Share

Kabanata 5 - Epal

* Point of View ni Blair *

---

Bakit kaya tuwing ikaw ay nasa eskwelahan ang oras ay parang pagong kung lumipas, o mas mabagal pa nga? Nakakasuklam talaga, ano?

Ang tanging lugar na ayokong manatili ng mahabang panahon ay sa paaralan. Para itong isang napaka dilim, masukal, at nakakatakot na lugar. Pero wala tayong choice. Mananatili tayo dito hanggang sa magsawa na sila sa ating presensya sa mahigit kumulang dalawampung taon na pagkakakulong. Putang'na talaga eh. Hahays, bwesit, kailangan ko na talagang iwasang magmura kahit mentally. Siguradong papatayin ako ni Marge kung mababasa n'ya isipan ko.

At kinakailangan ko ng makinig sa aming mathematics teacher, dahil... Apat, tatlo, dalawa, isa. Tumunog na ang bell.

Haha, lunch break!

Nagpapasalamat ako, sapagkat ang mala-dyosa sa ganda kong katabi ay hindi ako sinagabal sa buong oras ng klase namin ngayong umaga. At ginawa ko rin naman ang aking best na i-ignore siya. Successful naman ako.

Pagligpit ko sa aking mga gamit ay tumayo na ako para pumunta sa canteen para makabili ng pagkain. Kumakalam na sikmura ko sa gutom. Apple lang ang agahan? Malabong mabubuhay pa ako hanggang hapon.

---

Habang kumakain ako ng napakasarap na madahon kong tanghalian, may tatlong babae na lumapit sa mesa ko. Nakasuot ng magkaparehong damit. Uniporme yata nila yan. At tiyak, sila ay mga cheerleaders. May isa pa akong namalayan—isa sa kanila ay may blonde na buhok, ang isa ay pula, at ang isa naman ay itim. Hmm, Powerpuff Girls?

And as usual, ngumiti ako at tinanong sila ng marahan, "Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo, mga iha?"

Nagkatinginan silang tatlo, at tumingin ulit sa akin, at sabay-sabay na nagsalita, "Welcome to Pryce Winsley Academy!"

“I hope that you will enjoy your senior year at our school.” Sabi ng may pulang buhok na may pinakamalawak na ngiti. At saka umupo silang lahat sa table ko.

“Yeah, thanks, I---” Sagot ko, pero di ako nakatapos ng ang may blonde na buhok ay nagsalita rin, “And, by the way, we are looking forward to you trying out for the cheerleading squad.”

“I... act---”

Okay, pangalawa na 'to. Di na naman ako nakatapos sa aking sasabihin ng umepal this time ang may itim na buhok. “I'm Maggie, at ako ang co-captain ng cheerleading squad.” Pagpapakilala niya sa kanyang sarili at inaabot ang kamay para makipag handshake sa akin. Tinanggap ko naman, at this time, kinuha ni Blondie ang kamay ko para i-shake din ito. “I'm Rachel, cheerleader officer, at ako ang magtuturo sayo lahat ng tungkol sa choreo at lahat na tungkol sa cheerleading.” Sabi n'ya, at ngumiti lang ako.

“Girls, stop it. You're making her uncomfortable.” Saway ng redhead na may authority, at tiningnan n'ya ako with an apologetic look on her face. Hay, Salamat naman at may matino sa kanila.

"Pasensya na kung naabala ka man namin. By the way, ako si Leanne. Captain Ng squad." Pakilala niya sa sarili na may sweet na smile.

Okay. Nakaupo lang ako, cornered ng tatlong magagandang anghel, at nakatingin lang ako sa kanila sa mangha. Ang bilis lang ng pangyayari. Ganito ba talaga ka snappy ang mga cheerleaders? O baka naman may superspeed abilities din sila tulad ko? Ooh, that's interesting.

“Ummm, so... you are?” Tanong nila sabay turo sa akin.

“Oh, sorry. Ako si Blair.” Wika ko, at tiningnan ko sila isa-isa habang ang ngiti sa kanilang mga mukha ay hindi naglalaho. Hindi ba sila napapagod n'yan? Maybe it's a cheerleader thing.

