Share

2.2

"POY?!" Tawag ko sa bagong driver. Iniikot ikot ko pa ang susi ng Chevy sa hintuturo ko habang nagpa ikot-ikot sa garahe para hanapin si Pipoy.

Pagkalingon ko sa gawing kanan, nakita ko si Pipoy na nakaupo sa kaniyang trono. Ang duyan sa garahe. Kaya pala namuti nalang itong mata ko sa kakatawag sa kaniya ay wala paring sumasagot ay dahil naka earphones ang kalbo.

Umandar ng very light ang pagka pilya ko kaya nagpa dahan-danan akong lumapit sa kaniya. Nang nasa likuran na niya ako ay tinanggal ko ang kaniyang earphones sa kaliwang tainga. "Nandyan na si Miss!" tili ko.

Napabalikwas siya. Taranta siyang tumayo. Muntikan pang nahulog ang phone niya, mabuti nalang at nasalo. "Nasan? nasan?" Tanong niya na parang naghahap ng aswang.

Humalukipkip ako at sumandal sa likod ng isa sa mga sasakyan. ''Biro lang!" bawi ko.

Hinilamos ni Pipoy ang kaniyang mukha. "Mia naman, alam mo namang takot ako don!"

"Hindi naman halata," ngisi ko.

Si Pipoy ang pinakabagong driver. Tatlong buwan pa lang siya at hindi pa niya masyadong kabisado ang ugali ni Miss. Takot siyang magkamali sa trabaho, baka masisante daw siya kaagad.

"Handa mo na ang sasakyan, aalis tayo."

"Saan?"

"Sa airport, personal na sasalubungin ni Miss ang bisita na surpresa sa kaniya ni Sir Felix."

"Poy?! Poy?!" Sabay kaming napalingon ni Pipoy nang marinig ang boses ni Manang Gigay, ang mayordoma.

"Po?!" sagot ni Pipoy.

"Poy, ipagmaneho mo naman kami oh. May nakalimutan kaming bilhin na mga rekado sa palengke. Ang dami naming dapat ihanda para sa bisita." Nangangamot pa sa ulong pakiusap ni manang.

"Paano 'yan eh aalis kami ni Miss Ivy, susunduin na daw namin ang bisita sa airport."

"Nasaan po si Mang Bado at Erning?" tanong ko.

"Si Bado nandoon sa resort, kinulang ng Van ang resort ngayon sa dami ng guest kaya doon siya naka toka. Si Erning naman trinangkaso."

Napatango ako. "Ah. Sige poy, ipagmaneho mo na sila at ako na ang bahala kay Miss."

"Salamat, Ya," ngiti ni Manang Gigay.

Kunti lang ang mga tauhan na personal na nakakahalubilo ni Miss at Sir Felix araw-araw. Kagaya ko pinagkakatiwalaang lubos ng mag-asawa ang tatlo nilang driver at apat na kasambahay.

Paglabas ni Miss ay kinuha ko kaagad ang bag na kaniyang hawak at iginiya siya apasok sa Chevy.

"Is Pipoy absent?" Miss asked when she noticed that Pipoy was not around.

"May kilangan bilhin sina Manang Gigay sa palengke kaya si Pipoy na ang pinagmaneho ko sa van," I answered after getting into the driver's seat. I put on my sunglasses on before starting the Chevy’s engine.

"I didn't sleep well last night. I always think of Felix's surprise. I'm thrilled!"

Sir Felix promised to surprise her with mystery guests whom she will meet today. When I looked at Miss in the rearview mirror, she couldn't get rid of her smile. "Do you have any guess as to who's the mystery guests?"

She shrugged after thinking in a jiffy. "Maybe my amigas from states? They've been promising to visit Blue Ivy, pero hindi naman nangyayari. Kaya nga ako nalang nag adjust diba?" She's pertaining to her short vacation at the States three months ago.

I put the wireless earphones in my ears when my cellphone rang. "Good morning, sir." I greeted Sir Felix on the other line. "Copy sir. Okay, I won't tell her," I answered one after another to his instructions.

"Anong sabi?" Miss was curious.

"Miss, kakasabi ko lang kay Sir diba? I won't tell her. Ikaw ang tinutukoy ko." I smiled knowing she was agog with curiosity.

"Mas lalo akong naiinlove sa asawa ko. Hay, kusa talaga akong magpapadiling mamaya.

