Home / Romance / Behind the Scene / Kabanata 22.1 - Boyfriend

Share

Kabanata 22.1 - Boyfriend

Author: shewhomakeshappyy
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

We are here at Ate Dria's house again, preparing for the New Year's eve. Mas marami ang handa ngayon kumpara noong pasko. Namili rin sila ng mga paputok para mamaya. Ate Laureen's rumoured boyfriend, Marco, is here too. Hindi ko alam kung sila ba o hindi pero ang sabi sa mga blind items na nababasa ko, may relationship daw ang dalawa. Modelo rin yung Marco at sikat ito sa buong asya. Siya yung kahalikan ni Ate Laureen noong kasal ni ate, siguro nga may something sakanila.

"Ate, magkikita kami mamaya ni Isaiah pagtapos ng countdown, ha? Ikaw na bahala kila mama, sandali lang 'yon," bulong ko rito.

Tinutulungan ko siyang ayusin ang mga nasa mesa. Makahulugang tingin ang iginawad niya sa'kin bago pumayag. Siya na raw ang bahala.

Noong pasko kasi, muntik na 'ko pagalitan ni mama dahil ilang minuto nalang bago ang pasko, wala pa 'ko sa bahay. Buti nalang at tinulungan ako ni ate, ang sabi niya pinapunta niya raw ako kila Kuya Isagani para iabot ang mga regalo rito. Nang marinig ni mama ang ngalan nila ay naging ayos na siya, malamang kasi alam niyang kapatid ni Kuya Isagani si Isaiah.

Nagkita rin kami ng mga kaibigan ko noong nakaraang araw, pinaabot nila ang mga regalo sa pamilya ko. Gusto pa sana nila mag celebrate kami together bago man lang matapos ang taon kaso hindi na pwede, masyado kaming abala kaya napagpasyahan namin sa unang araw ng taon nalang. Doon nalang kami sa penthouse ni Adel magce-celebrate.

After no'n, nagkita rin kami ni Almario para maibigay ko yung gift ko sakaniya. Sandali lang 'yon at hindi rin ako nagtagal dahil may gagawin pa 'ko.

"Three.. two.. one, happy new year!"

I hugged them. Sabay-sabay naming pinanood ang mga fireworks, sunod sunod 'yon at hindi ko na alam kung saang parte titingin dahil lahat ay magaganda. Dahil sakitin si bunso, pinasok agad siya nila mama. Pinapasok na rin nila ako dahil may hika ako pero nagpumilit ako.

Nag-video call kami sa group chat para batiin ang isa't-isa.

"Happy New Year, girls!" bati ko sakanila.

Nasa labas ako at medyo malamig, naka-dress pa naman ako.

"Mamaya ha! 8 pm kailangan nandito na kayo sa penthouse, dito na kayo matutulog no'n, ha!" ani Adel. Mukhang nasa balcony siya at mag-isa lang. Nakapang-tulog na si gaga, mukhang wala na naman ang magulang niya.

"Girls' night out, I'm so excited!" sigaw ni Kendall.

May nag-abot pa sakaniya ng alak mula sa background, pinsan niya yata. Baka doon siya nag new year sa mga pinsan niya.

"Si Kenny ba 'yan?" tanong ni Travis na biglamg sumulpot sa likuran ko.

Mabuti nalang at hindi ko naihagis ang phone ko. Lumayo ako sakaniya para makausap privately ang mga kaibigan ko. Kahit kailan, epal talaga si gago!

"Is that Travis?" tanong ni Iris.

Napairap nalang ako, si Kendall naman ay mukhang affected sa tanong ni Travis kanina.

"Kenny ampucha, pumayag kang ganoon tawag sayo?" natatawang sambit ni Grasya. Maging ako ay natawa sa nickname na 'yon.

Halata naman ang iritasyon sa mukha ni Kendall, for the first time, wala siyang masabi!

"Kendall niyo, bothered na!" pang-aasar pa ni Mads.

Nagtawanan lang kami hanggang sa mag-iba ang usapan at mag-end na ang call. Pumasok na rin ako sa loob at tumabi kila mama habang hinihintay ang tawag ni Isaiah. Ang sabi niya kasi, tatawag siya kapag nasa labas na siya. Ayoko namang dalhin siya rito dahil nakakahiya sa family ni Kuya Froi. Ayos lang sana kung sila mama lang.

