Kinabukasan, pagkagising ni Artemis, lumabas na ng bahay si Solana.Kumuha siya ng tinapay habang papunta sa opisina.Pagdating niya sa opisina ng Team Five, pinalibutan agad siya ni Fatty Bob at ng iba pa ng lahat ng uri ng pagkain at inumin.Sa isang buong araw, sinundan ni Fatty Bob si Artemis at tinawag siyang 'boss', na mas kilalang kilala kaysa sa tinawag niyang ama.Bago mag clock out, huminto si Solana sa Team Five at tinawag si Artemis palabas.“Artemis, kikitain ko ang mga tao mula sa Business Guild ngayong gabi para pirmahan ang kontrata at makipag hapunan kasama sila. Ikaw na mag ayos ng hapunan."Binigyan ni Solana si Artemis ng pera bago siya umikot sa kanyang takong.Lumingon si Artemis na may hawak na pera at nakita niya si Fatty Bob at ang iba pa na nakatingin sa kanya ng masama.“Anong tinitingin tingin niyo?” Bumalik si Artemis sa kanyang upuan at sinulyapan si Fatty Bob at ang iba pa.“Boss.” Nakangiting lumapit si Fatty Bob. “May alam akong lugar. Bak
“G*go ka! Wolf king ka man o ano sa Western Frontline, wala akong pakialm! Kailangan mong pumunta sa Bablyon para pakasalan si Solana, ang anak ng mga Wright!”“Nangako ako sa lolo niyang papakasalan mo siya noong iniligtas ako nito sampung taon na ang nakakalipas! Tanda ng kasal ang kalahating piraso ng Jade. Nakalagay na rin sa liham ang address ng mga Wright at nakaipit ang larawan at contact number ni Solana. Maari lang na pumunta ka roon at pakasalan ang babae!”“Kapag wala kang dalang malusog na apo sa susunod na taon, ipapahiya kita sa mga tauhan mo sa pamamagitan nang pagsipa sa pwet mo!”Hindi alam ni Artemis kung matatawa o maiiyak siya habang tinitignan ang lukot na liham sa kamay niya.Sa buong Florence, si Old Garnette na master niya lang ang may lakas ng loob na sipain siya sa harap ng tauhan niyang nagngangalang Lycantroops. Ulila na si Artemis. Inabandona siya ng mga tunay niyang magulang sa duyan. Nakita siya ni Old Garnette sa ibabang agos sa isang mabilis na il
Tumawa lang si Artemis.Bilin sa kanya ng master niya na pakasalan ang babae bilang kabayaran sa utang nito. Hindi naman ito tutol sa pagtanggi ni Solana sa kasal dahil ito ang kabilang partido.Pinilit lang din naman siya rito.Mas ginawang kaawa-awa ni Solana ang tono ng boses nito nang mapansing hindi umimik si Artemis. “Alam kong magiging problema mo ang pagtutol sa kasal pero isipin mo ang pagkakaiba natin. Umpisa pa lang, hindi na dapat nagkrus ang landas natin.”“Kung pwede mong pakiusapan na huwag na ituloy ang kasal sa aking lolo, palihim kitang babayaran ng malaki para lang hindi mo na alalahanin ang natitira mong buhay. Kahit kanino ka magpakasal sa bundok at mabuhay na parang importanteng tao. Iwan mo lang akong mag-isa.”“Ngunit…” Tumigil si Solana. Makikita sa mukha niya ang malamig na ekspresyon. Lumamig din ang tono nito nang nagpatuloy, “Kung iniisip mong gamitin ang lolo ko laban sa akin at pilitin akong sumunod sa gusto mo, sinisigurado kong sisirain ko buhay m
Countdown ba ‘yun?!Para saan ito?Nalilitong tumingin ang mga Wright at si Dr. Alex kay Artemis.Makalipas ang ilang segundo, may nagsalita, “Si Master Wright! Tignan si Master Wright!”Ang lahat ay napatingin.Muli, nanginig ang katawan ni Master Crestfall ngunit mas grabe ito kaysa kanina at may tumalsik na itim na dugo galing sa bibig nito. Pagkatapos umubo ng ilang subo ng dugo, kaagad na namutla ang mukha nito. Nalaglag ito sa teak wood na kama at saka nawalan ng malay.Ang mga Wright ay natakot. Napasigaw sila, “Dr. Alex, dali at tignan mo si Master Wright!”“Suriin ko.”Agad na tinignan ni Dr. Alex kung anong nangyari kay Master Wright at ginawa ang lahat ng dapat gawing paraan para masagip si Master Wright.Ngunit kahit anong dami pa ng karayom na itusok nito kay Master Wright wala nangyayari sa kalagayan nito. Kabaliktaran, nagumipsang guluhin ng karayom ang daloy ng dugo ni Master Wright, na naging dahilan ng pagtulo ng maitim na dug sa ilong niya.Pawis na pawis a
