Share

3.2

Kumatok akong muli ng tatlong beses dahil walang sumasagot. Napakunot tuloy ang noo ko. "May tao kaya sa loob?" Napagpasyahan kong pihitin nalang ang doorknob. Nang sumilip ako sa loob ay walang tao. "Sir Phin?" tawag ko nang maiawang ng mas malaki ang pintuan.

"Wala ngang tao," naibulong ko. Total doctor naman siya, kung makikita niya itong icepack sa bedside alam naman siguro niya ang ibig sabihin nito. Malabo namang di niya kayang gamutin ang sarili niya.

Matapos kong mailapag ang icepack sa bedside table ay tumalikod na ko para umalis. Pero bigla akong napaiktad nang nagbukas ang pintuan ng banyo at iniluwa niyon si Sir Phin.

Hindi ako nakagalaw habang pinapanood siyang isinasara ng pintuan ng banyo. Shoot! He's half naked!

My eyes landed on his back. He has a proud muscle figure on his back turso. I can't stop my jaw dropping looking at his good damn ass!

Madali kong tinikom ang aking bibig nang humarap siya. He's currently drying his hair using a while towel. Bakit hindi siya apiktado na ganoon ang kaniyang itsura sa harapan ko?

His front turso was awsome. Ano ba tawag non? Biceps, triceps, abdominal muscles, 6 or 8 pack, ay ewan! Narito na yata sa harapan ko ang best example ng mga 'yon.

My eyes landed on his visible V line which indicates that he has a strong core, down to his... Natutop ko ang aking bibig saka tumalikod. Shuuta, buhay naba 'yon o hindi pa? May--- may babae bang kaya 'yon?

"Anything?" tanong niya nang makita ako.

“I’m sorry, sir. I knocked, but no one answered, so I just went in. I know it's inappropriate, but I just placed the ice pack here on the bedside."

"I heard you."

What? Bakit hindi siya sumasagot? "Inutusan akong magdala ng icepack dito para sa pisngi mo."

"Just one? I need two. Got a bruise on my leg."

Umikot ako para humarap sa kaniya. Ganoon ba ako kalakas para mag bruise yon? Napaatras ako nang nasa kama na pala siya at naka upo. When I look at his left foot ay napa bulong ako. "May bruise nga."

"I need two."

Tumango lang ako saka lumabas ng silid para bumaba.

Pagkarating ko sa kusina ay uminom kaagad ako ng isang basong tubig sa halip na kumuha kaagad ng ice pack. Kinapa ko ang aking dibdib. My heart throb inside my ribs like a bird trapped in a cage. I shook my head when a half-naked Phineas Fuchs pops on my mind. Ugh! Bakit naman kasi naka boxers lang siya?!

"Miya, nakalimutan mo naba? Halos araw-araw ka nakakakita ng half-naked men sa resort. Heller! Bakit ka ganiyang mag react?" My subconscious jeered. "Dahil ba hindi mo ma imagine kung gaano kalaki ang ----"

"Slush!!" I stopped my sub consciousness adding more and more details about what I saw earlier.

Bitbit ang isang ice pack kay bumalik ako sa taas. This time kumatok parin ako pero hindi nanaman sumasagot si Sir Phin. Pinihit ko nalang ang doorknob saka pumasok. Siya ang nag request ng another icepack, meaning expected na niya na babalik ako. Entering his room, I saw Phin was sleeping like a baby on the bed. Ganoon siya kadaling nakatulog? Sabagay, pagod sya sa biyahe.

"Put it on my cheek."

Napaatras ako nang magsalita siya. Kanina pa ba niya ako pinapakiramdaman? Hindi lang siya magaling mag bingi-bingihan, pati tulog-tulugan, hanep!

Humakbang ako papalapit sa kaniya. Iaabot ko lang sana ang icepack kaso nakapikit siya kaya ipinatong ko nalang sa pisngi niyang sinuntok ko kanina.

"Hahh" Napasinghap ako sa pagkabigla niyang hawakan niya ang aking pulsuhan.

