Share

Ang Maybahay ng Lobo
Ang Maybahay ng Lobo
Author: Coffee’s Tea

Kabanata 1

“G*go ka! Wolf king ka man o ano sa Western Frontline, wala akong pakialm! Kailangan mong pumunta sa Bablyon para pakasalan si Solana, ang anak ng mga Wright!”

“Nangako ako sa lolo niyang papakasalan mo siya noong iniligtas ako nito sampung taon na ang nakakalipas! Tanda ng kasal ang kalahating piraso ng Jade. Nakalagay na rin sa liham ang address ng mga Wright at nakaipit ang larawan at contact number ni Solana. Maari lang na pumunta ka roon at pakasalan ang babae!”

“Kapag wala kang dalang malusog na apo sa susunod na taon, ipapahiya kita sa mga tauhan mo sa pamamagitan nang pagsipa sa pwet mo!”

Hindi alam ni Artemis kung matatawa o maiiyak siya habang tinitignan ang lukot na liham sa kamay niya.

Sa buong Florence, si Old Garnette na master niya lang ang may lakas ng loob na sipain siya sa harap ng tauhan niyang nagngangalang Lycantroops.

Ulila na si Artemis. Inabandona siya ng mga tunay niyang magulang sa duyan. Nakita siya ni Old Garnette sa ibabang agos sa isang mabilis na ilog at kinupkop.

Dinala siya nito sa Lion Hill at ginawang disipulo ni Old Garnette. Tinuro niya lahat nang alam niya sa bata at tinuring itong kadugo at sariling anak.

Sa labingwalong taon ng determinasyon at tiyaga sa pagsasanay, naging isang talento si Artemis sa maraming bagay.

Napili si Artemis at ipinadala sa frontline para maglingkod sa bansa noong nagkaroon ng digmaan sa Western Frontline. Mag-isa niyang nilabanan ang isang milyong sundalo gamit at pinugutan ng ulo ang lider ng mga ito gamit ang kamay na bakal kaya nawasak ang kayabangan ang kalaban.

Pinagpatuloy niya ng sampung taon pa ang paglilikod sa bansa pagkatapos siyang makilala sa labanang iyon.

Tinatag niya ang pinaka elite na sundalo sa bansa, ang Lycantroops, gamit ang kanyang sipag at tiyaga.

Mayroong nakatakda sa border ng bansa na isang milyong Lycantroops para ipagtanggol ang bansa.

Nakuha ni Artemis ang titulong Wolf King pagkatapos noon.

Walang kaalam-alam na ipapakasal siya ng kanyang master kapagbumalik siya mula frontline.

Minasahe niya ang kanyang ulo, mukhang walang magawa ang itsura ng mukha niyang kinakatakutan ng marami.

Kakaibang tunay ang kanyang supladong master. Kapag nakapagdesisyon na ang matanda, hindi na ito magbabago pa kahit anong mangyari. Dahil inasikaso na ng matanda ang kasalanang magaganap, wala siyang magawa kundi sumunod sa utos at magpakasal sa Babylon kay Solana Wright.

Lumapag ang eroplano sa Central Airport ng Sumeria pagtapos ng tatlong oras.

Pagkababa niya sa eroplano, malalim na huminga si Artemis. “Mas maganda ang hangin dito kaysa doon sa border na puno ng dugo.”

Nakita niyang maraming taong sabik na nakatingin sa looban nang makalabas ito ng arrival gate.

Nagdagsaan ang mga tao nang malam nilang may importanteng tao na darating sa Babylon, umaasang makikita nila ang taong iyon. Ngunit hindi sila swerte dahil maraming militar ang nakapalibot sa paliparan bilang seguridad.

Para mapanatili ang kaayusan sa paliparan, nagpasyang lagyan ng maraming sundalong nag-iikot ang paligid nito.

Walang pwedeng makapasok kahit ang pinakamayamang tao.

Sa wakas, nakita ni Artemis ang isang pamilyar na mukha, si Martin Taylor, ang Mayor ng Babylon, ng tignan nito ang paligid.

Nang makalabas sa arrival gate si Artemis, nakita siya kaagad ni Martin. Magalang itong yumuko at magalang itong binati, “Wolf King!”

Ngumiti si Artemis. “Martin, tatlong taon na tayong hindi nagkikita. Kamusta ang pagpapagaling mo?”

“Ayos na ako ngayon, Wolf King. Salamat sa pag-aalala mo.”

Utang ni Martin ang buhay niya kay Wolf King kaya naman buong puso niyang ginagalang ang batang Wolf King. Kapitan pa lang na naglilingkod sa Western Frontline si Martin. Biglaang sinugod ng kaaway ang grupong siya ang pinuno noong gumagawa ito ng misyon.

Si Wolf King mismo ang namuno sa isang batalyon ng sundalo para iligtas ang naghihingalong si Martin sa battlefield nang marinig nito ang balita, na tunay ng nagligtas sa buhay nito.

