married and build your own family is the time when you're ready.." opinion ko.

Nakatingin sila sa akin, Tita nodded while Tito smiled at me. Si Kuya Isagani naman na halatang bored kanina sa topic na napili nila ay mukhang nabuhayan ngayon.

"That's right, Treia. Don't let our dear parents influence or change your principles," aniya sabay ngisi sa mga magulang nito.

Hindi naman ito pinansin ng mag-asawa at umiling na lamang bago tumingin kay Isaiah.

"What do you think son?" masiglang tanong ni Tita Niki.

I glance at Isaiah and waited for his answer. I'd like to hear his opinion regarding this kind of matter, too.

"Whenever she's ready.. as long as she will marry me," tugon nito habang seryosong nakatingin sa'kin.

Napangiwi si Tita at Kuya Isagani sa sinabi ni Isaiah habang si Tito naman ay mukhang kinikilig sa sinabi ng anak niya.

"Too cheesy, son!" ani Tita.

I glance at Isaiah, my lips slowly formed a genuine smile. Nagsisimula palang kami pero planado niya na lahat ng mangyayari, para bang sigurado na siya sa'kin. Kasama na 'ko sa lahat ng plano niya, nakakatuwa na nakakabahala.

"How about you Isagani, aren't you ready to get married?" tanong ni Tito kay Kuya Isagani dahilan para sakaniya mapunta ang atensyon namin.

Natigilan sandali si Kuya Isagani, kami naman ay tahimik na naghihintay ng isasagot niya.

"Of course, I'm ready.." tugon nito.

"Then why aren't you not getting married already? I want to have grandchildren na!" reklamo ni Tita.

Napaubo si Kuya Isagani, he sipped on his water before answering Tita's question without facing us.

"I need to get her back first before we both decide about that matter." May lungkot sa mga salita nito. "Anyway, if you badly want to have grandchild, tell Niko, maybe he can give you one," dugtong niya.

Napunok ako sa sinabi nito. I saw him smirked kaya inirapan ko nalang siya. Sa amin na naman napunta ang usapan. Mabuti nalang at pinigilan na sila ni Isaiah, mabuti nalang din at tumigil na sila. May tumawag din kasi kay Tito at doon na nagtapos ang usapan. Thank God!

"How I wish we can have fun and get to know each other more, hija. I badly want to have quality time with you but we have businesses and gatherings to attend around the globe. I hope we can bond soon?" malambing na sambit ni Tita.

Naiwan kaming dalawa sa living room, hinihintay si Isaiah dahil may pinakuha si Tita dito.

"Ayos lang po, Tita. May ibang araw pa naman.." tugon ko.

"Promise me, we will spend quality time together soon?" aniya, para siyang bata ngayon. Ang cute ni Tita!

"Promise po." Itinaas ko ang kamay ko at nangako pa sakaniya. Parehas kaming natawa.

Ilang minuto lang ay dumating na rin ang mga lalaki. May dalang malaking paper bag si Isaiah, naging curious tuloy ako sa laman nito. Inabot niya ito kay Tita at binigay naman sa'kin ito ni Tita. Dahil sa gulat ay hindi ko alam kung tatanggapin ko ba 'yon o hindi, I didn't expect her to give me a gift! Hell, I didn't expect to meet them today!

"This is my gift for you, you will surely love it!" She gave me the paper bag and kissed me on my cheeks.

I hugged her while uttering thank you. I didn't really expect this. Nakakahiya dahil wala akong regalo sakanila! Maybe I should sent her one?

Pagkatapos no'n ay hinatid na nila kami hanggang sa pinto bago nagpaalam. Si Kuya Isagani naman ay sinamahan kami hanggang sa makalabas kami ng gate nila.

"Spill it, brother. I know you have questions." si Isaiah.

Napakunot ang noo ko at binalingan sila. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin, mukhang hindi rin naman nagulat si Kuya Isagani sa sinabi nito.

"How is she?" tanong ni Kuya.

Doon ko lang napagtanto na si Ate Laureen pala ang tinutukoy niya. Isaiah glance at me, ganoon din ang kuya nito.

"She seems.. fine," sagot ko rito.

Kuya Isagani nodded before entering their house again. He waved us goodbye. Naglakad na rin kami pabalik sa bahay ngunit dumaan muna kami sa club house dahil ayoko pang umuwi. Hindi rin naman ako hahanapin nila mama dahil alam nilang si Isaiah ang kasama ko.

