Share

3.1 ICE PACK

MIA THYREES

There is an absolute silence reigning inside the car I'm driving. Tahimik itong lalaking nasa tabi ko kaya feeling ko tulog. Feeling ko lang, hindi ako sigurado dahil sa sunglasses na suot niya.

Gamit ang isang kamay ay kinapa ko ang aking wireless earphones na nasa sling bag. Tumatawag kasi si miss na kailangan kong sagutin, ASAP. I swiped the screen to connect the line. "Hello?" I answered holding the steering wheel with both hands after putting the earphones on my left ear.

"Hello?" pag-uulit ko. "Oh, shooot!" I mutter, after realizing that the screen was no longer working. Paano ko na sasagutin ngayon ang tawag ni Miss? Hay naku, ito na nga ba ang kanina ko pa ipinag-aalala.

Pinindot ko nalang ang side button matapos ma off ang incoming call. Makalipas lang ang ilang sigundo ay nag-ri-ring nanaman, It's from miss again! Malilintikan na ako nito, ayaw na ayaw pa naman nun ang hindi siya sinasagot.

"Why didn’t you answer the call?"

I spend two seconds to glance at him, then immediately turned my attention to the highway. Gising pala ang isang 'to?! "Sira yung phone." pabulong kong sagot. Hindi na sana siya nagtanong para hindi namin maalala nangyari kanina.

"Is that the reason kung bakit binigyan mo'ko ng straight puch kanina? For we both know ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan."

Palihim ko nanaman siyang inirapan. "Bakit ikaw tumitingin ka ba? Kung alam mo palang makakasalubong mo'ko, eh 'di sana ikaw nalang ang umiwas." I was astounded by my own words after spitting it out. Sobra kasi akong nababahala na hindi na ko naging cautious sa sinasabi ko.

When I glanced at the rearview, I notice that Sir Phil was stunned. I lightly shook my head when I felt my shoulder kind'a heavy.

"Mia, gusto mo ba mawalan ng trabaho bukas?! Anak siya ni miss. Easy to conclude that he's you boss too!" My subconscious jeered at me.

"I---I'm sorry sir. Yeah, my mistake. Pasensya na sa suntok at tadyak ko kanina," I sincerely apologized. Spitting out words based on my sudden outrage was one of my foibles. He didn't give a word after that, kaya hindi ko tiyak kung accepted ba yung apology ko sa kaniya.

"THANK YOU POY!" ngiti ko kay Pipoy nang tulungan niya akong ilabas sa compartment ang mga bagahe.

"Anong nangyari dyan sa damit mo?" pansin niya.

Napatingin ako sa nagmansang inumin sa aking damit. "Ah, kape 'yan, uminom ako kanina. Tanga kasi yung kape," bungisngis ko.

Walking towards the mansion entrance, sinalubong kami ni Manang Gigay. "Ya, kumain ka na doon," aniya sabay turo sa loob.

"Ay, hindi na ako sasabay kay Miss." aniko habang hila-hila ang luggage.

Most of the time, sinasabayan ko Miss kumain lalo na kapag wala si Sir Felix.

"Oo nga, malapit na mag ala-una." Sang-ayon ni Pipoy matapos tingnan ang kaniyang relo. "Tapos na kaming lahat kumain." tukoy niya ang mga kasama namin.

"Okay, saglit lang pupunta na ako sa likod." May sarili kaming quater sa likod ng mansion. Tig-iisa kami ng silid at may malaking kusina kung saan kami nagsasalo-salo.

"Mia!"

Napangiwi ako nang marinig ang boses ni Miss. Hay, sasabunin na yata ako! Ano kaya ang idadahilan ko kung bakit hindi ko nasagot ang tawag niya kanina?

Hinubad ko ang aking sunglasses, saka kumaripas ng takbo patungong kusina. "Coming!"

Nang makarating sa kusina ay pansin kong nakaupo na si Sir Felix sa dulong gitna ng lamesa, nasa kaliwa niya si Miss at nasa kanan si Sir Phin. Nasa tabi naman ni Miss si Claire na isinasawsaw na ng lumpia sa suka. Inviting Filipino food filled the table.

