MIA THYREES
“Ahhhhhh!”Isang napaka tinis na tili ang nagpagising sa akin kinabukasan. Ang ingay! Parang si Ate na nakita si Michele Morrone sa totoong buhay!“Ate, ano ba! Ingay,eh, natutulog pa ako!” ibinaon ko ang aking ulo sa pagitan ng dalawang kumot. Bakit ba siya pumasok dito sa kwarto ko?“Mia, bakit hindi ko sinabing may bago kang phone? In fairness ang ganda ha, mamahalin ‘to for sure.”“Hindi ka naman kasi nagtanong. Inutang ko ‘yan, isang taon ang kontrata ko dyan.”“Wow, lakas mo talaga kay Miss Ivy. Hmm, hindi ko alam na kasing guwapo pala ni Michele Morrone ang nobyo mo?!”Agad akong naupo at walang ano-ano’y hinablot ang phone na nasa kamay ni ate.“Ate, magpaalam ka naman!”“Ang ingay kasi ng alarm mo, kaya pumasok nalang ako para patayin ‘yan. Kanina pa’ya“AAAAAHHHHHHH!” Sigawan ang bumalot sa buong event hall nang umalingaw-ngaw ang napakalakas na putok. Maging ako ay napayuko at prinutektahan ang aking ulo. Ano yun? Sobrang lakas! Nagkagulo sa buong hall, nagsilabasan na ang lahat ng tao, maging si Marian na nasa harap ko ngayon lang ay bigla nalang nawala. Hindi ko man lang napansin kung saan siya tumakbo. Nanginginig ang aking kamay at laman ng aking buong katawan. Takot, nerbyos, balisa at pag-aalala para sa kaligtasan ang tiyak kong nararamdaman ng lahat. Kahit na takot ang bumabalot sa aking sistema ay sinikap kong kumalma. “AAAAAHHHHHHH!” Muling sigaw ng lahat dahil tatlong magkakasunod na putok ang umalingawngaw. Nakaupo na ako sa sahig habang naka yuko. Hindi ako makatayo, hindi makagalaw, nakakatakot! Nalalagpasan na ako ng nagsisitakbuhan. “Ahw!!” Tili ko nang maapakan ang aking paa. Napansin ko ang lame
MIA THYREESHindi ko maipaliwanag ang sama ng gising ko kinabukasan. Marami akong natamong sugat-sugat sa talampakan, may iilan akong pasa sa paa at iilang maliliit aking magkabilang braso. Shuta, para akong manika ng mambabarang na ang daming iniindang tusok-tusok sa katawan.Inabot ko ang aking trench coat at kinapa ang aking cellphone sa bulsa niyon. Mabuti nalang talaga at hindi ko iniwan ang coat ko sa coat check kagabi, kundi goodbye!Binuksan ko ang aking social media account, siguradong sigurado akong may balita tungkol sa nangyari sa Goldstar kagabi. Napaawang ang aking labi nang mabasa ang headline ng isang media network “SHOOTING RAMPAGE AT GOLDSTAR BIRTHDAY PARTY LEAVES LIVES SHATTERED BY UNIDENTIFIED ARMED MEN,” basa ko sa tumatak sa screen. Napabalikwas akong naupo sa aking higaan. Dali-dali kong tinawagan si Britz pero unattended ang kaniyang linya. Sunod kong tinawagan si Marian, hindi ako mapa
MIA THYREES“Thank You Miss!” Abot tainga ang ngiti ko kay Miss nang makita ko ang aking pasalubong mula sa kaniya. Ang dami! From foods to things, I have it! Hindi lang ako ang matutuwa dito, pati na rin ang ate kong buntis, para pa naman yung inahing baboy sa ngayon sa sobrang lakas kumain. Syempre hindi lang ako ang may pasalubong pati na rin si Joan, Manang Gigay, Tess, Vanessa at Pipoy.Alam na ni Miss na may personal na lakad si Sir Phines kaya hindi na siya nagtaka pa na wala ito sa kanilang pagdating.“Mia, can you please help me to put the luggage in my room?” malambing na pakisuyo ni Miss Claire. Tukoy niya ang tatlong luggage na naiwan sa likod ng sasakyan.Tumango ako. “Sure.”Inumpisahan ko nang hilahin ang dalawang luggage, nang mapansin ako ni Vanessa ay nagprisenta siyang hilahin ang isa sa mga iyon.“Ya, alam mo ba kung kaylan uuwi si Sir Phin?
