Share

Chapter 5

NIKA

NAGISING AKO pasado alas nuebe na. Mataas na ang araw sa labas, pumapasok na ang sinag sa loob ng kwarto ko. Wala akong pasok ngayon dahil holiday kaya ayos lang na tanghaliin ako ng gising. Pagkatapos ng video call namin ni tatay kagabi ay tinapos ko pang panoorin sa youtube ang limang episode  ng turkish drama.

Ewan ko ba kung bakit hook na hook ako sa panonood ng turkish drama gaya ng pagkahook ko sa korean drama. Magaganda naman kasi at unpredictable ang susunod na mangyayari. Hindi ko kasi masyadon bet ang pinoy drama dahil bukod sa madalas magpapapareho ng storyline, at puro kabitan pa ay madalad predictable ang susunod na mangyayari kaya wala ng thrill.

Niligpit ko ang kumot at pinagpagan ang kutson at unan. Baka makurot ako ni tiyang kapag iniwan kong magulo ang higaan ko. Kinuha ko ang nakahanger na puting tuwalya at pumanaog na.

Pagkatapos kong maghilamos sa banyo tumungo akong kusina at nag timpla ng milo na may gatas. Mayroon namang tasty bread at peanut butter sa lamesa kaya okay na to sa almusal, ilang oras na lang naman tanghaliin na. Di ko nakita si tiyang sa loob ng bahay baka nasa labas sya at nakikipag chismisan na naman. Di pa naman sya papahuli sa mga latest na chika.

Nangangalahati pa lang ako sa mug ko nang pumasok si Jelly na maingay.

"Morning frenny!". Masiglang bati ni Jelly at umupo sa bakanteng upuan.

Kumuha sya ng tasty at nilagyan ng peanut butter at may patirik tirik pa ng mata habang ngumunguya. Babaeng bakla talaga tong kaibigan ko. Feel at home na feel at home pa.

Kung ano ano lang ang pinagkukuwentuhan namin ni Jelly. Tungkol sa university, sa mga classmate namin at prof. Lumipat kami sa sala at doon na itinuloy ang chikahan. Kinuwento din nya yung nangyari nung get together nilang magpipinsan last week. Ngayon na lang kase ulet sya nagawi sa bahay kaya ang daming baon na kwento. Nagkikita naman kami sa university at nag kaka chat pero kung ano ano lang din pinag uusapan namin.

Nagtatawanan kami ni Jelly ng pumasok si Tiyang Sabel na may dala ng supot na puti na may lamang makopa.

"Oh Nika, pinabibigay ni Kuya Pierre mo kanina ng madaanan ako sa tindahan ni Mely." Ani Tiyang Sabel sabay abot sa akin ng supot. Nagbatian pa sila ni Jelly bago sya tumungo sa kusina.

Nagregodon na naman ang puso ko pagkarinig sa pangalan ng lalaking isang linggo ng laman ng isip ko.

Binuksan ko ang supot at sinilip ang makopa, pulang pula ang mga ito at makintab pa. Naramdaman ko ang pagtutubig ng aking bagang. Kinagat ko ang labi para pigilan ang ngiting gustong kumawala.

Isang linggo na rin ang lumipas mula ng mangyari ang insidenteng yon. Pinuntahan pa ako dito ni Kuya Pierre kinabukasan at tsinek ang mga sugat ko. Napag alaman ko rin na isa pala syang  mekaniko at pag aari nya ang bagong bukas na auto repair shop sa may kanto. 31 years old na sya at single pa ayun na rin sa chikahan nila ni Tiyang Sabel. Bahagya akong nanlumo. Ang laki pala ng agwat ng edad namin pero keribels lang, age doesn't matter ika nga atleast single pa sya at libreng pagnasaan - este pangarapin. 

Parang gusto ko tuloy mag lakad lakad minsan hanggang sa kanto. Maglakad na lang kaya ako papuntang bayan dun na lang ako sasakay pag pagpasok.

Napangiti na ako ng tuluyan sa naiisip.

Nag angat ako ng tingin at nabungaran ko sa Jelly na nakataas ang isang kilay at may mapanuring tingin. Palipat lipat ang mata nya sa supot ng makopa at sa akin.

"Baket?" Inosente kong tanong.

"Anong baket? May hindi ka ikinukwento sa akin frenny. Ano yun ha?" Lumapit pa sya sa akin.

"Anong ano yun?" Painosente kong tanong pabalik at iniiwas ang tingin habang inaamoy ang makopang hawak at  idinikit ko pa sa ilong.

"Sino si Pierre at ganyan ang ngiti mo ha?" Tsismosang tanong ni Jelly. Dapat sila talaga ni Tiyang Sabel ang makadugo eh. Natumbok nya agad ang nangyayari sa akin. O sadyang kilala lang nya ang bawat kilos ko.

"Wala.. costumer lang ni tiyang yon.." Nakangusong sabi ko.

"Talaga? E ba't ka binigyan ng makopa? Nanliligaw sa'yo yun noh?" Sinundot nya ako sa tagiliran at pinanlakihan pa ng mata.

"Hindi ah! Mabait yun si kuya Pierre tsaka para ko ng kuya yun." Bahagya pa akong napasimangot. 

"Pero crush mo?" Giit pa ni Jelly.

"H-Hindi ah!" Namula ang pisngi ko sa tinanong nya at ngumuso pa.

"Suus! Eh ba't namumula ka?" Tudyo pa nya na nakangisi na.

"Eh mainit eh! Tsaka wag ka ng makulit dyan. Di yun nanliligaw at di ko yun crush. Period!". Tigas tanggi ko pa sabay irap sa kanya.

"Ok, sabi mo eh". Pagkibit balikat nya pero halatang di naniniwala sa sinabi ko.

