Share

Kabanata 4

Malakai ang naiba sa reaksyon ni Haris nangsabihin niya, “Ama sa tingin ko hind tama ito.”

Ang noo ni Master Wright ay kumunot nang tumingin siya nang hindi natutuwa kay Haris. “Ang pinakatamang kandidato ay si Artemis. May pumipigil ba?”

“Ako…”

Ang ekspresyon ni Haris ay pumait. Sinabi niya nang mahina, “Ama, ngayon lang nagkakilala si Solana at Artemis kaya hindi pa nila nakikilala ang isa’t isa nang lubusan. Hindi ba basta-basta na lang ang ingat ng arrangement na ito?

“Magparehistro na sila at pagtapos lahat ng oras dito sa mundo ay nasa kanila para magkakilala.”

Dahil siya ang Master ng mansyon, makapangyarihang tunay ang mga salita ni Cyprus. “Napagpasyahan na ang bagay na ito!” Dagdag niya sa makapangyarihang boses.

Buong ‘negosasyon’ ay tahimik lang si Solana. Sumisilip kay Artemis at sumenyales na magsalita na ito.

Napansin ito agad ni Artemis. “Master Wright…”

Pinigilan agad ni Master Wright si Artemis at madiing nagsalitam “Artemis, pamilya na tayo simula ngayon. Kahit lolo na lang ang itawag mo sa akin.”

“Lo…lo.”

Hindi sigurado si Artemis kung matatawa ba siya o maiiyak. Nagpatuloy siya, “Hindi po ata tama ang pagpaparehistro na kasal, sa tingin ko. Dapat ay pagmamahalan ang batayan sa pag-aasawa…”

“Huwag kang mag-alala, Artemis. Si Solana ay mabait na babae. Pinapakinggan ako nito palagi. Papakasalan ka niya hangga’t hindi mo ito tanggihan, “Pinutol muli ni Master Wright ang sinasabi ni Artemis.

“Ama, si Artemis na ang nagsabi na hindi ito tama. Bakit pinipilit mo pang…”

“Manahimik!” Pinagdilatan ng mata ni Master Wright si Haris. Magiliw niya ulit binalingan si Artemis at nagpatuloy, “Anong pinagkakaabalahan mo, Artemis? Ikwento mo sa akin.”

“Ako’y…” Nauutal si Artemis magsalita. Mabilis siyang nakahanap ng dahilan at tumulot, “Lolo, isang oras ang tagal ng pagpaparehistro ng kasal sa dami ng pamamaraan nito. Hindi pa ako hannda. Hindi talaga dapat gawin iyon ngayon.”

“Hindi mo kailangan gagawin iyon!” Sabi ni Master Wright habang kinakaway ang kamay, “Pwede ko iyon ipagawa sa aking mga tauhan at ipakuha ang mga dokumento para sa’yo. Kailangan mo lang pumunta roon para pumirma sa pangalan mo.”

“Mabibigyan kita ng 5% ng Lunar Eclipse shares kung nag-aalala kang wala kang tamang karera. Pero kakailanganin mo munang pakasalanan si Solana ngayon na.”

Parang kidlat na ikinagulat ng lahat ang mga sinabi ni Master Wright.

Nagulantang ang lahat at hindi nakakibo.

5 pursyentong share sa kumpanya!

Nawawala na ata sa katinuan ang matanda!

Nang makabalik sa katinuan ang ibang miyembro ng mga Wright, nagtangka silang kausapin si Master Wright.

“Ama, hindi mo basta-bastang maipapamigay ang shares ng kumpanya. At mas lalong hindi ito tama kaysa sa pag-aasawa biglaan!”

Buo na ang desisyon ni Master Wright. Madiin niyang sinabi, “Habang buhay pa ako, ako ang bahalang magdesisyon sa pamilyang ‘to!”

Ikinagulat ni Artemis ang makakatagan ng ugali ng matanda. Bakit kaya sabik na sabik itong ipakasal ang apo niya?

Sa anong dahilan ng pag-iisip niyang ialok ang 5% na share sa kumpanya niya?

Hindi mapakali ang utak ni Artemis sa sitwasyong ito.

Pwedeng naantig si Artemis sa determinasyon at pagiging tapat ng matanda kung hindi siya papayag na ipagpaliban ang kasal niya kay Solana.

