Share

Another Way of Bullying
Another Way of Bullying
Author: Joysooyaa

KABANATA 1

SCARLET’s POV

ILANG minutong natahimik ang paligid. Mariin na pumikit si Aiden at minasahe n’ya ang ulo n’ya gamit ang kan’yang kamay.

“I can double your salary, honey,” mahina n’yang sabi, nanatili s’yang nakapikit.

Huminga ako ng malalim. “Ayokong umasa sa'yo. Gusto kong paaralin ang kapatid ko gamit ang sarili kong pera.”

Dumilat s’ya at humarap sa’kin. “Our wedding will be on November, limang buwan nalang tapos naisipan mo pang magtrabaho sa abroad?”

Binuksan ko ang bintana ng kotse para pumasok ang hangin sa loob. “Babalik din ako bago ang kasal natin.” Tinuon ko sa labas ang atensyon ko. “Sana kahit ngayon lang ako naman ang masunod.”

Huminga s’ya ng malalim. “Fine, I will talk dad about it.”

NANATILI akong nakadungaw sa bintana habang nagmamaneho si Aiden. The director of AC hotel offered me a job in New York. He promised me that it’s not connected to my ex-boyfriend, Xian Montealto, the CEO of AC company. Gusto kong kunin ang opportunity na 'yon para makaipon sa pagpapaaral sa kapatid ko dahil ayokong umasa sa pera ni Aiden. Si Leandro palang ang college ngayon pero hirap na hirap na ako.

Binilin ko sila Leandro kay Stacey, my best friend since highschool. Tatlong buwan lang ang nasa kontratang pinirmahan ko kaya babalik din ako kaagad.

"I love you," mahinang sabi ni Aiden habang mahigpit s’yang nakayakap sa'kin.

Kumalas ako sa pagkakayakap n’ya, at ginawaran ko s’ya ng halik sa labi. "Don't over work," ani ko habang ginugulo ko ang buhok n'ya.

Tumango lang s'ya bago n’ya binaling ang atensyon n’ya sa screen na nakalagay sa harapan namin. "You need to go."

Hinawakan ko ang handle ng maleta. "Take care of yourself, Aiden."

He smiled at me. "You too, honey. I love you," aniya bago s'ya sumenyas na pumila na ako.

Pinilit kong umukit ang ngiti sa labi ko kahit medyo masikip ang dibdib ko. Tumalikod ako at naglakad.

HALOS paulit-ulit kong tiningnan ang hawak kong papel kung saan nakalagay ang address ng magiging boss ko. Pinaliwanag sa'kin ni Rhea, ang secretary ng Chairman ng AC company, na work from home ang magiging boss ko kaya imbes na sa opisina ako papasok, sa bahay n'ya ako di-diretso galing sa hotel na tinutuluyan ko.

Pumasok sa isip ko ang bahay ni Xian sa pilipinas habang pinagmamasdan ko ang kabuoan ng bahay. Babasagin din ang dingding nito ngunit hindi maaninag ang nasa loob dahil sa pale na kurtina. Inayos ko ang suot kong pulang dress nang narinig ko ang pagbukas ng pinto. Umawang ang labi ko habang pinagmamasdan ko ang babaeng naka-bra at maikling shorts. Namumula ang balat n'ya. Dumapo ang mata ko sa hickey na malapit sa dibdib n'ya.

"Are you his secretary?" tanong n'ya.

Marahil s'ya ang kasintahan ng magiging boss ko. Umayos ako ng tindig at nginitian ko s'ya ng malapad bago ako tumango.

"I'm Steffy." Naglahad s'ya ng kamay para makipag-shakeshand. "Nice to meet you."

Nakipagkamay ako. "I'm Scarlet."

"He's waiting for you." Binawi n'ya ito at tinapik n'ya ako sa balikat. "We're just finished fucking, so expect that he's just wearing boxer."

Lumaki ang mata ko dahil sa tinuran n'ya. Naiwan akong nakatayo sa harapan ng pinto.

"Mahilig sa mga batang babae ang CEO ng kompanyang 'to, pero kulubot na ang balat nun at walang ka-appeal-appeal."

Napabalik ako sa wisyo nang naalala ko ang sinabi ni Rhea bago ako umalis sa opisina kanina. Pinilit kong 'wag manginig ang kamay ko habang pinipihit ko ang door knob. Huminga ako ng malalim at tuluyan na akong pumasok. Umupo muna ako sa sofa habang hinihintay ko ang boss ko. Nilibot ko ang mata ko sa paligid. Kumunot ang aking noo nang nasilayan ko ang malaking picture frame na may litrato ko. Mabilis na kumabog ang dibdib ko. Pinagmasdan ko 'to ng mabuti. Tanging manipis na tela ang nakatakip sa katawan ko habang hawak ko ang pulang rosas. Sinampal ko ng mahina ang aking pisnge at kumurap-kurap ako. Napunta ang atensyon ko sa pintuan nang bumukas 'to. Sunod-sunod na lunok ng laway ang ginawa ko.

"Xian," mahina kong sambit.

Malamig na tingin ang ginawad n'ya sa'kin. Yumuko ako at umayos ng upo. Hinila ko ang laylayan ng suot kong dress para matakpan ang hita ko. Tanging boxer lang ang saplot n'ya kaya hindi ko maatim na tingnan s'ya ng matagal.

Naglakad s'ya patungo sa kusina. "Introduce yourself," walang gana n'yang sabi habang nagtitimpla s'ya ng kape.

Huminga ako ng malalim. "I'm..." kinagat ko ang aking pang ibabang-labi, "Scarlet Collins. Your new secretary, sir," pagpapakilala ko, nanatili akong naka-yuko.

Mariin kong kinuyom ang aking palad. Hindi ko inasahan na magsisinungaling sa'kin ang director ng AC hotel.

"Look at me."

Tumaas ang balahibo ko dahil sa malalim n'yang boses. Mas bumilis ang pagkabog ng dibdib ko nang nakita kong nasa harapan ko na s'ya. Bumuntong hininga ako bago ko unti-unting inangat ang mukha ko. May kung anong humaplos sa puso ko nang nagtama ang mata namin. Halos mapuno ng hickey ang leeg n'ya. Bumaba ang tingin ko sa namumula n'yang dibdib.

"Don't look at me like that," malamig n'yang sabi bago s'ya humigop ng kape.

Nag iwas ako ng tingin. "I'm sorry, sir." Nilabas ko ang iPod sa aking bag. "Your schedule for today—"

"Just email it." Tumalikod s'ya at naglakad s’ya pabalik sa kusina. "I don't want to see your face again, Miss Collins."

May kung anong tumusok sa dibdib ko. Binalik ko sa bag ang iPod na hawak ko. "Okay, sir." Tumayo ako at sinukbit ko ang bag sa balikat ko. "You will see me again because I'm your secretary." Huminga ako ng malalim. "See you tomorrow, sir. Have a nice day."

Kusang huminto ang paa ko nang nagsalita s'ya.

"I can fire you," malamig n'yang turan sa likuran ko.

Kinuyom ko ang aking palad bago ko sinara ang pinto. "I need this job, Xian."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status