Ilang sandali pa ay tumawag na ito, nasa labas na raw siya kaya pasimple akong lumabas, kinakabahan pa dahil baka mahuli ako nila mama.

Nasa gilid ito ng poste nang makita ko, agad ko siyang nilapitan para yakapin. Nagulat naman siya pero kalaunan ay yumakap din sa'kin.

"I missed you.." bulong niya.

I laughed because of that. Hindi kasi kami nagkita after Christmas, gusto niyang pumunta sa bahay kaso masyado kaming abala kaya hindi ko siya pinagbigyan.

"Clingy," sambit ko rito.

Pagkasabi ko no'n ay kumalas agad siya sa pagkakayakap kaya mas lalo akong natawa.

"Sino kayang bigla-biglang nangyayakap?" malokong sambit nito.

I pouted because of that, mabuti nalang at natakpan ko agad ang bibig ko dahil baka manghalik bigla ito. Ganito rin ba siya sa past relationships niya? Thinking about it now, I realize that I still don't know some things about him. Hindi pa namin napag-uusapan ang mga ganoong bagay.

"Let's go—"

"Oh, Nikolai! Nandyan ka pala.." boses ni Papa.

Oh my God! I'm doomed!

"Si Nikolai ba kamo— oh hijo! Pasok ka. May bisita ka pala, Treia! Bakit hindi mo papasukin?" si mama naman ngayon.

Tiningnan ako ni Isaiah, tila nagtatanong kung anong gagawin niya.

Sabay-sabay kaming pumasok sa loob, ibinalita agad ni mama na nandito si Isaiah. Tuwang-tuwa ang mga ito, pati si ate ay nginisian ako.

"Kumain ka na ba, hijo?" tanong ni mama.

Hindi niya matanggihan ang offer ni Mama. Tumingin pa ito sa'kin bago ngumiti.

Sa amin ngayon ang spotlight, panay ang tinginan ng mga ito at ang lawak pa ng ngiti. Si Isaiah naman ay mukhang gustong-gusto ang mga papuring natatanggap niya kila mama.

Pinagmamasdan ko lang siya habang sinasagot niya ang mga tanong nila mama.

To be honest, isa sa pinaka-kinatatakutan ko kaya ayaw ko munang mag-boyfriend ay dahil baka hindi magustuhan nila mama. Kahit pa gustong-gusto nilang magka-boyfriend na 'ko, syempre may standard pa rin sila. Lalo na dahil sa nangyari sa nakaraan, mas tumaas ang standards nila kaya nagulat ako noong nakilala nila si Isaiah, unang pagkikita palang nila parang gustong gusto na agad siya ng pamilya ko. And I'm very thankful for that..

"Mama, papa.." biglang napunta sa akin ang atensyon nila. "Boyfriend ko na po si Isaiah—"

"Weh?"

"Ano kamo, boyfriend mo na si Nikolai?"

"Kailan ang kasal?"

What the fuck? Are they really my family.

"Bakit parang di kayo makapaniwala?" tanong ko sakanila.

Hinawakan ni Isaiah ang kamay ko, mabuti nalang at hindi nila kita yon dahil nasa ilalim ito ng mesa.

Nagtawanan sila dahil sa reaction ko. Nakakahiya naman, dito ko pa talaga sinabi sa harap ng family nila Kuya Froi.

Iniwan ko sila doon dahil gusto raw makausap nila Papa si Isaiah. Nandito tuloy ako ngayon sa garden at hindi mapakali, ano na naman kayang pinag-uusapan nila doon?

"Kailan mo sinagot?" tanong ni ate.

Inabutan niya ko ng wine, mabuti naman para kumalma ako.

"Kanina lang, hindi nga niya alam, e. Biglaan yung announcement ko kanina," sagot ko sa tanong niya.

Natawa naman ito at nagbilin pa na 'wag daw akong maging sakit sa ulo ni Isaiah. Duh? As if!

Fuck. I don't know how to be a good girlfriend! Should I consult to an expert named Imogen Riese? Kapag usapang love life, siya na pambato namin dyan. May sinusunod pa nga yang rules, e. Hindi ko alam kung saan niya napupulot ang mga 'yon pero effective naman ang mga advices niya.

"Let's go?"

Napabalikwas ako nang marinig siya sa likod ko. Hindi ko alam kung ilang minuto na siyang nandoon, masyado akong preoccupied kakaisip kung paano ako magiging girlfriend sakaniya.

"Saan?" kuryosong tanong ko rito.

