Share

5.1 WHERE'S MISS?

MIA THYREES

Dalawang araw na masungit ang panahon. Ngayong araw ay ganoon pa rin. Alas-sais palang ng umaga ay nandidito na ako sa aking sariling silid sa maids quarter. Sinadya kong magpaaga dahil misan bigla nalang mag te-text si Miss na kailangan kong pumasok ng maaga kung may biglaang lakad. Ang pagkakataong iyon ang pinaghandaan ko kaya ako maaga. At least kung kailangan niyang umalis agad-agad ay nandidito na ako.

Tulog pa yata si Miss kaya pahiga-higa nalang muna ako dito sa aking single-size bed. Habang naka titig sa naka off na lightbulb sa kisame, napaisip ako kung paano ko sasabihin kay Miss na kailangan kong mag cash advance sa kaniya para ibili ng bagong phone. Hay, tinanong niya ako lastweek kung kailangan ko ng new phone, sagot ko naman, no need. Akala ko kasi may ilalaban pa yung phone ko, gi-give-up na pala.

Napalingon ako sa pintuan nang may kumatok.

"Good morning, Bani," bati ko nang mapagbuksan si Vanessa.

"Good morning, Ya. Uhm, maaga ka yata ngayon?"

"Nag-aalala kasi ako, eh. Baka may biglaang lakad si Miss tapos hindi ko alam."

Nagsalubong ang kilay ni Vanessa. "Huh?"

"Sira kasi ang phone ko. Alam mo naman si Miss, minsan ang aga-aga may biglaang lakad. Teka, anong sadya mo?"

Ngumiti si Vanessa bago sumagot. "Pahiram naman ng charger, oh." Nanganganot pa sa ulo niyang pakiusap.

"Oo naman, pasok ka muna." Kinuha ko ang aking charger na nasa drawer at iniabot iyon kay Vanessa na nakaupo na sa pang-isahang upuan na yari sa kahoy. "Sa'yo na muna 'yan, Ban,sira naman ang phone ko."

"Hindi mo ba pinaayos?" usisa niya.

"Sabi pa ng technician, sa status ng phone ko ay mas mabuting bumili nalang ako ng bago." humugot ako ng malalim na paghinga. "Sana good mood si Miss para maka cash advance ako."

"Ikaw pa, ang lakas mo kaya 'don," tumayo na si Vanessa at tumalikod papunta sa pintuan. "Sige Ya, hiramin ko muna 'to, ha."

"Bani, teka," pigil ko sa kaniya.

Nahinto si Vanessa at lumingon sa akin. "Bakit?"

"Nitong nakaraan, diba sabi mo aakyatan mo ng ice pack si Sir Phin sa kuwarto nya? Bakit pinagmadali ulit akong akyatan siya ng ice pack sa taas?"

"Ah, yun ba. Sorry, nawala kasi sa isipan ko nang utusan kami ni Pipoy para lumabas. Pinagmamadali kami ni Manang Gigay," mabilis niyang paliwanag.

Tumango-tango ako. "Ah...Uhm lumabas kayo ni Pipoy?"

"Oo," ngiti niya.

Nginitian ko si Vanessa bago siya bumalik sa kaniyang silid. Nang mag-isa nalang ako sa silid ay kumunot ang noo ko sa sagot niya. It wasn't a plausible reason! Eh, Si Pipoy nga ang tumawag sa akin para akyatan ko si Sir ng ice pack, paano nangyaring umalis sila? I pouted my lips ang shrugged. "Ito talagang si Vanessa, weird din minsan," bulong ko sa aking sarili.

"Good morning, Miss!" masiglang bati ko nang makapasok sa masters bedroom, saka ko inilapag ang kape sa bedside table.

Alas-otso na, kanina pa ako naghihintay sa kaniya sa labas. Nang umalis na si Sir Felix ay napagpasyahan kong umakyat para bulabugin itong amo kong nagtutulog mantika.

Hindi niya ako sinagot, bagkus ay sumiksik pa sa ilalim ng kumot. Pumasok ako sa clothing room. "Miss, anong gusto mong isuot mamaya sa meeting mo with Madam Catalina?" tanong ko sa kaniya habang namimili ng damit.

Kumuha ako ng isa. Napili ko ang kulay scarlet na pares ng tailored suit, maganda at napaka sexy ng kulay. "Miss bumangon ka na d'yan. Maligo kana, namili na ako ng susuotin mo. Scarlet ang napili kong kulay para parakang rosas na hindi pa napipitas," sabi ko na may hagikhik pa sa dulo. Hay sarap, mukhang mauuna ko siyang inisin, ah.

Nagtaka ako kung bakit wala paring imik si Miss. Most of the time babangon na'yan kapag pumasok na ako dahil gugustuhin pa niyang bulabugin ko siya kaysa ma late siya sa mga lakad nya.

Pabagsak akong naupo sa gilid ng kama. "Miss, pagod na pagod ka ba kagabi? Knock down, ah." Nakangisi kong tanong. Nasa akin parin ang pagtataka, kanina pa siya walang imik. Inihilig ko ang aking ulo sa ulo ni miss na natatabunan ng kumot. "Miss, seryoso na, hindi ka pa gising?"

Hindi ako gumalaw nang dahan-dahang bumaba ang kumot na nakatalukbong sa kaniya.