Pareho kaming umupo sa bench, wala ni isang nangahas magsalita. I didn't find it awkward, in fact, I found peace whenever I'm with him.

"I wanna hear your opinion regarding that matter, yung topic natin kanina.." panimula ko.

He seems confused now, kunot ang noo nito nang balingan ako. I just smile at him.

"I already told you, whenever you're ready. I don't want to pressure you, kaya kong maghintay, Treia," aniya.

Pakiramdam ko tuloy ay namumula na ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Sinimangutan ko ito para hindi niya mahalata na kinikilig ako.

"Come on, Isaiah. Don't depend on me, please. Let's say we both don't know each other, if someone asks you about that topic, what's your opinion then?" I curiously asked.

I really want to know his opinion because I feel like whatever it is, it matter. I want to know him more. It's funny how we didn't get the chance to get to know each other more but look at us now, love really find its way to make two destined people conspire.

"If we didn't get the chance to know each other in this lifetime, then I can't find any reason for me to get married."

Related chapters

  • Behind the Scene   Kabanata 23.1 - Night Out

    Today is the day. Naghanda ako para sa girls' night out mamaya. Nagpaalam na rin ako kila mama noong nakaraan pa. Umuwi na kasi sila kaninang umaga pa habang ako ay nag-stay dito kila ate, dito na rin ako natulog. Actually, may kwarto na 'ko rito dahil gusto ni ate na dumalas ang punta ko rito, para daw may kasama siya minsan at nang hindi siya ma-home sick. Dala ko na rin sa isang bag ang mga gamit ko para mamaya."Niko's here, bumaba ka na Treia!" sigaw ni ate mula sa labas.Nag-presinta si Isaiah na ihatid ako patungo sa penthouse ni Adel. Siya na rin daw ang magsusundo sa'kin kinabukasan. Hindi na 'ko tumanggi dahil bukod sa ayokong makipagtalo sakaniya, gusto ko rin na makasama siya. Cheesy, right?Bumaba na 'ko dala ang Dior tote bag kung saan nakalagay ang mga gamit ko.

  • Behind the Scene   Kabanata 23.2 - Paranoid

    "Kendall, did he view your IG story?" tanong ko kay Ken na nakanta ngayon.Nagpost kasi siya ng IG story kanina pa bago kami magsimulang mag-inuman. Inabot niya sa'kin ang phone niya at ako na ang nag-check kung nakita niya ba. Bumungad sa'kin ang litrato naming anim na naka-lingerie na at ang malala, binebenta kami ni Kendall sa IG story niya! Pinost niya rin yung solo pic namin na may nakakagagong captions. Mabuti at taken ang nakalagay sa'kin, taken by Nikolai Jauregui daw, naka mention pa si Isaiah. Ay jusko, ayoko ngang madaming makaalam ng relationship namin, binulgar naman ni Kendall!I checked the viewers, madaming nag rereact at nag rereply sa mga pictures namin, yung iba ay naka-mine sa mga kaibigan ko. Ang gago talaga ni Kendall! Inisa-isa ko na ang mga nakakita, nag view si Isaiah! Ibig sabihin, nag-online siya! But he didn't message

  • Behind the Scene   Kabanata 24.1 - Sugar Daddy

    Maaga akong sinundo ni Isaiah, tulog pa ang mga gaga at si Adel lang ang nagising ko kaya sakaniya nalang ako nagpaalam. Hindi raw muna kami uuwi dahil may pupuntahan pa raw kami, hindi ko naman alam kung saan dahil walang nabanggit si Isaiah."Where are we going?" tanong ko, hindi na ‘ko nakapagpigil kahit kanina ko pa siya tinatanong, panay ngiti lang ang sagot sa’kin.Gaya ng kanina, ngumiti ulit siya at sumulyap sa’kin ng ilang beses bago ibinalik ang tuon sa dinaraanan namin."Where do you think we're going, baby?" maloko niyang tanong.Inirapan ko ito at bumusangot nalang ako habang nakatanaw sa kalsada na puro puno lang ang makikita. Sabi na nga ba, wala akong makukuhang matinong sagot sakaniya. Hindi ko nalang ipinilit dahil medyo