Dama ako ang kilig ni Miss, pero napangiwi parin ako. "Wooohhhh." ani ko.

"Ay, sorry Ya, hindi mo relate," she teased giving a playful grin.

"Miss what's the secret? In my five years of being your julalay, napapansin kong the two of you keep the fire burning after years of being married. It seems like you two just got married yesterday." When I glanced at the rearview, I saw how she lifted her brows, surprisingly shocked of what I asked.

"Wow, nagtanong ang walang jowa."

Abay! Kung maka tono parang wala na akong karapatang magtanong about couple things! "Miss, as a virgin naghahanda lang naman. Malay mo, makabanggaan ko pa ngayon ang destiny ko." I think I gave my wittiest answer.

"Makabanggan? Eh kung mabangga tayo ngayon, damay pa ako pati itong Chevy. Be cautious with your words Mia, excited pa ako sa surpresa ng asawa ko."

"Don't take it seriously Miss, It's just a harmless joke. Kung magkakabanggaan na kami ng destiny ko, sisiguraduhin kong hindi ka madadamay pati itong three months old mong Chevy."

"Well, LTS lang ang maisasagot ko sa'yo."

Panakunot ang noo ko. "LTS? Ano naman yon?"

"Love, Trust, Sex. First things first, syempre dapat mahal ninyo ang isat-isa. Second, trust. Most difficult yet the most important, relationship won't work without it. S for sex. Dress for sex or undress for it! Always try new position. Great sex works well for great relationship. Physical connection is very important as the Emotional connection. Kahit may maghubad na babae sa harap ni Felix, trust me, hindi 'yan papatol." She confidently added.

"Ang tanong may ganiyan pa bang lalaki ngayon? Wala na, hindi na ako aasa. Kung mayroon pang natitira siguro taga ibang planeta."

"Hay Mia," She uttered my name in one breath. "Kung maghahanap ka ng perpektong lalaki, walang ganoon. Pero kung maghahanap ka ng matinong lalaki, who knows baka makabanggaan mo nga sya. Huwag nga lang ngayon, saka na kapag naka baba kana."

Pagdating namin sa airport ay hinatid ko si Miss Ivy sa waiting area kung saan naroon si Sir Felix. Gaya ng kaniyang bilin ay piniringan ko si Miss.

"SURPRISE!"

Miss Ivy was completely stupefied with great surprise seeing the guest right in front of her.

"Claire?!"

I was quite astonished when Miss Ivy utter the name of the guest. Is she Miss Claire?

In my five years of being Miss Ivy's julalay, I have never seen her daughter. Miss said, Claire and his son Phineas lived a private life in Germany. Iyon lang ang nalalaman ko tungkol sa mga anak nila. Every Christmas season, Miss and Sir Felix went to Germany to spend the holiday season with them. Sir Felix is American-German while Miss Ivy is Filipino-American.

Hindi ko namukhaan si Miss Claire kahit nakikita ko naman sila araw-araw ni Sir Phineas dahil sa litrato nila na nasa sala mansiyon. Iyon nga lang ang babata pa nila sa litratong 'yon.

Matapos ng maikling kumustahan ay pinakilala ako ni Miss Ivy kay Miss Claire.

"Mia Thyrees, my personal assistant."

Inilahad ko ang aking kamay kay Miss Claire. "Hello. Mia nalang Miss Claire."

"Just call me Claire. Mommy has already told me about you," ngiti niya.

Patay pure english yata ang isang 'to!Binigyan ko muna ng space ang mag-anak. Bakas ang saya sa mukha ni Miss Ivy habang nakikipag-usap sa anak. Halos pitong taon na rin kasi itong hindi dumadalaw dito ng Pilipinas.

Nagpalingon-lingon si Miss na parang may hinahanap. "Ikaw lang ba? Nasaan si Phin?" tanong ni Miss kay Claire.

Nagpalingon-lingon si Claire. "Nasa'n naba 'yon? I guess he hasn't got his luggage yet."

Hay salamat. Nakakaintindi at nakakapagsalita si Claire ng Filipino languange kahit foreign yung accent niya. Makakahinga na ako ng maluwag.

Habang hinihintay si Sir Phin ay nagpaalam muna ako na pupunta ng comfort room. Habang naglalakad, tinitext ko si ate Hannah kung kumusta na siya at anong ginagawa niya ngayon.

