Share

4. ASH

MIA THYREES

I arrived at the university yesterday earlier than I expected. I seize the time to do all the assignments that I should have been done the day before yesterday. I barely made it to the deadline, but I beat the clock and finished everything at the eleventh hour.

I smilled remembering today is friday. Uuwi si ate mamaya dahil day-off niya. Dahil libre ako ngayon kaya susunduin ko siya.

Bago ako dumiretso sa flowershop, dumaan muna ako sa mall para ipatingin sa electronic repair shop itong cellphone kong naghihingalo.

Wala naman akong balat sa batok pero bakit ang malas-malas ko? Ang sabi pa ng technician ay bali wala rin kung papapalitan ko ang LCD ang cellphone. Luma na, may sira na, nag hu-hung pa! Mas mabuting dagdagan ko nalang raw ang pera ko para bumili ng bago. Hay, kailan pa ako magkaka budget para dito?

Bagsak ang aking balikat na lumabas ng repair shop nang marinig ko ang boses ng isang babae na tawag tawag ang pangalan ko.

"Ash?" nakunot ang noo ko habang sinasambit ang pangalan ng babae. Si Ash ay isa sa mga kaibigang babae ni ate sa university.

Lumapit siya sa akin bago nagsalita. "Wala ka bang kasama?" She warmly asked.

Bahagya ko siyang nginitian. Hindi kami malapit ni Ash kaya medyo nabigla ako sa tono niya ngayon na parang ang tagal-tagal na naming magkaibigan. "Oo, mag-isa lang ako."

"Saan ka galing?"

Tinuro ko ang gadget repair shop sa likod ko. "Dyan, magpapaayos sana ng cellphone."

"Naayos ba?"

Umiling ako."Hindi nga eh," ngiti kong may simangot.

"Oh, need a new one?"

Tumango ako. "Yup, pero saka na ako bibili."

"May bagong coffee shop sa third floor, samahan mo naman ako magkape, oh. Wala rin kasi akong kasama."

Bago paman ako makasagot ay hinila na ni Ash ang aking kamay patungo sa elevator. I don't have an idea na ganito pala ka friendly itong si Ash.Kilala ko siya dahil magkaibigan sila ni ate.

"How's Hannah?" Panimula ni Ash nang maka order na kami ng kape.

"Okay naman siya," ngiti ko "Nagtatrabaho siya bilang flourist. Pitong buwan na ang tiyan niya, excited na nga kami."

"Talaga? Ang bilis ng panahon, malapit na pala siyang manganak."

Makalipas ang ilang minuto naming pag-uusap ni Ash ay sumagi sa isip ko si Seph. Magkaibigan sila ni ate kaya hindi malabong may alam siya tungkol sa lalaki. Kung hindi rin ako nagkakamali, parehong nasa Engineering department si Ash at Seph.

"Ash, simula kasi nang mabuntis si ate ay hindi ko na nakita si Seph sa university. Alam mo ba kung nasaan siya?" I asked hoping to mine few information about ate Hannah's boyfriend. I was completely in the dark about how well is their relationship.

Ash took a sip on her cup. "Pasensya na Mia pero hindi ko alam. Don't worry, kapag nakita ko ang lalaking 'yon, susugurin ko siya ng martilyo dahil sa pag-iwan niya sa ate mo."

"Gusto ko kasi siyang makausap. Marami na akong pinagtanungan sa university pero wala ni isa ang nakakaalam kung nasaan si Seph. May alam ka ba tungkol sa relasyon nila? Masama bang nobyo si Seph?" I asked to have a better perspective of their relationship.

Umiling si Ash. "Mia, hindi ko naringgan si Hannah na nagsabi ng negatibo tungkol kay Seph. Sa tingin ko naduwag si Seph sa responsibilidad niya kay Hannah kaya hindi na siya nagpakita."

"Noong sinabi ni ate na handa siyang maging ama at ina ng bata, itinigil ko na ang paghahanap at pagtatanong tungkol kay Seph.But the situation remains inscrutable for me. It's just that everyone I ask about Seph cant give a piece of information about him. It's like Seph doesn't exist at the university before, especially in the engineering department."

"Kung sinabi 'yan ni Mia, support ako sa kaniya. Dahil sa pagtalikod ni Seph sa kaniya, wala na rin akong tiwala sa lalaking 'yon. If I were you Mia, kung makikita mo man si Seph ay huwag mo na ilapit ang ate mo sa kaniya. And yeah, itigil mo na ang paghahanap sa buwesit na'yon, nag aaksaya ka lang ng oras. Kung matino siyang lalaki hindi siya dapat tumalikod."