He held my hand and guided me as we walk out of the house. Ni hindi kami sinita nila mama, kung ako lang siguro mag-isa, baka sinigawan na nila ako. Ang unfair!

"I'll introduce you to my family.." aniya.

'Yun lang naman pala.. fuck? Ano raw? Ipakikilala niya 'ko sa family niya? Oh my God!

"Bakit ngayon pa? Teka, mag-aayos muna ako!"

Maglalakad na sana ako pabalik sa bahay nang higitin niya 'ko pabalik sakaniya.

"No need, they already like you," aniya.

Hindi ko alam kung totoo ba 'yon o nasasabi niya lang 'yon para hindi ako mag-panic. This is the first time someone introduce me to his family, as his girlfriend! Kinakabahan ako, baka masungit ang family niya. Wala pa naman akong alam sa mga ito, si Kuya Isagani lang ang kilala ko. My gosh!

Panay ang pagpigil ko sakaniya habang papunta kami sakanila. Malapit lang 'yon ngunit tumagal kami ng ilang minuto dahil panay ang pigil ko rito.

"Next time nalang kaya? Aalis ako bukas, e. Hindi ako pwedeng mag-puyat.." palusot ko rito.

Totoo namang aalis ako bukas pero ayos lang kahit magpuyat ako, duh?

"Samahan kita bukas."

Huminto siya sa paglalakad kaya huminto na rin ako at hinarap ito.

"Nope, girls' night out. No guys allowed."

Napatango-tango lang siya at hinawakan na ang kamay ko. Iginiya niya 'ko papasok sa isang malaking bahay. Labas palang ay magarbo na, ano pa kaya sa loob.

"Alright. Let go inside," aniya.

Related chapters

  • Behind the Scene   Kabanata 22.2 - Jauregui

    Pumasok na kami sa loob gaya ng gusto niya. Gusto ko sanang alisin ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko dahil nakakahiya kapag nakita ng mga magulang niya kaso ayaw niya talagang bitawan ito."Bawal na ba talaga mag-back out? Hindi ako prepared!" reklamo ko rito habang papasok.Iginala ko ang mata ko sa loob, gaya ng inaasahan ay magarbo nga ito, maraming palamuti sa bawat sulok, marami ding paintings."I'm not also prepared when you told them that I'm your boyfriend," aniya.Aba, at rumebutt pa nga."Of course you shouldn't be prepared, it's a surprise, duh?" sagot ko rito at inirapan pa siya.&nbs

  • Behind the Scene   Kabanata 23.1 - Night Out

    Today is the day. Naghanda ako para sa girls' night out mamaya. Nagpaalam na rin ako kila mama noong nakaraan pa. Umuwi na kasi sila kaninang umaga pa habang ako ay nag-stay dito kila ate, dito na rin ako natulog. Actually, may kwarto na 'ko rito dahil gusto ni ate na dumalas ang punta ko rito, para daw may kasama siya minsan at nang hindi siya ma-home sick. Dala ko na rin sa isang bag ang mga gamit ko para mamaya."Niko's here, bumaba ka na Treia!" sigaw ni ate mula sa labas.Nag-presinta si Isaiah na ihatid ako patungo sa penthouse ni Adel. Siya na rin daw ang magsusundo sa'kin kinabukasan. Hindi na 'ko tumanggi dahil bukod sa ayokong makipagtalo sakaniya, gusto ko rin na makasama siya. Cheesy, right?Bumaba na 'ko dala ang Dior tote bag kung saan nakalagay ang mga gamit ko.

  • Behind the Scene   Kabanata 23.2 - Paranoid

    "Kendall, did he view your IG story?" tanong ko kay Ken na nakanta ngayon.Nagpost kasi siya ng IG story kanina pa bago kami magsimulang mag-inuman. Inabot niya sa'kin ang phone niya at ako na ang nag-check kung nakita niya ba. Bumungad sa'kin ang litrato naming anim na naka-lingerie na at ang malala, binebenta kami ni Kendall sa IG story niya! Pinost niya rin yung solo pic namin na may nakakagagong captions. Mabuti at taken ang nakalagay sa'kin, taken by Nikolai Jauregui daw, naka mention pa si Isaiah. Ay jusko, ayoko ngang madaming makaalam ng relationship namin, binulgar naman ni Kendall!I checked the viewers, madaming nag rereact at nag rereply sa mga pictures namin, yung iba ay naka-mine sa mga kaibigan ko. Ang gago talaga ni Kendall! Inisa-isa ko na ang mga nakakita, nag view si Isaiah! Ibig sabihin, nag-online siya! But he didn't message