Napagdesisyonan ni ate na tumigil na ng pag-aaral nang madiskubre niyang nagdadalang tao siya. Labis ang aming pagtutol sa desisyon niyang iyon pero wala kaming nagawa dahil ayaw niyang pumasok. Ang sabi pa niya ay magtatrabaho nalang siya para sa kaniyang panganganak. Handa ang buong pamilya na suportahan ang panganganak ni ate kaya hindi niya kailangang huminto ng pag-aaral, pero ayaw talaga niyang magpatuloy. Kalaunan ay sinuportahan nalang namin ang kaniyang desisyong magtrabaho.

Hiniling ko noon kay Miss Ivy na papasukin si ate sa kaniyang resort pero walang magaang trabaho na puwedi sa kaniya. Malakas ako kay Miss Ivy kaya hinanapan niya ng paraan. Malapit na kaibigan ni Miss ang nagmamay-ari ng Rainbow Petals Flower Shop at doon nakapasok si ate bilang flourist. Every weekend kung umuwi si ate sa bahay dahil isa siya sa mga stay-in na impleyado. Pabor iyon sa kaniya para hindi na siya uuwi ng mag-isa tuwing gabi.

"Shhhhhhhooot--ttt!" I mutter under my breath. Nag slow motion yata ng mundo habang pinapanood ko ang aking cellphone na nagpaikot-ikot sa ere. Ikinangiwi ko ang pagbagkasak niyon sa sahig. Kahit naka landing na cellphone ay ilang sigundo ko pa itong tinitigan.

"Mind your way clumsy oaf!"

Narinig ko ang boses na iyon habang pinupulot ang aking cellphone na nasa sahig. Nang nasa kamay ko na ang cellphone ay agad ko itong pinahid sa aking damit at pinindot ang side button. "Ay thank you buhay pa," bulong ko nang umilaw ang screen. Nang subukan ko itong i-swipe nilamon ako ng pagkabahala, ayaw ma touch! Wala namang visible damage yung screen pero ayaw mag function!

I shifted my gaze to the man I bumped into. He’s tall and medium by complexion. My eyes travelled into his thick brows, pointed nose, he has a stubble beard chin which I deemed attractive, mysterious amber eyes and undercut hair style.

Teka nga muna Mia, may panahon kapang makipagtitigan sa lalaking yan? Isipin mo, siya ang dahilan kung bakit RIP ang cellphone mo!

Nalipat ang tingin ko sa takeaway cup na nasa kaniyang kamay. Nang tingnan ko ang aking damit nabasa pala ako ng itim na likidong sa tingin koy inumin na nasa loob ng cup niya. Sobrang fucos ko kanina sa cellphone kaya ngayon ko lang napansin.

Tinapatan ko ng pagtaas ng kilay ang mga titig niyang nang-aakusa. Ako ang may kasalanan? Ay tama, narining ko nga pala yung "clumsy oaf" na sinasabi niya kanina. Well, RIP narin naman ang phone ko, tapusin ko nalang ito ng sa paraang hindi niya kailanman malilimutan.

Humakbang ako papalapit sa kaniya at walang alinlangang binigya siya na straight punch na lumading sa kaniyang pisngi.

"Oh.. oh..." tanging letra na lumabas sa kaniyang bibig habang sapo ang tinamaang pisngi. "What the hell---- Ahw!" Hindi pa man natatapos ang gusto niyang sabihin ay tinadyakan ko na siya sa paa.

Wala pa akong sinasabi'y tapos na'to. Ay teka pinagtitinginan na kami!

"Para yan sa pagsira mo sa phone ko!" I said gritting my teeth and left.

Pagdating ko sa ladies room ay muntikan ko na makalimutan kung anong sadya ko.Nawala kasi ang pagkaihi ko dahil sa nangyari.

Habang naglalakad pabalik sa waiting area, pinipindot pindot ko ang nakabukas na screen ng aking cellphone pero ayaw parin niyon ma-touch. Wala na nga, RIP na nga. Nagkanda halo-halo na ang mga bagay na nasa isipan ko. Kailangan ko ng phone sa trabaho lalo na sa eskwelahan. Wala akong laptop kaya itong limang taon kong cellphone ang nasasandalan ko sa lahat ng research na ginagawa namin.