Dama ko ang simpatiya ni Ash para kay ate. Napunta kalaunan ang usapan namin sa cellphone kong sira.

"Ash, hindi ko matatanggap 'yan," mahigpit kong tinanggihan ang alok niyang cellphone.

Itinulak ni Ash sa gawi ko ang cellphone na nakalapag sa lamesa. "Mia, tanggapin mo na. Kakabili ko lang nitong bago ko kanina nang magkita tayo. Hindi ko narin naman gagamitin 'yan. Naka format na'yan kaya ready to use na."

Napatitig ako sa cellphone.Kahit sinabi ni Ash na gamit na gamit na niya ang gadget ay nahihiya pa rin ako.Wala kasi sa itsura nito ang gamit na gamit.

Umiling ako at itinulak ang cellphone sa harap niya. Ash, hindi ko matatanggap 'yan, nakakahiya. Tsaka---"

"Sige na please? Hindi ba sinabi ng ate mo na ganito ako kabait?" pareho kaming natawa sa sinabi niya. "Mia, gusto ko lang makatulong. Sabi ko naman diba, hindi ko na rin gagamitin 'yan."

"Ash, hindi ko talaga matatanggap 'yan.Uhm...ganito nalang, puwedi mo ba ibenta sa akin ng mura? Ayaw ko talagang tanggapin kung ibibigay mo."

Nakangiting umirap si Ash sa kawalan. "Hay nako Mia, sige na nga, ibibenta ko sa'yo sa murang halaga."

Lumawak ang aking ngiti. "Sige, ibigay mo saakin ang number mo," kinuha ko ang aking maliit na notebook na nasa sling bag. "Eti-text kita gamit ang cellphone ni ate kapag kukunin ko na. Ay teka, magkano?"

"Two-five, okay na?"

"Two-five? Sigurado ka?" paninigurado ko, wala kasi sa itsura ng phone ang ganoon ka liit na halaga.

"Sige, Ten thousand."

Bumungisngis ako. "Okay call, Two-five."

Matapos ibigay sa akin ni Ash ang kaniyang phone number ay hindi na rin kami nagtagal sa coffeeshop at nagpaalam na sa isat-isa.

"Ate!" Nakangiti ako habang papalapit sa kaniya.

Mahigpit ang siguridad dito sa employees quarter ng flowershop kung saan natatrabaho si ate. Nasa likod lang kasi ito ng shop kaya pati dito strikto si guard. Kung may dadalaw sa mga stay-in employee ay dapat hanggang sa labas ng gate lang ang mga bisita.

"Mia, paano ka nakapasok?" laking ngiti niya matapos ko siyang niyakap.

"Naglakad, ano ba pa?" pareho kaming natawa. "Biro lang. Nakiusap ako kay guard na pumasok, sabi ko buntis naman ang susunduin ko kaya hindi na niya ko sinita."

"Aba, lumalakas kana kay guard ah. Teka, wala kabang pasok kina Miss Ivy?"

"Meron, pero pinayagan niya kong mag off ngayon since wala naman siyang lakad. Alam mo naman kung gaano ako kalakas kay Miss diba?" itinaas baba ko ang aking kilay. "Ako lang naman ang pinakamasipag niyang julalay."

Nasa loob na kami ng silid ni ate. Tutupihin raw muna niya ang mga bagong tuyong damit bago kami umalis.

"Ate, mag maternity leave ka na kaya sa trabaho, malaki na ang tyan mo, baka nahihirapan ka na kumilos sa trabaho," aniko habang tinutulungan siyang magtupi.

"Napag-isipan ko na'yan. Nextweek mag fa-file na ako ng leave tapos sa bahay na ako maghihintay ng panganganak."

"Hay, salamat naman kung ganon. Si mama at papa kasi ikaw ang bukambibig tuwing umaga, nag-aalala sila dahil malaki na tyan mo."

"Okay lang naman kasi ako dito. Mabuti nalang hindi ako maselan magbuntis, hindi ako pinahirapan ni baby. Isa pa mababait ang mga katrabaho ko, hindi nila ako binibigyan ng mahirap na trabaho."

Habang nagtutupi ng damit ay inagaw ng itim na notebook na nakalapag sa lamesa ang aking atensiyon. Hindi ko alam kung ano ang naghimok sa akin pero kinuha ko iyon mula sa lamesa at tinitigan ang cover. "Ate, ang ganda naman ng cover nitong notebook mo. Saan mo----" Nahinto ako nang bila nalang iyon hinablot ni ate sa kamay ko.

