Share

Kabanata 2

Tumawa lang si Artemis.

Bilin sa kanya ng master niya na pakasalan ang babae bilang kabayaran sa utang nito. Hindi naman ito tutol sa pagtanggi ni Solana sa kasal dahil ito ang kabilang partido.

Pinilit lang din naman siya rito.

Mas ginawang kaawa-awa ni Solana ang tono ng boses nito nang mapansing hindi umimik si Artemis. “Alam kong magiging problema mo ang pagtutol sa kasal pero isipin mo ang pagkakaiba natin. Umpisa pa lang, hindi na dapat nagkrus ang landas natin.”

“Kung pwede mong pakiusapan na huwag na ituloy ang kasal sa aking lolo, palihim kitang babayaran ng malaki para lang hindi mo na alalahanin ang natitira mong buhay. Kahit kanino ka magpakasal sa bundok at mabuhay na parang importanteng tao. Iwan mo lang akong mag-isa.”

“Ngunit…” Tumigil si Solana. Makikita sa mukha niya ang malamig na ekspresyon. Lumamig din ang tono nito nang nagpatuloy, “Kung iniisip mong gamitin ang lolo ko laban sa akin at pilitin akong sumunod sa gusto mo, sinisigurado kong sisirain ko buhay mo!”

Mga banta! Mga bantang nakakabastos sa harap ng Wolf King!

Medyo hindi natuwa si Artemis sa mga sinabi niyo. Wolf King siya, siya ang namuna sa Western Frontline ng higit sampung taon na. Kahit ang mga heneral ng kalaban ay natatakot na marinig lang ang pangalan nito.

Tapos pagbabantaan lang siya ng babae!

Sige lang! Kahit anong mangyari, niligtas ng lolo ng babaeng ito ang kanyang master.

Bumuntong hininga si Artemis saka marahang sinabi, “Deal.”

Humupa naman ang nanlalamig na ekspresyon ni Solana nang marinig nito kung ano ang naging sagot ni Artemis. Sa loob niya, natuwa ito sa lalaki dahil alam nito ang lugar niya.

Nilagay niya ang sunglasses niya saka dinampot ang mamahaling pitaka at tumayo sa inuupuan nito. “Pumunta tayo sa lolo ko. Alalahanin mo, ikaw ang aayaw sa arrangement na meron tayo.”

Lumabas na silang dalawa sa cafe.

Sa presensya na meron si Solana, napapalingon niya ang mga tao habang papalakad sila palabas. Isa itong diyosa na naglalakad sa lugar na puno ng mortal, bihira lang.

Samantalang ang naka-jersey at pantalon na si Artemis ay hindi pinapansin.

Isang maapoy na pulang Ferrari ang nakaparada sa labas ng cafe.

Ng buksan ni Solana ang pinto, mas lalo itong nagmukhang diyosa sa harap ng mga tao.

“Pasok na,” Senyas ni Solana bago sumakay sa driver’s seat.

Muling nagpaalala si Solana nang makapasok at makaupo na si Solana, “Tandaan mo, ang sasabihin mo sa lolo ko ay gusto mong hindi matuloy ang arranged marriage. Wag mong iibahin…”

Ring!

Naputol ang sasabihin ni Solana ng biglang tumunog ang phone nito.

Sumagot naman agad ito, pero nabalot ng pag-aalala ang magandang mukha nito dahil sa pagkikipag-usap sa phone.

“Okay. Pabalik na ako!”

Biniba ni Solana ang tawag saka pinaharurot ang sasakyan.

Napasandal naman si Artemis sa sandalan dahil sa pagharurot ng sasakyan. Nagtaka ito at nagtanong, “Ms. Wright, anong problema?”

Hindi sumagot si Solana.

Tahimik silang nagpunta sa entrance ng Mansyon ng mga Wright.

Saka lang nagsalita si Luna, “Bumalik ang sakit ng aking lolo. Huwag ka munang magsalita mamaya pagpasok.”

Sabay silang pumasok sa mansyon. Nakarating sila sa isang malaking silid pagkatapos ng isang baluktot at mahabang pasilyo.

May tatlong lalaking may katandaan na sa gitna ng silid. Si Haris, Gregory at Dennis, ang mga anak ni Cyprus.

Pinapalibutan nila ang isang sandalwood na kama, at nakahiga sa kamay ang isang matanda, nanginginig nang walang tigil.

Si Cyprus iyon ang master sa bahay.

Nakatabi naman kay Cyprus ang isang pang matanda na may puti na sa buhok, propesyonal tignan at may mga kagamitang medikal na nakatabi rito.

Kinakabahang naglakad papalapit kay Haris si Solana. “Ama, kamusta na si Lolo?”

Malalim na huminga si Haris bago sumagot. “Buti at narito si Dr. Alex. Siya ang gumawa ng lahat para umayos ang kalagayan ng lolo mo…”

Bago pa ito matapos sa pagsasalita nakita nito ang lalaki sa likod ni Solana. Nagtaka ito at napatanong, “Solana, sino siya?”

Tinignan ni Luna si Artemis at nagsalita, “Ama, siya yung sinasabi na lalaki ni Lolo.”

“Siya yun?!” Halatang-halata ang panghuhusga sa mga mata ni Haris.

Kaagad ito nagpadala ng tauhan para alamin at ibackground check si Artemis nang malaman nito na balak ipakasal ng tatay niya ang anak niya sa isang lalaking Artemis ang pangalan.