Tumahimik na lang ako at ibinalik na sa supot ang makopa. Mamaya titirahin ko yan. Wag lang sanang manghingi si Jelly.

Kinuha ko ang phone ko at inabala na lang ang sarili sa pag scroll sa social media para makatakas sa mapanuring tingin ng kaibigan.

"Gwapo ba?"

"Hmm? Sino?" Tanong ko.

"Yung Pierre. Gwapo ba?" Tumaas taas pa ang kilay nya. Eto na naman sya. Akala ko tapos na.

"Hmm oo.. sakto lang". Pagkibit balikat ko at itinukod ang mga siko sa tuhod ko habang di inaaalis ang tingin sa screen.

Mahanap nga ang f* kuya Pierre. Siguro naman may f* sya.

"Pakilala mo ko frenny!" Ani Jelly. Dumikit pa sya sa akin na may malaking ngiti.

"At baket?" Bahagya pang tumaas ang boses ko ng di sinasadaya. Mukhang di naman nya napansin. Nakaramdam ako ng pagka disgusto sa sinabi nya.

"Baka matype-an ko at matype-an din ako. Alam mo na, isang buwan na rin akong single at tigang." Kinikilig na sabi nya. Humagikgik pa sya na parang bata.

Tinaasan ko sya ng kilay at sinimangutan sa sinabi niya. Kahit kailan talaga tong kaibigan ko talande.

"Di mo matatype-an yun!" Nakanguso ko pang sabi.

"At bakit hindi? Sabi mo gwapo?" Tinaasan din ako ng kilay ni Jelly at pangisi ngisi pa tila nanuknukso.

"Oo nga, pero matanda sa atin yon. 31 years old na sya. Higit isang dekada ang tanda nya sa atin. Parang kuya na natin yun." Paliwanag ko pa sa kanya para matigil na.

Imposible talaga na magustuhan kami ni Kuya Pierre. Sa laki ng agwat ng edad namin ay paniguradong kapatid lang ang tingin nya sa akin.

"Ay bet! Never pa akong nagka jowa ng nasa trenta na ang edad. Sabi nila mas masarap daw jowain ang mga lalaking malaki ang agwat ng edad sa'yo. Mga matured na daw sila magisip at mas maalaga at higit sa lahat mas marami ng experience sa kama. Pakilala mo na ako dali!". Hinatak hatak pa ni Jelly ang braso ko at tila excited na makilala ang lalaki. 

Nakakaramdam na ako ng inis sa kaibigan ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng inis sa kanya. Di ko gusto ang pinupuntahan ng usapan namin tungkol kay kuya Pierre. Tila kinukurot ang puso ko sa posibleng  magka crush din sya sa lalaki pag nakita nya ito.

"Para na nga nating kuya yun eh!" Hirit ko pa sa kaibigan.

"E di maganda! Para maiba naman ang iuungol ko pag nagkabakbakan na kami sa kama. 'Kuya wag po.. Ah kuya dahan dahan lang.. ugh kuya wag dyan may kiliti ako dyan, wag dyan basta relaks ka lang, may kiliti ako dyan ayayay!" Pakanta nya sa huli at gumiling pa na parang bulate.

Muntik na tuloy akong matawa kung hindi lang nangingibabaw na ang inis ko.

"Jel tumahimik ka na nga!" Nabwisit na ako at di ko na napigilang taasan sya ng boses.

"Oh gagalit yarn?" Kunwaring napahawak pa sya sa dibdib.

Nagulat ako sa naging reaksyon ko at napakurap kurap ng mata at pilit hinahamig ang sarali para kumalma at di masabunutan ang kaibigan.

"I-ikaw kasi ang kulit mo eh." Mahinahon nang sabi ko sa kanya at napakamot na lang sa ulo.

"Suuuuss! Nagbibiro lang ako frenny no. Ano ka ba! Ang kay Nika ay Kay Nika, di pwedeng kunin ng iba. Kaya wag ka nang magselos nagbibiro lang ako". Tatawa tawa pang sabi nya.

"A-Anong nagseselos? Pinagsasabi mo dyan?" Medyo humupa na ang inis na nararamdaman ko dahil sa sinabi nya.

"Aminin mo na kase na crush mo yung Pierre na yun, ay mali! Parang hindi na simpleng crush lang, sa reaksyon mo kanina gustong gusto mo na yung Pierre na yon. Gagalit ka agad eh." Sabay tawa nya ng malakas na ikinasimangot ko ng husto.

Namula naman ang mukha ko sa mga sinabi nya at di na makasagot. Naging masyado yata akong obvious.

"Oh ayan ang mukha mo oh! Pulang pula parang makopa!" Sinundot sundot pa nya ang namumulang pisngi ko.

Lalo namang naginig ang mukha ko at hinawakan ang pisnging sinundot nya.

"Di na nakasagot, silence means yes. Ayiehh! In love na si frenny!" Hirit pa ni Jelly sa pagitan ng pagtawa.

Tsk! Ganoon na ba ako ka obvious?

Wala talaga akong maililihim sa kaibigan ko. Kaya wala na akong nagawa kundi umamin sa kanya. Kilig na kilig naman sya nang ikwento ko ang nangyari sa amin nung nakaraang linggo. Humirit pa sya na ipakilala ko daw para makilatis. Inaasar lang pala niya ako kanina para umamin. Pinakiusapan ko naman sya na wag sabihin kay Tiyang Sabel at baka makurot ako sa singit.

Sana i-crush back din ako ni Kuya Pierre. Piping hiling ko.

Naubos namin ang oras ni Jelly sa pag chichikan tungkol sa mga crush crush, atleast may ambag na ako ngayon.

******

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status