Share

Chapter 11

Nika

TINANGGAL ko ang airpods na nakapasak sa tenga ko ng makitang alas diyes na pala ng umaga. Sinuksok ko sa bulsa ng shorts ang cellphone ko. Binalik ko ang mga notes sa bag at lumabas ng kwarto para makapag saing na para ulam na lang ang lulutuin ni tiyang pag uwi galing palengke. Ala una y media pa naman ng hapon ang klase ko.

Di pa man ako makababa ng hagdan ay parang narinig ko ang boses ni tiyang sa labas. Nakauwi na pala sya. Tinungo ko ang malaking bintanang bukas at dumungaw sa baba sa labas. Nakita ko si tiyang na may hawak na asul na galon na wala ng laman at pinukpok sa ulo ang pobreng si Mang Gabo.

"Grabe ka naman Sabel! Di pa nga tayo ina-under mo na ako. Aray ko!" Tatawa tawang hinimas ni Mang Gabo ang ulo.

"Anong tayo? Walang tayo! Hindi magiging tayo damuho ka!" Hahampasin pa sana ni tiyang si Mang Gabo ng galon pero mabilis itong nakailag. Natatawa na lang ang boy na kasama ni Mang Gabo pati na rin ang ilang miron na naroon at nanonood sa kanila.

"Paano magigi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status