Ngumiti muna ako kay Miss para bumwelo. Heto na, magrarason na si Mia. "Miss sorry kanina, Hindi ko nasagot---"

"Umupo ka na. Tapos na pala silang kumain kaya sumabay ka na dito," putol ni miss.

I blinked twice realizing na tinawag pala niya ako para pasabayin? Gosh, nakakahiya! All the Fuchs are present. Tapos ako julalay, sasabay? NO. Definitely NOT.

"Ay, hindi na Miss, sa likod na ako. May itinabi na para sa akin si Tess," I shifted my gaze to Tess who’s approaching to serve refreshment.

"Ha---ha?" parang tanga niyang tanong sa akin. Ayun, nganga si Tess.

"Umupo ka na, may pag-uusapan din tayo."

Marahan akong tumango kay Miss at umupo sa bakanteng upuan. Sa tabi ng lalaking sinuntok ko kanina.

Masarap naman ng pagkain pero parang hindi ko naman nai-enjoy dahil nanibago ako. Kung kaming dalawa lang kasi ni Miss, paunahan lang kaming inisin ang isat-isa. Ngayon na nandidito na ang mga anak niya, ayaw ko naman ng ganon, baka may masabi sila saakin.

"How was the flight, Phin?" Sir Felix asked.

"Claire snored the whole twelve hours while we were in the air, other than that it was fine."

Claire raised her brows. "Excuse me?"

Nagtawanan si Miss at Sir Felix sa inisan ng kanilang mga anak. Palihim din akong napangiti dahil sa reaksiyon ni Miss Claire.

"Dad, He enjoyed the long flight. Wan'na know why?! There's this lady named Madison sitting next to him. They talked and laughed as if they had known each other for a long time. The highlight is, this lady gave her phone number to Phin---"

"So, you're eavesdropping the whole time?" Phineas interrupted.

Claire grin as an answer. "Kind'a."

Ang pagbibiruan ay napunta sa seryosong usapan kalaunan. Maraming tanong si Miss kay Claire tungkol sa pag-aaral nito. Habang panay ang tanong nila kay Phineas tungkol sa trabaho nito. Isa pala siyang doctor, pero base sa pag-uusap nila ay hindi na niya ginagamit ang kaniyang propesyon sa kasalukuyan pero nananatiling mabigat na stockholder sa binanggit nilang A1 Medical Hospital.

"Mia?"

Napalingon ako kay miss nang marinig ko ang kaniyang boses. "Yes Miss?"

"Kanina ko pa gustong itanong, anong nangyari dyan sa damit mo?"

Natuon ang pansin ko sa aking damit. Napansin ko si Sir Phin sa gilid ng aking mata na nakatingin sa akin. I directed my eyes at Miss to answer. "I dropped the coffee I had earlier at the airport." I answered as if that was what really happened.

"Oh. Why didn't you answer my call? Wait, before I forget, please remind me that I have a wedding to attend on the last Monday this month, Andy's wedding."

"Okay. I'm sorry about the phone call Miss, I broke my.... my phone."

Nahinto siya sa pagsubo dahil sa rason ko. "You need a new one?"

"No..no.. I can manage. Sisiguraduhin ko bukas okay na'to."

"Okay. How about my schedule for tomorrow?"

"Nothing on my list. That only means you can relax." Mabuti nalang at hindi ako nagpapawala ng written schedule ni miss sa maliit kong notebook. Kapag nagkataon na wala akong naisulat at naka record lahat sa cellphone kong nasira, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Great! I can spend time with the both of you tomorrow."

Matapos magligpit ng mga pinagkainan sa kusina kasama sina Manang Gigay, Vanessa, Joan at Tess ay nagpunta ako sa aking silid sa maids quarter para magpalit ng damit.

Sa lahat ng nagtatrabaho sa mansion ako lang ng stay out. Nag-aaral kasi ako tuwing MWF ng gabi na mag-uumpisa ng alas-syete at natagtatapos ng alas-dyes. Mula sa skwelahan ay sa bahay na ako umuuwi, kinabukasan du-duty nanaman dito sa mansion. Everyday life-cyle of Mia Thyrees.

