Share

Kabanata 6

Si Artemis ay pinatalsik ng baton ni Solana sa first floor.

Pagkita sa kanyang bra sa lapag at naiisip ang malibog na itsura ni Artemis, napuno ng nandidiring pakiramdam si Solana. Pinulot nito ang kanyang bra at hinagis sa basurahan at nagtungo pabalik sa silid nito, sinara ng padabog ang pintuan at nilock ito.

Pabago bago ng pwesto, buong magdamag na hindi makapagpahinga si Solana.

Natulog naman ng mahimbing si Artemis.

May lalaking nakaupo sa sala pagalis niya ng kwarto niya.

Si Harris ang ama ni Solana!

Mukhang walang pakialam na nasa tabi ni Solana.

Sumigaw si Harris eksakto ng paglabas ni Artemis sa kwarto, “Lumapit ka dito!”

Pumunta palapit si Artemis at napaupo sa tapat ng lalaki.

Slam!

Pinalo ni Harris ang tea table sa tapat niya at sumigaw, “Ikaw bwisit ka, ang tapang mo!”

“Tito Harris, pakinggan mo ako. Mayroon lang na hindi pagkakaunawaan kagabi…”

Sumabat si Solana bago pa man matapos si Artemis, “Ang mga mata ko mismo ang nakakita nito! Anong paliwanag pa ba ang sasabihin mo?!”

Bang!

Pinalo muli ni Harris ang tea table. “Ang isang mahirap na lalaki na lumaki sa bundok ay hindi maaaring hawakan ang aking anak na babae! Prinsesa siya na hindi mo kalebel! Iyan ang tandaan mo! Kagabi ang nagiisang pagkakataon na mangyayari ito! Pag ikaw ay sumobrang muli, dudurugin kita!”

Isang malakas na loob na pagbabanta sa harapan ni Artemis!

Binuklat ni Harris ang briefcase niya at naglabas ng isang set ng mga papeles sa tea table. “Kayo ni Solana ay umaarte lamang! Ang 5% ng shares ng kumpanya ay hindi mo pagmamay ari! Pumirma ka sa pangalan mo dito!”

Si Artemis ay walang pakialam. Wala siyang interes kahit na kung ang buong Lunar Eclipse Corporation ay ibigay sa kanya, paano na lang ang 5% ng shares ng kumpanya. Sa dulo ng lahat binabayaran niya lang ang pabor kaya siya nandito.

Nagiisip, pumirma siya sa kanyang pangalan sa papeles.

Hinablot ni Harris ang mga pirmadong papeles at gusto ng umalis. “Solana, para ayusin ang shares babalik ako sa opisina. Maging mapagmatyag kapag kasama ang hayop na ito. Kukuha ako para sayo ng babaeng bodyguard sa mga susunod na araw.”

Ng nagiwan siya ng babala para sa kanyang anak tinaasan niya ang kanyang boses, na parang gusto itong marinig ni Artemis.

“Naintindihan ko, Ama.”

Ng ang kotse ni Harris ay nawala na sa kanyang paningin, pumunta si Solana sa sala. Pandidiri ang nasa maselan niyang mukha habang nakikita si Artemis nakaupo sa couch. Sa second floor siya umakyat at pumunta sa kanyang kwarto.

Si Beatrice Carat ang kanyang kaibigan ay tinawagan niya at sinabihan sa naganap kagabi.

Sa video call sa kabilang dulo ay merong magandang babae na may oval na hugis na mukha. Seksi na pajama ang kanyang suot na nagpapakita ng kanyang mahaba at makinis na mga binti.

Nalaman na sinubukan nakawin ni Artemis ang bra ni Solana kagabi, si Halle ay naging iritable. “Hmph! Ang tapang niya! Bastos na walang hiya!”

“Mamayang gabi merong tayong karera Solana ha? Dalhin mo kaya siya at ipaalam sa kanya kung paano naglalaro ang mayayaman tulad natin? Pwede namin na subukan durugin ang kanyang kumpyansa at ipaalam sa kanya ang pagkakaiba sa pagitan ninyong dalawa.”

Si Solana ay naintindihan ang makatwirang payo ni Beatrice.

Nagtungo siya sa hagdan at sumilip sa sala ng matapos ang video call. Si Artemis ay nanonood ng balita tungkol sa TV tungkol sa pinakabagong kilos ng militar.

Sobrang taga bundok! Sino pa ba ang nanonood sa TV tungkol sa balitang militar?

Nilibot ng naiinis ni Solana ang kanyang paningin bago magsalita, “Artemis, ngayong gabi sasama ka sa akin.”

Tumingalang nagtataka si Artemis kay Solana at nagtanong, “Papunta saan?”

“Ang mga kaibigan ko ay nagimbita sa akin sa event. Ito ay sa tingin ko magandang pagkakataon para makita mo ang siyudad,” Sinabi ni Solana bago siya magtungo pabalik sa kanyang kwarto.

Makita ang siyudad?

Si Andrius ay ngumisi. Hindi lang ito simpleng paglabas nararamdaman niya.

Pagdating ng dilim, isang angas tignan na Mercedes ang pinalit ni Solana sa kanyang Ferrari at sinundo si Artemis.

Dumating sila sa paanan ng Dragon Tooth Hill ilang sandali pagkatapos. Ang Dragon Tooth Hill ay makikita sa West ng Babylon, na matatagpuan ang pinakasikat na mountain circuit para sa mga karerista.

Nagdadaos ng maraming karera ang lugar sa mga nakalipas na mga taon.

Sa paanan merong engrandeng hotel. Magagarang mga sasakyan ang pumuno sa lugar, gwapong mga lalaki at magagandang babae.

