Share

Ang Reyna At Ang Abnoy ( Filipino / TagLish )
Ang Reyna At Ang Abnoy ( Filipino / TagLish )
Author: YERB

Kabanata 1 - Kape

* Point of View ni Blair *

---

"Oy, pambihira naman oh! Sa'n ka ba nakatingin?!" Sigaw ko sa tangang tao na nakabangga sakin, at sa kasamaang palad, nadapa siya sa sahig habang ang hawak-hawak nyang kape ay natapon sa damit nya. Oops, 'di kaya mainit 'yon? Well, anong paki ko naman?

"What the hell!" Galit niyang mura sa akin habang tinutulungan niya sarili niyang tumayo. Ba't ko naman siya tutulungan, eh sya nga bumangga sa akin. Ako yata ang biktima dito!

Bilang isang inosenteng mamamayan, inilagay ko ang cellphone ko sa bulsa ng aking jacket, at tiningnan ko siya habang nakataas ang kanang kilay. Yeah, mataray ako sa mga lampang tao, at isali nyo na lahat ng nilalang basta ako ang makakalaban nila.

Pagkatapos ko siyang titigan gamit ang aking cold intimidating stare, papaalis na sana ako nang bigla nalang niya akong sinigawan. "Hoy, babae! Hindi ka man lang ba magsosorry?"

Naman oh, galit na siya. Kailangan ko na talaga yatang umalis dito, pagka't katiting na kapahamakan ang aking aabutin mula sa babaeng ito na mukha namang kaedad ko lang.

Tinignan ko ulit s'ya at halatang galit na galit na s'ya dahil namumula na mukha nya. At hindi, hindi ako tatawa o magrereact man lang. Ang cute n'ya kasi! Sarap pisilin ng mga pisngi. Sino'ng cute? Ito? No! Konti lang.

"Oh, uh... Pasensya na, pero 'di ko kasalanan na nadapa ka sa sahig at natapon ang cappuccino na macchiato mo sa damit mo." Sagot ko na may kunting pagka-sarcastic. Sorry, babe, but I am not sorry.

Nang wala siyang imik, na para bang hindi niya inaasahan ang sagot ko, humakbang ako patalikod ang nang makaalis na mula dito sa... Ano ba 'tong lugar na'to? Bookstore na parang library na rin, na may coffee shop pa. Three in one. Teka lang, bakit nga ba ulit nandito ako? Oh, I remember. Inutusan nga pala ako no Marge na bumili ng isang vegan na recipe book. At sasabihin ko nalang na wala akong nahanap at nabili rito dahil may isang dilag dito na para bang bubugahan niya na ako ng apoy anumang segundo.

Nahagip ng aking peripheral vision ang mukha niyang nanggagalaiti na sa galit bago ko na focus ang tingin ko sa exit. At gaya ng inaakala ko, hinawakan n'ya ang kanan kong balikat gamit ang kanyang malagkit na coffee-flavored na kamay.

"Bwesit!" Bulong ko habang sinusubukan kong hindi mainis. Relax lang, Blair. Isa lang s'yang mahinang nilalang. Yeah, she won't last even a millisecond kung papatulan ko s'ya.

Hinarap ko s'ya ulit, at tiningnan na para bang nagsasabi na 'anong-bang-problema-mo-ineng?'

At pasigaw s'yang nagsalita, "Hindi mo ba alam na ang daanan ay para sa mga taong dumadaan rito, at hindi sa mga taong tatayo lang? Bawal bystanders dito kung wala ka man lang bibilhin o ibang gagawin!"

Mapapasubo yata ako dito ah. Palaban! And damn, it makes her even more hotter. Hot who? Her? Mhmm. Kinda.

I composed myself, at of course, may ikakasagot ako. Kailangan ko ipaglaban ang aking karapatan bilang isang... Tao... for now. "Well, for your visible information, Miss Blondie, nakatayo lang ako rito, at ikaw yung naglalakad. Ikaw yung may ginawang motion at bumangga ka sakin. So it means... It was not my fault. Yeah. Are we clear here?"

I smirked at her, but honestly, I kinda felt a bit sorry, though. Kawawa naman. Ang dumi niya tingnan dahil sa mantsa sa damit n'ya. Pero, nope, siya may kasalanan in the first place. Kung di niya ako nabangga, 'di sana siya madadapa.

Sa tingin ko naman ay para s'yang nagpipigil ng galit, at nagsalita s'ya matapos ang mahabang tatlong segundo.

"Kilala mo ba kung sino ang binabangga mo?" Mahinahong tanong n'ya sakin na para bang hinahamon ako, habang nakatitig s'ya sa mga mata ko gamit ang kanyang electric-blue eyes. At di ko lang talaga mapigilang mamangha sa sitwasyong ito, kaya't tumugon ako the same as she just did, "At kilala mo rin ba ako, na bumabangga sa'yo?"

I couldn't care less if who she is, ang kilala ko lang na tao sa lugar na ito ay si Marge, so far.

Then I stared back into her eyes with my green ones. And... it's the start of the titigan contest. I looked deep into her eyes and deep down to her soul, and... Boom! Umiwas s'ya ng tingin sabay irap sa akin. Hah! Talunan!

"Hindi mo alam kung anong pinasok mong gulo at sino ang hinamon mong tao." Wika n'ya na hindi makapaniwala, at kunot-noo akong tumugon, "Oh, kailangan ba talagang malaman ko kung sino ka, at ano ang kinabibisihan mo sa buhay mo? At para malaman mo, Miss, I mess up with everybody who gets in my way. Every. Body. Kaya, kung pwede, paki usog nang kaunti? Ikaw naman ngayon ang nakaharang sa daanan ko, oh."

