Share

Kabanata 3

Countdown ba ‘yun?!

Para saan ito?

Nalilitong tumingin ang mga Wright at si Dr. Alex kay Artemis.

Makalipas ang ilang segundo, may nagsalita, “Si Master Wright! Tignan si Master Wright!”

Ang lahat ay napatingin.

Muli, nanginig ang katawan ni Master Crestfall ngunit mas grabe ito kaysa kanina at may tumalsik na itim na dugo galing sa bibig nito. Pagkatapos umubo ng ilang subo ng dugo, kaagad na namutla ang mukha nito. Nalaglag ito sa teak wood na kama at saka nawalan ng malay.

Ang mga Wright ay natakot. Napasigaw sila, “Dr. Alex, dali at tignan mo si Master Wright!”

“Suriin ko.”

Agad na tinignan ni Dr. Alex kung anong nangyari kay Master Wright at ginawa ang lahat ng dapat gawing paraan para masagip si Master Wright.

Ngunit kahit anong dami pa ng karayom na itusok nito kay Master Wright wala nangyayari sa kalagayan nito. Kabaliktaran, nagumipsang guluhin ng karayom ang daloy ng dugo ni Master Wright, na naging dahilan ng pagtulo ng maitim na dug sa ilong niya.

Pawis na pawis at namutla si Dr. Alex, nababalisa.

Napagtanto niyang isang malaking pagkakamali ang nagawa nito. Masisira ang pangalan at reputasyon niya dahil dito, at hindi niya rin maibabalik ang buhay ni Master Wright sa pagkakamaling ito.

Dahil sa takot at hindi makapaniwala, bumagsak ito sa sahig habang nanghihina ang kamay at paa nito.

Saka, naalala nito ang sinabi ni Artemis kanina. Agad siyang tumingin dito.

Halos walang reaksyon ang binata sa biglaang pangyayari na lumalabas na inaasahan niya itong mangyari.

Tumayo ang doktor saka lumapit. Humawak sa kamay ni Artemis, nagmamakaawa. “Ikaw, iligtas mo si Master Wright, parang awa mo na!”

Nagulat ang lahat ng mga Wright sa nangyayari.

Habang nakatingin ang mga nagtatakang mata, marahang nagsalita si Artemis, “Sinabi mong may karanasan ka at kwalipikasyong iligtas si Master Wright. Ngayon gusto mong ituwid ko nag gusot na nagawa mo dahil nasa bingit ng kamatayan si Master Wright?”

“Ako…” Sobrang napahiya si Dr. Alex. “Nabulag ako. Ako sana’y patawarin at iligtas mo si Master Wright!”

“Buti naman.”

Sumampa si Artemis sa kama saka tinignan ang naghihingalong matanda.

Si Master Wright ang nagligtas sa master niya noon, kaya hindi niya pwedeng hayaan na malagutan ito ng nininga. Pag nagkataon, sasakalin ito ng master niya hanggang siya naman ang malagutan ng hininga.

Tumingin si Artemis kay Dr. Alex at nagsalita “Mga karayom.”

Binuksan ni Dr. Alex ang bag nito saka kinuha ang tamang karayom.

Hingal na nagtanong si Haris kay Dr. Alex nang makalapit ito, “Dr. Alex, sigurado kang hahayaan mo itong mag-acupunture sa ama ko?”

“Wala na tayong magagawa!” Saka nilabas ni Dr. Alex ang isang set ng bagong karayom at inabot kay Artemis.

Umiling si Artemis. “Kulang ito.”

Nagulat si Dr. Alex. “Karaniwang, ang karayom na ginagamit sa acupunture ay 36 lamang…”

Hindi pinatapos ni Artemis si Dr. Alex at nagsalita, “Nasa hukay na ang paa ni Master Wright. Ang maalamat na Angel’s Pin na ang kakailanganin para iligtas siya.”

Nabigla si Dr. Alex at nanigas.

Parang isang palakpak ng kulog ang tumunog sa tenga niya nang marinig niya ang mga salitang “Angel’s Pin”.

Dahil isa siyang sikat na doktor sa Babylon, alam nito ang mismong paraan ng Angel’s Pin. Kasama ito sa mga nawawalang paraan sa acupunture na ginawa ng mga sinaunang doktor. May nakapagsabi na ang paraang ito ay may kakayahang magbalik ng buhay ng namatay.

Kamalas-malasan, hindi buo ang nakalagay sa sinaunang kasulatan ng pamamaraan. Walang kahit sino ang may alam kung ano o paano gagawin ang paraan ng Angel’s Pin sa isang pasyenteng naghihingalo.

Kaya nagulat ito nang marinig na nais iligtas ng binata si Master Wright gamit ang Angel’s Pin na paraan.

Naglabas pa ng isang rolyo ng pilak na karayo si Dr. Alex at mabilisang binigay kay Artemis.

Kasing bilis ng kidlat ang paggalaw ng kamay ni Artemis. Hinawakan nito ang halos isang dosenang karayom sa kamay at saka nagtusok ng karayom sa katawan ni Master Wright.

