* Point of View ni Blair *
---
"Manahimik kang tang'nang orasan ka!!!" Sigaw ko sabay abot sa maingay na bagay sa may nightstand, at binalibag 'to sa pader at nagkapirapiraso s'ya. There, finally, some peace. Ang aga-aga pa.
Lunes. Ang araw na kinamumuhian ng karamihan. Like, sino bang may gusto ng Lunes? Well, except nalang kung walang pasok ang araw na ito o ito ay araw ng sweldo. Pero kahit gaano ko pa ito kasuklaman bilang isang estudyante, darating at darating pa rin ito na parang isang panghabambuhay na sumpa. Masaklap.
"Anong nangyari, Blair?" Tawag ni Marge habang paakyat sa hagdanan papunta sa kwarto ko, 'tsaka pumasok s'ya. Nagtago ako sa ilalim ng unan para makatulog muli.
"Okay. Hay, sabi ko na nga ba. Binasag mo lang naman ang alarm clock mo. Kay bago pa naman nyan. Unang gamit palang, hayon patay na." Wika niya, at kahit 'di ko pa siya tingnan, alam kong naka pamewang yan habang nakatingin sa akin gamit ang kanyang laser eyes.
"Yeah, ang ingay niya eh." Sagot ko habang inaantok pa at kinumutan ko pati ulo ko para hindi niya ako makita.
"Bumangon kana diyan, kung ayaw mong hilahin kita paalis sa kama mo." Banta n'ya sakin gamit ang kanyang mala-nanay na boses. Heto na naman sya oh. Akala ko pa naman kung papayag ako na dito manatili sa kanyang tahanan ay hahayaan niya ako sa gusto kong gawin, as long as hindi ito labag sa batas ng mga tao. Mahirap kaya mag adjust.
"Pwede bang hindi muna ako pumasok, Marge? Antok pa ako eh, at alam mo kung gaano ko ka-kailangan ang matulog. I need it like how much I needed air to breathe." Tanong ko sa kanya kahit alam kong wala akong lusot basta pagdating sa mga ganitong bagay. Mala-dragon 'tong babaeng 'to 'pag nagagalit.
Nang wala akong narinig na sagot, sumilip ako mula sa ilalim ng kumot, at nakita ko ang impyerno... Hindi naman, si Marge lang na nakataas ang kaliwang kilay habang nakapamewang at nakatitig sa akin na tagos-buto-hanggang-pader sa talas. Oh, the signature mommy-pose. Such a damn poser.
"Please? Sige na? Hindi ako nakatulog kagabi." Pagmamakaawa ko gamit ang aking ultimate puppy dog face, at alam kong medyo epektibo ito. Well, noon yata yun, ewan ko lang ngayon. Hopefully.
"Hindi pwede, kahit umiyak ka pa ng dugo dyan. Bumangon kana at maligo. Ang bantot mo na. Handa na ang pagkain sa ibaba." Mahigpit na tugon nito at naglakad paalis ng kwarto ko. Damn it! Hindi na talaga epektibo ang paawa-face ko.
"At 'wag mo ding subukang matulog sa loob ng bathtub!" Dagdag n'ya bago isara ang pintuan, at napabuntong-hininga na lang ako. Ayokong subukan ulit na galitin ang matandang dalaga na yun.
Bumangon ako mula sa aking pinakamarikit na higaan na pinakamamahal ko sa pamamahay na ito, at sinimulan ko nang maghanda papuntang paaralan kasama si Marge.
Si Marge o mas kilala bilang si Margarette Kendall ay hindi ko nanay. Tingin ko ay siya ay kaibigan ng tunay kong ina, or just somebody na nag alaga sa akin mula pa noong ipinanganak ako. Well, hindi ko talaga alam kung sino ang nanay ko. Hindi ko siya nakita, at hindi ko rin alam kung ano siya. Ang sabi lang ni Marge ay namatay siya nang dahil sa panganganak sa akin. At ang ama ko? Hindi ko rin alam kung sino siya, kung ano siya, o kung buhay pa ba siya.