  • Behind the Scene   Kabanata 24.2 - Ride

    "You should take a rest, I'll wake you up later,” he kissed my forehead.Nasa tapat kami ng kwarto na tutuluyan ko, naguluhan ako nang aktong aalis na siya. Akala ko pa naman magkasama kami sa kwarto."Where are you going?" tanong ko rito.Halos mapasabunot ako sa sarili ko dahil sa tanong na 'yon! Baka mamaya isipin niyang gusto ko siyang makasama sa iisang kwarto kahit ayon naman talaga ang totoo!"To my room, it is the room next to yours so if you have a problem, just knock on my door,” tugon nito.Napatango pa 'ko at hinawakan na ang doorknob para sana buksan ang pinto ngunit hindi ko na napigilan at nilingon ko ulit ito.

  • Behind the Scene   Kabanata 25.1 - Sweet Revenge

    Nakabusangot lang ako habang hindi pinapansin si Isaiah. Kanina niya pa 'ko pinapasakay sa kabayo, ako lang ang may ayaw. Paano ba naman, kanina niya pa 'ko iniinis dahil sa nangyari!Pagtapos kong sabihin 'yon, humagalpak siya ng tawa at pinitik pa ang noo ko. Mukha na tuloy akong uhaw na babae sa paningin niya. Nakakainis! Hanggang ngayon hindi pa rin maalis ang ngisi sa labi niya, tuwang tuwa pa rin na naiinis niya 'ko!"Come on, baby. We're running out of time. Who knows, maybe I could change my mind and provide your needs later,” he continue mocking me, he even winked at me!Sinamaan ko siya ng tingin at umakyat na sa kabayo gaya ng gusto niya. Inalalayan niya 'ko bago sumakay rin, nasa likod ko siya at hawak pa rin ang bewang ko. Padabog kong tinanggal ang kamay ni

  • Behind the Scene   Kabanata 25.2 - Safe and Secure

    Tanghali na nang magising ako, hindi man lang ako ginising ni Isaiah! Nagtatampo yata, natawa agad ako bago maligo at magbihis dahil ang alam ko'y aalis kami ngayon. Hanggang sa makarating sa hapag, hindi pa rin maalis ang ngisi ko. Lalo na nung makita ko ang busangot na mukha ni Isaiah, nasa hapag na ito, may pagkain na sa plato ngunit hindi pa rin nagsisimulang kumain, hinihintay yata ako.He is surveying me from head to toe habang palapit ako sakaniya. Nakabusangot pa rin ang mukha at parang hindi nagustuhan ang suot ko. Well, I'm wearing white flowery dress na hanggang baba ng tuhod ang haba."Good morning, baby!" masiglang bati ko bago umupo sa gilid nito."Morning..” malamig na tugon nito at nagsimula nang kumain.

  • Behind the Scene   Kabanata 26.1 - Bestfriend

    Naging abala na kami pareho ni Isaiah nang matapos ang Christmas break, pareho kaming nag-focus sa studies at kanya kanya naming buhay pero hindi pa rin mawawala ang quality time namin together. There are times he would visit me in school, minsan naman ako ang napunta sakanila. Napunta rin siya sa bahay, at kapag nakila ate ako, nagkikita rin kami. Minsan nga doon pa siya nakikitulog, magkahiwalay kaming kwarto dahil ayaw ni ate na magkasama kami, baka makabuo daw ng milagro pero dahil makulit ako, tuwing madaling araw nalipat si Isaiah sa kwarto ko para magtabi kami matulog. Minsan naman doon kami sa condo niya at sa ilang buwan naming pagsasama, never siyang nag take advantage sa’kin.Minsan nga ako pa ang nangunguna at sa kalagitnaan, pipigilan niya 'ko. Parang takot na takot siyang gawin namin 'yon, hindi naman na kami bata. But still, I'm happy that he respects me.On Valentine's Da

  • Behind the Scene   Kabanata 26.2 - What the fuck?

    Hinihintay ko nalang na mag-text si Isaiah dahil pupuntahan niya raw ako dito, nagkita kita rin kasi sila ng mga kaibigan niya pagtapos ng trabaho."Hindi ko nasabi sainyo kasi hindi pa naman ako sigurado, hindi naman ako magsasabi kapag 'di ako sure, 'di ba? Tsaka wala lang 'yan, iiwan din ako nyan kasi may ibang gusto 'yan!" aniya, sumulyap siya sa’kin kaya nakita ko ang sakit sa mga mata nito. Nasasaktan siya dahil doon, kung sino man ang gusto nung Gavin na 'yon, sana mabungi siya! Ayokong makitang nasasaktan ang kaibigan ko."May iba na palang gusto, bakit pinatulan mo pa?" tanong ni Grace.Isa-isa na nilang binubuksan ang gifts nila kay Iris, sila talaga ang nagbubukas at hindi si Iris! Kakapal ng mga mukha nito.