Nag-iisip pa lang si Artemis ng paraan para tanggihan ang kasal at alok ng matanda nang biglang magsalita si Solana, “Lolo, ano man ang sabihin mo ay susundin ko.”

Ikinagulat ni Artemis ang pagbago bigla ng desisyon ni Solana.

Bakit kaya ito pumayag?

Pilit siyang tumututol sa kasal kanina!

Napatawa naman si Master Wright. “Tamo, Artemis, kahit si Solana ay payag na pakasalan ka ngayon. Wala kang kailangang alalahaning kahit ano.”

“Ako’y…” Napatigil sa pagsasalita si Artemis.

Opisyal na kinasal si Artemis at Solana, ilang oras lamang ang makalipas.

“Kasal na ako?” Hindi makapaniwala si Artemis sa nangyari hanggang ngayon.

Kung makarating man ang balita sa mga tauhan niyang Lycantroops na nasa Western Frontline, magugulat ang mga iton kung gaano kanormal at walang kabuluhan ang naging kasal ng Wolf King.

Ngumiti si Master Wright habang nakatingin sa magkatabing Artemis at Solana. “Solana, opisyal na kayong mag-asawa ni Artemis, pwede mo na siya pabalikin sa lugar niyo. Ang pinaka hilinh ko ay makita ang apo ko sa tuhod habang naririto pa ako sa mundo. Magsipag kayong dalawa at punan ang hiling ko. Huwag na ninyo patagalin pa ang paghihintay ko.”

Makikita ang pamumula ni Solana.

Sumakay naman sa Ferrari ni Solana ang dalawa para makaalis na sa Mansyon ng mga Wright.

Nagtanong si Artemis nang nakatingin kay Luna, “Ms. Wright, paanong biglang nagbago ang isip mo?”

“Panloloko lang ang lahat ng iyo,” Malamig na sagot ni Solana.

Ikinagulat naman ito ni Artemis. “Sumang-ayon ka dahil sa 5 pursyento ng shares sa kumpanya ng lolo mo?”

“Hindi ka nagkakamali.”

“Ang tatay ko ang panganay sa kanilang magkakapatid. Siya ang kasunod na dapat mag may-ari ng lahat pero tumututol ang ikalawang tiyuhin ko. Kung madadagdagan ng 5%, magkakaroon tayo nang sapat na kapangyarihan sa board. Kaya kailangan mong magpanggap bilang asawa ko at pakein ang kasal natin.”

Mala-kristal ang mata ni Solana nang tignan niya si Artemis, “Hindi na malakas ang aking lolo, kaya sana ay sumabay ka na lang at itago ito sa kanya.”

“Hanggang tatlo o apat na buwan lang, saka ako hahanap ng dahilan para makipaghiwalay sa’yo. Malaki ang ibabayad ko sa’yo para hindi mo na kailangan pang mag-alala habang buhay.”

Ngumiti na lang si Artemis at nagkibit balikat dahil akala niya ay perperkto ang plano ni Solana.

Hindi ito masyadong kinakabahan. Utos lang naman ng master niya ang dahilan kung bakit siya narito kaya hindi na ito nag-isip patungkol sa plano ni Solana. Tatlo o apat na buwan lang naman ay matatapos na rin ang lahat.

“Sige.” sagot na lang ni Artemis.

Nag-iba ang tingin ni Luna sa kanya dahil sa pagsagot nito. Kahit ang malamig niyang ugali ay medyo umiinit na. Tinapakan niya ang accelerator ng sasakyan at mabilis na pinatakbo paalis ng mansyon ng mga Wright ang sasakyan.

Nasa Wishes’ Waterfront ang mansyon ni Solana.

Ang iilan sa pinakamahal na tirahan ay makikita sa lugar na ito.Makapangyarihan o mayaman lang ang kayang bumili ng property sa Wishes’ Waterfront.

Sa pangunahing lokasyon ng Wishes’ Waterfront, mayroong dalawang palapag na mansyon.

Ang pulang Ferrari ay nagtungo sa pagmamaneho sa harap na porch.

Saka lumabas si Solana ng sasakyan.

“Ito ang bahay ko.”

Nagtungo muna si Solana sa sala at marayang umupo sa couch. Tinignan muna ni Solana si Artemis saka nagsalitang, “Gumawa tayo ng rules dahil mananatili ka rito ng ilang sandali.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status