Sa totoo lang, kinukutya ako ng mga kaedad ko noong bata pa ako dahil sa pamilya ko. Sabi nila na mamamatay tao raw ako- na pinatay ko raw ang nanay ko. Tang'na, kasalanan ko bang hindi siya marunong manganak at namatay siya? Hindi naman siguro, ano? Anong muwang ko pa noon?
Hindi ko nga alam kung bakit iba ako sa taong kinalakihan ko. Si Marge ay isang tao, subalit tanggap niya ako bilang isang tunay na anak kahit na isa akong hindi normal na nilalang. Isa lang naman akong bampira, ngunit hindi ko alam kung bakit. Halimaw man ako sa tingin ng mga mamamayan sa lugar na pinanggalingan ko sa Transylvania, alam ko ang katotohanan ko.
Oo, totoo, nakapatay ako. Marami. Pero sila iyong mga baliw at mararahas na mga kalahi kong mga bampira at mga werewolves na pumapatay ng mga tao para lang inumin ang dugo o kainin nila. Hindi din naman ako maituturing na superhero, sapagkat inaakusahan din ako ng mga tao na pinapatay ko raw ang mga halimaw na katulad ko upang walang sagabal sa daanan ko na pumatay ng tao para sa pagkain ko. Walang kakumpetensya, mukha nila. Ni minsan hindi nga ako naka s****p ng dugo directly mula sa tao eh. Si Marge ang nagpoprovide ng blood bags para sa akin mula sa mga ospital kahit noong sanggol pa lang ako. Ngunit noong ikawalong kaarawan ko, may niregalo si Marge sa akin. Sabi niya na mula raw iyon sa aking nanay na iniutos sa kanya na ibigay sa akin nung araw na iyon. Isang kwintas. Nakakamangha, kasi kaya nitong ikubli ang aking bampirang katauhan at gawin akong isang normal na tao kapag humiling ako sa kwintas na may kristal sa palawit nito. Para itong isang wishing crystal na may spell.
Madalas kong gamitin ang kapangyarihan ng kuwintas upang mag anyong tao para hindi ko kailangang uminom ng dugo bilang pangunahing pinagkukunan ko ng lakas. Bilang isang normal na tao, ofcourse, hindi na ako maputla at hindi rin pula ang kulay ng aking mga mata. Sakto lang ang height ko, meron akong magagandang green na mata, at buhok ko ay straight na kulay brown. Anyway, hindi ko alam kung maganda ba akong tignan sa anyong ito. Sanay lang kasi akong hindi makita ang reflection ko sa salamin bilang isang bampira. At hindi ko rin ugaling tumingin sa salamin kahit na tao ako. My looks are the least of my problems. Because there are bigger ones, just like socializing with many humans. Napakahirap. Pero determinado akong matuto at makaranas.
---
Dala ko ang school bag ko sa kanan kong kamay habang pababa sa hagdan papuntang hapag kainan para mag agahan. Sana lang masarap ang pagkain.
Hindi pa ako nakaupo sa silya ngunit nasira na ang mukha ko nang makita at maamoy ang mga nakahaing pagkain sa mesa.
"Marge, kailangan ko ba talagang kainin ang mga bagay na ito? Wala bang iba dyan? Something edible?" Tanong ko sa kanya habang tinititigan ko ang mga bagay sa plato ko.
"Yes, Blair, kailangan mong kumain. Iyan ang tinatawag nilang bacon at scrambled eggs." Sagot niya at tumayo para hugasan ang mga ginamit niyang pinggan at mug, habang ako ay nagtataka kung bakit ba.
“Why do people eat this kind of shit?” Kunot-noo kong tanong sa hangin habang hindi ko parin mawari kung bakit ba ito ang nasa hapagkainan.
"Watch your language, Blair.” Remark nya habang abala siya sa lababo, at napasinghap ako dahil nakalimutan ko na naman. Yeah, may kasunduan kami na kapag andito na ako sa America ay hindi na ako magmumura, kaya lang mahirap baguhin ang nakasanayan eh.