“Wow, even your name's beautiful. Bagay talaga sayo. Ang ganda mo, girl.” Remark ni Rachel the blonde, at sumang-ayon din ang mga kasama nito.

“I... uh, thanks?” Sagot ko na may pag-aalinlangan.

Hindi ko alam, pero parang may something sa mga babaeng ito. Well, hindi lang siguro ako sanay makipag-usap sa mga tao na kaedad ko. Wala akong mga kaibigan doon sa pinanggalingan ko, at hindi ako masyadong nakikipag-socialize kahit na sa mga katulad kong bampira. At ito ay isa sa aking goal— ang makipagkaibigan sa mga tao. Kahit isa o dalawa lang, pwede na.

"Umm, so... Magtatryout ka? It will be this Wednesday. 4:30 ng hapon sa gym." Tanong ni Leanne the redhead, at nakatingin sila sa akin na may hopeful na mga mukha at magkahawak-hawak kamay pa ang mga ito na para bang nakasalalay ang buhay nila sa sagot ko na oo.

Ano kaya ang nasa isip ng mga ito para masabi nila na isa akong cheerleader? Mukha ba akong cheerleader? Oh, no! Tingin ko dahil ito sa damit na suot ko ngayon. They are so colorful and fancy. This is absolutely not my type of clothing, not even close. Kung may kalayaan lang sana ako na suotin ulit ang mga damit na gusto ko, hindi ako magmumukhang cheerleader. Pero hindi eh, kinuha ni Margarette ang karapatan ko na iyon.

“Well, honestly, girls, I don't do cheerleading, and I don't know how to do it, and---” Ipapaliwanag ko sana pero pinutol ni Maggie nang magsalita siya, "Matuturuan ka namin. Lahat ng dapat mong malaman ay ituturo namin sayo."

“Yeah, mukha ka namang fast-learner,” sabat ni Rachel.

“And then, your body is perfect for cheerleading,” Dagdag pa ni Leanne. Bola.

Ano ba ang mga problema ng mga ito?

“I... uh, cheerleading is not my thing, and---” Simula ko ulit, pero may umepal na naman. Kaya lang ibang boses.

“You can leave the freak alone, girls. It's like she doesn't want to be popular in this academy. But that's great— being humble.” Wika ng arroganteng may-ari ng paaralang ito, at nakataas kilay ko siyang tiningnan. Ano din ang problema ng isang ito?

“Uh... okay, Ms. Winsley,” Sabi ni Leanne sabay tayo nilang tatlo sa pagkakaupo, at nagsalitang muli ang Reyna, “Maybe you could find someone way better than this girl. There could be a lot around that this one isn't even half of them."

Alright, parang nangmamaliit na 'tong malditang ito ah. Ano ba tong napasok ko na lugar?

“Yes, Ms. Winsley. And, Blair, pasensya na kung naabala ka namin,” Sabi ni Leanne at humingi ng dispensa sa akin.

“Well, I--” puting-manok! Sasagot na sana ako nang nagsalita na naman ang bruhilda. Ika-sampung libong beses na akong hindi pinag pasalita dito ah. Sumosobra na yata sila. Galit na ako, konti nalang.

“You should not be sorry, girls. Freaks like this person don't deserve that word, especially from you, cheerleaders.” Wika ng Reyna at nag-smirk sa akin. Sus, na.

Nakakainis na talaga. Hoo, relax lang, Blair. Tao lang siya— isang mahinang tao. Ang nilalang na ito ay hindi karapat dapat na maging rason na ma-expel ka sa unang araw ng pasukan. F*ck, mula sa araw din na ito, hinding-hindi ka na nagmumura.

“Said the b*tch who doesn't want to admit her own fault." Banat ko, at sa wakas, nakapagsalita rin ako ng walang sagabal.

At namalayan ko nalang na ang mga nakikiusyuso dito sa canteen ay nagulat sa sinagot ko sa kanilang Reyna. Tingnan lang natin kung sino ang mas pikon.

“How dare----” response nito at pinutol ko, “You!”

Sarap sa feeling makapag higante.

Ngumiti ako sa kanya, at parang natulala ito na hindi makapaniwala sa nababatid. FYI lang, wala akong inuurungan at tinatantanan.