Gustong ipakasal ng kanyang ama ang kanyang mamahal na prinsesa sa isang mahirap na lalaking sa bundok lang nakatira? Imposible!

Walang pakialam si Artemis sa hindi magandang tingin ni Haris sa kanya. Tumingin na lang ito kay Dr. Alex.

Sikat na doktor si Dr. Alex kaya naman kilala ito sa kanyang karanasan at pamamaraan. Ang kanyang prestihiyosong titulo ay galing sa paglalakbay nito sa buong mundo at kasanayan sa lahat ng uri ng mga pmamaraang panggamot na naging dahilan ng kababalaghan sa kanyang mga pasenste.

Acupuncture ang pamamaraan nito kay Master Wright, isang lunas na ginagawa niya na higit isang dekada na ang nakakalipas habang umiikot sa mundo.

Kamangha-mangha ang kanyang pamamaraan pero kapag siya ay nagkamali, tiyak na mas lalala ang kondisyon ni Master Wright.

Isang mahabang pilak na karayom na kasing manipis ng hibla ng buhok ang inilabas ni Dr. Alex at sa korona ni Master Wright itinutok.

“Kung itutusok mo ‘yan, siguradong hindi magtatagal si Master Wright,” Biglang sabi ni Artemis.

Natigilan at nagulat ang lahat ng naroon sa sinabi nito.

Nakaramdam ng lamig ang kamay ni Dr. Alex. Nagalit at sumigaw ito kay Artemis, “Bobo! Sino ka para magkalakas ng loob na kwestyunin ang kasanayan ko sa medika?”

“Totoo ang sinasabi ko. Anong magkalakas ng loob?”

“Lumobo ang mga ugat ni Master Wright kaya humina ang pagdaloy ng dugo nito. Kung sa ulo mo itutusok ang karayom, magiipon lang ang dugo sa isang tiyak na punto na magiging dahilan ng tuluyang pagputok nito.”

“Kabobohan!” Sigaw ni Dr. Alex, “Anong kabobohan anng sinasabi mo? Ang lakas naman ng loob mo para kumilos nang parang bobo sa harap ko? Kinekwestyon mo ba ang kasanayan ko sa medikal?”

“Kumalma ka, Dr. Alex!” Pinatahimik naman ni Haris kaagad ang lalaki.

Saka siya nakipag-usap kay Artemis, “Bata, Pinakamagaling na doktor si Dr. Alex sa buong Babylon. Pinipilahan siya sa lungsod ng mga pasyente para lang makakuha ng konsultasyon sa kanya! Ano bang meron kang karapatan at kwalipikasyon para pagsalitaan siya ng ganyan?!”

Nagkibit balikat na lang ito saka nagsalita, “Nagsabi lang ako ng paalala. Kayo pa rin naman ang bahala kung susundin niyo o hindi. Basta’t huwag pagsisihan ang desiyon sa huli.”

“Manahimik ka na nga! Kahit sino, pakiusap tanggalin ang bastos na yan sa mansyon!” Sigaw ni Haris.

“Teka lang,” Sabi ni Dr. Alex habang kinakawayan si Haris. “Bakit hindi natin siya hayaang panoorin akong gamutin si Master Wright? Tutal mas magaling naman siya sa akin.”

“Hmpf!” Sagot ni Haris.

Dahil sa kahilingan ni Dr. Alex, pumayag na siya rito. Pina-alis na niya ito kung hindi lang nagsalita si Dr. Alex.

Walang interes si Artemis makipag-away kay Harris. Pinanood na lang nito si Dr. Alex na magpatuloy sa acupunture treatment habang nakasandal sa frame ng pinto.

Kinuha ulit ni Dr. Alex ang karayom, tinutok ito sa apoy para uminit at saka tinusok sa ulo ni Master Wright.

“Oof…”

Mahinang umungol ang matanda nang itusok ang karayom sa ulo nito, pagtapos ay tumigil sa pag nginig ang kanyang katawan. Lumusog naman ang namumutlang mukha nito kanina.

“Oh, Diyos ko!”

“Kahanga-hanga talaga si Dr. Alex!”

“Syempre! Kilala nating lahat si Dr. Alex! Hindi tulad ng iba diyang sinusubukang gumawa ng kalokohan sa harap ng mga tao.”

Hinaplos ni Dr. Alex ang kanyang puting balbas nang walang pakialam habang pinupuri siya. Halos wala na siyang reksyon sa kahit anong papuri dahil nasanay na ito sa mga papuring natanggap niya sa napakaraming buhay na naligtas niya sa buong karera niya bilang doktor.

Tumingin siya muli kay Artemis. “Bata, may gusto ka pa bang sabihin?”

Tumingin si Artemis kay Dr. Alex saka siya nagbilang sa kamay ng limang daliri at ginamit ito bilang pamaypay. “Ito na lang ang araw na itatagal ni Master Wright.”

"Limang araw?!"

Natigilan si Dr. Alex. Napaungol ito, “Bobo ka! Gumagawa ka lang ng drama! Gamit ang accupuncture method ko, napagaling ko si Master Wright! Ilang karagdagang gamot at pahinga lang gagaling na si Master Wright. Anong nagbibigay sayo ng lakas ng loob para magsabi ng kalokohan?”

Hindi ito pinansin ni Artemis at saka niya inumpisahang isara ang daliri niya paisa-isa.

“Five.”

“Four.”

“Three.”

"Two.”

"One."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status