  • Behind the Scene   Kabanata 24.1 - Sugar Daddy

    Maaga akong sinundo ni Isaiah, tulog pa ang mga gaga at si Adel lang ang nagising ko kaya sakaniya nalang ako nagpaalam. Hindi raw muna kami uuwi dahil may pupuntahan pa raw kami, hindi ko naman alam kung saan dahil walang nabanggit si Isaiah."Where are we going?" tanong ko, hindi na ‘ko nakapagpigil kahit kanina ko pa siya tinatanong, panay ngiti lang ang sagot sa’kin.Gaya ng kanina, ngumiti ulit siya at sumulyap sa’kin ng ilang beses bago ibinalik ang tuon sa dinaraanan namin."Where do you think we're going, baby?" maloko niyang tanong.Inirapan ko ito at bumusangot nalang ako habang nakatanaw sa kalsada na puro puno lang ang makikita. Sabi na nga ba, wala akong makukuhang matinong sagot sakaniya. Hindi ko nalang ipinilit dahil medyo

  • Behind the Scene   Kabanata 24.2 - Ride

    "You should take a rest, I'll wake you up later,” he kissed my forehead.Nasa tapat kami ng kwarto na tutuluyan ko, naguluhan ako nang aktong aalis na siya. Akala ko pa naman magkasama kami sa kwarto."Where are you going?" tanong ko rito.Halos mapasabunot ako sa sarili ko dahil sa tanong na 'yon! Baka mamaya isipin niyang gusto ko siyang makasama sa iisang kwarto kahit ayon naman talaga ang totoo!"To my room, it is the room next to yours so if you have a problem, just knock on my door,” tugon nito.Napatango pa 'ko at hinawakan na ang doorknob para sana buksan ang pinto ngunit hindi ko na napigilan at nilingon ko ulit ito.

  • Behind the Scene   Kabanata 25.1 - Sweet Revenge

    Nakabusangot lang ako habang hindi pinapansin si Isaiah. Kanina niya pa 'ko pinapasakay sa kabayo, ako lang ang may ayaw. Paano ba naman, kanina niya pa 'ko iniinis dahil sa nangyari!Pagtapos kong sabihin 'yon, humagalpak siya ng tawa at pinitik pa ang noo ko. Mukha na tuloy akong uhaw na babae sa paningin niya. Nakakainis! Hanggang ngayon hindi pa rin maalis ang ngisi sa labi niya, tuwang tuwa pa rin na naiinis niya 'ko!"Come on, baby. We're running out of time. Who knows, maybe I could change my mind and provide your needs later,” he continue mocking me, he even winked at me!Sinamaan ko siya ng tingin at umakyat na sa kabayo gaya ng gusto niya. Inalalayan niya 'ko bago sumakay rin, nasa likod ko siya at hawak pa rin ang bewang ko. Padabog kong tinanggal ang kamay ni

  • Behind the Scene   Kabanata 25.2 - Safe and Secure

    Tanghali na nang magising ako, hindi man lang ako ginising ni Isaiah! Nagtatampo yata, natawa agad ako bago maligo at magbihis dahil ang alam ko'y aalis kami ngayon. Hanggang sa makarating sa hapag, hindi pa rin maalis ang ngisi ko. Lalo na nung makita ko ang busangot na mukha ni Isaiah, nasa hapag na ito, may pagkain na sa plato ngunit hindi pa rin nagsisimulang kumain, hinihintay yata ako.He is surveying me from head to toe habang palapit ako sakaniya. Nakabusangot pa rin ang mukha at parang hindi nagustuhan ang suot ko. Well, I'm wearing white flowery dress na hanggang baba ng tuhod ang haba."Good morning, baby!" masiglang bati ko bago umupo sa gilid nito."Morning..” malamig na tugon nito at nagsimula nang kumain.