Matagal ko na pinagplanuhan na mag cash advance kay miss para bumili ng bagong phone. Okay na yung hindi updated basta hindi nag hu-hung. Ang kaso, hindi matuloy-tuloy dahil tinutulugan ko din si mama at papa na bayaran ang matrikula ko.

"Oh, Ya, andiyan ka na pala," pansin sa akin ni Miss.

"Pasensya na masyado ba akong natagalan?"

Umiling si Claire. "Nope, just a right timing." lumingon si Claire sa kaniyang likod. "Hey, Phin. Nandidito na ang assistant ni mommy."

"Phin, this is my personal assistant, Mia Thyrees."

Gusto kong maging bula at mag-pop nalang bigla! Ang lalaking pinapakilala ni Miss bilang Phineas ay ang lalaking nakabungguan ko kanina na binigyan ko ng..uhg! Erase! Wag na nating alalahin yon.

Habang tinititigan ay isat-isa ay pansin kong hindi gumagalaw si Sir Phin. Dampi-dampi ng kaniyang palad ang tinamaang pisngi. Ganoon ba kasalakas ang straight punch ko? Pinigilan kong mapangiwi nang mapansing pulang pula ang kaniyang pisngi.

"Phineas," his voice was friendly as ever.

Tinanggap ko ang paglahad niya ng kamay. "Mia," I say my name emotionlessly paired with my impassive face. Sinimento yata ang mukha ko. I can’t even move a muscle on my face!

S***a! Malas naman kasi! Sa lahat ng magiging anak dito ni Miss yung sununtok ko pa!

AHHHRRRG! Ang sakit ng pagkakashake hands niya sa kamay ko. Babalian ba niya ako ng buto?! I withdrew my hand after a few second and tried to smile as if nothing happened before our formal meeting.

"Tara na?" tanong ko kay Miss.

"Tara, hindi na ako makapaghintay na makita nilang dalawa ng personal ang malaking pagbabago ng resort."

"Hon, puwedi ba saakin ka nalang sumakay?"

Kilig na kilig si Miss sa tanong ni Sir Felix. Hay, ito talagang dalawa nakuha pang maglandian sa harap ng kabataan!

Lumapit ako kay Claire at tinulugan siya sa hila-hila niyang luggage. Naunang naglalakad palabas si Claire at Miss Ivy, sunod naman si Sir Phin at Sir Felix, habang ako ang nasa huli.

Nang makarating sa sasakyan binuksan ko ang comparment ng Chevy. Hirap na hirap akong ilagay ang napakabigat na bagahe ni Claire. Nakikita ko sa gilid ng aking mga mata si Phin, na naghihintay sa akin para ilagay rin ang bagahi niya sa compartment.

With all the girl power I have, nairaos ko namang mailagay ang luggage ni Claire na sa tingin ko'y mas mabigat pa sa akin. Tatalikod na sana ako to give Phineas a way para mailagay din niya ang bitbit niyang luggage. Pero bago paman ako nakatalikod ay ipinuwesto na niya ang dalawang luggage sa aking tabi, pagkuwan ay sumakay siya sa sasakyan.

Shooot!! Ang ibig ba niyang sabihin ay ako ang magbubuhat ng luggage niya papasok sa compartment? Is Chivalries dead? Mabibinat yata ako pagkatapos nito!

Napahinga ako ng malalim matapos makapuwesto sa drivers seat. Nasapo ko pa ang aking dibdib nang mapansing nasa aking tabi nakaupo si Sir Phin. Paano? Nang bumaling ako sa likod ay walang tao. Pagkalingon ko sa tabi ng Chevy ay wala na ang Porsche na sasakyan ni sir Felix. Seryoso ba'to?

"Nasaan si Claire?"

"She went home with dad and mom." His nonchalant tone broke the silence. He's busy typing something on his phone.

Kung ganoon siya ang kasama ko buong biyahe?

"The back seat is empty, you might want to move," I offered.

He shifted his gaze on me. "Is the seat I'm sitting on is occupied?"

I shook my head. "N---no."

"Then drive," he commanded.

Isinuot ko ang aking sunglassess at palihim siyang inirapan. "Buckle up," utos ko, na sinunod naman niya.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
CHICK SY
malas. hahaha
goodnovel comment avatar
MJJFM
hahahahaaha
goodnovel comment avatar
MJJFM
jinombag............
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status