"Maam, are you okay?"
Napukaw ako dahil sa boses ng babaing staff. "Hu..huh?""Are you okay? Bigla po kayong namula, lalo na yung magkabilang pisngi nyo."Napanganga ako at nakapa ang aking magkabilang pisngi. Shoot! mainit, nag-iinit ang pisngi ko at namumula. No! No way bakit ganito?"You're blushing ma'am," dagdag ng staff.Shuta, kinumperma pa. "Ah...wala to. Uhm.. pwedi ba dalahin ko nalang 'to sa labas para papermahan kay Mr. Fuchs? Nagpapalit na raw kasi sya, eh.""Yeah, sure."Itinuro sa akin ng staff ang silid kung saan nagpapalit ang mga racers ng protective gear. Naglalakad ako patungo sa kabilang gusali bitbit ang papel na kailangan niyang permahan at ballpen na gusto kong itusok sa mata nya. Kainis! Mas mahirap pa pala syang alalayan kesa sa mommy nya. Si Miss kasi organize sa lahat ng ginagawa.I saw Sir Phin walking towards his new motorbike. He's wearing a complete racMIA THYREESAlas-sais palang ay nasa mansyon na ako ng mga Fuchs.“Tess! Pipoy!” kinakaway-kaway ko ang aking kaliwang kamay para makita ako nila Tess at Pipoy na nagkakape sa kubo na nakaharap sa dagat. Nasa malayo layong parte iyon ng likod ng mansyon. Nakita kong intinaas ni Pipoy ang kaniyang tasa ng kape bilang alok.“Halika, kape!” sigaw ni Tess.Pagkalapit ko sa kubo ay ipinagtimpla ako ni Tess. “Salamat,” aniko matapos tanggapin ang kape na tinimpla niya.“Ya, kaylan daw uuwi si Madam?” tanong ni Pipoy.Saglit akong sumimsim ng kape. “Hindi ko pa alam, wala rin siyang sinabi. Hindi ko kasi siya tinatawagan or tini-text, ayaw ko kasi syang maistorbo. Mabuti nalang at wala siyang mga importanteng meeting, umayon ang panahon sa bakasyon niya.”“Kumusta naman yung lakad nyo ni Sir Phin kahapon? Okay ba siyang kasama? Nosebleed ka ano?!&rd
MIA THYREESGising na ang aking diwa pero nakasara pa ang talukap ng aking mga mata. Humihinga pa ako, ibig sabihin buhay pa ako! Hayyy salamat. I survive!Nang imulat ko ang aking mga mata ay napagtanto kong nasa loob ako ng aking silid. Sino kaya ang nag-uwi sa akin dito sa mansiyon? Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa aking kanang kamay, pagkatingin ko’y napagtanto kong may nakakabit palang hep-lock IV sa akin. Mula sa pagkakahiga ay dahan dahan akong umupo. Ang bigat ng pakiramda ko, kulang pa ako sa pahinga.Pagkatapos kong gumamit ng banyo ay lumabas ako ng silid.“Mia, gising ka na!” masiglang lumapit si Tess sa akin. “Kumusta ang pakiramdam mo?”“Medyo okay na, Si ………. si Sir Phin?”Nawala ang bakas na sigla sa mga mata ni Tess. “Umupo na muna tayo,” inalalayan niya akong maupo sa mahabang upuan na yari sa narra dito sa maliit naming ba
Unti-unti man akong kinakabahan pero hindi ako nagpatalo. Mas dinoble ko ang aking bilis,hanggang sa lumipas ang sampung minuto. “Sir Phin!” nagpaikot-ikot ako para obserbahan ang aking paligid. Wala akong nakikitang signs ng tamang daan! Naloko na, naliligaw yata ako!Alas kuwatro na nang tingnan ko ang aking relo. Bumaling ako sa gawi kung nasaan ang araw, inatake nanaman ako ng kaba nang maisip na baka lumubog na ito at mag-isa lang ako. Shoot, huwag naman sana!Habang naglalakad mag-isa ay wala akong matinong direksyon, kahit may hawak akong mapa ay hindi ko naman tiyak ang lokasyon ko. Walang silbi ang aking cellphone dahil wala namang signal. Wala akong makitang signs sa paligid, tanging nagtataasang kahoy at sanga lang ang nakikita ko.“Phineas!” Dapat ay may mga mountaineers kaming kasamang aakyat ngayon, pero dahil ayaw nitong si Phineas Fuchs na may kasama kaming dalawa ay together alone naming inakyat ang Mt. Payapa
