Share

KABANATA 4

NAKATAYO kami sa kalsada kung saan kami unang nagkita. Matamis na ngiti ang nakaukit sa labi ni Xian, para akong sinasaksak sa dibdib dahil dito. Sumagi sa isip ko ang araw na hiningi n'ya ang number ko, at kung paano ko nilagay sa palad n'ya ang flyer ng restaurant na pinagta-trabahuhan ko. Sunod-sunod na dumampi ang luha sa pisngi ko nang lumuhod si Xian sa harapan ko.

“Please Xian, tumayo ka.” Nakahawak ako sa manggas ng suot n'yang damit habang hinihila ko ito pataas. “‘Wag dito,” garalgal kong sabi.

Ngumiti s'ya. “Importante ang lugar na 'to sa'kin dahil dito tayo unang nagkita. Balak ko lang talaga na isali ka sa mga babae ko pero nang makita ko lahat ng paghihirap mo, may kung anong tumusok sa puso ko.”

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko, dumadampi ito pababa sa leeg ko.

“Tumayo kana, pakiusap!” pagmamakaawa ko.

Lalong sumikip ang dibdib ko nang hinalikan n'ya ang kamay ko.

“This beautiful hand of yours doesn’t deserve the heavy works.”

Nagtiim bagang ako nang nakita kong isa-isang lumabas ang mga tao sa kanya-kanya nilang bahay.

Fuck Richard!

"Tumayo ka!" bulyaw ko dahilan ng pagkunot ng noo ni Xian.

Huminga s'ya ng malalim bago n'ya binuksan ang hawak n'yang pulang kahon. “Ikaw lang ang gusto kong makasama, Scarlet.” Inangat n'ya ang singsing na may infinity symbol na pinapalibutan ng diamond. “Will you marry me?”

Malakas na hiyawan ang pumalibot sa paligid habang nakangiti si Xian.

“I'm sorry,” garalgal kong sabi.

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Xian.

“Baby,” mahina n'yang sambit.

Naglandas ang kamay ko sa braso n'ya at mahigpit ko itong hinawakan. “Tumayo kana.”

Napuno ng tanong ang mata n'ya habang nakatitig s'ya sa'kin.

“Bumalik na tayo sa kotse,” pakiusap ko ngunit nanatili s'ya sa pwesto n'ya.

“Will you marry me?” mahina n'yang tanong.

Mariin kong kinuyom ang palad ko. “I'm sorry,” ani ko bago ako tumalikod.

Masikip ang dibdib ko at medyo malabo ang paningin ko dahil sa luha na nakapalibot sa mata ko.

Pumulupot sa bewang ko ang braso ni Xian. “Baby, sorry kung binigla kita.”

Tumigil kana, Xian. Pakiusap!

“Kaya kong maghintay. Hindi ako magagalit sa’yo dahil tumanggi ka ngayon,” dagdag n’ya.

“Naaalala mo pa ba ang sinabi ko sa’yo dati na darating ang araw na magsisisi ka sa mga ginawa mo sa’kin.”

Lumuwag ang pagkakayakap n’ya sa’kin.

“Hindi totoong mahal kita. Hindi ako tanga para mahalin ang lalaking walang ibang ginawa kundi babuyin ako.”

“Baby,” mahina n’yang sabi.

Mistulang sinasaksak ang dibdib ko habang nanghihina ang tuhod ko.

“You told me to hold what you said earlier, I know you love me." Hinawakan n'ya ako sa braso. "Look at me, baby,” malalim n’yang sabi.

Nagpunas ako ng luha bago ko s’ya hinarap. Hindi ko maatim na tumitig sakan’ya ng diretso.

“Mata mo na ang nagsasabi ng totoo, Scarlet.”

“Si Stacey ang nagbayad ng mga gangster para bugbugin ka,” pinilit kong ‘wag gumaralgal ang boses ko. “Plinano namin ‘yon para makabawi sa kababuyang ginawa mo sa’kin.”

Ngumuso s’ya bago umiling. Nanatili s’yang nakatitig sa’kin, pinag-aaralan ang nakapalibot sa mata ko.

Kinapa ko ang papel sa bulsa ko. “Hindi pa ba sapat na ebidensya ito?” Tinapon ko ang calling card sa mukha n’ya. “Masyado kang nagpadala sa mga salitang pinakawalan ko.”

Naglandas ang kamay n'ya sa pisngi ko at marahan n'ya itong hinaplos. “I love you and I trust you. Your lips,” huminga s'ya ng malalim, “will tell the truth.”

Suminghap ako nang hinapit n’ya ako sa bewang. Napuno ng kirot ang puso ko. Gusto kong bawiin lahat ng kasinungalingan na lumabas sa bibig ko.

“Kapag tumugon ka sa halik ko panghahawakan ko ang sinabi mo sa kotse kanina. Hindi ko bibitawan ang salitang ‘yon.”

Kusang pumikit ang mata ko nang sakupin n’ya ang labi ko. Mariin kong tinikom ang aking bibig habang marahan na gumagalaw ang labi n’ya. Mabilis na kumabog ang dibdib ko kasabay ng kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Gusto kong salubungin ang bawat halik na ginagawad n'ya ngunit pinigilan ko ang sarili ko, hindi ako nagpadala dito. Mainit na likido ang dumampi sa pisngi ko nang lumayo s'ya sa'kin, at hinawakan n'ya ako sa braso. Nangungusap ang mata n'ya, humihiling na magpakatotoo ako.

“Baby...” tuluyan nang tumulo ang luha n’ya, “please, don’t do this to me,” garalgal n'yang sabi.

Pumulupot ang kamay n’ya sa bewang ko bago n’ya sinakop ang labi ko. Paulit-ulit n'ya akong hinalikan ngunit wala s’yang natatanggap na tugon. Masyado nang masikip ang dibdib ko, hindi ako makahinga ng maayos dahil dito. Tinulak ko s’ya at sinampal ko s’ya ng malakas sa pisngi. Nakapalibot ang luha sa mata n'ya habang nakatingin s'ya sa'kin. Nasa lapag na ang singsing na hawak n'ya kanina.

“I love you,” puno ng sinseredad ang boses n’ya.

Mistula itong bala na tumama sa dibdib ko. Suminghap ako nang pinahiran n'ya ang luha sa pisngi ko.

“Mahal kita, Scarlet.”

Wala na ang mga tao sa paligid na kanina lang ay pinapanuod kami.

Dinampot n’ya ang singsing at nilagay n'ya ito sa palad ko.

Bumilis ang pagkabog ng dibdib ko nang naramdaman ko ang mainit n’yang katawan. Hinagod n'ya ang likod ko habang mahigpit s’yang nakayakap sa’kin. Mariin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang luha sa mata ko ngunit pinagtaksilan ako nito, sunod-sunod itong dumampi sa balat ko.

“That ring is meant to be yours.” Huminga s’ya ng malalim. “I'm sincerely apologize for forcing you to kiss me.” Tumingin s’ya sa itaas para pigilan ang nagbabadyang luha sa mata n’ya.

Kinuyom ko ang aking palad nang lumuhod s’ya sa harapan ko.

“I’m sorry for bullying you, I deserve this punishment.” Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mata n'ya. “Thank you for making me feel that you love me too, just months but will remain in my heart until my last breath.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status