* Point of View ni Pryce *
---
“Ms. Winsley, you can proceed to your classroom now. It's almost time for your first subject.” Sabi ng punong-guro, na dating best friend ng aking mama.
'Dati', sapagkat ang aking ina na si Prescilla Karstensen-Winsley ay namatay ng dahil sa isang plane crush noong sampung taong gulang pa lamang ako. Naiwan ako sa pangangalaga ng ama ko, pero ngayon hindi na ako nakatira sa mansion n'ya dahil may sarili na akong bahay.
"Okay, Mr. Burton, just inform me kung may kulang pa o kung may kailangan baguhin." Sagot ko sabay bitbit sa aking bag at tumayo na mula sa upuan sa harap ng kanyang mesa, at nang maka punta na ako sa aking silid-aralan.
Bilang may-ari ng academy na ito, kailangang kong i-ensure ang mga pangangailan ng aking mga empleyado. Kung may maitutulong man ako, gagawin ko. At saka, kailangan ko ring malaman ang mga plano para sa mga activities na magaganap sa mga susunod na araw at sa buong school year na.
Tingin n'yo ang bata ko pa para sa gawaing ito? Well, yeah. Pero lumaki ako na ganito na ang nakasanayan. Dati-rati na si Mama pa ang nagmamanage nito, pinagmamasdan ko siya palagi kung paano n'ya gampanan ang tungkulin n'ya rito. Also, ang ama ko na si Kyle Conor Winsley ay isang mahusay na negosyante, kaya hindi na bago sa akin ang mga bagay na ganito.
“Yep, have a great day at school, Pryce. Mag-enjoy ka. Last year mo na ito sa academy na ito bilang isang estudyante.” Bilin n'ya sa akin na may ngiti, at napatawa lang ako. Oo nga naman. Last na to. Surely, mamimiss ko ang lugar na ito once kailangan ko ng magproceed sa isang university. Nakakalungkot man, pero kailangan.
Si Ronald Burton ay itinuturing ko na din na parang isang ama, dahil s'ya ang laging kasama ko rito sa academy, at magkaibigan din sila ng mama at papa ko. Siya ang pinili ko na maging prinsipal dahil may tiwala ako sa kanya tulad ng tiwala ni Mama. Kaya lang mayroon siyang sikreto na ang tanging nakakaalam lang ay ako, si Mama at Papa, at siya. He is gay, but he doesn't show it. Nagtaka s'ya noon kung bakit hindi talaga siya naiinlove sa kahit sinumang babae, at mas naattact siya sa mga lalaki. So, yeah. He is gay, and I don't hate him. Hindi naman masama ang maging ganyan. He is born that way, and it is absolutely okay.
"Thanks, Ron! Don't worry. Pupunta ako mamayang lunch break sa opisina ng secretary para i-inform s'ya sa mga napagkasunduan natin. May kailangan din akong permahan doon, isasabay ko nalang. Bye!" Sagot ko at naglakad na palabas ng opisina n'ya para magtungo sa locker area. Kailangan kong kunin ang mga gamit na kailangan ko para sa pang umaga na klase.
Habang naglalakad ako sa corridor, as usual, nakatingin na naman ang mga mata ng mga estudyante sa akin, habang ang iba ay umiiwas ng tingin.
Wala naman talagang naglalakas loob na lumapit sa akin para makipag-usap o makipagkaibigan, dahil alam nila na ako ang may-ari ng academy. At nagagalak ako na alam nila kung saan sila lulugar. Minsan kung may mga transferees na gustong magpapansin at magpa impress sa akin, agad silang napapaatras sa oras na malaman nila na ako lang naman ang Reyna ng lugar na ito. At kung sakaling may mga sumusuway sa policy at rules dito ay agad kong isesend sa principal's office, at si Ron na ang bahala sa kanila. Ang ilan ay nasususpende, habang ang iba ay na e-expel talaga. Ginagawa ko lang naman ang tungkulin ko upang ma-attain ang kapayapaan dito at para maging maayos ang pag-aaral ng mga estudyante rito.
Pagkatapos kong kuhanin ang mga pangangailan ko mula sa aking locker, ay nagtungo na ako sa ikatlong palapag ng building at sa room C-04.
Pagpasok ko sa silid ay agad natigil ang lahat sa mga ginagawa nila at tumingin sa akin. Para yata silang nakakita ng multo ah. Well, ang karamihan rito ay mga kaklase ko last year, so I guess, it's not hard to adjust, which is great.
I finally went to my seat at the back of the room, at alam ng lahat na palagi akong sa likod nakaupo. Ito ay upang makita ko kung anuman ang mga kababalaghan na ginagawa ng mga kaklase ko. Wala lang, trip ko lang na maging peace regulator at sparrow dito.
