* Point of View ni Alison *---Paano ako makakatakas mula sa pagkakahawak niya? Ang sakit ng mga balikat ko, at kakainin na niya yata ang ulo ko. Ang baho pa ng hininga ng hinayupak na ito.Patuloy akong nakahawak sa leeg niya para ilayo sa mukha ko ang malaki niyang bibig na may mga matutulis na ngipin habang pilit ko siyang sinisipa sa tadyang, pero walang silbi."Ali!" Narinig ko na sigaw ni Blair, ngunit hindi ko siya makita kahit saan."Napakalakas ng halimaw na ito... Hindi ko kaya... Aaaargh!" Halos wala na akong masabi dahil nawawalan na ako ng lakas. Bumabaon ng husto ang mga kuko nya sa laman ko, at halos nasa loob na ng bibig niya ang ulo ko.Pagkatapos ay mabuti na lang at tumira si Blair ng isang bolang apoy sa kalaban, ngunit tila hindi natinag ang halimaw na Damien. Pero nagsimula ng masunog ang bahibo niya, at sa wakas ay binitawan na niya ako. At tuluyan na lumayo siya sa akin habang abala siya sa pagpatay ng apoy na gumagapang na sa kanyang buong katawan."Ayos ka l
* Point of View ni Blair *---"Mas malakas ka sa inaakala ko, Hybrid." Nagsalita si Damien nang mapagtanto niya na hindi niya ako dapat maliitin kahit pa na literal na mas maliit nga ako kaysa sa kanyang mala-higante na laki ngayon. I’m smol but teribol.Ang mga werewolves sa paligid ay talagang naging mas malaki at mas malakas nga habang ang buwan ay sumisikat mula sa silangan.At alam ko na walang kalaban-laban ang mga kasamahan ko sa mga halimaw na ito."Ows, talaga? Akala ko rin kasi na mas malakas ka sa inaakala ko. ‘Yun lang ba lahat ang meron ka?" Sarkastiko na gante ko at ngumisi sa kanya, at halatang naiinis na siya.Gusto kong sukatin kung gaano kalakas ang isang ‘to. Aaminin ko na siya nga ang pinakamalakas na nilalang na nakasagupa ko sa tanang buhay ko. Malamang, mahigit-kumulang isang libong taong gulang na ang gurang na ito. Inatake ako ni Damien, pero ang bagal niya, lalo na ngayon na mas malaki ang katawan niya. Talaga nga namang may downside ang lahat ng bagay, ano
* Point of View ni Cassandra *---Habang umiiyak ako at nakatitig sa bangkay ng matalik kong kaibigan, naramdaman kong may kung anong namumuo sa paligid ko. Pamilyar ang kapangyarihan na ito. Kung hindi ako nagkakamali ay force field ito ni Blair.Napatingin ako sa direksyon niya, and she's all on fire. Pagkatapos ay hinawakan niya ng dalawang kamay ang braso ng kalaban na nakahawak sa kanya. Hindi lang pala ito nakahawak ngunit nakatusok sa dibdib niya. Naku po! Hindi maaari!At hindi kalaunan ay nagsisimula nang maging abo ang lahat ng nasa paligid niya dahil sa apoy na kumakalat na nagmula sa kanya. Nauna na na naglaho ang halimaw na pumatay kay Pryce.Pero si Bair… Oh, hindi!Sinubukan kong tumakas sa force field niya para pigilan siya sa delikadong niyang plano, pero hindi ko magawa. Masyadong itong matibay."Claude! Tumigil ka!" Narinig ko ang sigaw ni Tita Claudia habang nagpupumilit din siyang makawala sa force field na nilikha ni Blair sa paligid ng bawat witch dito.Alam ko