“Sorry,” Sabi ko habang sinusundot ang bacon gamit ang tinidor, at tumugon ang ina-inahan ko, "Bakit yan kinakain ng mga tao? Dahil iyan ang nakasanayan nilang kainin. Hindi ka pa rin ba talaga nagbabago ng diet mo, Blair? Kasalanan ito nina Mr. at Mrs. Leroy eh. Oh, well, kasalanan ko na rin. Pero bilisan mo na dyan at aalis na tayo nang hindi tayo ma-late."
Kailangan naming dalawa na pumasok sa paaralan pagka't isa akong estudyante at senior year ko na ngayon. Habang si Marge ay teacher lang naman. Ayaw niya lang akong pabayaan ulit.
Kakalipat ko lang dito mula sa Transylvania na isang rehiyon sa Romania sa Europe noong nakaraang dalawang linggo. Iniwan ako ni Marge doon, or should I say... Nagpaiwan ako roon noong fourteen years old palang ako sa pangangalaga nina Mr. at Mrs. Leroy. Doon ako tumira sa bahay ng may-edad na na mag asawang iyon. Sila ay mga tao at wala silang anak o apo, at ako ay itinuturing nilang isang kabahagi ng kanilang pamilya kahit alam nilang isa akong bampira, at may mga nagawang kunting krimen doon. Fine, maraming krimen.
Masaya naman mamuhay sa farm. Busog nga ako palagi bilang isang tao dahil sa mga gulay at prutas, at bilang bampira naman dahil sa dugo ng mga hayop na alaga namin doon.
Noong nag seventeen ako, mahigit tatlong linggo ang nakakaraan, bumalik si Marge sa Transylvania para kunin ako para dito na manirahan. Sa tatlong taon kaming hindi nagkita, maraming pagababago ang nayari sa akin at sa kanya. Laking galit n'ya sa akin nang malaman n'yang ang mukhang ito ay ang most wanted na supernatural fugitive na pinaghahanap ng iilang mga legal at illegal na vampire at werewolf organizations doon, kaya naman napilitan akong sumama sa kanya rito upang mamuhay ng mapayapa. Gusto niya rin na masubukan kong maranasan ang buhay tao at buhay siyudad. At hiling ko lang na ma enjoy ko ito gaya nang sinabi niya.
"Ah, Marge, pwede mansanas na lang kakainin ko?" Tanong ko sa kanya, at humarap siya para tignan ako. Hindi niya batid na ayoko pa rin sa mga pagkaing ganito, kasi hindi kami sabay kumain dahil matagal akong gumigising dahil bakasyon naman, tapos sya, halos araw-araw sa paaralan para maghanda sa paparating na pasukan.
Hindi ko lang talaga gusto ang mga pagkaing may karne. Tawagin n'yo akong vegetarian, pero ayoko talaga sa mga karne. Sanay ako sa gulay at cereals mula pa pagkabata. Ang karne kasi para sa akin ay walang kalasalasa. Naiisip ko lang palagi na isa akong bampira na dugo lang ang kailangan at hindi karne.
"Alright, naiintindihan kita, Blair. Sabi ko naman sayo na bilhan mo ako mga kailangan mo sa kusina. Lalo na ang recipe book ng mga vegetarian. Akala ko nagbibiro ka lang na vegan ka pa rin." Sagot at sisi n'ya sa akin. Oh, naalala ko na. Hindi ko nabili yung bagay dahil doon sa magandang bruhilda na may-ari ng bookstore. Damn, napapangisi talaga ako 'pag naaalala ko ang nangyari doon noong isang linggo. Saan kaya nakatira ang mataray na babaeng 'yon?
"Yey, thanks! Maybe next time, Marge. Sisiguraduhin kong makabibili ako." Masayang sabi ko at tumungo sa refrigerator upang kumuha ng prutas para sa aking agahan.
---
Pagkatapos kong kumain ng dalawang mansanas, kinuha ni Marge ang susi ng sasakyan n'ya mula sa kanyang bag at sinabihan ako, "Tara na, Blair! Kunin mo na---"
Hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya. "Marge, kaya kong mag drive patungo sa Academy."