Ang katabing upuan ko ay bakante, at tingin ko ay wala atang may lakas ng loob na umupo dito. Ewan ko lang sa kanila.
Nang may bagong pumasok at naghanap ng mauupuan, hindi na siya nag atubiling lumingon pa rito ng nakitang may bakante pa malapit sa gitna. I guess, wala pa rin talaga akong magiging seatmate. Mas okay nga eh.
---
Habang naghihintay ako na mag-ring ang bell para sa first subject namin, which is English, inilabas ko ang aking binder notebook para itala kung anu-ano ang mga gagawin ko ngayong araw. Nakalimutan kong isulat kahapon. Una ay sa lunchtime, kailangan kong pumunta sa library para i-check ang mga bagong aklat na nakarating at dadaanan ang secretary. Pangalawa ay mamayang 6pm, may dinner date ako kasama si Papa sa isa sa kanyang mga restaurant upang mag usap ng kahit ano— something like father-daughter stuff. At pangatlo ay sa supermarket. Kailangan kong bumili ng gatas, ice cream—marami na ice cream, at cereal.
Habang nagsusulat ako, narinig ko na bumukas-sirado ang pintuan. Tiningnan ko ang oras sa aking relo at nakitang almost time na para sa first subject. Si Mr. Colton na siguro yun. Alam ko lang na s'ya ang magiging teacher namin dahil ako ang nag appoint. Magaling yan, may pagka-istrikto lang.
Tumunog na ang bell, hudyat upang magsisimula na ang unang asignatura. At nang marinig ko ang guro na parang naghanap ng bakanteng upuan at kasali ako sa namention nya, sumagot nalang ako, "Makaupo s'ya rito, Mr. Colton."
Parang may mapapasubo ah. Wala ng ibang bakante eh. No choice. Well, neither do I have a choice. Sana lang ay well-behaving ang nilalang na ito. Unang bese ko ito sa aking highschool life ko na may katabi. Well, at least, I could still experience something new before I depart from being a student here.
Kita ko sa peripheral vision ko na babae ang uupo sa tabi ko, at naglakad siya papunta sa aking lokasyon.
Tiningnan ko ang babae na magiging seamate ko, at natulala ako sa gulat nang magtagpong muli ang aming mga mata. Ang kanyang mga green na mata na silang palagi kong napapanaginipan mula nung huli kaming nagkita. Siya ba talaga ito? No way!
Batid ko na nagulat rin siyang makita ako, o mas gulat pa nga ako. Damn! It really is her! I can't be mistaken.
"Ano ang ginagawa mo dito sa academy ko?" Tanong ko sa kanya when I finally found my voice, at ngumiti s'ya tulad ng dati at ang lagi kong napapanaginipan—na para ba itong isang Deja Vu. Damn, why do I feel so uncomfortable right now? She's just a nobody.
"Academy mo? Hmm... Sounds fun." Sagot nito at umupo na sa tabi ko.
Well, well, well, tingnan mo nga naman oh. Nagkita nga kaming muli. Hindi lang basta-bastang meet, mag seatmate kami! Like... What? Homigas! Is this even real? Am I not dreaming? I doubt that, though. Hell, I am not yet over with her because she was the one who stained my favorite dress with my iced coffee. At heto na nga. Pagkakataon ko na para makapag higante. Hmm. The odds are finally in my favor.
I should start making a plan to get that pretty smile off of her beautiful face. Naku po, ano ba itong iniisip ko? Hindi siya maganda. Super layo. Panget. Yeah, ampanget n'ya. Mukhang abnoy. Mayroon lang siyang brown hair na straight at shiny, and a perfect set of white teeth. And a pretty perfect face. Sh*t, I should make a plan on how to make her life a living hell in this academy.
Hindi naman ako isang bully type na student, kaya lang ang babaeng ito ay kailangan matuto ng leksyon. She should not have messed with me back at my bookstore.
And as usual, the teacher let us introduce ourselves to everyone in the room, so I went first since I am at the back. Una ako palagi eh.
“My name is Pryce Winsley. And, for those who do not know me yet, better know your places, or you will know where you should be. There is a handbook that states everything you need to know as a student here in my academy.” Pakilala ko sa aking sarili sabay irap sa katabi ko para malaman n'ya na hinding-hindi magiging madali ang buhay n'ya rito. Kung may mababatid man ako na kung anong flaws mula sa babaeng ito na labag sa policy ng academy, alam n'ya na kung saan s'ya pupulutin.