"Not there," he said, moving my hand. "Here," he added, positioning the ice pack in my hand at the center of his cheek that I punched earlier. "Hold it, I tend to move a lot while sleeping.”

Napanganga ako sa sinabi niya. "Te---teka may gagawin pa'ko sa baba."

"Just hold it until I wake up. Do not argue, I'm dead tired."

Ano ba ang magagawa ko sa pa don't argue I'm dead tired niya? Napabuntong hininga ako. Kalahating oras na siguro ang lumipas simula nang umupo ako sa tabi ni Sir Phin at idinampi dampi ang icepack sa pisngi niya. Hikab ako ng hikab habang siya naman ay parang sanggol na natutulog.

Kanina pa ako nakatitig sa kisame. Hindi man lang nag abalang mag short bago natulog. Naka diba pa! Hindi liberated ang mga mata ko sa ganiyan kalaking umbok kaya nasa itaas pa rin ang paningin ko.

Kahit kailan hindi ako nautusan ni Miss sa ganito ka boring na gawain. Hihintayin ko ba talaga siyang magising? Patagal ng patagal, pagigil ng pagigil ako sa kanya. Sumandal ako sa headboard at kumurap kurap. Hay, hirap labanan ng antok.

Nabalabikwas ako nang makita ang ang hindi pamilyar na lampshade na aking unang nakita sa pagmulat ng aking mata.

"Mia, nakatulog ka! Antanga! S***a!" pabulong kong naimura. Napalingon ako sa pintuan ng banyo nang marinig ang pagbaksak ng tubig mula sa shower. Walang alinlangang bumaba ako ng kama saka isinuot ang aking tsenelas. Kailangan ko na makalabas!

"Phin? Phineas?"

Nahinto sako sa paghakbang nang marinig ang boses ni Miss matapos ang tatlong katok.

Naloko na!

Sumiksik ako sa likod ng pintuan. Nakahinga ako ng maluwag dahil sakto yung timing ko sa pagbukas ng pinto.

"Mom?" Sagot ni Sir Phin. Nang sinilip ko siya sa likod ng pintuan ay naka tupis siya sa ibaba at bulang bula ang buhok. Ilang beses ba siyang maligo sa isang araw? Ganoon ba talaga ang mga doctor? Yun bang ang linis nila lagi? Tipong tinitingnan mo palang presko na at mabango?

Nagpa iling-iling si Miss. "Obviously you're not yet done, son."

Nakatuon ang mata ni Sir Phin sa kama, akala siguro niya ay natutulog pa ako doon. "Ye-- Yea, I'm not yet done." Napasin ko pang nakahinga siya ng maluwag nang nakitang wala na ako doon.

"Okay na ba ang pisngi mo?"

"Yup, Okay na. Dinalhan ako ng icepack ni Mia dito kanina."

"Great. Sige bababa na ako, kakausapin ko pa si Mia."

"Why?"

"Papayagan so siyang mag day off bukas since wala naman akong lakad. Marami daw siyang natambak na gagawin sa skwelahan niya."

"Papayagan mo?"

"Sure thing, she deserve it. Lalo na ang dami kong pinagawa sa kaniya this week."

Nakahinga ako ng maluwag nang lumabas na si Miss ng pintuan.

"Oh shit!" naibulalas ni Sir Phin nang makita ako sa likod ng pintuan. "What the-- nandyan ka pala?"

Pinigilan kong ngumiti. Bumulalas siya ng Filipino word pero foreign yung accent. Ang kenkoy!

"Obvious ba? Nakatulog ako dahil sa kaartihan mo."

"Anong kaartihan ko?"

Uminit ang utak ko dahil sa kaartihan niya kaya irap lang ang isinagot ko sa kaniya bago binuksan ang pintuan ng kuwarto. Nasa labas na ako ng pinto nang muli siyang magsalita.

"How's your sleep?"

"Bad as ever," sagot kong walang lingon.

"Is that so? Our picture doesn't look like it. It seems like you'd slept well in my arms.

Pagkalingon ko ay nakangiti siya habang hawak ang kaniyang cellphone. Itinapat pa niya sa akin ang cellphone para makita ko ang kaniyang lock screen image.

Holycow!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status