  • Behind the Scene   Kabanata 26.1 - Bestfriend

    Naging abala na kami pareho ni Isaiah nang matapos ang Christmas break, pareho kaming nag-focus sa studies at kanya kanya naming buhay pero hindi pa rin mawawala ang quality time namin together. There are times he would visit me in school, minsan naman ako ang napunta sakanila. Napunta rin siya sa bahay, at kapag nakila ate ako, nagkikita rin kami. Minsan nga doon pa siya nakikitulog, magkahiwalay kaming kwarto dahil ayaw ni ate na magkasama kami, baka makabuo daw ng milagro pero dahil makulit ako, tuwing madaling araw nalipat si Isaiah sa kwarto ko para magtabi kami matulog. Minsan naman doon kami sa condo niya at sa ilang buwan naming pagsasama, never siyang nag take advantage sa’kin.Minsan nga ako pa ang nangunguna at sa kalagitnaan, pipigilan niya 'ko. Parang takot na takot siyang gawin namin 'yon, hindi naman na kami bata. But still, I'm happy that he respects me.On Valentine's Da

Latest chapter

  • Behind the Scene   Wakas IV

    Isaiah’s Point of View "I break hearts..” I thought she's just kidding when she said that, never thought it was real. We became close as weeks passed by. It started when I lend her my clothes, I intentionally forget to took it from her so that I could get the chance to be with her again. As days passes by, she became comfortable with me. I worked really hard to gain her trust, it's not that easy but I manage to do it. All my life, I'm so used to be called Nikolai or Niko but here's Treia, she chose to call me Isaiah instead. I really hated that name before but hearing her calling me that way, God knows how much I thank my parents for giving me such name. It is like a music to my ears and everytime she's calling me that way, I felt alive. She's the only one who have the privilege to call me that. "It's not easy son but we have connections so leave it to me, I'll sue everyone who harmed your girl!” Dad said, full of authority. He called someone from his team to do me a favor, my f

  • Behind the Scene   Wakas III

    Isaiah’s Point of View"Dude, yung crush mo ‘yon ‘di ba?" bulong ni Mateo.I glance at the group of girls coming our way, they sit on the couch near us. One of them caught my attention, it's her again, the only woman that caught my attention. I didn't respond to Mateo, nanatili akong nakaupo roon habang pasimpleng nakatanaw sakaniya. But damn, hindi nakakatulong ang ingay ni Paul at Davis."Sino bang type mo dyan, bro?" Paul asked, he's not yet wasted, they are in their usual self, mahilig mangolekta ng babae.I shoot dagger-like stares at them but it seems like they didn't even care. I don't know why we ended up being friends, si Mateo ang pinakamalapit sa’kin at nakilala ko lang si Paul at Davis nitong college na. Nakakasundo ko sila sa ibang bagay pero pagdating sa trip n

  • Behind the Scene   Wakas II

    Isaiah’s Point of ViewDays went slowly, ganoon yata talaga kapag may inaabangan kang araw, mas bumabagal ang oras. We are here at the plaza waiting for the event to start. I chose the seat near the stage para makita ko siya nang malapitan, I want to see her performing. The other reason is I want her to see me watching and supporting her."Uy, pre! Ayan na yung crush mo, yung crush mo pre! Whoa, go crush ni Nikolai!" sigaw ni Mateo. Sana pala hindi ko na sinama ang ungas na 'to.God knows how many times I cursed Mateo in my mind. Mabuti nalang at maingay ang crowd, natatabunan ang sigaw niya. I'm watching my girl intently as she performed, she act, dance and sang and I can't help but to be proud of her. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong isinigaw ang pangalan niya o kung ilang beses akong napapalaklak. I feel l

  • Behind the Scene   Wakas I

    Isaiah’s Point of View"Hoy Treia, come here!" Chandria said, referring to the girl who went inside their house.Chandria is one of my brother's friend and we are here in their house. Isagani bring me with him because I will be left alone in our house, it's fine being alone though, I can call Mateo and play basketball with him but my mother insisted and told me to join my brother.My brother has a lot of circle of friends and I can say that this circle is the most special for him. I've known them for years because they usually hang out in our house.The girl who was about to go upstairs suddenly stopped walking and faced us. She looks tired, her hair is in a messy bun and her face is covered with sweat. She's holding a bunch of paper on her hand whil

  • Behind the Scene   Kabanata 31.3 - Despidida

    "Joke 'yon, beh?" Grace sarcastically said, she even rolled her eyes at me.Natawa lalo ako sa reaction nila. Tumayo pa si Grace at nag walk out, sa kitchen yata pumunta. Wait, is she serious?"Sa tingin mo matutuwa kami knowing na aalis ka?" si Iris. Mukhang seryoso ito at galit na nakatingin sa'kin.Natahimik ako dahil doon. Kakaibang despidida party yata ang napuntahan ko. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Mads."Aalis siya? Saan ka pupunta?" inosenteng tanong nito.Napa-face palm ako, binatukan naman siya ni Kendall at si Grasya na nag-walk out ay tumawa ng malakas, rinig na rinig siya sa buong penthouse.