Tumayo siya nang turn na n'ya na magintroduce ng kanilang pagkakakilanlan.
“Uh... First of all... My name's Blair, Blair Kendall. Just call me Blair because I don't want to sound like the Science teacher.”
Yun lang ang sinabi n'ya at naupo na.
So... Anak pala s'ya ni Ms. Margarette Kendall? Akala ko dalaga yun? Baka naman widowed. Kaya lang ang babaeng ito ay hindi kahawig ni Ms. Kendall. Yung teacher ay may blonde na buhok at blue-gray na mga mata. Habang ang isang ito ay may brown na tuwid na buhok, medyo maputla, at ang kanyang ocean green eyes na para bang nakikita n'ya ang kaluluwa ko kapag nakatitig s'ya sa aki---teka Lang, tapos ko na s'ya i-describe kanina ah. Anu ba tong isipan ko, sira na yata. Now, I really should get her off my mind. I'm not thinking straight anymore.
Nang may bigla akong maisip, nagsulat ako sa isang maliit na piraso ng papel mula sa aking notebook para sa kanya, 'What a small world we have, Freak. Remember me?'
Binasa n'ya ito ng nakangiti at nagsulat sa likod nito, at binigay sa akin.
“Ms. Blair, is there something funny that you can tell the whole class?” Tanong ni Mr. Colton, at agad akong nag act na normal. Ayokong madamay kung sakali man. Wala pa along record sa principal's office at detention. Nakahiya, ako pa naman may-ari ng academy at nag-implenta ng mga policy dito.
Binasa ko ang note n'ya, 'Well, yeah, so, you did miss me. Huh?'
Hanuraw? Tang'na, kay feelingerang palaka.
“Um... No. Nothing, Sir." Sagot nito sa guro at ibinaling ang tingin sa kanyang desk.
Nag-sulat ulit ako ng mensahe para sa kanya, 'Never in your freaking dreams!' at ibinigay ito sa kanya. Binasa n'ya 'to at itinago ang papel sa kanyang bulsa at hindi man lang nagreply. Hello?
Naghintay ako Kung ano ang gagawin n'ya, at ayon—wala. Nakikinig lang s'ya sa iba pa naming mga kaklase na nagpapakilala ng kanilang mga sarili.
Ewan ko ba, pero nadismaya ako nang hindi n'ya ako pinansin. Walang galang. What the heck?
Oh, well, maghintay ka lang at on the way na ang vengeance ko. Sorry, but I will never be nice to you, Blair Kendall.
* Point of View ni Blair * --- Bakit kaya tuwing ikaw ay nasa eskwelahan ang oras ay parang pagong kung lumipas, o mas mabagal pa nga? Nakakasuklam talaga, ano? Ang tanging lugar na ayokong manatili ng mahabang panahon ay sa paaralan. Para itong isang napaka dilim, masukal, at nakakatakot na lugar. Pero wala tayong choice. Mananatili tayo dito hanggang sa magsawa na sila sa ating presensya sa mahigit kumulang dalawampung taon na pagkakakulong. Putang'na talaga eh. Hahays, bwesit, kailangan ko na talagang iwasang magmura kahit mentally. Siguradong papatayin ako ni Marge kung mababasa n'ya isipan ko. At kinakailangan ko ng makinig sa aming mathematics teacher, dahil... Apat, tatlo, dalawa, isa. Tumunog na ang bell. Haha, lunch break!
