Share

KABANATA 6

"MR. MONTEALTO.”

Napunta ang atensyon ko sa kalbong nakatayo sa harapan.

I raised my eyebrows. "Yes?"

Board of directors looked at me.

"Let's wrapped up," malamig na sabi ni daddy.

Nanatili akong nakaupo, nakatitig sa matataas na building. Tumingin ako sakan'ya nang tumikhim s'ya.

"Prove them that you deserve your position," madiin niyang sabi.

Umiling ako at binalik ko ang atensyon ko sa labas.

"Chairman, this is your schedule for today."

Inikot ko ang swivel chair na inuupuan ko. "Miss Rhea," tawag ko sa secretary ni daddy.

Nagkunot noo s'ya. "Yes, sir?"

"Book me a flight to the Philippines, tomorrow morning."

Tumigil sa pagpipirma si daddy at nag angat s’ya ng ulo para tingnan ako. "Yesterday you went there to catch up Scarlet's birthday. You told me it would be the last time..."

Bumaba ang tingin ko. "I'm drunk that time, dad." Binaling ko kay Rhea ang atensyon ko. "You heard what I said, aren't you?"

Pekeng ngiti ang ginawad n'ya sa’kin. "Book a plane ticket from Manhattan New York to Philippines."

"You are willing to travel for 17 hours and 42 minutes just to see your girl." Umiling s'ya at binalik ang atensyon n’ya sa mga papeles. "Why don't you use your helicopter instead?" tanong n'ya.

Tumayo ako at dinampot ko ang cellphone sa mesa. "Saan ako la-landing? Sa tapat ng bahay ni Scarlet?"

Kinindatan ko si Rhea nang nakita kong nagpipigil s'ya ng tawa. Tinapik ko ang balikat ni daddy. "Simula bukas hindi na ako pupunta dito sa opisina."

Hinubad niya ang suot nyang salamin bago n’ya ako sinulyapan. "Xian, you are the CEO of this company!" Binigay n'ya ang napirmahan n'yang papeles kay Rhea. "Prove us that you deserve your position."

Engaged na si Scarlet kaya wala nang saysay ang achievements ko. I just want to fuck every day to forget her.

SINALUBONG ako ng director at mga supervisor pagdating ko sa AC hotel.

"It's a pleasure to meet you, Mr. Montealto, the future of AC Company," nakangiting sabi ng director.

Mahinang tawa ang pinakawalan ko at inayos ko ang suot kong necktie bago ko tiningnan ang mga supervisor na nakatayo sa gilid ng pinto.

"I wonder if you'll still say that words if you find out that the only thing I did was to fuck American girls."

Bakas sa mukha n'ya ang pagkagulat.

Tinapik ko s'ya sa balikat. "Thank you for welcoming me," ani ko bago ako naglakad papasok.

"Hello good morning, welcome to AC hotel."

Damn! Her voice...

Napunta ang atensyon ko sa receptionist. Tumigil ako at pinagmasdan ko ang maganda niyang mukha. My heart pounds when our eyes met. Umiwas ako ng tingin at tinaas ko ng bahagya ang kilay ko bago ako nagpatuloy sa paglakad.

You broke my heart for the second time, Scarlet.

Kinuha ko ang remote ng kurtina para buksan ito. Pumikit ang isa kong mata nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Pabagsak akong umupo sa couch at kinuha ko ang bote ng tequila sa mesa. Uminom muna ako bago ko tinawagan ang director.

"Can I request something?" Inalog ko ang hawak kong bote. "I want your receptionist named Scarlet Collins to serve me a drink." Tiningnan ko ang mga alak na dinala ng server kanina. "Just do what I said."

Hinagis ko ang cellphone sa kama pagkatapos ko s'yang kausapin. Agad akong tumayo nang tumunog ang doorbell.

"Xian?" Bakas sa mukha ni Scarlet ang pagkagulat. "To-totoong... nandito ka."

Dumampi ang mainit n'yang kamay sa pisngi ko.

"Akala ko nag ha-hallucinate lang ako."

"Come in," malamig kong sabi, nilakihan ko ang pagbukas ng pinto.

May tumulong luha sa mata n'ya. Nanatili s'yang nakatayo sa harapan ko.

"Pumasok ka kung ayaw mong ikaw ang pasukan ko," madiin kong sabi bago ako naglakad pabalik sa sofa.

Yumuko s'ya at pinunasan n'ya ang namuong likido sa kan'yang mata. Huminga ako ng malalim nang sumagi sa isip ko kung pa'no n'ya tinanggap ang proposal ni Aiden.

"Damn it!"

Napatigil s'ya sa paglapag ng alak sa mesa. Nag angat s'ya ng ulo dahilan ng pagtama ng mata namin.

"Congrats," nagtiim bagang ako, "I will attend your wedding."

Napuno ng pagtataka ang mukha n'ya ngunit agad din itong nawala.

"Aalis na po ako, sir..." Kinagat n'ya ang kan'yang pang-ibabang labi kasabay ng pagtulo ng luha sa mata n'ya. "Enjoy."

"You can't leave me like this." Binato ko ang hawak ko. Pumalibot sa paligid ang tunog ng nabasag na bote. "Damn Scarlet!" Huminga ako ng malalim bago ako lumapit sakan'ya.

Pumulupot ang kamay ko sa bewang n'ya. Napasinghap ako nang pumasok sa ilong ko ang nakakaakit n'yang amoy.

Pilit s'yang kumakalas sa pagkakayakap ko. "I'm sorry," mahina n'yang sabi.

Hinarap ko s'ya sa'kin at matiim ko s'yang tinitigan.

"I'm so tired hearing that sorry!"

Yumuko s'ya at tumingin sa ibaba. "I'm sorry, Xian. I'm sorry." Sunod-sunod na luha ang tumulo sa mata n'ya.

"Stop crying, will you?" Pinunasan ko ito gamit ang daliri ko. "I love you."

Tumaas ng bahagya ang kilay ko kasabay ng pag nguso nang pumulupot ang braso n'ya sa bewang ko. Siniksik n'ya sa aking dibdib ang kan'yang mukha at humagulgol s'ya ng iyak.

"I'm sorry."

Tumingin ako sa itaas para pigilan ang pagbagsak ng luha ko. Hinagod ko ang likod n'ya. "I love you," pinilit kong umukit ang ngiti sa labi ko, "but I need to let you go."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status