Malakai ang naiba sa reaksyon ni Haris nangsabihin niya, “Ama sa tingin ko hind tama ito.”Ang noo ni Master Wright ay kumunot nang tumingin siya nang hindi natutuwa kay Haris. “Ang pinakatamang kandidato ay si Artemis. May pumipigil ba?” “Ako…”Ang ekspresyon ni Haris ay pumait. Sinabi niya nang mahina, “Ama, ngayon lang nagkakilala si Solana at Artemis kaya hindi pa nila nakikilala ang isa’t isa nang lubusan. Hindi ba basta-basta na lang ang ingat ng arrangement na ito?“Magparehistro na sila at pagtapos lahat ng oras dito sa mundo ay nasa kanila para magkakilala.”Dahil siya ang Master ng mansyon, makapangyarihang tunay ang mga salita ni Cyprus. “Napagpasyahan na ang bagay na ito!” Dagdag niya sa makapangyarihang boses.Buong ‘negosasyon’ ay tahimik lang si Solana. Sumisilip kay Artemis at sumenyales na magsalita na ito.Napansin ito agad ni Artemis. “Master Wright…”Pinigilan agad ni Master Wright si Artemis at madiing nagsalitam “Artemis, pamilya na tayo simula ngayon. Ka
“Una: OCD ako at kailangang malinis ang bahay sa anumang oras, at hindi pwede ang paninigarilyo sa mansyon ko.“Pangalawa: Maraming mamahaling gamit ang nakapalibot sa bahay ko at huwag na huwag mo itong gagalawin.“Pangatlo: Sa unang palapag ang kwarto mo at nasa pangalawa naman ang akin. Hindi ka maaring umakyat doon hangga’t di ko sinasabi, kahit ang pagtungtong sa unang baitang ng hagdan ay hindi maari!Nakatingin si Solana kay Artemis gamit ang magandang mata nito at tuloy-tuloy na nagsalita, “Nakuha mo, Mr. Artemis Hill?”Nanginginig ng kaunti ang labi ni Artemis at wala namang magawa ang mga mata nito. Sabi niya sa kanyang puso, “Ganito ba kahirap pakitunguhan ang mga mayayamang babae sa lungsod?’Ngunit, tumango na lang siya at pumayag sa mga rule ni Solana.Huminga na nang maluwag si Solana saka tumayo at nagpunta sa hagdanan.Tumigil siya para tumalikod at magsalitang muli, “Nagpapanggap lang tayo bilang mag-asawa. May karapatan kang makipagdate sa kahit na sino at han
Si Artemis ay pinatalsik ng baton ni Solana sa first floor.Pagkita sa kanyang bra sa lapag at naiisip ang malibog na itsura ni Artemis, napuno ng nandidiring pakiramdam si Solana. Pinulot nito ang kanyang bra at hinagis sa basurahan at nagtungo pabalik sa silid nito, sinara ng padabog ang pintuan at nilock ito.Pabago bago ng pwesto, buong magdamag na hindi makapagpahinga si Solana.Natulog naman ng mahimbing si Artemis.May lalaking nakaupo sa sala pagalis niya ng kwarto niya.Si Harris ang ama ni Solana!Mukhang walang pakialam na nasa tabi ni Solana. Sumigaw si Harris eksakto ng paglabas ni Artemis sa kwarto, “Lumapit ka dito!”Pumunta palapit si Artemis at napaupo sa tapat ng lalaki.Slam!Pinalo ni Harris ang tea table sa tapat niya at sumigaw, “Ikaw bwisit ka, ang tapang mo!”“Tito Harris, pakinggan mo ako. Mayroon lang na hindi pagkakaunawaan kagabi…”Sumabat si Solana bago pa man matapos si Artemis, “Ang mga mata ko mismo ang nakakita nito! Anong paliwanag pa ba a
“Hmmm…”Ang menu ay kinuha Artemis at nagsimulang tumingin.Si Max ay napansin na si Artemis ay seryosong nagbabasa ng menu, medyo tumingin ng naguguluhan at lihim na masaya.Isa ang hotel sa mga pinakamahusay na French restaurant sa mundo. Ang mga chef, ang mga server at maging ang receptionist ay pawang French, kaya kailangang gawin sa French ang mga order ay.Pinalad na nakapasok ang isang mahirap na lalaki mula sa bundok, lalo pa ang matagumpay na umorder ng pagkain dito.Naisip na ni Max ang kahihiyang kakaharapin ni Artemis. Gamit ang malamya na mga galaw ng kamay, ang naiilang na pagbigkas ngunit kahit isang bagay ay hindi pa nakakapag order mula sa menu, magiging pinakanakakatawang clown si Artemis sa kwarto!Sinimulang atakihin ni Max si Artemis. "Kung hindi mo maintindihan, tumigil ka na sa pagarte. Huwag sayangin ang oras namin. Sa labas ng hotel ka na lang kumuha ng kung ano. Talagang isang mas mahusay na pagpipilian ang mga ito."“Hahaha…”Nagpatawa ang kanyang mga