* Point of View ni Pryce * --- How dare she talk back at me and run away just like that? Sinusumpa ko, papatayin ko siya sa mas mahirap na paraan. Wala pang nagawa nito sa akin, kailanman! Humanda siya, dahil hindi ko ito palalampasin like the last time she messed with me. “Ano ang tinitingnan ninyong lahat? Mind your own things." Ipinahayag ko sa lahat ng tao dito sa canteen, at awtomatikong bumalik ang kanilang mga ulo sa kanilang mga tamang lugar. "Umm. Uh, humihingi, po, kami ng tawad, Ms. Winsley." Nauutal na sabi ng cheerleader captain, at tumango lang ako sa kanila, pagkatapos ay dumiretso sa pinto ng canteen. Nawalan na ako ng ganang kumain, at dahil ito lahat sa abnoy na iyon. Pupunta na lamang
* Point of View ni Blair * --- Whew! Salamat naman at maaga akong dumating sa classroom. Limang minuto bago ang oras ng simula ng klase. Dumiretso ako sa upuan ko sa likuran. It's actually a great thing na isa lang ang classroom namin sa halos lahat ng subjects, except sa PE at mga lab works. Pagkaupo ko sa upuan ko, sumulyap ako sa upuan sa tabi ko. Hindi ko lang mapigilan ang sarili kong ngumiti habang naalala ko ang nangyari sa library. It's so incredible. --- Ang bell sa wakas ay tumunog, at si Marge ay pumasok na. At, halos lahat ng mga mag-aaral ay narito na, ngunit ang kanilang reyna ay tila huli. Hmm, nasasabik ako na ma
* Point of View ni Pryce * --- I am in a place na hindi ko dapat puntahan— Clarkson Park. At 7:10 na ng gabi. Nasa loob ako ng kotse ko, nagpapasya kung dapat ba akong lumabas o hindi. Well, sino ang nakakaalam kung ano ang nasa labas? Siguro pinagkatuwaan lang ako ng abnoy na iyon, o gusto niya akong patayin. Bakit nga ba ako nagpasya na pumunta pa dito? Napakatanga ko talaga. Ngunit pagkatapos ng ilang sandali, nagpasya akong buksan ang pintuan ng aking kotse at nagdala ng baseball bat, kung sakaling may emergency. At, iniwan ko na umaandar ang sasakyan upang may mga ilaw sa mga headlight nito. Bakit ba walang ilaw sa paligid dito ngayon? Ang lugar na ito ay supposed to be so bu
* Point of View ni Pryce * --- "Babe, gusto mo pa bang maglagay ng yelo sa pasa ko, o tititigan mo lang ako hanggang umaga?" Tanong ni Blair habang nakangisi, that it caused me to be back in reality. Damn, that was embarrassing. Ang babae na ito ay hindi kailanman marunong sumunod. Ang katigasan ng ulo ay to the highest level. “Anong pinagsasabi mo diyan? Never in your dreams na tititigan kita hanggang umaga. Ano ka? Sineswetre?" Sinabi ko sa kanya habang naglalakad ako papunta sa trunk ng kotse ko upang kumuha ng ilang piraso ng yelo mula sa cooler. Pagkatapos, binalot ko ito sa panyo at itinali. Bumalik ako sa kanya at inabot sa kanya ang yelo. May binulong siya, ngunit hindi ko marinig ito ng malinaw, at kinuha niya naman ang bagay mula sa a
* Point of View ni Blair * --- Ako ay lubos na nagtataka, nabigla, at namamangha nang makita ko ang queenb*tch ng kanyang academy na nakangiti at nais na kumain ng ice cream kasama ko. I swear, malapit ng matapos ang mundo. "Anong flavor ang gusto mo?" Masayang tinanong niya ako, at sino ba ang babaeng ito? Ako ba ay nananaginip? Nasaan na ang malditang Reyna? Hindi ko talaga siya naisip na may ganitong personality pala ang bruhildang ito? Hindi ko pa nakikita ang ngiti niya o kahit ang pagtawa, pero ngayon... Wow! And, fudge, she is more than beautiful, and I just don't know why, but my heart doesn't beat normally. Ang babaeng ito ay merong something something na hindi ko mawari. "Umm,
* Point of View ni Blair * --- "Well, speaking of the ONE, hindi ito dapat isang lalaki. Okay, huwag kang judgmental sapagkat nasa figuring-out state pa ako.” Paliwanag ko, at ngayon-ngayon ko lang napagtanto kung ano ang sinabi ko. Lagot. Bwisit talaga tong dila ko. "Oh! So... You are saying that you're gay?" Nagtatakang tanong niya. At tang'na naman oh, ang tigas ng ulo. Ngunit nakangiting tinanong niya ako. Hmm, siguro hindi siya homophobic. That would be so awesome, if so. "Sinabi ko, huwag manghusga dahil iniisip ko pa rin iyon," medyo inis na sagot ko, ngunit nakangiti sa loob dahil mukhang hindi niya ako kinamumuhian na binigyan ko siya ng isang hint na may malaking posibilidad that I really am gay.
* Point of View ni Pryce * --- "Yeah, goodnight and sweet dreams, Babe," aniya at lumabas ng aking sasakyan. Bakit ba ang babaeng ito ay napakatigas ang ulo? "Ikaw rin. And please, stop calling me babe.” Sinabi ko sa kanya ng pang-isang libong beses na, ngunit ang huling bahagi nito ay isang kasinungalingan pa rin. Gusto kong tawagan niya ako niyan. Mhmm. "Aye, Madam!" Bigkas nito, at nagmaneho na ako palayo habang umiling iling ako at ngumiti sa sarili. Hays, ito na yata ang pinakamagandang gabi sa aking buhay kailanman. Nakakainis na nakakakilig. Makauwi na nga lang. --- Humiga ak