"Mia, h'wag ka ngang mangialam!"

Napausog ako paatras mula sa pagkakaupo sa kama dahil bigla nalang nagalit si ate. Bakas sa mukha niya ang pagngingitngit dahil sa ginawa kong paghawak sa itim na notebook. Sa bilis ng pangyayari at madali niya iyong naitago sa kung saan.

"So---sorry." pag-uutal ko.

"Mia, importante 'yon!" paglilinaw niya.Nasa kaniyang tono parin ang galit.

"Sorry," pag-iiling-iling ko. "Hindi ko alam na napakahalaga pala nun." paumanhin ko.

Galit na galit siya dahil sa paghawak ko sa kaniyang notebook kahit hindi ko paman iyon nabubuksan. Ganito pala siya kadaling mainis ngayong nagbubuntis?

I heard she took a deep sigh. "I'm sorry. Hindi 'yon ganoon ka halaga. Listahan lang iyon ng mga deliveries dito sa shop."

"Ah, so importante nga." I felt her uneasiness kaya sumang-ayon ako na importante iyon at valid siyang magalit. Siguro magagalitin nga siya ngayong malapit na siyang manganak.

Dinala ko si ate sa mall dahil wala na akong ibang maisip na lugar na puwedi kaming maglakad lakad na hindi siya maiinitan. Sobrang pawisin raw kasi niya ngayong nagbubuntis siya. Since gusto din niya kumain ng paborito niyang lasagna, dinala ko rin siya sa isang sikat na foodchain sa loob ng mall.

I ordered chololate ice cream na kaya kong kainin araw-araw. Samantala, umorder naman si ate ng paborito niyang mango smoothee and lasagna.

Marami-rami na kaming napagkuwentuhan ni ate hanggang sa biniro ko siya. "Ate patikim naman ng mango smoothee mo, oh."

Agad niyang kinuha ang mason jar na may mango smoothee sa lamesa at inilayo iyon sa akin. "Subukan mo, iiwan talaga kitang naghihingalo dito."

I grin. "Joke lang."

Humagikhik siya. "Ayan, naalala ko nanaman yung huli kang nakakain ng manga." Sinabayan ko na si ate sa pagtawa. Naalala ko rin kasi ang tinutukoy niya. "Akala ko talaga hindi ka na humihinga non kaya para kong baliw na humihingi ng saklolo."

Sandali kaming nahinto sa pag-uusap dahil tumawag si mama kay ate. Matapos nilang mag-usap ay naalala ko si Ash.

"Ate nagkita nga pala kami ni Ash dito kanina. Ang bait pala niya no? Nag----"

"Ano?!"

Nahinto ako sa pagsasalita nang mag react si ate. Para nanaman siyang galit. "Ate, hinaan mo naman ang boses mo ang daming tao," pagpapaalala ko sa kaniya.

"Ano nga ulit ang sabi mo? Nagkita kayo ni Ash kanina?" Ganoon parin ang tono ni ate, bahagya lang humina ang boses niya.

"O--oo." tango ko, gusto ko sanang bawiin ang sinabi ko para hindi na siya magalit, pero imposible. "Diba close kayo nun?"

"Noon yon, Mia," may diin na pinunto niya. "Nag-usap ba kayo? Ano ng mga sinabi niya?"

"Nag-usap kami tungkol sa'yo, tsaka-----" nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba na pinag-usapan namin si Seph. "Tsaka doon sa cellphone niyang alok niya sa akin."

"Hah? Bakit inalok ka niya ng cellphone?"

Ipinaliwanag ko ang totoong dahilan ng cellphone kay ate. Sinabi ko rin sa kaniya na bibilhin ko iyon kapag may budget na ako.

"Mia, papayuhan kita." bakas ang seryosong mukha ni ate. "Bilang ate mo papayuhan kitang huwag na huwag ka na lumapit kay Ash. Yung alok niyang phone, mabuti at hindi mo tinanggap. Yung sabi niyang bilhin mo, please, kalimutan mo na'yon."

"Bakit? Wala naman akong nakikitang---"

"Basta." salansa niya. "Mia, ito na ang huling beses na pag-uusapan natin si Ash o kung sino pang mga kaibigan ko. Kapag nakita mo sila, huwag kang lumapit. Ignore them. Maliwanag?"

Tumango ako. "Okay ate." Mabuti nalang talaga at hindi ko na nabanggit Seph, kundi mag-mo-morph na sya into Hannah Dragona.

Ganito ba talaga ang mga buntis, matindi ang mood swing? Kung oo, parang ayaw kong magbuntis!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status