Mula sa pagkakasuot ng sneakers ay nagpalit ako ng simpleng tsenelas. Marami-rami rin ang gamit ko dito sa quarter dahil madalas may immediate lakad itong si Miss kaya kailangan ko ng pamalit anytime.

"Ya, andiyan ka ba?"

Binuksan ko ang pintuan nang marinig ang boses ni Joan. "Bakit?" tanong ko habang sinusuklay ang aking buhok.

"Hinahanap ka ni Miss, papaakyat daw ng ice pack sa kuwarto ni Sir Phin. Para daw doon sa pisngi niya."

Tumango lang ako matapos palihim na napalunok. "Okay, mag-aakyat ako."

"Jo?"

Napalingon kami ni Joan sa dumating na si Vanessa. "Oh, Bani, kanina pa kita hinahanap nasayo ba'yung charger ko?"

"Jo, ano yung iniutos sa'yo ni Miss? Napano daw yung pisngi ni Sir Phin? Grabe, ang guwapo na niya no?! I mean gwapo naman siya noon pero sobrang nag level up ang kaguwapuhan nya!" Sunod-sunod na tanong ni Vanessa na hindi pinansin ang nag-iisang tanong ni Joan.

"Bani, hinay-hinay lang naman," busangot ni Joan. "Itong si Mia pinagpapaakyat ng ice pack sa kuwarto ni Sir Phin. Tsaka, masyado kang tsismosa, hindi ko alam napano yong pisngi nya. Baka nanibago sa klima dito kaya namumula."

Tahimik lang akong nasusuklay habang nakikinig ng kanilang usapan. Syempre hindi ko sasabihin na ako ang salarin!

Si Vanessa ang pinakamatagal ng naninibihan dito sa aming tatlo. Eighteen pa siya noon nang ipasok siya dito ni Manang Gigay kaya maraming beses na niyang nakita ang magkapatid na Fuchs ng personal. Ayon sa kaniya ay malapit siya sa magkapatid dahil matagal rin niya itong nakasama noong namamalagi pa ang mga ito dito sa San Martin.

"Ya, puwedi ba ako nalang ang mag akyat ng ice pack doon sa kuwarto ni sir?" kumikislap ang mga matang pakiusap ni Vanessa.

Hindi ako nagdalawang isip na tumango. "Oo naman, sige ba. Maglilinis din kasi ako dito."

"Hoy Bani, isauli mo muna ang charger ko bago ka umakyat." sabat ni Joan.

"Oo wait lang naman Joan." lumingon muli sa akin si Vanessa. "Ya, ako na ang mag-aakyat ha, isasauli ko muna itong charger ni Joan."

Matapos kong ngumiti at tumango ay umalis na ng dalawa para magpunta sa silid ni Vanessa.

MAKALIPAS ANG LIMANG MINUTO.

"Ay kalbo!" sapo ko ang aking dibdib nang bigla nalang sumulpot si Pipoy. "Ano ka ba naman Poy! Magkaka---"

"Asan nadaw ang ice pack?! Kanina pa naghihintay si ----"

Nanlaki ng mga mata ko nang mabanggit ni Pipoy nag isang salitang dapat ora-oradang maakyat sa taas. Oo ganiyan ako kapag inuutusan, on the spot ginagawa agad. Ayaw ko kasing paghintayin ang mga utos ni Miss. Kasing iksi kasi ng mga sinusuot niyang bistida ang pasensya niya. Naman, si Vanessa kasi bakit ba natagalan?

"Heto na! Heto na!" naitapon ko ang hawak kong walis at kumaripas ng takbo papasok sa kusina para kumuha ng ice.

Huminga ako ng malalim bago kumatok sa kuwarto ni Sir Phin. Nasa kanang bahagi ang silid na ito. Nasa kabila naman ang marters bedroom. Nasa ibabang guestroom si Miss Claire. Tamad daw siyang maghagdan kaya pinili niya ang guestroom sa ibaba.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status