Latest chapter

  • Behind the Scene   Wakas IV

    Isaiah’s Point of View "I break hearts..” I thought she's just kidding when she said that, never thought it was real. We became close as weeks passed by. It started when I lend her my clothes, I intentionally forget to took it from her so that I could get the chance to be with her again. As days passes by, she became comfortable with me. I worked really hard to gain her trust, it's not that easy but I manage to do it. All my life, I'm so used to be called Nikolai or Niko but here's Treia, she chose to call me Isaiah instead. I really hated that name before but hearing her calling me that way, God knows how much I thank my parents for giving me such name. It is like a music to my ears and everytime she's calling me that way, I felt alive. She's the only one who have the privilege to call me that. "It's not easy son but we have connections so leave it to me, I'll sue everyone who harmed your girl!” Dad said, full of authority. He called someone from his team to do me a favor, my f

  • Behind the Scene   Wakas III

    Isaiah’s Point of View"Dude, yung crush mo ‘yon ‘di ba?" bulong ni Mateo.I glance at the group of girls coming our way, they sit on the couch near us. One of them caught my attention, it's her again, the only woman that caught my attention. I didn't respond to Mateo, nanatili akong nakaupo roon habang pasimpleng nakatanaw sakaniya. But damn, hindi nakakatulong ang ingay ni Paul at Davis."Sino bang type mo dyan, bro?" Paul asked, he's not yet wasted, they are in their usual self, mahilig mangolekta ng babae.I shoot dagger-like stares at them but it seems like they didn't even care. I don't know why we ended up being friends, si Mateo ang pinakamalapit sa’kin at nakilala ko lang si Paul at Davis nitong college na. Nakakasundo ko sila sa ibang bagay pero pagdating sa trip n

  • Behind the Scene   Wakas II

    Isaiah’s Point of ViewDays went slowly, ganoon yata talaga kapag may inaabangan kang araw, mas bumabagal ang oras. We are here at the plaza waiting for the event to start. I chose the seat near the stage para makita ko siya nang malapitan, I want to see her performing. The other reason is I want her to see me watching and supporting her."Uy, pre! Ayan na yung crush mo, yung crush mo pre! Whoa, go crush ni Nikolai!" sigaw ni Mateo. Sana pala hindi ko na sinama ang ungas na 'to.God knows how many times I cursed Mateo in my mind. Mabuti nalang at maingay ang crowd, natatabunan ang sigaw niya. I'm watching my girl intently as she performed, she act, dance and sang and I can't help but to be proud of her. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong isinigaw ang pangalan niya o kung ilang beses akong napapalaklak. I feel l

  • Behind the Scene   Wakas I

    Isaiah’s Point of View"Hoy Treia, come here!" Chandria said, referring to the girl who went inside their house.Chandria is one of my brother's friend and we are here in their house. Isagani bring me with him because I will be left alone in our house, it's fine being alone though, I can call Mateo and play basketball with him but my mother insisted and told me to join my brother.My brother has a lot of circle of friends and I can say that this circle is the most special for him. I've known them for years because they usually hang out in our house.The girl who was about to go upstairs suddenly stopped walking and faced us. She looks tired, her hair is in a messy bun and her face is covered with sweat. She's holding a bunch of paper on her hand whil

  • Behind the Scene   Kabanata 31.3 - Despidida

    "Joke 'yon, beh?" Grace sarcastically said, she even rolled her eyes at me.Natawa lalo ako sa reaction nila. Tumayo pa si Grace at nag walk out, sa kitchen yata pumunta. Wait, is she serious?"Sa tingin mo matutuwa kami knowing na aalis ka?" si Iris. Mukhang seryoso ito at galit na nakatingin sa'kin.Natahimik ako dahil doon. Kakaibang despidida party yata ang napuntahan ko. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Mads."Aalis siya? Saan ka pupunta?" inosenteng tanong nito.Napa-face palm ako, binatukan naman siya ni Kendall at si Grasya na nag-walk out ay tumawa ng malakas, rinig na rinig siya sa buong penthouse.