MIA THYREESInhale….. Exhale…Hindi ko paman naimulat ang aking mata ay nauna nang nakangiti ang aking mga labi. Hayyy, ganito pala kasarap ang simoy ng hangin tuwing umaga dito sa Mt. Payapa. Maliban sa ang presko ng hangin ay tanging mga huni ng ibon at tunog ng mga dahon sa puno na nililipad ng hangin ang tangi mong maririnig. Nakaka relax.Sisiksik pa sana ako sa sleeping bag nang maramdaman ko ang matigas na bagay kung saan ako nakasubsob. Kinapakapa ko iyon, matigas at parang nagbuburol-burol pa. Dahil sa kuryosidad ay minulat ko ang aking mga mata.Ayyyeeeeeee Eeeeee.... Ehhhhhh!At the moment, lumuwa ang aking mga mata, muntikan ng humilaway ang kaluluwa ko sa aking katawan at literal na nabingi ako sa lakas ng tibok ng aking dibdib. When I examined our position, I was laying on his chest while he’s wrapping his both arms on me.Tulog pa siya, hindi man lang niya namalayan ang aking paggalaw. Paano kaya inire ni Miss Ivy itong si Phi
“O---okay na. Teka, ahw, luwagan mo naman ang braso mo ang higpit!” angal ko. Sa halip na pakawalan ako ay inihiga pa niya ako sa kaniyang tabi. Sa ngayon, hindi lang braso niya ang nakayapos sa akin, pati pa isang hita niya. Aba’y ginawa akong bolster! “Let’s stay like this,” bulong niya sa akin. “No. Phineas, No,” I said with a firm tone. Hindi pwedi! Tinangka kong kunin ang kaniyang kamay pero balewala lang ang lakas ko sa kaniya. “Mia, antok na antok pa ako, can you please calm down? Pinagpapahinga lang naman kita.” “Phineas, hindi ako bolster, okay? Ang bigat ng hita mo.” “Just promise me, hindi ka aalis.” “Fine.. fine, hindi ako aalis.” Nakahinga ako ng maluwag nang kunin niya ang pagkakapatong ng kanyang hita sa akin. “But, Phineas we can’t stay like this, lalamig na ang kape mo.” Bingi-bingihan effect nanaman siya. I have no choice but to stay like a statue on his side. My heart went wild and racing! May speedway din ba
MIA THYREES“Ahhhhhh!”Isang napaka tinis na tili ang nagpagising sa akin kinabukasan. Ang ingay! Parang si Ate na nakita si Michele Morrone sa totoong buhay!“Ate, ano ba! Ingay,eh, natutulog pa ako!” ibinaon ko ang aking ulo sa pagitan ng dalawang kumot. Bakit ba siya pumasok dito sa kwarto ko?“Mia, bakit hindi ko sinabing may bago kang phone? In fairness ang ganda ha, mamahalin ‘to for sure.”“Hindi ka naman kasi nagtanong. Inutang ko ‘yan, isang taon ang kontrata ko dyan.”“Wow, lakas mo talaga kay Miss Ivy. Hmm, hindi ko alam na kasing guwapo pala ni Michele Morrone ang nobyo mo?!”Agad akong naupo at walang ano-ano’y hinablot ang phone na nasa kamay ni ate.“Ate, magpaalam ka naman!”“Ang ingay kasi ng alarm mo, kaya pumasok nalang ako para patayin ‘yan. Kanina pa’ya
“AAAAAHHHHHHH!” Sigawan ang bumalot sa buong event hall nang umalingaw-ngaw ang napakalakas na putok. Maging ako ay napayuko at prinutektahan ang aking ulo. Ano yun? Sobrang lakas! Nagkagulo sa buong hall, nagsilabasan na ang lahat ng tao, maging si Marian na nasa harap ko ngayon lang ay bigla nalang nawala. Hindi ko man lang napansin kung saan siya tumakbo. Nanginginig ang aking kamay at laman ng aking buong katawan. Takot, nerbyos, balisa at pag-aalala para sa kaligtasan ang tiyak kong nararamdaman ng lahat. Kahit na takot ang bumabalot sa aking sistema ay sinikap kong kumalma. “AAAAAHHHHHHH!” Muling sigaw ng lahat dahil tatlong magkakasunod na putok ang umalingawngaw. Nakaupo na ako sa sahig habang naka yuko. Hindi ako makatayo, hindi makagalaw, nakakatakot! Nalalagpasan na ako ng nagsisitakbuhan. “Ahw!!” Tili ko nang maapakan ang aking paa. Napansin ko ang lame
MIA THYREESHindi ko maipaliwanag ang sama ng gising ko kinabukasan. Marami akong natamong sugat-sugat sa talampakan, may iilan akong pasa sa paa at iilang maliliit aking magkabilang braso. Shuta, para akong manika ng mambabarang na ang daming iniindang tusok-tusok sa katawan.Inabot ko ang aking trench coat at kinapa ang aking cellphone sa bulsa niyon. Mabuti nalang talaga at hindi ko iniwan ang coat ko sa coat check kagabi, kundi goodbye!Binuksan ko ang aking social media account, siguradong sigurado akong may balita tungkol sa nangyari sa Goldstar kagabi. Napaawang ang aking labi nang mabasa ang headline ng isang media network “SHOOTING RAMPAGE AT GOLDSTAR BIRTHDAY PARTY LEAVES LIVES SHATTERED BY UNIDENTIFIED ARMED MEN,” basa ko sa tumatak sa screen. Napabalikwas akong naupo sa aking higaan. Dali-dali kong tinawagan si Britz pero unattended ang kaniyang linya. Sunod kong tinawagan si Marian, hindi ako mapa