  • Behind the Scene   Kabanata 31.2 - Camera and Album

    Muntik na 'kong masamid dahil sa sinabi niya. They doesn't know about what happened to us, wala rin akong balak sabihin sa kahit na kanino. As much as possible, I want to keep our problems. Baka kasi mas lalo lang lumaki kapag pinagsabi namin sa iba, mas maraming nakakaalam, mas magulo.Lumipas ang mga araw, pinayagan nang umuwi si Papa dahil maayos na ang lagay nito ngunit hindi muna siya pwedeng pumasok sa trabaho dahil kailangan niya pang magpahinga ng ilang araw. Isaiah is always sending me a message, tuloy tuloy pa rin siya sa pagpapaalala sa'kin sa mga dapat kong gawin araw-araw. Minsan nga nakakalimutan ko nang kumain pero dahil sa message niya, bigla kong naaalala. Tinupad niya naman yung pakiusap ko na huwag muna siyang magpakita sa'kin at sa ilang araw na 'yon, nakapag-isip isip na 'ko.I already booked a ticket, bukas ng gabi na ang flight namin papunta sa New York, sabay kami ni Ri

  • Behind the Scene   Kabanata 31.1 - Envelope

    I couldn't contain it, I just want to cry and cry all day pero pinigilan ko dahil ayokong makita niyang umiiyak ako. Ayokong makita niyang mahina ako ngayon."You knew yet you didn't even told me? How dare you, Isaiah!" my voice thundered.Agad na napalitan ng pagkabahala ang itsura niya. Lumapit ito sa akin para pakalmahin ako pero bawat pagdampi ng kamay niya sa balat ko, siya namang pag-iwas ko. Panay ang paghampas ko rito, hindi ko na naisip kung nasasaktan ba siya kasi ako, sobrang nasasaktan ako!I told him everything, wala akong nilihim sakaniya. Alam niya kung gaano ko kagustong malaman ang dahilan kung bakit ayaw sa'kin ng pamilya ko, alam niya kung gaano ako katakot makagawa ng pagkakamali dahil baka tuluyan na nila akong hindi tanggapin. Alam niya rin kung gaano ako

  • Behind the Scene   Kabanata 30.2 - Betrayed

    Nagpasya akong umalis sa hospital noong araw na 'yon, I drive all the way to Isaiah. Sigurado akong nasa condo lang siya. He's sick, mag-isa lang siya roon kaya walang nag-aalaga sakaniya. I felt bad becase of it, I should be the one to take care of him, ni hindi niya sinabing may sakit pala siya. The hell, Treia, you're out of your fucking mind for the past days!Dumaan ako sa fastfood restaurant at pharmacy para bumili ng makakain at ng gamot. I have spare key kaya madali kong nabuksan ang room niya. I saw him on the couch nakahiga ito at hindi pa nagpalit ng damit, mukhang kagagaling lang sa trabaho. He looks tired and cold, nakayakap siya sa sarili niya at nanginginig pa.My baby's sick.Ibinaba ko ang mga binili ko at agad na nagtungo sakaniya. I held his cheeks, mainit ito. Bahagyang dumilat ang mata niya, kasunod no'n ang paghaplos niya sa kamay kong nakahawak sa pi

  • Behind the Scene   Kabanata 30.1 - Unstable

    Kararating lang namin sa ospital, my father is in the ICU, fighting for his life. Sumabay nalang ako kay Isaiah patungo rito, hindi ko kasi alam kung kaya ko bang mag drive knowing that one of the important person in my life is in danger. Iniwan namin ang kotse ko roon, he promised to take care of that. Isaiah never leave my side, my mother is also here with us, nakaupo lang kami sa labas ng ICU habang hinihintay na matapos ang operasyon. Si Ate naman hinatid daw pauwi si bunso pauwi. No one told me what happened to Papa, parang iwas silang lahat sa'kin nang dumating ako, even my mother.Napatayo kami nang makarinig ng ingay, patungo sa'min si Tita at mukhang galit na galit. Huminto siya sa harap ko, akmang sasampalin na 'ko ngunit naiwan sa ere ang kamay niya at dinuro-duro nalang ako nang makita kung sinong nasa tabi ko."You.. this is all your fault!" her voice thundered.

DMCA.com Protection Status