Sa may paradahan ng hotel huminto ang dalawa.

Ng si Solana at Artemis ay bumaba sa sasakyan, isang magandang babae ang dumating—si Beatrice ang kaibigan ni Solana.

Merong suot si Beatrice na puting deep-neckline shirt na nakapares ng hot pants. Ang kanyang nakakaakit na katawan ay kinumpleto ng perpekto sa kanyang pares na suot. Ang kanyang makinis na balat at seksi na mahabang binti ay pumupukaw sa mga mata ng maraming lalaki.

Subalit, ng ang mga lalaki ay nakita ang nanlalamig na itsura ni Beatrice at ang Lamborghini na sinakyan niya, nasiraan ng loob silang lahat at napahinto.

Si Beatrice ay nilapitan si Solana ng merong ngiting malambing. “Solana, ang ganda mo.”

“Tumigil ka na nga sa kakulitan mo Beatrice.”

“Ay hindi. Talagang maganda ka girl!” Niyakap ni Beatrice ang braso nito sa baywang na mapayat ni Solana bago suriin si Artemis.

Tanong niya sa isang mapangasar na ekspresyon. “Ikaw si Artemis kung gayon?“

Si Artemis ay inunat ang kanyang kamay para makipagkamay. “Hi.”

“Hmph.” Si Beatrice ay hindi pinansin ang pakikipagkamay at mayabang na tumingin. “Dito nakatambay ang upper social circle, Artemis. Kahit na subukan mo sa natitirang parte ng buhay mo hindi ka magiging kabilang sa amin! Alamin mo sana kung saan ka maninindigan at huminto na sa maling inaakala mo tungkol kay Solana o mabigat na halaga kang magbabayad!”

Pumasok si Beatrice sa hotel kasama si Solana matapos sabihin ito.

Alam na ni Artemis ang nangyayari sa wakas.

Hindi pamamasyal ang yaya ni Solana sa kanya. Sinama niya ito para maipakita sa kanya ang pagkakaiba nilang dalawa sa halip.

Sinubukan siyang takutin ng ama ni Solana na si Harris kagabi at ngayon ang kanyang kaibigan si Beatrice ay inimbitahan ito para lang mapahiya siya sa isang pagtitipon. Ang mga babae sa siyudad ay mas mahirap harapin kaysa sa mga kalaban mula sa kabila ng border!

Subalit, ang hamon ay tinanggap ni Artemis. Wala siyang dapat ikahiya.

Sinundan ni Artemis si Solana sa ideyang iyon.

Silang tatlo ay nakarating sa third floor hindi nagtagal. Sa isang VIP room sila pumasok at isang grupo ng mga gwapong binata at dalaga ang kanilang nakita. Mamahaling alahas at damit ang suot nila na ipinapakita ang kanilang kayamanan at katayuan sa lipunan.

“Solana, Beatrice, sa wakas nandito na kayo.”

Isang binata ang nakatayo at sumalubong sa mga babae sa kwarto. Siya si Max Stormbrew na hinahangaan ni Solana.

Ng makita si Max napakunot ang noo ni Solana. Napabulong siya kay Beatrice. “Bakit siya ang inimbitahan mo?”

“Panalo si Max ng second runner-up sa nakaraang Grand Prix, Solana. Ako ay sigurado na kaya niyang matalo si Artemis sa karera!” Masayang sinabi ni Beatrice.

Napahinto si Solana. Hindi siya masyadong gusto sa isang babaero na katulad ni Max.

Ang tingin ni Max ay nanlalamig ng nakita niya si Artemis sa likod ni Solana.

"Siya si…"

Tumingin si Beatrice kay Artemis at nagdalawang isip na ipakilala siya, “Siya ang lalaking tinukoy ko sayo, si Artemis.”

Ang nanlalamig na ekspresyon ni Max ay bahagyang lumuwag. Si Artemis ay isang langgam lang na madali niyang durugin para sa kanya, kaya hindi siya nag aalala.

“Isang bagong kaibigan kung gayon. Bigyan natin siya ng pwesto, halika.”

Ng maupo sila, sinabi ng masigla ni Max, “Solana, itong hotel na ito ay binili ng ilang Frenchman at ginawang French restaurant? Sa pagkakarinig ko ang chef ay naghahain ng pinakamahusay na French na pagkain! Ito ay dapat mong subukan!”

Pumitik ang mga daliri ni Max. “Waiter!”

Ang pumasok sa kwarto ay isang matangkad at seksi na French lady. Ang buhok ay blonde, asul ang mata at propesyonal na nakasuot.

Ang mga ibang lalaki sa kwarto ay nabighani sa kanyang mapang akit na itsura at ang kanilang mata ay nakatutok sa kanya. Ang mga babaero ay nakipagrelasyon sa mga babae ng hindi mabilang na beses noon, ngunit hindi pa sila nakatulog kasama ng isang French lady dati.

Binigay kay Max ng French waitress ang menu na gamit ng dalawang kamay.

Si Max ay sumandal sa upuan at sinundan ang rekomendasyon ng chef. Sinubukan niyang umorder sa pangit na French para mapabilib ang kanyang mga kaibigan at seksi na waitress. Sa harap ng kanyang mga kaibigan mahusay siya, pero para sa French waitress, nakakatuwa siya.

Gayunpaman, si Max ay bisita kaya ngumiti na lamang ang waitress at sinubukang maintindihan ang pangit na French niya.

Hinagis ni Max ang menu pagkatapos kay Artemis at walang kabuluhang sinabi, “Kami ay merong patakaran na sinusunod para sa aming mga sarili. Kailangan mong magisa na magorder o ikaw ay hindi magkakaroon ng pagkain.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status