Napatingin siya sa dalawang basong iniwan niya kanina. "Sinong umubos ng isang baso?" tanong niya nang mapansing wala nang laman ang isa."Ako, ang sarap ng juice na dala mo Val, sino ang gumawa ng timplang 'yan?"Sandaling natigilan si Valery. "I---inubos mo ng ganon kadali?"Tumango ako. "Inubos ko agad, sarap eh."Sapo ni Valery ang kaniyang magkabilang pisngi. "Gosh, really? Buti 'di ka nahilo."Saglit kaming nagkatinginan ni Sir Phin. "Hah? Bakit nakakahilo ba'yan?”"Bakit nilagok mo naman agad lahat, hindi mo ba na feel yung tapang? Hindi kasi 'yan juice, Gorgeous, cocktail 'yan!"Nagkatitigan kaming muli ni Sir Phin saka nagtawanan makalipas ang ilang sandali. "So that's why you're feeling dizzy; you're tipsy."Tinakpan ko ng aking mga palad ang aking mukha habang tumatawa. Shuta,nakakahiya. "Inubos ko agad Val, akala
MIA THYREESAlas-dyes na nang magising ako kinabukasan. Patay! Dali-dali akong tumayo, dumampot ng tuwalya at madaling pumasok sa banyo. Kailangan kong mag prepare within ten minutes! Bakit ang tagal ko naman nagising? Nakapikit pa akong nakaupo sa toilet bowl at inalala ang nangyari kagabi. “Ahhhhhrrrrrr.” Naibuka ko ang aking mga mata at napakagat ako sa aking pang-ibabang labi nang madama ang kakaibang hapdi sa perlas na nasa pagilan ng aking dalawang hita. Shoot! Kailan pa ako nagkaproblema sa pag-ihi?Nang yumuko ako para tuluyang buharin ang lahat ng saplot ko sa katawan para maligo, animo’y binuhusan ng malamig na tubig ang aking laman nang makita ang bahid ng pulang likido sa saplot ng aking pagkababae. Napalunok ako at ilang sigundong natulala. Lutang na lutang ako’t hindi kayang i-proseso ng utak ko kung saan ko sisimulang alalahanin ang mga nangyari.Tumingala ak
Dinala ako ng lalaki sa prisinto. Mahigit dalawang oras na ako dito sa kulungan, umiiyak at walang makausap. Halo-halo na ang emosyon na pumipiga sa aking dibdib at mga katanungan na nabubuhol-buhol na sa aking isipan. Papanong nasa silid ko ang kwintas ni Miss Claire? Hindi ako may awa ‘non, hindi ko magagawa sa kanya yun!Umiiyak ako habang nakayuko sa isang sulok ng kulungan nang may tumawag sa akin, nang tumingala ako ay binubuksan na ng pulis ang pintuan ng kuwarto kung saan ako nakakulong.“Labas ka muna, gusto kang makausap ni Mrs. Fuchs.”Agad akong tumayo. Pagkalabas ko ay nakita ko si Miss Ivy at si Sir Phin na nakaupo sa visiting area. Mainit na yakap at iyakan ang salubong namin ni Miss sa isat-isa. “Miss… hindi ako, hindi ko magagawa yun.” Sambit o sa pagitan ng aking hikbi. Gusto kong magpaliwang ng maayos pero hindi ko magawa dahil nauunahan ako ng emosyon at hirap na hirap akong magsalita dahil p
MIA THYREESWala akong sense of direction matapos ang dalawang araw. Physically present nga ako sakswelahan ay mentally absent naman sa discussion. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahagilap ai Britz.Kahapon ay sumadya pa ako sa bahay nila pero ganon pa rin ang nadatnan ko, walang tao. Si Marian naman ay hindi na pumapasok sa skwelahan, baka tuloy talaga ang lipat na gusto ng kaniyang daddy. Parang nawalan ako ng gana na pumasok dahil sa lahat ng nangyayari. Nawala sa isang iglap ang dalawa kong kaibigan, mawawalan pa yata ng trabaho, at may letseng puso pang tumibok para sa lalaking yun na gusto lang naman palang mauna sa pagka birhen ko! Hay!Araw ng miyerkules, tapos na ang klase at natagpuan ko ang aking sarili dito sa isang club. Hindi ko nabasa ang pangalan ng club pagkapasok ko, basta sinabi ko sa taxi driver na ihatid ako sa club at dito niya ako ibinaba. Lutang, drained, walang gana, pinagsakluban ng langit at lupa, ku
MIA THYREES"Hannah, ano ba ng plano mo sa buhay mo?! Alam mo namang ang hirap ng panahon ngayon, eh, nagpabuntis ka pa?!"Hindi ko paman naidilat ang aking mga mata ay nasapo ko na iyon. Kakasikat lang ng araw, pero hindi na mahabol habol ng gunting ang bibig ni mama Loli. Halos araw-araw ay iba-iba ang agenda na binubulyaw niya sa ate ko.Sa huling naalala ko, ganiyan na si mama simula nang tumuntong si ate ng college. Ngayon, kung kailan siya graduating ng kursong agriculture ay saka naman lumala ang mga barkada na mayroon siya. Ewan ko ba, ang tindi ng impluwensya ng mga barkada niya sa kaniya. Pansin kong ibang-iba ang ate ko lalo na kapag nasa eskwelahan. Nasa fourth year na si ate habang ako naman ay second year sa kursong tourism management.Sa tuwing pinapagalitan siya ng ganiyan ng mama naming sobrang bait, may invisible plaster talaga itong bibig ko. Hindi ako nagkokomento. Bahala na si ate kung ano ang gagawin niya sa mga salitang binibitawan ni mama. The choice is hers, s