My lips parted seeing Sir Phineas!

"What are you doing here?"

I stunned for a moment when I met his amber eyes as it scintillates the brightest spark this morning. Spark? Nag spark din yung strict niyang tono.

"S--- Sir Phin?" My stammering voice broke out. "Nasaan si Miss?" Tumayo na ako sa pagkakaupo sa kaniyang tabi.

"She left," sagot niya saka nag-inat. Ipinuwesto pa niya ang kaniyag dalawang palad sa likod ng ulo na para bang ginagawang unan.

Ilang sigundo akong nag-iwas ng tingin. God! His defiling my innocence! Nakakawala sa tamang pag-iisip ang namumutok sa kakisigan niyang mga braso. "What do you mean by she left? B---bakit hindi ko alam?"

"You're the most unreliable personal assistant I've known. She phoned you but your line was not ringing. She sent you a text. Did you even bother checking your messages? You’re a personal assistant who's impossible to reach when needed."

Aba! Saan ba minana ng lalaking ito ang dila niya? Kahit gusto ko siyang patulan ay hindi ko nalang siya pinansin. Napamaywang ako at nagpabalik balik ng lakad. Shoot! Paano ngayon 'to? Walang lakad si Miss na hindi ako kasama. For sure hirap 'yon kapag walang alalay! Nasanay na'yon na nandiyan ako.

"Saan siya nagpunta? May na mention ba sya? Sa meeting ba with Madam Catalina? O kay Doc. Ernest?" sunod-sunod na tanong ko matapos huminto pag paghakbang.

Phineas shook his head. "Neither."

"Huh?" Napalingon ako sa bedside nang tumunog ang cellphone na nakalapag doon. It’s his for sure.

"It's mom," Phin announced before connecting the line.

"Good morning mom."

"Yeah."

"Yup, sure thing."

"Yup, she’s here."

"Okay."

Iniabot niya sa akin ng kaniyang phone. "She wants to talk to you."

"Good morning. Miss I'm sorry," bungad ko.

"What happened? Your line was unattended." Medyo galit nga si Miss sa tono niya.

"Miss..." I sigh. "Hindi na kinaya ng phone ko."

"What do you mean?"

"I thought maayos pa."

"Hay naku Mia!"

"Sorry Miss. Sorry talaga," I sincerely apologize.

"I'm having a short vacay."

"Saan? Sino kasama mo? Okay lang ba na wala ako?"

"Yes, it's okay, I'm with Claire. It feels like I'm walking on the air being alone with her. It's been a while since we've been able to bond just the two of us."

"How about your appointments?"

"That's the reason why I want to talk to you. I will be gone for a week, so you have to reschedule everything."

I heaved. "Okay."

"Of course you can't do that without a phone."

"Hmmm, oo."

"Uutusan ko kay Phin na ibili ka ng new phone and resched everything ASAP, Mia Thyrees," she clearly emphasize my name.

"Okay, thank you miss. Five gives hah, hindi ko kaya yung tatlong kaltasan lang."

"Yeah, yeah, alam kong sasabihin mo 'yan. Mia, be sure this won’t happened again. Alam mong ayaw ko ng hindi ako sinasagot, ano pa kaya yung hindi makontak."

"Yes, Miss. Sorry talaga."

"Forgiven. Last thing, habang wala ako si Phin muna ang sasamahan mo."

Kumunot ang noo ko. "Sasamahan saan?"

"He wanted to explore San Martin. Sigurado naman akong masasamahan mo sya."

Tumalikod ako kay Sir Phin at pumasok sa clothing room. "Are you sure Miss?"

"Why can't I?"

"I mean, may bonding kayo ni Miss Claire, si Sir Felix at Phin ba wala?"

"Felix was loaded this time."

"Kung gusto niyang mag explore, sana isinama mo nalang sya."

"Mia, wala ako sa San Martin. Please don't let my son got bored while staying there. Baka bigla nalang umalis 'yan bukas," mahinang boses ni Miss.

"I don't get it, Miss." I asked inscrutably.

"Just let him enjoy San Martin para hindi siya umuwi agad ng Germany, yun lang."

Napanguso ako. "Hmmm.. okay, ako na ang bahala." Gusto ko sana sabihin kay miss na sana puwedi akong mag break ng one week sa trabaho, total wala naman siya, pero sa mga bilin niya ngayon sa akin imposible na.

"Great!" masiglang tono niya.

"Miss kalimutan mo na ang pangalan mo wag lang ang pasalubong ko."

"Papasalubungan kita ng jowa."

Napangiwi ako. "Bye na!"

"Wait, masama pa rin ba ang panahon dyan?"

Sumilip ako sa bintana. "Hindi na masyado, rain shower nalang."

"Oh, ano pa ang hinihintay mo lumabas ka na, Mia. It's your time to shine!" tukso niyang may hagikhik.

Hay, kahit kailan si Miss! "Bye na Miss! Pag ako nainis sa'yo hindi kita papauwiin dito sa mansyon mo!"

"Walang pasalubong!"

"Kung jowa naman 'yan wag nalang. Bye na!"

Narinig ko ang halakhak ni Miss bago niya pinutol ang linya.

Nang maputol ang linya ay bumulagta sa akin ang lock screen image ng phone na hawak ko. Argh! Hindi pa niya pinapalitan!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lovely Licious
Next please ...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status