Dahil sa medyo rude kong sagot, parang naactivate ko yata ang beast-mode n'ya. Lagot na ako rito. Damn it!

Bakit ba parang napakamayamutin ng taong ito? May buwanang bisita yata 'to eh. Oops, no, hindi ako dapat mag isip ng kahit ano na may kinalaman sa dugo. Yep, relax lang, Miss Blue-eyes, masisira beauty mo niyan.

"Miss Winsley, may problema po ba dito?" Tanong ng isang may-edad na na babae, habang inaabot niya ang isang maliit na towel kay Miss Blondie. At binaling niya ang matalas n'yang tingin sa akin.

Hmm, wala 'yang silbi ang towel mo sa malagkit na kape dyan sa damit at mga braso n'ya. Hangal na ideya.

"Salamat, Mandy. At please, paki-lagay ng babaeng ito sa tama niyang kalagyan." Sabi ng blue eyes na bruhilda, at napataas kilay ko dun ah. What am I does she thinks I am? Or who does she thinks she is? The fu---futa.

Kinuha n'ya kay Mandy ang towel at naglakad paalis sa eksena, at ang humarap sa akin ay ang Minion n'ya na mukhang galit din sa akin. Ano ba ginawa ko sa babaeng ito?

"Iha, you better not mess with the owner of this establishment, o tatawag ako ng pulis." Banta ni Mandy sa akin, at napakagat ako sa aking dila para hindi ako makatawa. Naku naman oh, wala na talagang mas tatanga pa sa mga ito. Tatawagan ang pulis? Ano ba ang ginawa ko sa lugar na ito na karumaldumal para itrato na isang krimen? Nakapatay ba ako?

"At, hoy, ma'am, para malaman mo, iyong amo mo ang siyang bumangga sa akin. Kaya kung pwede, paki tantanan ako kung ayaw niyong makilala ang tunay na ako, na sigurado akong hinding-hindi ninyo magugustuhan... Kahit na kaunti. Excuse me." Sabi ko sa empleyado ng bruha, at para ba siyang nagulat sa sagot ko. Oh, tingin n'yo takot ako kahit ang may-ari pa ng bulok na establishment na ito ang hinamom ko? Nek-nek, n'yo. Wala yata akong kinatatakutan, at ako pa mismo ang kinatatakutan sa aming lugar.

Ang hirap lang talagang makisama sa mga tao, minsan. Iilan lang ang kilala ko na buong-loob akong tanggap at tinatrato ng mabuti. Wala naman akong kasalan dito hindi ba? Siya ang ayaw aminin na siya ang may kasalanan sa kalampahan nya.

Nang marinig ng dalagang babae ang sagot ko sa worker nya, tumigil siya sa paglalakad at humarap muli sa akin. Pero bago s'ya makapagsalita, I stepped closer to her till our faces were four inches away. Pagod na ako rito, at gusto ko nang umuwi para kumain at matulog buong araw.

Tiningnan ko s'ya sa mga mata na may halong inis at wika ko, "So, ikaw ang may-ari ng lugar na 'to? At ano ang ineexpect mo na gagawin ko? Yumuko at magbigay pugay sa Reyna at gawin kung ano ang gusto mo? Not gonna happen, even in your wildest dreams."

Wala na, galit na ako. Nakakainis lang kasi eh. Wala naman akong masamang ginawa ah, ba't parang ako ang may kasalanan. Magtatawag pa ng pulis ang mga gaga. Nabubwisit na ako sa mga taong 'to. Bakit ba kasi ako nag aaksaya ng oras dito?

Parang natulala ang dilag sa narinig n'ya mula sa akin, at alam ko na galit na rin siya. Well, tingnan nga natin kung ano ikabubuga nito.

"We are not yet done, Freak. Magkikita ulit tayo, at sisiguraduhin ko na luluhod ka sa harap ko. Mark my word." Tugon n'ya habang nagpipigil ng galit, at hindi ko mapigilan ang mga labi ko na ngumiti ng napakalawak bilang reaction.

Isn't she so adorable? Nakakawala ng galit ang pagtitig sa mukha nya. Pero, uy, gusto n'ya ako makita ulit. Damn, may binabalak yata ang chick na ito sa loob ng kanyang evil mind.

"Alright then... I can't wait na makita kang muli. By the way, it was so nice meeting you." Sagot ko sabay kindat sa kanya bago ako tumalikod at tuluyang tumungo sa exit para umalis.

Kagat-labi kong tinulak ang glass door kakaisip sa kabaliwang ginawa ko rito, at narinig ko siyang sumigaw, "Di pa tayo tapos! Pagbabayaran mo 'tong ginawa mo sa..."

Hindi ko na siya marinig habang papunta ako sa parking area kung saan ang motor ko naka-park.

"Hangal na mga tao." Bulong ko sa hangin habang kinukuha ko ang susi sa kanang bulsa ng jeans ko.

So, may utang ako doon ay Miss Blue-eyed-blondie? Magkano naman kaya ang damit at kape na mga 'yon? At ano naman ang pakialam ko? Hindi naman yata kami magkikita pang muli. Well, hello, ang lawak kaya ng America at ng California.

Pero, hindi ko maloloko sarili ko na aminin na maganda siya. Super. Nakakainis. Kay babae kong nilalang pero sa babae din nakabaling ang atensyon. Yep. Pambihira! Ano na ba 'tong nasa isip ko? Makauwi na nga lang sa bahay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status