"Pero---" tutol niya pero may rason ulit ako. "May motor naman ako, at ipinangako ko na na hinding hindi ko na aabutin ang speed limit ulit, diba? Ayoko ko nang habulin ng isang patrol car ulit na hindi naman makahabol sa akin."
"Okay. Pero itext mo ako kung may kailangan ka o anumang problema, alright? Nasa faculty office lang ako tuwing break time." Bilin niya habang palabas ng pintuan patungo sa garahe, at kinuha ko ang aking backpack at susi ng motor.
“Yeah, sure,” Sagot ko at sumunod na sa kanya.
“Ang schedule paper mo ay na sa blue mo na notebook. Also, you got your books in your locker.” Dagdag n'ya habang binubuksan ang pinto ng driver's seat.
Well, ang swerte ko pa rin sa buhay dahil may nanay na ako, may ate, kaibigan, nanny, at teacher pa sa bahay. All in one, ano?
Ni-lock ko ang pintuan at pumunta sa motor ko at hinintay na maka-drive out si Marge.
“Good luck on your first day of school, Blair! Magpakabait ka, okay?” Huling hirit n'ya bago sya mag drive paalis.
Well, isa lang ang masasabi ko basta usapang paaralan na. Boring. Yun lang.
Matapos kong isara ang garahe, sumunod na ako papuntang paaralan na mahigit-kumulang limang minutong drive mula dito sa bahay.
* Point of View ni Blair * --- "PRYCE WINSLEY ACADEMY." Binasa ko pangalan ng eskwelahang pinagenrollan ni Marge sa akin nang makababa ako sa aking motor at tinanggal ko helmet ko. Mukha namang maganda ang lugar na ito. At sana lang mabubuti ang mga estudyante rito, 'di tulad doon sa dati kong paaralan. 'Act like a human and be a human.' Ito lang ang dapat na lagi kong isaisip. Wala namang makakaalam na isa akong bampira kung hindi ko ibubutyag eh. Isa lang din ang sisisihin ko kung may ibang makakaalam- si Marge, wala ng iba. "Isa na naman itong boring na school year sa buhay ng mga estudyante." Bulong ko habang naglalakad sa hallway kung saan may napakaraming maiingay na mga taong estudyante. Karamihan sa kanila ay sinusundan ako
* Point of View ni Pryce * --- “Ms. Winsley, you can proceed to your classroom now. It's almost time for your first subject.” Sabi ng punong-guro, na dating best friend ng aking mama. 'Dati', sapagkat ang aking ina na si Prescilla Karstensen-Winsley ay namatay ng dahil sa isang plane crush noong sampung taong gulang pa lamang ako. Naiwan ako sa pangangalaga ng ama ko, pero ngayon hindi na ako nakatira sa mansion n'ya dahil may sarili na akong bahay. "Okay, Mr. Burton, just inform me kung may kulang pa o kung may kailangan baguhin." Sagot ko sabay bitbit sa aking bag at tumayo na mula sa upuan sa harap ng kanyang mesa, at nang maka punta na ako sa aking silid-aralan. Bilang may-ari ng academy na ito, kailangang kong i-ensure ang mga p
* Point of View ni Blair * --- Bakit kaya tuwing ikaw ay nasa eskwelahan ang oras ay parang pagong kung lumipas, o mas mabagal pa nga? Nakakasuklam talaga, ano? Ang tanging lugar na ayokong manatili ng mahabang panahon ay sa paaralan. Para itong isang napaka dilim, masukal, at nakakatakot na lugar. Pero wala tayong choice. Mananatili tayo dito hanggang sa magsawa na sila sa ating presensya sa mahigit kumulang dalawampung taon na pagkakakulong. Putang'na talaga eh. Hahays, bwesit, kailangan ko na talagang iwasang magmura kahit mentally. Siguradong papatayin ako ni Marge kung mababasa n'ya isipan ko. At kinakailangan ko ng makinig sa aming mathematics teacher, dahil... Apat, tatlo, dalawa, isa. Tumunog na ang bell. Haha, lunch break!