Halatang galit na s'ya, pagka't namumula na ang mga pisngi nito. Damn, parang yung sa bookstore lang. Hindi talaga ako maka get-over dun. Ang cute n'ya talaga. No, kaunti lang.

At bago pa siya makapagsalita ulit, mas mabilis pa sa kindat, nagligpit ako ng gamit at humarurot na sa takbo paalis at palayo sa eksena habang nakangisi.

Fudge! That's the craziest thing I did today, and it indeed feels so fudging good. Yeah, I guess fudge is a good alternative for cussing too much F and P words. Ikukunsidera siguro ito ni Marge.

Nakita ko ang reaksyon ng mga estudyante sa paligid na nakasaksi sa kabaliwan na ginawa ko, at ang iba sa kanila ay para bang gustong sabihin na, "mapupunta ka sa impyerno na kung saan ang demonyo ay ang magandang dyosa na may-ari ng academy na ito".

Like, what the fudge? I don't give a damn about anybody. Lalong-lalo na sa babaeng iyon. Wala akong pakialam kahit s'ya pa ang may-ari nitong lugar na nilalakaran at pinapasukan ko. Bayad naman ako sa tuition, at susunod naman ako sa mga batas dito. Nagbabasa kaya ako ng school rules, okay? Kasi alam ko na as long as maging masunurin ka, wala kang problema. Kung nagbabayad ka, wala ka ring problema. Heck, I can even buy this whole academy! May pera kaya ako—marami, at higit pa sa inaakala ninuman. Well, nakuha ko lang naman ang yaman ko mula sa abandonadong minahan sa Transylvania. Damn, napakaraming dyamante, at alam kong malaki ang katumbas na pera ng mga iyon. Marami pa nga doon sa minahan eh.

---

Nagpatuloy ako sa pagtakbo palayo sa canteen, hanggang sa nakarating ako sa isang lugar na mapayapa—ang library. Yeah, I love books, pero wala pa akong natatapos basahin ni isa. What can I do? Walang magandang content, at hindi nakakalibang ang mga aklat na nasagupa ko. Pero gusto ko parin sila, kasi naman... Maganda sila tignan at hawakan, di'ba?

Well, mayroon pa naman akong thirty minutes bago magsimula ang Chemistry class ko na si Marge ang teacher. Matutulog na muna ako rito.

Nagtungo ako sa pinakadulong bahagi ng library na walang may gustong pumunta, para doon na muna ako magpahinga. Kumuha ako ng isang random na aklat mula sa shelf, at nagpatuloy sa paglalakad.

Umupo ako ng maaliwalas, binuksan ang aklat, at pinatayo sa harapan ko sa ibabaw ng mesa para magsilbing taguan ko. Hmm, cover me up, Bookie, while I stroll the Dreamland, alright?

Then, I set my watch to alarm at exactly sampung minuto bago magsimula ang klase.

At nang handa na ang lahat, natulog na ako.

---

Habang naglalakad ako sa hallway, sinadya akong banggain ng isang estudyante na naging dahilan upang madapa ako, mukha ang una.

At nagsimulang mag tawanan ang mga tao sa paligid. Ano ba ang nakakatawa?

Pagtingin ko sa taong bumangga sa akin, nagtaka titig na naman ako sa mga mata na nagbibigay sa akin ng di maipaliwanag na sensasyon, at nagsalita sya, "I won, Freak. I made you how down to me. Mwahahahaha!"

Sandali lang, parang may mali rito. Bakit tumatawa ang bruhildang ito na tila ay isang demonyo, at unti-unting nagiging matalas ang boses nito na para bang naipit na pusa?

Magsasalita na sana ako ng biglang,

*PAAAAKKKK*

Ang aklat sa harapan ko ay isinara ng napakalakas at nag-ingay dahilan upang mapabalikwas ako sa gulat at magising mula sa bangungot na iyon.

Kung sino man ang may gawa ng paggulintang sa akin ay magbabayad. Buhay ang katapat. Kukunin ko ang puso at bubunotin ko ang mga bituka niya, at saka ko s******n ang lahat ng dugo nito at walang ni isang patak na matitira.

Galit na galit na ako—abot impyerno. Humanda siya sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status