  • Behind the Scene   Kabanata 31.2 - Camera and Album

    Muntik na 'kong masamid dahil sa sinabi niya. They doesn't know about what happened to us, wala rin akong balak sabihin sa kahit na kanino. As much as possible, I want to keep our problems. Baka kasi mas lalo lang lumaki kapag pinagsabi namin sa iba, mas maraming nakakaalam, mas magulo.Lumipas ang mga araw, pinayagan nang umuwi si Papa dahil maayos na ang lagay nito ngunit hindi muna siya pwedeng pumasok sa trabaho dahil kailangan niya pang magpahinga ng ilang araw. Isaiah is always sending me a message, tuloy tuloy pa rin siya sa pagpapaalala sa'kin sa mga dapat kong gawin araw-araw. Minsan nga nakakalimutan ko nang kumain pero dahil sa message niya, bigla kong naaalala. Tinupad niya naman yung pakiusap ko na huwag muna siyang magpakita sa'kin at sa ilang araw na 'yon, nakapag-isip isip na 'ko.I already booked a ticket, bukas ng gabi na ang flight namin papunta sa New York, sabay kami ni Ri

  • Behind the Scene   Kabanata 31.1 - Envelope

    I couldn't contain it, I just want to cry and cry all day pero pinigilan ko dahil ayokong makita niyang umiiyak ako. Ayokong makita niyang mahina ako ngayon."You knew yet you didn't even told me? How dare you, Isaiah!" my voice thundered.Agad na napalitan ng pagkabahala ang itsura niya. Lumapit ito sa akin para pakalmahin ako pero bawat pagdampi ng kamay niya sa balat ko, siya namang pag-iwas ko. Panay ang paghampas ko rito, hindi ko na naisip kung nasasaktan ba siya kasi ako, sobrang nasasaktan ako!I told him everything, wala akong nilihim sakaniya. Alam niya kung gaano ko kagustong malaman ang dahilan kung bakit ayaw sa'kin ng pamilya ko, alam niya kung gaano ako katakot makagawa ng pagkakamali dahil baka tuluyan na nila akong hindi tanggapin. Alam niya rin kung gaano ako

  • Behind the Scene   Kabanata 30.2 - Betrayed

    Nagpasya akong umalis sa hospital noong araw na 'yon, I drive all the way to Isaiah. Sigurado akong nasa condo lang siya. He's sick, mag-isa lang siya roon kaya walang nag-aalaga sakaniya. I felt bad becase of it, I should be the one to take care of him, ni hindi niya sinabing may sakit pala siya. The hell, Treia, you're out of your fucking mind for the past days!Dumaan ako sa fastfood restaurant at pharmacy para bumili ng makakain at ng gamot. I have spare key kaya madali kong nabuksan ang room niya. I saw him on the couch nakahiga ito at hindi pa nagpalit ng damit, mukhang kagagaling lang sa trabaho. He looks tired and cold, nakayakap siya sa sarili niya at nanginginig pa.My baby's sick.Ibinaba ko ang mga binili ko at agad na nagtungo sakaniya. I held his cheeks, mainit ito. Bahagyang dumilat ang mata niya, kasunod no'n ang paghaplos niya sa kamay kong nakahawak sa pi

  • Behind the Scene   Kabanata 30.1 - Unstable

    Kararating lang namin sa ospital, my father is in the ICU, fighting for his life. Sumabay nalang ako kay Isaiah patungo rito, hindi ko kasi alam kung kaya ko bang mag drive knowing that one of the important person in my life is in danger. Iniwan namin ang kotse ko roon, he promised to take care of that. Isaiah never leave my side, my mother is also here with us, nakaupo lang kami sa labas ng ICU habang hinihintay na matapos ang operasyon. Si Ate naman hinatid daw pauwi si bunso pauwi. No one told me what happened to Papa, parang iwas silang lahat sa'kin nang dumating ako, even my mother.Napatayo kami nang makarinig ng ingay, patungo sa'min si Tita at mukhang galit na galit. Huminto siya sa harap ko, akmang sasampalin na 'ko ngunit naiwan sa ere ang kamay niya at dinuro-duro nalang ako nang makita kung sinong nasa tabi ko."You.. this is all your fault!" her voice thundered.

DMCA.com Protection Status