Share

KABANATA 2

Scarlet's POV

"OH XIAN..."

Mariin kong kinuyom ang palad ko habang patuloy sa pagbagsak ang luha ko.

Hanggang kailan n'ya gagawin sa'kin 'to?

"Continue, Miss Collins," ani Xian sa likuran ko.

Nanatiling nakatikom ang bibig ko.

Hinawakan ako ni Xian sa braso. "I told you to face us whenever you are reporting," malamig na sabi n'ya.

Napasinghap ako nang pumasok sa ilong ko ang natural n'yang amoy.

"Hanggang..." tumingin ako sa itaas para pigilan ang pagtulo ng luha sa mata ko, "hanggang kailan mo gagawin sa'kin to?" garalgal kong tanong.

Pinihit n'ya ako paharap sakan’ya. Bahagyang tumaas ang kilay n'ya kasabay ng pag-iwas n’ya ng tingin. Sumulyap s'ya sa kama kung saan nakahiga ang amerikanang katalik n'ya.

"Chloe, you may go," utos n’ya dito.

Bumangon ito, nakakunot ang noo. "Why the h*ll? We're not finished yet." Dumapo ang tingin nito sa'kin. "Until now that annoying secretary of yours is still here?"

"Just do what I said," madiin na sabi ni Xian.

Inikot lang nito ang mata n’ya, at dinampot niya ang nakakalat n'yang damit sa lapag. Lumapit s’ya sa'min at hinapit s'ya ni Xian sa bewang. Tinuon ko ang atensyon ko sa bintana dahil hindi ko kayang makita silang naghahalikan. May kung anong tumutusok sa puso ko habang patuloy sa pagdampi ang luha ko.

"What you said earlier?" tanong sa'kin ni Xian paglabas ni Chloe. "Hanggang kailan ko gagawin sa'yo 'to? Bakit Scarlet? Nasasaktan ka?"

Nagtiim bagang ako at pinunasan ko ang luha sa mukha ko. Huminga ako ng malalim bago ko s'ya tiningnan. Kumalat ang lipstick ni Chloe sa gilid ng labi n’ya.

"I forgot to say this... you are a great pretender, Scarlet!" madiin n'yang binigkas ang pangalan ko. "You can fake your tears too? Amazing!" Umukit ang ngisi sa bibig n'ya.

Nanatili akong nakatitig sakan’ya. Sinusulit ko ang pagkakataon na masilayan kong mabuti ang napaka-ganda n'yang mukha. Hindi ko inalintana ang masakit na salitang pinakawalan n’ya.

Mabilis na kumabog ang dibdib ko nang hinablot n'ya ang hawak kong envelope.

"Kaya ba hindi ka makatingin habang nakikipagtalik ako ay dahil naiinggit ka sa babaeng nakapatong sa akin?"

Nagulo ang buhok n’ya at namula ang kan’yang pisngi dahil sa ginawad kong sampal. Bumagsak ang luha sa mata ko, nanlalabo ang paningin ko dahil dito. Ngumisi s'ya at hinawakan n’ya ako ng mahigpit sa braso. Hinila n'ya ako patungo sa kama at tinulak ng malakas dahilan ng pagkakahiga ko rito. Nanlilisik ang mata n’ya habang nakatingin s’ya sa'kin.

"Take your clothes off!" madiin niyang sabi.

Nanatili akong nakatitig sakan'ya habang tuloy-tuloy sa pagbasak ang luha ko.

Tumaas ng bahagya ang kilay n'ya. "Diba ito naman ang gusto mo?!" Hinawakan n'ya ang laylayan ng damit ko at hinila n’ya ito pababa dahilan ng paglantad ng dibdib ko.

Agad ko itong tinakpan gamit ang kamay ko. "Xian..." Nangungusap ang mata ko habang nakatingin ako sakan'ya.

Umiwas s'ya ng tingin at naglakad s’ya patungo sa bintana. "Get out!"

Nagmadali akong bumaba sa kama at kinuha ko ang napunit kong blouse na nasa sahig. Humagulgol ako ng iyak pagpasok ko sa cr. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang paglabas ng hikbi sa aking bibig. Masikip ang dibdib ko, hindi ako makahinga ng maayos dahil dito. Kinuha ko ang tuwalya na nakasabit sa banyo, at tinakip ko ito sa aking katawan. Nilagay ko sa basurahan ang hawak kong blouse bago ko pinihit ang door knob.

Nakaupo si Xian sa sala habang pinagmamasdan n’ya ang litrato ko. Naka-sando na s'ya at cotton na shorts. Agad akong umiwas ng tingin nang dumapo ang mata n'ya sa gawi ko.

"Akala ko nahimatay kana sa loob," malamig niyang sabi. Binalik n'ya ang atensyon n’ya sa picture frame. Umayos s'ya ng upo at dinampot n’ya ang paper bag sa gilid ng couch. "Wear this." Hinagis n'ya 'to at saktong sa mukha ko ito tumama. "You can't go outside with that towel," aniya na hindi ako tinitingnan.

Bumalik ako sa banyo para magbihis. Kumunot noo ako nang nakita ko ang price tag at resibo. 

"Sir, you have a meeting with investor tomorrow," ani ko paglapit ko sakan'ya.

"Cancel it," malamig niyang sabi, nanatili s’yang nakatitig sa litrato ko.

Dinampot ko ang bag ko na nakalagay sa pang-isahang sofa. "Okay, sir."

"You may leave,” aniya.

Nagtiim bagang ako. "Chairman told me to—"

"Just leave!" pumalibot sa paligid ang malakas n'yang boses.

Kinuyom ko ang aking palad kasabay ng paghugot ko ng malalim na hininga. “Okay, sir. Have a nice day." Pinilit kong umukit ang ngiti sa labi ko bago ako naglakad palabas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status