Nakanganga si Dr. Alex habang nanonood. Kailangan ng mataas na katiyakan at saktong dammi ng lakas mula sa gumagawa nito, ang acpuncture. Iba kada posisyon at kada karayom at may iba’t ibang lakas. Istrikto ang konsentrasyon at kontrol ng lakas na kailangan sa doktor.

Ilang may karanasang doktor lang ang may kayang gumawa nito pero higit sa lahat may tatlong karayom lang kada pagkakataon.

Ngunit sampung karayom ang ginagamit ng binata nang sabay-sabay.

Himala ito!

At may sumunod pang mas ikinagulat nila.

Malambot man ang kamay ni Artemis pero ito ay sakto. Nakatusok na ang karayom sa katawan ni Master Wright at marahang umalog.

Sa pananaw ng baguhan, mabilis nililipat ni Andrius ang mga daliri nito sa paligid ng karayom pero sa pananaw ng isang propesyonal, ang galaw sa kamay nito ay may angking high-precision at tekikal na galaw.

Pakonti-konting tumitigil ang pagnginig ni Master Wright.

Hindi doktor ang mga Wright kaya hindi ito masyadong nakakagulat sa kanila. Sa tingin nila, simpleng pagtusok lang ng karamoy ang ginagawa ni Artemis sa katawan ni Master Wright pero sa totoo lang ay gumagawa na ito ng himala.

Bumabawi na ang paghinga ni Master Wright pakonti-konti at nakakulay at umayos na rin ang kanyang pamumutla.

Nagising si Master Wright makalipas ang ilang sandali.

Nag-aalalang nagtanong ang kanyang mga anak na lalaki at apo habang lumalapit.

“Ama, kamusta ang pakiramdam mo?’

“Okay ka lang ba?”

“Lolo, kamusta nag palagay mo? Gusto mo bang kumain?”

Alam ni Master Wright na buhay pa siya base sa itsura ng pamilya niya. Nakita niya si Dr. Alex sa gilid at napagtanto agad kung anong nangyari. Sinubukan niyang ngumiti at nagpasalamat sa doktor.

“Salamat, Dr. Alex…”

“Master Wright, hindi ko kinayang iligtas ang buhay mo. Siya ang gumawa ng paraan para maligtas ka.” Itinuro ni Dr. Alex si Artemis nang may sobrang paggalang.

“Artemis? Hahaha! Nakuha ko ang sulat ng master mo noong huling kalahating buwan at simula noon hinintay ko ang pagdating mo!” Saka umupo si Master Wright at masayang nagsalita, “Mabuti naman at nandito ka na, kung wala ka nakipagbatian na ako kay kamatayan!”

“Mabait ka masyado, Master Wright. Reresetahan kita ng ilang gamot. Inumin mo iyon palagi at siguradong gagaling ka agad,” Nakangiting sabi ni Artemis.

“Ayos! Ayos!”

Tinawag naman ni Master Wright ang butler para magpakuha ng papel at panulat.

Nagreseta naman si Artemis ng gamot gamit ito at saka ibinigay kay Dr. Alex. “Dr. Alex, binibilin ko sa inyo ang paggaling ni Master Wright. Umaasa akong gagamitin mo sa tamang ang kasanayan mo sa medikal.”

Sinubukan ni Artemis na iligtas ang reputasyon niya, at alam iyon ni Dr. Alex. Tumango siya bilang pagpayag. “Masusunod, ito ang gagawin ko.”

“Nagpapasalamat ako sa’yo, binata. Patawarin mo sana ako.” May galang at masunuring sabi ni Dr. Alex saka kinuha ang reseta kay Artemis at umalis.

Napatulala na lang ang mga Wright sa nangyari.

“Nagmedical school ka ba?” Nagtatakang tanong ni Haris kay Artemis.

Umiling si Artemis saka sinabing. “Nalaman ko lang ang mga kasanayan sa pagpapagaling sa mga bundok.”

Tsk!

Patagong napamura si Haris sa kanyang dila dahil sa sagot ni Artemis. Kahit man lang medical student si Artemis, pag-aakala nito.

Dahil sa pagtataka nito, sinagot ni Artemis na natutunan niya lang ang mga ito sa kabundukan!

Ang ibig sabihin lang n’un ay swerte lang ang nagpagaling kay Master Wright.

Prong suwerte!

Lalaking may dalang swerte at sa ibang bagay ay walang kwenta. Imposibleng swerte rin ito sa ibang bahagi ng kanyang buhay.

Ganitong lalaki ang mapapangasawa ng kanyang minamahal na anak?

Imposible! Imposible!

Tumingala si Master Wright kay Solana habang nag-iisip ang ama nito ng paraan para palayasin si Artemis.

“Solana, ngayong kilala mo na si Artemis, magparehistro na dapat kayo ng kasal sa lalong madaling panahon.”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Juany Jungao
good novel ......
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status