Dahil sa injuries, nadischarge si Martin pagkatapos ng pangyayaring iyon. Nahalal naman itong mayor nang bumalik ito sa Babylon.

Ipinasara ni Martin ang airport para salubingin ang Wolf King ng mabalitaan nitong bibisita ito sa Babylon.

“Sumakay na tayo sa sasakyan, Wolf King.”

Hinudyatan niya ito nang mabuksan ni Martin ang pinto ng Rolls Royce saka pinasakay si Artemis. Nagulat naman ang mga nasa labas ng airport kung paano ito kumilos.

“Nakikita mo ba ang nakikita ko?”

“Ipinasara ni Mayor ang airport para lang salubungin ang kung sinong binata?”

“Magalang na binati at tinanggap ng ating Mayor Taylor, na may mataas na tingin sa sarili. Tunay na kagalang-galang ang lalaking iyon!”

“Galing kaya siya sa isang sikat na pamilya sa Capital, isang young master siguro?”

Habang pinapanood ng hindi mabilang na mausisang mga mata, sumakay si Artemis sa Rolls Royce.

“Wolf King, naghanda ako ng salu-salo para ipagdiwang ang iyong pagdating. Ihahatid na kita…” Nakayuko at magalang na sabi ni Martin.

“Hindi na.” Nakipagkamay si Artemis kaya napatigil si Martin.

“Maari mo ba akong ihatid na lang sa Far Land Cafe, Martin?”

“Sir, anong gagawin mo roon?”

“Isang arranged marriage…” Napasapo na lang si Artemis sa sarili at tinago ang kanyang mukha.

Nalilito at napaikot ang mata ni Martin.

Ano?

Ang lalaking may pinakamataas na atas ng kapangyarihan at karapatan na nangunguna sa isang milyong Lycantroops sa digmaan, ang Wold King, na hindi mabibilang ang halaga ng kayamanan, ay napailalim sa isang arranged marriage?!

Hindi maproseso ni Martin ang kanyang narinig.

Ngunit sinunod na lang nito ang utos at hinatid si Artemis sa Far Land Cafe.

Nasa sentro ng lungsod ang Far Land Cafe kung saan kada pulgada ng lupa ay isang piraso ng gold bar ang halaga.

Sa sentro ng lungsod, hindi nakakagulat na mataas ang gastos pang-araw-araw. Hindi pang karaniwang na tao lamang ang kayang gumastos dito.

Isang babaeng maalindog ang katawan na nakasuot ng puting dress ang naghihintay sa isang lamesa ng isang cafe. Nakatingin ito sa bintana habang may nagyeyelong presensya ang makikita sa nakaka-akit na mata nito.

Tumatagos sa bintana ang sikat ng araw kaya naman matingkad tignan ang mahabang buhok nito na nakasabit sa balikat nito. Mukha itong diyos na galing sa langit, may kaakit-akit na presensya. May itsura ito, maganda ugali, at mayaman, matatawag na perpektong babae sa bawat aspekto. Walang iba kundi si Solana ng mga Wright.

Kinumpara ito ni Artemis sa litratong nasa kamay niya bago ito lapitan.

Itinaas ni Solana ang baba ng mapansing mayroong lalaking papalapit saka mapagmataas na hinusgahan ang itsura ni Artemis saka nagtanong, “Artemis Hill ba ang pangalan mo?”

“Artemis Hill nga,” Tango ni Artemis.

“Ang token, nasaan?” Malamig ang pakitungo ni Solana. Mukhang sinusubukang takutin si Artemis.

Ipinakita ni Artemis ang kalahating piraso ng jade saka pwinwesto sa lamesa.

Kinuha ito ni Solana para tignang maigi bago niya nilapag. “Wag na tayo magpaligoy-ligoy pa. Alam ko na ang detalye tungkol sa’yo. Lumaki ka sa kabundukan simula pagkabata at mahirap ka,” walang emosyong sabi ni Solana.

“Anak ako ng mga Wright, ang CEO ng Lunar Eclipse Corporation! Hindi tayo magkapantay!”

Malamig si Solana at hindi natutuwa. Diyosa siya ng CEO ng Lunar Eclipse Corporation sa Babylon. Wala ito sa mundo ng mahirap na lalaki sa harap nito pero pinipilit ito ng kanyang lolo na pakasalanan ang lalaki.

Bakit?

Nagulat si Artemis.

Naging mahirap ang Wolf King sa salita ng babaeng nasa harap niya, samantalang maraming royalty at mayayaman ang naghahangad na ipakasal ang anak nilang babae rito.

Inisip ni Solana na ang katahimikan ni Artemis ang nagpapatunay ng pagkakaiba sa kanilang pagkakakilanlan at katayuan sa buhay. Mas lalong nahalata ang panlalait at pandidiri sa mata nito.

“Hindi tayo iisa ng mundo kaya hindi ko alam kung bakit gusto ng lolo ko na ipakasal ako sa’yo! Hindi tayo pwedeng ikasal!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status