* Point of View ni Pryce * --- How dare she talk back at me and run away just like that? Sinusumpa ko, papatayin ko siya sa mas mahirap na paraan. Wala pang nagawa nito sa akin, kailanman! Humanda siya, dahil hindi ko ito palalampasin like the last time she messed with me. “Ano ang tinitingnan ninyong lahat? Mind your own things." Ipinahayag ko sa lahat ng tao dito sa canteen, at awtomatikong bumalik ang kanilang mga ulo sa kanilang mga tamang lugar. "Umm. Uh, humihingi, po, kami ng tawad, Ms. Winsley." Nauutal na sabi ng cheerleader captain, at tumango lang ako sa kanila, pagkatapos ay dumiretso sa pinto ng canteen. Nawalan na ako ng ganang kumain, at dahil ito lahat sa abnoy na iyon. Pupunta na lamang
* Point of View ni Blair * --- Whew! Salamat naman at maaga akong dumating sa classroom. Limang minuto bago ang oras ng simula ng klase. Dumiretso ako sa upuan ko sa likuran. It's actually a great thing na isa lang ang classroom namin sa halos lahat ng subjects, except sa PE at mga lab works. Pagkaupo ko sa upuan ko, sumulyap ako sa upuan sa tabi ko. Hindi ko lang mapigilan ang sarili kong ngumiti habang naalala ko ang nangyari sa library. It's so incredible. --- Ang bell sa wakas ay tumunog, at si Marge ay pumasok na. At, halos lahat ng mga mag-aaral ay narito na, ngunit ang kanilang reyna ay tila huli. Hmm, nasasabik ako na ma
* Point of View ni Pryce * --- I am in a place na hindi ko dapat puntahan— Clarkson Park. At 7:10 na ng gabi. Nasa loob ako ng kotse ko, nagpapasya kung dapat ba akong lumabas o hindi. Well, sino ang nakakaalam kung ano ang nasa labas? Siguro pinagkatuwaan lang ako ng abnoy na iyon, o gusto niya akong patayin. Bakit nga ba ako nagpasya na pumunta pa dito? Napakatanga ko talaga. Ngunit pagkatapos ng ilang sandali, nagpasya akong buksan ang pintuan ng aking kotse at nagdala ng baseball bat, kung sakaling may emergency. At, iniwan ko na umaandar ang sasakyan upang may mga ilaw sa mga headlight nito. Bakit ba walang ilaw sa paligid dito ngayon? Ang lugar na ito ay supposed to be so bu
* Point of View ni Pryce * --- "Babe, gusto mo pa bang maglagay ng yelo sa pasa ko, o tititigan mo lang ako hanggang umaga?" Tanong ni Blair habang nakangisi, that it caused me to be back in reality. Damn, that was embarrassing. Ang babae na ito ay hindi kailanman marunong sumunod. Ang katigasan ng ulo ay to the highest level. “Anong pinagsasabi mo diyan? Never in your dreams na tititigan kita hanggang umaga. Ano ka? Sineswetre?" Sinabi ko sa kanya habang naglalakad ako papunta sa trunk ng kotse ko upang kumuha ng ilang piraso ng yelo mula sa cooler. Pagkatapos, binalot ko ito sa panyo at itinali. Bumalik ako sa kanya at inabot sa kanya ang yelo. May binulong siya, ngunit hindi ko marinig ito ng malinaw, at kinuha niya naman ang bagay mula sa a
* Point of View ni Blair * --- Ako ay lubos na nagtataka, nabigla, at namamangha nang makita ko ang queenb*tch ng kanyang academy na nakangiti at nais na kumain ng ice cream kasama ko. I swear, malapit ng matapos ang mundo. "Anong flavor ang gusto mo?" Masayang tinanong niya ako, at sino ba ang babaeng ito? Ako ba ay nananaginip? Nasaan na ang malditang Reyna? Hindi ko talaga siya naisip na may ganitong personality pala ang bruhildang ito? Hindi ko pa nakikita ang ngiti niya o kahit ang pagtawa, pero ngayon... Wow! And, fudge, she is more than beautiful, and I just don't know why, but my heart doesn't beat normally. Ang babaeng ito ay merong something something na hindi ko mawari. "Umm,