!!! This is a FREE chapter. !!! .Hi, kamusta ka? I hope you are well. .Maraming salamat sa pagbabasa nitong aklat, at sana ay nag-enjoy ka. Ito na ang end ng book na ito. At kung gusto mong basahin ang kasunod ng kwentong ito, mahahanap mo ang aklat na Price Of Pryce sa profile ko. Kaya lang, English version 'yon. Wala pang translated.Anyway, kung makahanap ako ng panahon, i-tatranslate ko din 'yun into Filipino. Basahin niyo rin ang iba ko pang books kung gusto niyo lang. Salamat. (-: .Also, gagawin kong WEBCOMIC ang book na ito at yung Ghost In Red, at saka yung The Nerd DJ. I-check niyo na lang soon sa kung saan. Hopefully, pwede na dito sa GoodNovel at MegaNovel. Ulit, salamat ng marami. And have a nice day or night! ..~Nagmamahal ninyong author, YERB (-;
* Point of View ni Blair * --- "Oy, pambihira naman oh! Sa'n ka ba nakatingin?!" Sigaw ko sa tangang tao na nakabangga sakin, at sa kasamaang palad, nadapa siya sa sahig habang ang hawak-hawak nyang kape ay natapon sa damit nya. Oops, 'di kaya mainit 'yon? Well, anong paki ko naman? "What the hell!" Galit niyang mura sa akin habang tinutulungan niya sarili niyang tumayo. Ba't ko naman siya tutulungan, eh sya nga bumangga sa akin. Ako yata ang biktima dito! Bilang isang inosenteng mamamayan, inilagay ko ang cellphone ko sa bulsa ng aking jacket, at tiningnan ko siya habang nakataas ang kanang kilay. Yeah, mataray ako sa mga lampang tao, at isali nyo na lahat ng nilalang basta ako ang makakalaban nila. Pagkatapos ko siyang titigan gami
* Point of View ni Blair * --- "Manahimik kang tang'nang orasan ka!!!" Sigaw ko sabay abot sa maingay na bagay sa may nightstand, at binalibag 'to sa pader at nagkapirapiraso s'ya. There, finally, some peace. Ang aga-aga pa. Lunes. Ang araw na kinamumuhian ng karamihan. Like, sino bang may gusto ng Lunes? Well, except nalang kung walang pasok ang araw na ito o ito ay araw ng sweldo. Pero kahit gaano ko pa ito kasuklaman bilang isang estudyante, darating at darating pa rin ito na parang isang panghabambuhay na sumpa. Masaklap. "Anong nangyari, Blair?" Tawag ni Marge habang paakyat sa hagdanan papunta sa kwarto ko, 'tsaka pumasok s'ya. Nagtago ako sa ilalim ng unan para makatulog muli. "Okay. Hay, sabi ko na nga ba. Binasag mo lang nam
* Point of View ni Blair * --- "PRYCE WINSLEY ACADEMY." Binasa ko pangalan ng eskwelahang pinagenrollan ni Marge sa akin nang makababa ako sa aking motor at tinanggal ko helmet ko. Mukha namang maganda ang lugar na ito. At sana lang mabubuti ang mga estudyante rito, 'di tulad doon sa dati kong paaralan. 'Act like a human and be a human.' Ito lang ang dapat na lagi kong isaisip. Wala namang makakaalam na isa akong bampira kung hindi ko ibubutyag eh. Isa lang din ang sisisihin ko kung may ibang makakaalam- si Marge, wala ng iba. "Isa na naman itong boring na school year sa buhay ng mga estudyante." Bulong ko habang naglalakad sa hallway kung saan may napakaraming maiingay na mga taong estudyante. Karamihan sa kanila ay sinusundan ako
* Point of View ni Pryce * --- “Ms. Winsley, you can proceed to your classroom now. It's almost time for your first subject.” Sabi ng punong-guro, na dating best friend ng aking mama. 'Dati', sapagkat ang aking ina na si Prescilla Karstensen-Winsley ay namatay ng dahil sa isang plane crush noong sampung taong gulang pa lamang ako. Naiwan ako sa pangangalaga ng ama ko, pero ngayon hindi na ako nakatira sa mansion n'ya dahil may sarili na akong bahay. "Okay, Mr. Burton, just inform me kung may kulang pa o kung may kailangan baguhin." Sagot ko sabay bitbit sa aking bag at tumayo na mula sa upuan sa harap ng kanyang mesa, at nang maka punta na ako sa aking silid-aralan. Bilang may-ari ng academy na ito, kailangang kong i-ensure ang mga p